

IBONG ADARNA ARALIN 7
Presentation
•
Education
•
7th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Maricho Barrit
Used 6+ times
FREE Resource
24 Slides • 0 Questions
1
IBONG ADARNA ARALIN 7
FILIPINO 7

2
Kabanata 41: Ang Pagbawi kay Don Juan (Saknong 1450 – 1472)
3
Sinalubong ng tugtugan ang pagdating ni Maria Blanca na nagpapanggap bilang emperatris. Panandaliang hininto ang kasal upang parangalan ang pagdating ng mahalagang bisita.Labis na pighati ang nararamdaman ni Maria Blanca dahil nasisilayan niya si Don Juan na nakatuon ang pansin kay Prinsesa Leonora. Ipinaalam ni Maria Blanca ang pakay niya sa pagdalo ng kasal na iyon.
4
Aniya may hinanda siyang laro na nais ipakita bilang handog sa ikakasal. Humiling siya ng prasko na may lamang tubig sa kaniyang diyamanteng singsing.
Biglang may sumulpot na prasko na may nakalagay na dalawang maliliit na ita.
5
Kabanata 42: Ang Dula-Dulaan (Saknong 1473 – 1541)
6
Ang dalawang ita sa prasko ay mag-asawa. HInahampas ng negrita ang negrito gamit ang pamalo sa tuwing hindi nito naaalala ang mga pangyayari.
Sa pamamagitan ng dula ay isinasalaysay nito ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo.
7
Mula sa pagpapatanim ng trigo at paggawa ng tinapay gamit ang bunga nito, paglipat ng bundok sa tapat ng durungawan ng Palacio Real, pagtatayo ng kastilyo, ang paghahanap sa nawawalng singsing ng hari, ang pagpapaamo sa kabayo, at ang pagpili sa tatlong prinsesa.
Pinapalo ng negrita ang negrito ngunit si Don Juan ang nasasaktan.
8
Kabanata 43: Ang Pagpaparusa kay Don Juan (Saknong 1542 – 1579)
9
Sa kabila ng pagpapalabas ng dula ay hindi pa rin makaalala si Don Juan sa halip ay mas lalo pa itong nawili kay Prinsesa Leonora.
Ipinagpatuloy ng dalawang ita ang dula at isinalaysay nito ang pagtakas noon ng dalawa kay Haring Salermo. Upang di maabutan ng hari ay ginamit ni Maria Blanca ang kapangyarihan ng diyamanteng singsing.
10
Isinalaysay din nito ang mga pangyayari nang sila ay makabalik na sa kaharian ng Berbanya. Wala pa ring maalala ang negrito kaya patuloy itong pinaghahampas ng negrita. Nasasaktan si Don Juan ngunit binabalewala lang niya ito dahil sa Prinsesa Leonora ang nananatili sa puso ng prinsipe.
11
Naiyak si Maria Blanca dahil batid nitong tuluyan ng nakalimot si Don Juan. Kinuha ni Maria Blanca ang prasko at babasagin na niya ito upang gunawin ang buong reyno.
12
Kabanata 44: Ang Pagbabalik ng Alaala ni Don Juan (Saknong 1580 – 1680)
13
Sa isang iglap ay biglang nagbalik ang lahat ng alaala ng prinsipe. Agad itong humingi ng tawad kay Maria Blanca at nangakong hindi na muli ito magtataksil.
14
Noon din ay nalaman ni Don Fernando ang lahat ng totoong pangyayari. Naguguluhan ang hari kung ano ang nararapat na gawin lalo na kung kanino dapat ipakasal si Don Juan.
Humingi ito ng tulong sa Arsobispo. Ayon sa Arsobispo, higit na may karapatan kay Don Juan ang nauna.
15
Labis na nagdamdam si Maria Blanca at nagalit kaya binuksan nito ang prasko at ibinuhos ang lamang tubig dahilan kung bakit bumaha sa palasyo. Nakiusap si Don Juan kay Maria Blanca na pahintuin ang pagbaha at nangakong hindi na muli ito makakalimot.
