

Words That Work - Filipino Edition
Presentation
•
World Languages
•
Professional Development
•
Practice Problem
•
Hard
Lindsay Lim
Used 5+ times
FREE Resource
19 Slides • 10 Questions
1
FILIPINO
EDITION
2
Inaasahang Bunga
Kaya’t pagkatapos ng gawain, inaasahang ang lahat ay:
nakatukoy ng mga salitang madalas gamitin sa maling anyo, gamit, o kahulugan;
nakakilala ng tamang gamit ng mga piling salitang Filipino nang pasalita at pasulat; at
naituwid ang maling gamit ng salita batay sa wastong gramatika at semantika ng wikang Filipino.
3
Mekaniks ng Laro:
May mga piling aytem na kinuha mula sa mga sikat na linyang pampelikula.
Hihingin ang pagganap ng mga ito mula sa mga piling miyembro ng awdyens.
Tukuyin ang angkop na salita para sa bawat aytem ng pangungusap.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
Ang tatlong may pinakamataas na iskor ay makatatanggap ng gantimpala.
4
5
Multiple Choice
“Nag-double job / Nagdobol-job po ako para kumita ng pera.”
Alin ang tamang pagsulat?
A. Nag-double job
B. Nagdobol-job
6
Paliwanag (Pagsasalin, Paggigitling, & Paglalapi)
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), kapag ang hiram na salita ay karaniwang ginagamit at walang katumbas sa Filipino, maaari itong gamitin sa orihinal nitong baybay.
Halimbawa: nag-drive, nag-shoot, nag-online class
7
Paliwanag (Pagsasalin, Paggigitling, & Paglalapi)
Kapag ang salitang sinusundan ng panlapi (tulad ng nag-) ay dayuhang salita o nagsisimula sa patinig, ginagamitan ito ng gitling (-) upang maging malinaw ang kahulugan at bigkas kahit hindi ito pangngalang pantangi (proper noun).
Ang unlaping “nag-” ay idinugtong sa “double job” upang ipakita ang aspekto ng pandiwa (na tapos na ang kilos), na isang karaniwang ginagawa sa Filipino.
8
Multiple Choice
____ matanggap niya ang kaniyang 14th month pay, bumili siya _____ bagong laptop.
A. Nang, ng
B. Ng, nang
9
Paliwanag (Tamang paggamit ng "Nang" at "Ng")
NANG: Ito ay isang pangatnig (conjunction) na nag-uugnay ng dalawang sugnay (clauses) ginagamit din ito bilang pang-abay o pang-ugnay, sa pag-uulit ng kilos at pagtukoy ng panahon.
Halimbawa: Kumain ako nang mabilis.
10
Paliwanag (Tamang paggamit ng "Nang" at "Ng")
NG: Ginamit ang “ng” dahil ito ay pang-ukol na nag-uugnay sa pandiwa (bumili) at ginagamit din kung ang kasunod ay pangngalan; nagpapakita ng pagmamay-ari o layon.
Halimbawa: Bumili ako ng prutas.
11
Multiple Choice
“Subukin / Subukan mong matulog nang maaga.”
Alin ang tama?
A. Subukin
B. Subukan
12
Paliwanag (Subukin/Subukan)
SUBUKIN: paggawa ng isang kilos, “to test,” “to try”
Halimbawa: Subukin mong sumali sa pagligsahan sa pagkanta.
SUBUKAN: pagsunod, “to spy,” “to follow”
Halimbawa: Subukan mo ang pusa kung saan ito pupunta.
13
Multiple Choice
“Ikaw din naman ah. Ginagawa mo ang gusto mo!”
A. Tama
B. Mali
14
Paliwanag (Rin/Din, Raw/Daw)
RIN/RAW: ginagamit sa patinig (vowel) at malapatinig (glide) na w at y na tunog ang salitang sinusundan
Halimbawa:
Masaya rin ako.
Ikaw raw ang aking kagrupo.
15
Paliwanag (Rin/Din, Raw/Daw)
DIN/DAW: ginagamit sa katinig (consonant) na tunog ang salitang sinusundan
Halimbawa:
Malungkot din ako.
Sina at Ben daw ang aking kagrupo.
