Search Header Logo
FILIPINO 5 - PAGBABALIK-ARAL (WIKA)

FILIPINO 5 - PAGBABALIK-ARAL (WIKA)

Assessment

Presentation

World Languages

5th Grade

Medium

Created by

miracle detera

Used 6+ times

FREE Resource

20 Slides • 16 Questions

1

PAGBABALIK-ARAL (WIKA)

FILIPINO 5

Slide image

2

MGA PAKSA

  • Pang-ugnay (Pang-angkop, Pang-ukol, Pangatnig)

  • Bahagi ng Pangungusap

  • Ayos ng Pangungusap

  • Gamit ng Pangungusap

  • Kayarian ng Pangungusap

3

PANG-UGNAY

Mga salita o katagang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap.

4

Pang-angkop

  • Nag-uugnay ng salitang naglalarawan at salitang inilalarawan.

  • -ng, at na

  • magandang dalaga, malaking tahanan, malayang bansa

  • huwarang anak, damdaming umaalab, tindahang bukas

  • masarap na ulam, mahal na hari, mabilis na paraan

5

Pang-ukol

  • Nag-uugnay ng pangngalan sa pangungusap

  • tungkol sa/kay, para sa/kay, batay sa/kay, hinggil sa/kay, ayon sa/kay

  • Ayon sa balita, isang bagyo ang papasok sa ating bansa.

  • Ang inihanda niyang pagkain ay para sa kanyang anak.

  • Kami ay nag-aaral tungkol sa wika.

6

Pangatnig

  • Nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod sa pangungusap.

  • at, o, pati, saka, maging, ni, dahil, sapagkat, kaya, upang, kung, kapag, bagaman, ngunit, kundi, at iba pa.

  • Nakatulog na ako at nakapahinga.

  • Matalino siya ngunit maraming naglalabasang masamang balita tungkol sa kanya.

  • Hindi ka babagsak kung mag-aaral ka.

7

Pang-ugnay

Tukuyin ang angkop na pang-ugnay sa bawat bilang.

8

Multiple Choice

Ang hustisya ay mabilis___nakuha ng pamilya.

1

na

2

-ng

9

Multiple Choice

Ang mabuti___hari ay tapat sa nasasakupan.

1

na

2

-ng

10

Multiple Choice

Ang planong binuo ay _____ mga mamamayan.

1

ayon sa

2

para sa

3

hinggil sa

11

Multiple Choice

Bumagsak ang kaharian ____ sa kanyang kapabayaan.

1

ngunit

2

kapag

3

dahil

12

Multiple Choice

Uunlad tayo ____ tayo ay magkakaisa.

1

kung

2

kaya

3

sapagkat

13

Bahagi at Ayos ng Pangungusap

Simuno at Panaguri

Karaniwan at Di Karaniwan

14

Bahagi ng Pangungusap

  • Simuno - pinag-uusapan sa pangungusap, ito ay maaaring pangngalan o panghalip, gumagamit ng palatandaang ang, ang mga, si, o sina.

  • Panaguri - naglalarawan sa simuno, maaaring pandiwa(kilos), o pang-uri at pang-abay (naglalarawan), madalas makikita pagkatapos ng "ay"

  • Siya ay masayang naglalakad.

  • Pupunta kami sa tindahan.

15

Ayos ng Pangungusap

  • Karaniwang Ayos - Nauuna ang panaguri bago ang simuno. Walang "ay."

  • Di karaniwang Ayos - Nauuna ang simuno bago ang panaguri. Mayroong "ay".

  • Siya ay masayang naglalakad. - Di Karaniwan

  • Masaya siyang naglalakad. - Karaniwan

16

Bahagi at Ayos ng Pangungusap

Tukuyin ang bahagi at ayos ng pangungusap. Ibigay ang hinihingi sa bawat tanong.

17

Multiple Select

Kumpletuhin ang pangungusap at tukuyin kung anong bahagi ang nawawala sa pangungusap:


Ang masayang mag-anak________.

1

ay laging nag-uusap

2

ay laging nag-aaway

3

SIMUNO

4

PANAGURI

18

Multiple Select

Kumpletuhin ang pangungusap at tukuyin kung anong bahagi ang nawawala sa pangungusap:


Hindi maayos ______ kung hindi tayo mag-uusap-usap.

1

ang problema

2

ang solusyon

3

SIMUNO

4

PANAGURI

19

Multiple Choice

Tukuyin ang kabaliktarang ayos ng pangungusap na nasa ibaba:


Palagi naming inaayos ang aming mga problema.

1

Ang aming mga problema ay palagi naming inaayos.

2

Inaayos namin palagi ang aming mga problema.

20

Multiple Choice

Tukuyin ang kabaliktarang ayos ng pangungusap na nasa ibaba:


Tandaan mo, ang bawat problema natin ay may solusyon.