Nakiusap din siya sa kaniyang ama at sa Arsobispo na ipakasal ito kay Maria Blanca. Nagtapat si Don Juan kay Prinsesa Leonora na si Maria Blanca ang totoo niyang iniibig at nakiusap na tanggapin ang pag-ibig na laan ni Don Pedro.
16
Nang mga oras na iyon ay ninais ni Don Juan na makasal sila ni Maria Blanca.
17
Kabanata 45: Ang Masayang Yugto (Saknong 1681 – 1692)
18
Naging makatuwiran si Haring Fernando at pinili kung ano ang nararapat. Ipinakasal ng hari si Don Juan kay Maria Blanca. Wala namang nagawa si Prinsesa Leonora kundi tanggapin ang kapasyahan ng hari.
19
Nais ni Don Fernando na ipamana ang kaharian ng Berbanya kay Don Juan ngunit sinabi ni Maria Blanca na ipagkaloob nalang ito kay Don Pedro sapagkat pamumunuan ni Don Juan ang Reyno delos Cristales.
Binasbasan ng Arsobispo si Don Pedro bilang hari at si Prinsesa Leonora bilang Reyna ng Berbanya.
Pagkatapos ng kasal nina Don Juan at Maria Blanca ay nagpaalam na ang mga ito upang magbalik sa Reyno delos Cristales.
20
Kabanata 46: Ang Hari at Reyna ng Reyno Delos Cristales (Saknong 1693 – 1717)
21
Ipinagtaka ni Don Juan ang mabilis na pagdating nila sa Reyno delos Cristales. Kung ang una niyang paglalakbay ay inabot ng isang buwan ngayon naman ay nakarating sila sa kaharian sa loob ng isang oras.
22
Matagal-tagal na din mula ng yumao ang amang hari at ang kaniyang mga kapatid na prinsesa. Nasa pamumuno man ng iba ang kaharian ay nanatili itong mapayapa.
Masayang tinanggap ng mamamayan ng reyno ang pagdating ni Maria Blanca bilang bagong reyna. Ang mga isinumpa ni Haring Salermo ay nakalaya na.
23
Nagkaroon ng isang malaking piging sa kaharian at nagpahayag si Maria Blanca na si Don Juan na ang bagong hari ng kaharian.
Siyam na araw na nagdiwang ang kaharian. Mas lalo pang umunlad ang Reyno delos Cristales dahil sa magandang pamamalakad ng hari at reyna.
24
Nais ni Don Fernando na ipamana ang kaharian ng Berbanya kay Don Juan ngunit sinabi ni Maria Blanca na ipagkaloob nalang ito kay Don Pedro sapagkat pamumunuan ni Don Juan ang Reyno delos Cristales.
Binasbasan ng Arsobispo si Don Pedro bilang hari at si Prinsesa Leonora bilang Reyna ng Berbanya.
Pagkatapos ng kasal nina Don Juan at Maria Blanca ay nagpaalam na ang mga ito upang magbalik sa Reyno delos Cristales.
IBONG ADARNA ARALIN 7
FILIPINO 7

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 24
SLIDE
Similar Resources on Wayground
18 questions
Équations
Presentation
•
7th Grade
17 questions
El verbo
Presentation
•
7th Grade
17 questions
aula29_6ano_PL
Presentation
•
6th Grade
20 questions
Polynomials and Polynomial Functions
Presentation
•
10th Grade
17 questions
Razão e Proporção
Presentation
•
7th Grade
14 questions
O círculo e a circunferência
Presentation
•
7th Grade
21 questions
Przystawanie trójkątów
Presentation
•
7th Grade
18 questions
Séance 7 et 8
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
10 questions
5.P.1.3 Distance/Time Graphs
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Fire Drill
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
School Wide Vocab Group 1 Master
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade