

Panapos na Pagtatasa sa Pagbasa
Presentation
•
Other
•
5th Grade
•
Medium
vicky Sarmiento
Used 2+ times
FREE Resource
13 Slides • 23 Questions
1
Panapos na Pagtatasa sa Pagbasa
Baitang 5

2
“Iwas-Dengue”
Malaki ang nagagawa ng kalinisan ng kapaligiran sa kalusugan ng tao. Ang mga nakatambak na basura, marurumi at madidilim na sulok, mga naipong tubig-ulan, at mga baradong kanal ay mga lugar na pinamumugaran ng mga insekto at hayop na may mikrobyo na nagdudulot ng sakit. Isa na rito ang sakit na dengue na mabilis na lumalaganap tuwing panahon ng tagulan. Ito ay nagmumula sa kagat ng lamok na kung tawagin ay aedes aegypti.
3
-
Ang uri ng lamok na ito ay sa araw nangangagat. Nangingitlog ito sa malilinis at nakapirming tubigan.May guhit na itim at puti sa katawan ang mga lamok na ito. Maraming paraan upang maiwasan ang sakit na dengue. Panatilihing may takip ang anomang lalagyan ng tubig.
4
-
Tanggalin ang mga bagay sa paligid na maaaring imbakan ng tubig-ulan tulad ng mga lumang gulong, bote, o lata. Linisin ang mga baradong alulod ng bahay. Palitan din araw-araw ang mga tubig sa plorera upang hindi mamahay ang mga lamok dito. Walisan ang lahat ng sulok ng bahay at kapaligiran .
5
Multiple Choice
Ano ang itsura ng lamok na Aedes Aegypti?
A. May bilog-bilog na puti sa katawan.
B. May guhit na itim at puti sa katawan.
C. May guhit na paliko-liko sa katawan.
D. May guhit na mahaba sa katawan.
6
Multiple Choice
Bakit dapat tanggalin ang mga bagay sa paligid na maaaring imbakan ng tubig-ulan?
A. Dahil dito naninirahan at nangingitlog ang mga lamok.
B. Dahil dito kumukuha ng mga pagkain ang mga lamok.
C. Dahil dito nag-aabang ang mga lamok ng kakagatin.
D. Dahil dito naiipon ang palaka na kumakain ng lamok
7
Multiple Choice
Paano nagdudulot ng sakit ang maruming kapaligiran?
A. Dahil dito namamalagi ang mga palaka na kumakain ng lamok.
B. Dahil dito namumuhay ang mga insekto na may dalang mikrobyo.
C. Dahil dito pumapangit sa paningin ang ating kapaligiran.
D. Dahil narito ang mga insekto na nagpaparami ng bulaklak.
8
Multiple Choice
Bakit lumalaganap ang sakit na dengue tuwing tag-ulan?
A. Dahil sa panahong ito maraming mga basang lugar kung saan nangingitlog at nagpaparami ang lamok
B. Dahil maraming mga bata ang gustong-gustong maligo sa ulan kapag panahon ng tag-ulan.
C. Dahil maraming lumalabas na mga lamok kapag umuulan at pumapasok sa mga bahay-bahay.
D. Dahil maraming maruruming lugar ang pinapasok ng tubig-ulan at binabaha sa panahon ng tag-ulan.
9
Multiple Choice
Ano ang gagawin mo upang maiwasan ang sakit na dengue?
A. Maligo sa tubig-ulan at mag-ipon lagi nito sa drum.
B. Bumili at gumamit ng mga insect spray at insect repellant.
C. Lumipat ng tirahan kung saan hindi malimit umulan.
D. Panatilihing malinis ang kapaligiran at sariling tahanan.
10
“Buhayin ang mga Bakawan at Bahura”
Ang katubigang nasasakupan ng Pilipinas ay umaabot sa mahigit dalawang milyong metro kuwadrado. Ang kahabaang ito ay mayaman sa mga bakawan at bahura (coral reefs) na nagsisilbing tirahan ng mga isda at iba pang hayop sa karagatan. Sa pitumpung lalawigan na bumubuo sa ating bansa, animnapu ang matatagpuan sa mga baybayin.
11
-
Dahil dito, malaking bahagi ng ating populasyon ang umaasa sa dagat. Ngunit nahaharap sa malaking suliranin ang mga baybayin dahil sa patuloy na pagkasira ng ating mga bakawan dulot ng pagtatayo ng mga palaisdaan sa mga baybaydagat. Isa pang dahilan ay ang pagtatambak dito ng lupa upang gawing panirahan o sentro ng kalakalan.
12
-
Maging ang polusyon sa tubig tulad ng pagtagas ng langis at mga basurang itinapon dito ay sanhi rin ng pagkamatay ng mga bakawan. Idagdag pa ang pagpuputol sa mga ito upang gawing panggatong. Sa isang banda, ang mga bahura at korales nito ay nawawasak dahil sa iligal na pangingisda na gamit ng dinamita, at pangunguha ng mga ito upang gawing pandekorasyon. Maging ang polusyon sa katubigan ay sanhi rin ng pagkawasak ng mga bahura.
13
Multiple Choice
Ano ang nagsisilbing panirahan ng mga isda at iba pang hayop sa karagatan?
A. Bahura at bakawan
B. Malalaking bato
C. Buhangin at korales
D. Mga halamang-dagat
14
Multiple Choice
Ano ang ginagamit sa iligal na pangingisda?
A. Maliliit na lambat
B. Mga lasong likido
C. Mga dinamita
D. Malilit na isda
15
Multiple Choice
Bakit iligal na pangingisda ang paggamit ng dinamita?
A. Dahil mahirap mabili at mahal bilihin ang mga dinamita.
B. Dahil maraming isda ang namamatay malaki at maliit.
C. Dahil nakalalason ang dinamita sa kalusugan ng nagamit.
D. Dahil hindi ito dumadaan sa pagsusuri ng mga awtoridad.
16
Multiple Choice
Bakit malaki ang katubigang nasasakop ng Pilipinas?
A. Dahil ang Pilipinas ay isang maliit na bansa na nasasakupan ng Asia.
B. Dahil ang mga probinsya at mga pulo sa Pilipinas ay magkakahiwalay.
C. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na napaliligiran ng tubig.
D. Dahil ang mga kapuluan sa Pilipinas ay may iba’t ibang laki at hugis.
17
Multiple Choice
Bakit dapat mong pangalagaan ang mga bakawan, bahura, at korales?
A. Dahil nagsisilbi itong tirahan ng mga isda kung saan sila nagpaparami.
B. Dahil ang mga ito ay mahal na uri ng mga yamang-dagat sa bansa.
C. Dahil ang mga ito ay dinarayo ng maraming turista at nagbibigay kita.
D. Dahil ang mga ito ay mga yaman na ipinagbibili natin sa ibang bansa.
18
“Kabataan, Katuwang sa Malinis na Kapaligiran”
Binasa ni Ella ang ginawa niyang takdang-araling sanaysay na may pamagat na “Kabataan: Katuwang ka sa Malinis na Kapaligiran”. Ang nakakalat na basura ay suliranin ng bawat mamamayan lalo na sa siksikang lugar gaya ng mga lungsod. Ang mga basurang ito sa paligid ang nakapipinsala sa kapaligiran at kalusugan. Bilang kabataan at mag-aaral, malaki ang maitutulong natin upang ang hangaring luminis ang ating kapaligiran ay matupad.
19
-
Ilan sa mga maaari nating gawin ay paggamit ng mga materyales at mga kagamitang maaaring irecycle. Paggamit ng likurang bahagi ng papel na wala pang sulat. Ang mga papel naman na di na magagamit pa ay maaaring ipunin upang maipagbili o gawing pambalot. Sa tahanan, ihihiwalay ang mga basurang nabubulok sa di nabubulok ay isang epektibong paraan upang makagawa tayo ng pataba sa pamamagitan ng composting.
20
-
Ang mga damit nating di na ginagamit ay maaaring ipamigay sa mga kapus-palad na tao o kung di na maaaring isuot, gawing basahan ang mga ito. Sa pagpapaalaala sa mga nakatatanda na kung maaari ay tigilan na nila ang paninigarilyo at pagsisiga upang mabawasan ang mga usok na ikinakalat sa paligid. Sadyang marami pa tayong magagawa bilang kabataan kung susubukan lang natin. Kayang-kaya nating pagandahin ang ating paligid kung gugustuhin natin. Matapos mabasa ni Ella ang kanyang sanaysay, isang malakas na palakpak ang kanyang tinanggap mula sa kanyang mga kaklase at guro.
21
Multiple Choice
Kaninong suliranin ang nakakalat na basura?
A. Sa pamahalaan
B. Sa punong barangay
C. Sa pangulo ng bansa
D. Sa bawat mamamayan
22
Multiple Choice
Saan maaaring gamitin ang lahat na nabubulok?
A. Sa pagcocompost/paggawa ng pataba
B. Sa patuka sa mga alagang bibe at itik.
C. Sa pagpapausok sa puno ng mangga.
D. Sa pagpapakain sa mga alagang baboy.
23
Multiple Choice
Bakit kaya kinakailangang magtulungan tayo sa pagbabawas ng basura?
A. Upang mawala ang mga nakapipinsala sa kalusugan at sa kapaligiran.
B. Upang hindi na tayo bumayad ng malaking halaga sa pagbili ng halaman.
C. Upang dumami ang mga turistang dadayo sa ating mga kilalang tanawin.
D. Upang mabigyan tayo ng parangal sa pagiging makalinga sa kalikasan.
24
Multiple Choice
Kung hindi ka tutulong sa pagpapanatiling malinis ng kapaligiran sa inyong paaralan, ano kaya ang maaaring mangyari?
A. Dadami ang magagandang lugar na maaari nating pasyalan.
B. Dadami ang mga taong magkakalat at masisira ang kalikasan
C. Dadami ang mga patapong bagay na maaaring gamitin sa compost.
D. Dadami ang mga kabataan na nawiwili sa pagtatanim ng mga puno.
25
Multiple Choice
Ano ang maaari mong gawin sa mga batang nagkakalat ng basura sa simbahan?
A. Kuhanan sila ng larawan at ipakita sa social media.
B. Payuhan sila ng tamang gawain para sa kalikasan.
C. Awayin sila at isumbong sa mga kinauukulan.
D. Itala ang kanilang pangalan at ibigay sa guro
26
“Eid-ul-Fitr”
Islam ang relihiyon ng mga Muslim. Hango sa mga salitang “pagsuko sa Diyos” ang Islam. Itinuturing nila na sumuko sila sa kapangyarihan ng Diyos. Si Allah ang kinikilala nilang panginoon. Ang banal na aklat ng Koran ang gabay nila sa pamumuhay. Ginugunita nila sa Koran ang rebelasyon kay Mohammed na isang propeta ng Islam.
27
-
Isang pagdiriwang ng mga Muslim ang Eid-ul-Fitr na isang uri ng pagpapahayag ng pasasalamat. Ang Eid ay isang salitang Arabo na nangangahulugang pagdiriwang samantalang ang Fitr naman ay may pakahulugang wakas ng pag-aayuno. Kaya’t ang Eid-ulFitr ang tanda ng wakas ng halos isang buwang pag-aayuno nila sa panahon ng Ramadan. Nagsisimula ang Eid-ul-Fitr sa paggising sa mga Muslim gamit ang malalakas na tambol.
28
-
Nagbibihis sila ng magagarang kasuotan. Nagsusuot ng mahabang belo sa mukha ang mga babaeng Muslim. Tinutungo nila ang mosque upang doon manalangin. Habang nagdarasal ay sinasambit nila ang “Allahu Akbar” na may kahulugang “Dakila si Allah”. Sa pagdiriwang na ito ay sama-sama ang mga Muslim sa buong mundo na tunguhin ang pagkakaisa.
29
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang nasasaad sa seleksyon?
A. Masayang idinaraos ang Ramadan.
B. Unang nagaganap ang Eid-ul-Fitr sa Ramadan.
C. Tanda ng wakas ng pag-aayuno ang Ramadan.
D. Masayang pagdiriwang ang Eid-ul-Fitr para sa Muslim
30
Multiple Choice
Ano ang ibig sabihin ng “tunguhin” sa pangungusap ?
Sa pagdiriwang na ito ay samasama ang mga Muslim sa buong mundo na tunguhin ang pagkakaisa.
A. alamin
B. isaisip
C. puntahan
D. panalangin
31
Multiple Choice
Bakit kaya mahalaga ang pagdiriwang ng Eid-ul-Fitr at Ramadan para sa mga Muslim? Mahalaga ang mga ito para sa mga Muslim dahil ito ay _____________________.
A. ginagawa sa mosque
B. paggunita ng rebelasyon ng Koran
C. masayang pagdiriwang para sa kanila
D. kaugalian at tradisyon ng mga tagasunod ng Islam
32
Multiple Choice
Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyong binasa? Tinalakay sa seleksyon ang _________________________.
A. kahulugan ng Islam
B. pinagmulan ng mga Muslim
C. mga paniniwala ng mga Muslim
D. pinanggalingan ng paniniwala ng Islam
33
Multiple Choice
Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
A. Nagbigay ito ng maraming halimbawa.
B. Nakasaad dito ang sanhi at bunga ng paksa.
C. Tinalakay nito ang suliranin at solusyon sa seleksyon.
D. Malinaw ang pagkapaliwanag at paglalarawan ng paksa.
34
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang nasasaad sa seleksyon?
A. Masayang idinaraos ang Ramadan.
B. Unang nagaganap ang Eid-ul-Fitr sa Ramadan.
C. Tanda ng wakas ng pag-aayuno ang Ramadan.
D. Masayang pagdiriwang ang Eid-ul-Fitr para sa Muslim
35
Multiple Choice
Kaninong suliranin ang nakakalat na basura?
A. Sa pamahalaan
B. Sa punong barangay
C. Sa pangulo ng bansa
D. Sa bawat mamamayan
36
Multiple Choice
Bakit lumalaganap ang sakit na dengue tuwing tag-ulan?
A. Dahil sa panahong ito maraming mga basang lugar kung saan nangingitlog at nagpaparami ang lamok
B. Dahil maraming mga bata ang gustong-gustong maligo sa ulan kapag panahon ng tag-ulan.
C. Dahil maraming lumalabas na mga lamok kapag umuulan at pumapasok sa mga bahay-bahay.
D. Dahil maraming maruruming lugar ang pinapasok ng tubig-ulan at binabaha sa panahon ng tag-ulan.
Panapos na Pagtatasa sa Pagbasa
Baitang 5

Show answer
Auto Play
Slide 1 / 36
SLIDE
Similar Resources on Wayground
30 questions
Filipino 5 - Review Test
Presentation
•
4th - 6th Grade
28 questions
Chemistry Review
Presentation
•
6th Grade
25 questions
Recuperação 01 (Pensamento Computacional)
Presentation
•
KG
33 questions
TAMBALANG SALITA & PANGUNGUSAP
Presentation
•
6th Grade
29 questions
FILIPINO 9 (PARABULA AT TAYUTAY)
Presentation
•
4th Grade
34 questions
Animais vertebrados: características xerais
Presentation
•
5th Grade
31 questions
esp7q3w56
Presentation
•
KG
27 questions
Economia azul
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
20 questions
“What is the question asking??” Grades 6-8
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Fire Safety Quiz
Quiz
•
12th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
34 questions
STAAR Review 6th - 8th grade Reading Part 1
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
“What is the question asking??” English I-II
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
47 questions
8th Grade Reading STAAR Ultimate Review!
Quiz
•
8th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
76 questions
STAAR Mixed Review (Print Review)
Quiz
•
3rd - 7th Grade
16 questions
Graphing - First Quadrant
Quiz
•
5th Grade
35 questions
STAAR Review 5th Reading
Quiz
•
5th Grade
22 questions
ELA Review
Quiz
•
5th Grade
34 questions
5th Grade Science STAAR Review 2
Quiz
•
5th Grade