Search Header Logo
KABANATA I GRADE 10

KABANATA I GRADE 10

Assessment

Presentation

Other

10th Grade

Easy

Created by

Edelyn Gramaje

Used 2+ times

FREE Resource

14 Slides • 4 Questions

1

media

2

​MAHALAGANG TANONG:

  • ​Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Rehiyong Mediterranean?

  • ​Paano maaaring makatulong sa kabataang tulad mo ang matututuhang uri ng kultura at pamumuhay ng mga mamamayan mula sa mga akdang babasahin mo?

3

media

4

Open Ended

Question image

Ano-anong mga larawan o kaisipan ang naiisip mo kapag narinig mo ang salitang Mediterranean? Itype ang iyong naiisip tungkol sa Mediterranean. Ipaliwanag kung bakit ganitong kaisipan ang naiuugnay mo rito.

5

Panitikan ng mga Bansa sa Rehiyon ng Mediterranean

Ang Dagat mediterranean ay mahaba, malawak, at dumadaloy sa tatlong kontinente: ang Kanlurang bahagi ng Asya, Hilagang Europa, at Timog Africa. Noong unang panahon at magpahanggang ngayon, ang dagat na ito ay naging mahalagang bahagi ng buhay ng mga mamamayan ng dalawampu't isang bansang nasa palibot nito. Ito'y naging ruta ng mga mangangalakal at manlalakbay na nagbigay-daan sa kanilang pagpapalitan ng kultura, produkto, at kalakal.

Ang dagat ay nakatulong din nang malaki sa ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon. Dinarayo ng maraming turista ang magandang baybayin nito lalo na sa panahon ng tag-init. Ang yamang taglay ng dagat ay naktulong sa kanilang ekonomiya. Ang matabang lupa naman sa palibot nito na sinamahan pa ng tropikal na klimang Mediterranean na mainit at tuyo sa tag-init at katamtaman subalit maulang taglamig ay nagbigay-daan sa pag-aani ng maraming produktong tulad ng olives, grapes, orange, at tangerine na naging kapaki-pakinabang sa mamamayan.

Ang mga bansang kabilang sa Rehiyon ng mediterranean ay ang sumusunod: Mula sa Africa, kabilang ang mga bansang Algeria, Egypt, Libya, Morocco, at Tunisia. Sa Asya ay ang mga bansang Cyprus, Israel, Lebanon, at Syria. Sa Europa ay ang Albania, Bosnia at Herzegovina, Croatia, France, Greece, Italy, Malta, Monaco, Slovenia, Spain, at Turkey.

6

Mula sa mga bansang ito ay umusbong ang mahuhusay na manunulat na nagbigay-daan sa mayamang panitikang lumaganap hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo. Hindi malilimutan ang koleksiyon noon hanggang ngayon, ang mga akdang isinulat ni Guy de Maupassant, isang tanyag na manunulat na Pranses at itinuturing na isa sa mga ama ng modernong maikling kuwento, ang mga parabula sa Bibliya kung saan ang Israel at ang Egypt ang karaniwang tagpuan, at iba pa. Mababasa mo ang ilang pilimpiling akda mula sa rehiyong tulad ng sumusunod: Ang Kahon ni Pandora (Mitolohiya), Ang Parabula ng Sampung Dalaga, Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya (Sanaysay), Ang Pagbibinyag sa Savica (Epiko), Ang Munting Bariles (Maikling Kuwento), at Ang Munting Prinsipe (Nobela).

7

​       Ngayo'y tunghayan mo ang ilang paunang kaalaman o maikling buod ng bawat isa sa mga ito na tiyak na magdudulot sa iyo ng kasabikang basahin ang mga akdang mula sa rehiyong Mediterranean.

8

​ARALIN 1

​ANG KAHON NI PANDORA (MITOLOHIYA)

Sa mitolohiyang ito, tinalakay ang kuwento ng paglikha at ang pinagmulan ng mga kasamaang lumaganap sa mundo gayundin ang pag-alpas ng pag-asa na siyang humihilom sa sugat at sakit nalilikha ng mga kasamaang ito. Isang ginintuang kahon ang inihandog ni Zeus sa mag-asawang Epimetheus at Pandora na may kalakip na susi at babalang "huwag itong bubuksan." Nasunod kaya ng mag-asawa ang babalang ito? Alamin sa pagbasa ng mitolohiya.

media

9

​ARALIN 2

​ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA

Sa parabulang ito ay makikilala mo ang sampung dalagang naatasang magbantay sa pagdating ng binatang ikakasal. Ang lima sa kanila'y matalino dahil nagbaon o naghanda ng sobrang langis. Ang lima nama'y hangal dahil nagdala ng ilawan subalit hindi naman sila nagbaon ng karagdagang langis. Sa huli'y tanging ang mga may baong langis ang nakapasok at nakasama ng lalaking ikakasal. Sa anong aspekto ng buhay kaya maihahambing ang parabulang ito? Malalaman mo.

media

10

​ARALIN 3

ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA (SANAYSAY)

Ito'y isang sanaysay na nagtatampok sa mayamang kultura at tradisyon ng Espanya sa pananaw ng isang teenager na dumalaw sa magulang niyang parehong OFW sa Barcelona, isa sa mauunlad na lungsod ng Espanya. Ipinakita rin dito ang buhay ng mga OFW na umaalis at nagsasakripisyo, baon ang pangarap ng mas mabuting buhay para sa kani-kanilang pamilya.

media

11

ARALIN 4

​ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA (EPIKO)

Ang epiko ay tumatalakay sa mga pangyayaring nagbigay-daan upang ang mga Paganong Korinto noong ikasampung siglo ay maging binyagang Kristiyano. Sumentro ito sa pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan: Si Crtomir, ang makisig at matapang na mandirigmang Pagano na labis na nagmamahal sa kanyang kasintahan at si Bogomila, ang kasintahan ni Crtomir na maganda, inosente, at mahinhin subalit may matatag na paninindigan. Saan kaya humantong ang pag-iibigang ito? Iyong alamin.

media

12

​ARALIN 5

​ANG MUNTING BARILES (MAIKLING KUWENTO)

Sa maikling kuwentong ito'y malalaman mo kung paanong nakumbinsi ni Ginoong Chicot si Nanay Magloire na ipagbili sa kanya ang lupain nito. Isang tila napakagandang alok ang ibinibigay niya para lang pumayag ang matanda subalit sa bandang huli, ang alok na ito pala ang magiging mitsa ng mas maagang kuwento ni Guy de Maupassant.

media

13

​ARALIN 6

​ANG MUNTING PRINSIPE (NOBELA)

Mababasa sa buod at sa bahagi ng nobela ang naging paglalakbay ng munting Prinsipe at ang pagkakatuklas niya sa mga nilalang na may pagkakahawig sa uri ng mga tao sa iyong paligid. Maraming aral siyang natutuhan subalit ang pinakatampok ay nalaman niyang ang pinakamahahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga ng bagay, puso lamang ang nakdarama. Halika, tunghayan at matuto sa isang nobelang pambatang nilikha para sa matatanda.

media

14

​    Basahin at sagutin ang mahahalagang tanong na nakatala sa talahanayan sa ibaba na siya ring mahahalagang tanong na iyong sasagutin sa pag-aaral ng kabanatang ito. Mag-isip o magdagdag pa ng mahahalagang tanong na sa iyong palagay ay maaari ding masagot sa pag-aaral ng kabanatang ito tungkol sa mga akda mula sa rehiyon ng Mediterranean.

media

15

Open Ended

Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng mediterranean?

16

Open Ended

Paano maaaring makatulong sa kabataang tulad mo ang mababatid mong uri ng kultura at pamumuhay ng mga mamamayan mula sa mga akdang babasahin mo?

17

Open Ended

Mag-isip o magdagdag pa ng dalawang mahahalagang tanong na sa iyong palagay ay maaari ding masagot sa pag-aaral ng kabanatang ito tungkol sa mga akda mula sa rehiyon ng Mediterranean.

18

​      Ngayong natapos mo nang basahin at sagutan ang panimulang gawain para sa kabuoan ng kabanatang ito, magsisimula na ang detalyadong pagtalakay ninyo sa bawat aralin sa kabanata. Tiyak na marami kang matututuhan.

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 18

SLIDE