Search Header Logo
PAGMAMAPA AT PAGLALAPAT: ANG ESPASYO NG PANANALIKSIK AT MAK

PAGMAMAPA AT PAGLALAPAT: ANG ESPASYO NG PANANALIKSIK AT MAK

Assessment

Presentation

Other

Professional Development

Easy

Created by

Jenifer Bugas

Used 7+ times

FREE Resource

28 Slides • 5 Questions

1

PAGMAMAPA AT PAGLALAPAT:

ANG ESPASYO NG PANANALIKSIK AT MAKAKULTURANG PAGTUTURO SA SENIOR HIGH SCHOOL

JENIFER D. BUGAS, PhD

Slide image

2

Poll

1. Nakapagsagawa ka na ba ng pananaliksik?

Oo

Hindi

3

Poll

2. Kailan ka huling nakapagsaliksik?

ngayong taon

isang taon na ang nakalipas

dalawang taon na ang nakalipas

tatlong taon na at higit pa ang nakalipas

4

Poll

3. May plano ka pa bang magsaliksik?

Oo

Hindi

Hindi pa sigurado

5

Poll

4. Kung magsasaliksik ka, anong disenyo ang gusto mo?

Kwantitatibo

Kwalitatibo

Kwantitatibo at Kwalitatibo

6

Poll

5. Medyor ka ba sa Filipino?

Oo

Hindi

7

Pag-isipan Natin...

  • Paano magturo ng pananaliksik sa panahon ng pandemya na nilalapatan ng kultura?

  • May espasyo ba ang kultura sa pananaliksik lalo’t higit sa makabagong modalidad ng pagtuturo?

  • Ano ang tungkulin ng guro sa edukasyong pleksibol?

8

Layunin:

  • Nasusuri ang ugnayan ng kultura, pananaliksik at pagtuturo sa panahon ng pandemya;

  • Nailalatag ang koneksiyon ng MELCs sa pagtuturo ng pananaliksik na nakabatay sa kultura; at

  • Nabibigyang lalim ang pananaliksik at makakulturang edukasyon sa nagaganap na learning modalities ng DepEd

9

BALIKAN NATIN...

We dream of Filipinos who passionately love their country...

 (Vision Statement, Department of Education) 

To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture-based, and complete basic education...

 (Mission Statement, Department of Education)

10

Slide image

11

Slide image

12

Slide image

13

Slide image

14

Slide image

15

SURIIN NATIN...

Mababatid sa Vision-Mission Statement ng Kagawaran ng Edukasyon ang dalawang mahahalagang konsepto na siyang pinaka-nukleyus:

  • 1.Marubdob na pagmamahal sa bayan (pagpasok ng core-values)

  • Makakulturang edukasyon (pagsasakonteksto)

16

Saan Papasok ang Kultura sa Batayang Edukasyon?

Liban sa nasabing Vision-Mission Statement, mahalagang ilapat ang kultura dahil sa sumusunod na dahilan:

 1. Filipino ang ating mag-aaral (ang gawi, ang kilos, ang  identidad at kaakuhan)

 2. May dibersidad at nagmula sa iba't ibang kultura. ( may  kinalakihang kultura na salamin ng kanilang paniniwala)

 3. May sariling konteksto ang lipunan at rehiyong  ginagalawan. ( may sariling kalinangan at rehiyonal na  pagtingin)

17

Ang Kultura at mga Batayang Pampagkatuto sa Pagtuturo ng Pananaliksik sa Filipino – KomPan at Pagbasa (Learning Competencies)

  • Dahil iniingatan natin ang dibersidad: wika, paniniwala at kultura, isinasaalang-alang ng DepEd ang paglikha ng mga batayang pampagkatuto na tumutuon sa kanilang identidad. (Culture-sensitive)

    Halimbawa:

    ●Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik at nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa penomenong kultural at panlipunan sa bansa.

18

Slide image

19

Mga Simulaing Batayan sa Pagtuturo ng Pananaliksik sa Filipino sa Senior High

●Pag-unawa sa mga prayor na natutuhan ng bata (ano na ang nagawa nila na may kaugnayan sa simpleng pananaliksik?)

●Pagtingin sa kurikulum sa Filipino kung paano nililinang ang kakayahang sumuri at umunawa mula Grade 1 hanggang Grade 10.

●Pagtuki sa mga panlipunang isyu at kultural na danas ng sosyedad na kailangang matutuhan ng mga mag-aaral.

20

Mga Simulaing Batayan sa Pagtuturo ng Pananaliksik sa Filipino sa Senior High

●Pagpapatibay ng Filipino bilang isang disiplina at batis ng panlipunang kaalaman.

●Pagsasakonteksto ng mga dapat malaman ng mga mag-aaral hinggil sa paksa o isyu (pagtatanong kung ano ba dapat ang kanilang saliksikin?) 

21

Ang Kultural Literasi at Pananaliksik sa MELCs:

Pagsusuri at Analisis

Hindi nawala ang kultura at simpleng enabling competencies sa pananaliksik sa ipinalabas na MELCs ng Kagawaran ng Edukasyon, sa katanuyan ang mga kompetensing may kaugnayan sa kultura at malalimang imbestigasyon ang iniwan (MELCs 2020)

Dahil pinaikli ang mga batayang pampagkatuto, binigyang pansin ang gawaing indibiwal na tumatalakay sa kanilang interes, pagtuki sa paniniwala at lipunan.


22

Slide image

Bloomberg, L.D. (2009). Understanding qualitative inquiry and process (Part I). Unpublished manuscript.

23

Slide image


24

Slide image

25

Ang Kultural Literasi at Pananaliksik sa MELCs:

Pagsusuri at Analisis

  • Naging mas mayaman sa pagtalakay sa mga paksang: Ako at ang lipunan, ako at ang aking pamayanan, ako at ang bansang ginagawalan, ako sa globalisadong mundo gamit ang analisis at pagsusuri.


  • Sa Senior High School-Filipino: Mapapansin na ang paraan ng pagdalumat at paglalatag ay tumutuon sa kung paanong manuri, manaliksik, magsiyasat sa sariling pamamaraan.


26

Tumutuon sa mga kompetensing umuunawa sa pagiging malikhain, kritikal, mapamaraan na dapat taglayin ng isang Filipino na siyang patuloy na isinusulong ng Departamento

Itinataas sa mga MELCs ang kompetensing pinahihinog ang pagkamasining, paglikha, paggawa at pagsasabuhay ng sariling ideolohiya batay sa kultura at paniniwala.  Halimbawa: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa at ang kahulugan at katangian ng mga mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong binasa.

27

UGNAYAN NG PANANALIKSIK AT KULTURA SA LOOB NG KLASRUM

Lente at perspektibo – nakikita ng bata ang kalagayang panlipunan

Tulay – ekstraksiyon ng mga panlipunang danas na dinadala sa loob ng klasrum

Kahingian ng Kurikulum- kritikal at mapanuring bata na nakabatay sa datos at katibayan

28

UGNAYAN NG PANANALIKSIK AT KULTURA SA LOOB NG KLASRUM

Reserbwa ng Kultura- instrumento sa loob ng paaralan kung paano n/makikita ng bata ang kultura sa holistikong pananaw.

Filipinong Danas- ang pananaliksik ay hindi lamang pagkuha ng datos kundi ng kuwento sa likod ng datos, mga karanasang Filipino na kolektibong danas ng lipunan.

29

Paglalapat ng mga Kompetensing tumatalakay sa

Kultura at Pananaliksik sa Modular Learning/ Approach

●Ang mga modyul ay may bahaging “Alamin Natin” maaaring ipasok ang mga kaalamang dati nang nakuha ng mga mag-aaral o ang kanilang nakagisnan na bahagi ng kanilang pang-araw-araw na gawain. Nagiging lunsaran ito sa isang panibagong kaalaman.

●Ang modyul ay may bahaging “Tuklasin Natin” kung saan maaaring ilapat ang mga bagong ideya na may kaugnayan sa paksa at sa kaalamang kultural. Kailangang ipasok ang mga kaalamang kultural upang mapagyaman ito.

30


●Ang modyul ay may bahaging “I-ugnay Natin” kung saan iniuugnay ang dating kaalaman sa isang panibagong batis ng kaalaman. Mahalagang ilapat dito ang mga dating natutunang kaalamang kultural tungo sa panibagong kaalamang kultural.

31

●Ang modyul ay may bahaging “Magsanay Tayo” kung saan pinapayabong ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga formative assessment sa mga halimbawa

kailangang maipasok ang mga cultural icons, concepts at tradisyon ng isang lipunan, upang kahit sa mga simpleng gawaing ito ay masanay silang makita ang mga kaalamang-bayan.

32

●Ang modyul ay may bahaging “Gawin Natin” na magisilbing homework o gawaing bahay kung saan kakausapin nila ang mga nakatatanda sa kanilang tahanan upang matulungan ang isang mag-aaral.

  • Sa eksenang ito, maipapasok ang isang pasalitang pamanang-lahi na kailangang makuha ng isang kabataan.

33

Sa pagwawakas...

  • Paano magturo ng pananaliksik sa panahon ng pandemya na nilalapatan ng kultura?


  • May espasyo ba ang kultura sa pananaliksik lalo’t higit sa makabagong modalidad ng pagtuturo?


  • Ano ang tungkulin ng guro sa edukasyong pleksibol?

PAGMAMAPA AT PAGLALAPAT:

ANG ESPASYO NG PANANALIKSIK AT MAKAKULTURANG PAGTUTURO SA SENIOR HIGH SCHOOL

JENIFER D. BUGAS, PhD

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 33

SLIDE