16
Paliwanag (Rin/Din, Raw/Daw)
DIN/DAW: ginagamit din kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa mga pantig na -ra, -re, ri, -ro, -ru, -raw, o -ray
Halimbawa:
Maaari din siyang tumulong sa atin.
Araw daw ng kaniyang kapanganakan ngayon.
17
Multiple Choice
“Iba’t iba / Iba’t-iba ang pinanggalingan ng ating mga mag-aaral.”
Alin ang tama?
A. Iba't iba
B. Iba't-iba
18
Paliwanag (Pagkukudlit & Paggigitling)
Hindi na kailangan ang gitling ( - ) dahil hindi ito tambalang salita.
Pagbubuod ito ng dalawang magkatabing salitang (iba, iba) na pinagbubuklod ng pangatnig na “at” - na pinaikli bilang “t” gamit ang kudlit.
Paano naman ang “iba-iba?” Ginagamit ito bilang kolokyal o impormal na katumbas.
19
Multiple Choice
“Walisan / Walisin mo ang sahig.”
Alin ang tama?
A. Walisan
B. Walisin
20
Paliwanag (Walisan/Walisin)
WALISAN: nakapokus sa lokasyon
Halimbawa: Walisan mo ang bakuran.
WALISIN: nakapokus sa layon
Halimbawa: Walisin mo ang mga basura sa bakuran.
21
Multiple Choice
“Kaibigan mulang / mo lang ako. And that’s all I ever was to you.”
Alin ang tama?
A. mulang
B. mo lang
22
Paliwanag (Tamang Gamit ng Salita)
Mula/ng (from): isang pang-ukol na ginagamit upang ipakita ang pinagmulan ng kilos, lokasyon, o panahon.
Mo lang (I am only): isang panghalip (mo) at isang pang-abay (lang/lamang)
23
Multiple Choice
“Kumatok sa pinto / pintuan ng faculty room ang mag-aaral.”
Alin ang tama?
A. pinto
B. pintuan
24
Paliwanag (Pinto/Pintuan)
PINTO: ang bagay na binubuksan/isinasara
Halimbawa: Isara mo ang pinto.
PINTUAN: ang daanan o bukana kung saan naroon ang pinto
Halimbawa: Huwag kang humarang sa pintuan.
25
Multiple Choice
“Pahiran / Pahirin mo ang mga sulat sa whiteboard.”
Alin ang tama?
A. Pahiran
B. Pahirin
26
Paliwanag (Pahiran/Pahirin)
PAHIRAN: paglagay (to put something)
Halimbawa: Pahiran mo ng ointment ang kaniyang sugat.
PAHIRIN: pag-alis (to remove something)
Halimbawa: Pahirin mo ang dumi sa mesa.
27
Multiple Choice
“Panalo kami bilang kampeon sa intramurals ngayong taon!”
Ano ang salitang-ugat ng “panalo?”
A. nalo
B. talo
28
Paliwanag (Pagbabagong Morpoponemiko)
Sa linggwistikang Filipino, nagkakaroon ng "asimilasyong ganap," kung saan mayroong pagbabago sa ispeling o baybay matapos pag-isahin ang isang panlapi at isang salitang ugat.
Naiimpluwensiyahan ng kaligirang tunog ng huli ang una katulad ng "pang" at "talo"
• pang + talo = pangtalo
• pangtalo [replace "ng" with "n"] = pantalo
• pantalo [remove "t"] = panalo
29
FILIPINO
EDITION
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 29
SLIDE
Similar Resources on Wayground
23 questions
Antoine de Saint-Exupéry
Presentation
•
University
22 questions
Inducción Riesgo Operacional
Presentation
•
Professional Development
23 questions
Paiement en ligne
Presentation
•
KG
22 questions
Formation des assistants d'éducation
Presentation
•
Professional Development
23 questions
Diaporama SCPD
Presentation
•
Professional Development
20 questions
MS DOS
Presentation
•
8th Grade
19 questions
Refresher (verbi fino al 28/06/2022)
Presentation
•
Professional Development
20 questions
1.4BSTM-CY1 / 2.3BSHM-CY1 / 3.2BSEDENG-CY1
Presentation
•
University
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade