
Aralin I: Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Week 1-2)
Presentation
•
Social Studies
•
8th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
JONNA MALACASTE
Used 17+ times
FREE Resource
8 Slides • 0 Questions
1
Aralin I: Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Week 1-2)
2
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1. Nasyonalismo – Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Kung minsan ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa.
2. Imperyalsimo – Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng mga bansang Europe. Ang paguunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asya ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa.
3
3. Militarismo – Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europa ang mahusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas.
4. Pagbuo ng mga Alyansa – Dahil sa inggitan, pinaghihinalaan, at lihim na pangamba ang mga bansang makapangyarihan, nabuo ang dalawang magkasalungat na alyansa – Triple Alliance (Austria-Hungary, Germany, at Italy) – Triple Entente (France, Great Britain, Russia).
4
Ang Pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang mga nakaraang krisis at digmaan ay matagumpay na napigilan ng mga puwersang Kanluranin ngunit ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Noong Hunyo 28, 1914 pinatay si Archduke Francis Ferdinand at ang kanyang asawang si Sophia ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary. Si Princip at mga kasabwat nito ay mga Bosnian na sinanay sa Serbia at mga kasapi ng Black Hand, isang teroristang grupo sa Serbia.
5
Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na Great War dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng daigdig. Matinding pinsala ang naidulot nito sa buhay at ari-arian. Tinatayang umabot sa 8,500, 000 katao ang namatay sa labanan. Nasa 22,000, 000 naman ang tinatayang sugatan. Samantang 18,000,000 ang sibilyang namatay sa gutom, sakit, at paghihirap. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar. Sadyang nabago ang mapa ng Europa dahil sa digmaan. Nag-iba rin ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig.
6
Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, at Albania ay naging malalayang bansa. Naitatag din ang mga Liga ng mga Bansa (League of Nations) matapos ang digmaan ngunit nabigo parin ang mga bansa na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa daigdig. Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa Germany. Lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa Germany. Ang pagkapahiya ng Germany ang dahilan ng muli nilang paghahanda upang muling makipaglaban sa mga bansang alyado.
7
Pagyamanin: Pamprosesong Tanong :
1. Batay sa inyong pagkakaunawa, ano ang pangunahing pangyayaring naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Bakit hindi naging pangmatagalan ang kapayapaan sa kabila ng pagkakaroon ng mga kasunduan ng mga bansang sangkot sa digmaan?
3. Bakit tinaguriang Great War ng mga historyador ang Unang Digmaang Pandaigdig?
4. Bakit hindi katanggap-tanggap sa bansang Germany ang naging resulta ng mga kasunduan?
8
ISAISIP: Dugtungan ang pangungusap ayon sa iyong sariling pananaw o opinyon
Walang nagwawagi sa anumang digmaan sapagkat _______________________________ __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________.
Aralin I: Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Week 1-2)
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 8
SLIDE
Similar Resources on Wayground
7 questions
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay s
Presentation
•
8th Grade
7 questions
Kahalagahan ng Ekonomiks
Presentation
•
9th Grade
6 questions
Механик ажил, чадал
Presentation
•
8th Grade
6 questions
Gradovi Istočne Srbije
Presentation
•
8th Grade
6 questions
Filipino
Presentation
•
8th Grade
6 questions
Séance TD 6 Droit de la responsabilité civil
Presentation
•
KG
4 questions
Ang mga Transportasyon
Presentation
•
KG
5 questions
Untitled Lesson
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
10 questions
How much do you know about our Portrait of an Eagle?
Quiz
•
10th Grade
10 questions
Fast Food Slogans
Quiz
•
6th - 8th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Social Studies
10 questions
Exploring the Age of Exploration: Key Events and Figures
Interactive video
•
6th - 10th Grade
13 questions
13 Colonies Map Quiz
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
13 original colonies
Quiz
•
8th Grade
10 questions
Causes of the American Revolution
Quiz
•
8th Grade
10 questions
Pillars of Free Enterprise
Quiz
•
6th - 8th Grade
26 questions
QA 1 Review
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Exploring the 13 Colonies Regions
Interactive video
•
6th - 10th Grade
3 questions
Unit 3 Road to Revolution Vocabulary
Quiz
•
8th Grade