1

Dapat mong tandaang ang bawat problema natin ay may solusyon.

2

Iyong tandaan, may solusyon ang bawat problema natin.

21

Gamit ng Pangungusap

Pasalaysay

Pautos

Pakiusap

Patanong

Padamdam

22

Gamit ng Pangungusap

  • Pasalaysay - nagsasalay, nagkukuwento, naglalahad

  • Ang aming pamilya ay masaya.

  • Pautos - nag-uutos

  • Igalang mo ang iyong magulang.

  • Pakiusap - nakikiusap, (maaari, pwede, paki-+ kilos)

  • Pakikuha naman ang aking bag.

  • Maaari bang igalang mo ang iyong magulang?

23

Gamit ng Pangungusap

  • Patanong - nagtatanong (ano, saan, sino, kailan, bakit, paano, at iba pa)

  • Anong sikreto mo sa buhay?

  • Padamdam - nagpapakita ng masidhing damdamin (gulat, lungkot, saya, galit, at iba pa)

  • Aray! Ang sakit ng paa ko.

24

Gamit ng Pangungusap

Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa hinihinging pagkakagamit nito.

25

Multiple Choice

Nakita mong nag-aaway ang iyong makapatid.

Ano ang iuutos mo sa kanila para sila ay huminto na sa pag-aaway?

1

Naku! Isusumbon ko kayo!

2

Pwede bang itigil na ninyo iyan?

3

Itigil ninyo iyan at mag-usap kayo nang maayos.

26

Multiple Choice

Napakaganda ng parkeng pinasyalan ninyo noong nakaraang bakasyon.

Paano mo ito ikukuwento sa iyong kaibigan?

1

Uy! Nakapunta ka na ba sa Manila Ocean Park?

2

Mamasyal kayo sa Manila Ocean Park at siguradong hindi ka magsisisi.

3

Alam mo, ang ganda ng Manila Ocean Park.

27

Multiple Choice

Kayo ay namimili sa mall nang ikaw ay maligaw. Sa huli ninyong pag-uusap, kinakailangan ninyong magkita sa Food Court pero hindi mo alam kung nasaan ito.

Anong sasabihin mo sa mga tauhan ng mall upang malaman mo kung nasaan ang Food Court?

1

Saan po makikita ang Food Court dito?

2

Maaari niyo po ba kong tulungang makita ang mga kasama ko?

3

Naliligaw po ako.

28

Kayarian ng Pangungusap

Payak

Tambalan

Hugnayan

Langkapan

29

Kayarian ng pangungusap

  • Payak - 1 kaisipan

  • Tambalan - 2 kaisipan (2 payak na pangungusap) - at, o, pati, saka

  • Hugnayan - 1 sugnay na makapag-iisa(punong kaisipan) at isang sugnay na di makapag-iisa (katulong na kaisipan) - dahil, kaya, kung, kapag, sapagkat, subalit, nang

  • Langkapan - 2 sugnay na makapag-iisa(pinagdudugtong ng at, pati, o, maging, saka) at isang sugnay na di makapag-iisa - dahil, kaya, kung, kapag, sapagkat, subalit, nang

30

Kayarian ng pangungusap

  • Payak - Si ate at kuya ay masunurin at masipag.

  • Tambalan - Si ate ay masunurin at si kuya naman ay masipag.

  • Hugnayan - Si ate at kuya ay masunurin dahil pinalaki silang maayos ng aming mga magulang.

  • Langkapan - Si ate ay masunurin at si kuya naman ay masipag dahil pinalaki silang maayos ng aming mga magulang.

31

Kayarian ng Pangungusap

Tukuyin ang kayarian ng sumusunod na pangungusap.

32

Multiple Choice

Marami sa amin ang lumaki sa hirap at natuto kaming mamuhay nang mag-isa sa buhay.

1

Payak

2

Tambalan

3

Hugnayan

4

Langkapan

33

Multiple Choice

Ang mga bata ay masayang naglalaro at gumuguhit sa papel.

1

Payak

2

Tambalan

3

Hugnayan

4

Langkapan

34

Multiple Choice

Kung alam mo lang ang hirap namin, hindi mo nanaising umalis sa inyong bahay.

1

Payak

2

Tambalan

3

Hugnayan

4

Langkapan

35

Multiple Choice

Nang dahil sa pandemyang ito, marami ang nanatili sa kanilang tahanan at nakasama nila nang matagal ang kanilang minamahal sa buhay.

1

Payak

2

Tambalan

3

Hugnayan

4

Langkapan

36

WAKAS

Ang gawaing ito ay maaari ninyo muling magamit. Hintayin lamang ang post sa Google Classroom.

PAGBABALIK-ARAL (WIKA)

FILIPINO 5

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 36

SLIDE

Discover more resources for World Languages