Search Header Logo
FILIPINO 4 : 1st Pre-Periodic Exam

FILIPINO 4 : 1st Pre-Periodic Exam

Assessment

Presentation

Education

4th Grade

Easy

Created by

JULIE PRESBITERO

Used 2+ times

FREE Resource

1 Slide • 25 Questions

1

FILIPINO 4 : 1st Pre-Periodic Exam

2

Multiple Choice

Ang kakayahan sa ________ ay daan para nauunawaan natin ang sinasabi ng ating kausap.

1

panonood

2

pakikinig

3

pagsusulat

4

pagbabasa

3

Multiple Choice

Bakit importante sa taong nagsasalita na malaman ang layunin o dahilan ng usapan?

1

upang matukoy ang mangyayari

2

upang maunawaan siya ng kausap

3

upang malaman ang magiging resulta

4

upang maging maayos ang daloy ng usapan

4

Multiple Choice

Kung ikaw ay makipag-usap sa isang dayuhang Amerikano, ano ang kailangan mong bigyan ng pansin?

1

lugar

2

wikang gagamitin

3

oras ng pag-uusap

4

paksa ng pag-uusapan

5

Multiple Choice

Narinig mong matamlay ang boses ng iyong kaibigan habang kinakausap ng iyong ina.

Ano ang kasanayang nalinang sa iyo habang nakikinig?

1

Matukoy ang mahahalagang pangyayari

2

Mabigyang-kahulugan ang mga pahayag

3

Makapagsulat ng mga impormasyon

4

Matukoy ang damdaming nangibabaw sa napakinggang usapan at diyalogo

6

Multiple Choice

Lahat na kasanayan ay malilinang sa isang mag-aaral kung siya ay nakikinig MALIBAN sa isa, alin dito?

1

Makapagtala ng mahahalagang impormasyon mula sa usapan at diyalogong napakinggan

2

Mabigyang-kahulugan ang mga pahayag sa usapan at diyalogo

3

Magkaroon ng pag-unawa sa pagbabasa

4

Matukoy ang mga mahahalagang ideya

7

Multiple Choice

Ang HINDI nakikinig nang mabuti ay nagdudulot ng mabuting resulta sa isang mag-aaral.

1

Tama

2

Mali

8

Multiple Choice

Napakahalagang malaman ang mga importanteng ideya sa usapan para maunawaan nang mabuti ang pinag-uusapan.

1

Tama

2

Mali

9

Multiple Choice

Suriin ang sumusunod na mga pahayag.

A. May iba’t ibang paraan para makapakinig tayo nang mabuti.

B. Maraming HINDI magandang bunga ang pakikinig nang mabuti.

1

Tama ang A; Mali ang B

2

Tama ang B; Mali ang A

3

Parehong Tama ang A at B

4

Parehong Mali ang A at B

10

Multiple Choice

Ano ang maaaring gamiting aklat para malaman ang pormal na depinisyon ng isang salita?

1

diyaryo

2

ensayklopidiya

3

diksyunaryo

4

magasin

11

Multiple Choice

Ito ay ang listahan ng mga salita at kahulugan batay sa isang larangan at itinuring din itong "munting diksyunaryo".

1

glosaryo

2

tesawro

3

ensayklopidiya

4

diyaryo

12

Multiple Choice

Aling aklat ang nagtatala ng pangkat ng mga salitang magkakasingkahulugan at magkakaugnay na konsepto ?

1

magasin

2

tesawro

3

ensayklopidiya

4

diksyunaryo

13

Multiple Choice

Ano ang tamang ayos ng mga detalyeng makikita sa isang diksiyonaryo?

1

salita, bigkas, bahagi ng pananalita, kahulugan

2

salita, bahagi ng pananalita, bigkas, kahulugan

3

salita, bahagi ng pananalita, kahulugan, bigkas

4

salita, kahulugan, bigkas, bahagi ng pananalita

14

Multiple Choice

Bakit nakaayos nang paalpabeto ang mga salitang nababasa sa diksyunaryo?

1

para matukoy ang salitang hindi napabilang

2

para malaman ang dami ng salita

3

upang madaling mahanap ang salita

4

upang madaling makita ang kahulugan

15

Multiple Choice

Alin sa mga pagpipilian ang tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita na makikita sa isang diksiyunaryo?

1

kaugnayan

2

denotasyon

3

kasabihan

4

konotasyon

16

Multiple Choice

Punan ng angkop na salita ang pangungusap na ito:

Tungkulin ng isang _______ ng pamahalaan na maglingkod nang tapat at mahusay sa bayan.

1

kawani

2

estudyante

3

kaibigan

4

kalaban

17

Multiple Choice

Alin sa sumusunod na pagpipilian ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng pangungusap na ito?

Araw-araw ay nagbabasa ng ________ ang aking Lolo Gonzalo kaya updated siya sa mga nangyayari sa bansa.

1

diksyunaryo

2

pahayagan

3

tesawro

4

ensayklopidiya

18

Multiple Choice

Ang mga salitang pagpipilian ay nakasulat sa malaking titik. Hanapin dito ang  Pangngalang Pantangi?

1

SASAKYAN

2

CEBU CITY

3

GURO

4

LARUAN

19

Multiple Choice

Kung ang pangngalang pambalana ng Lunes ay araw; ano naman ang sa Setyembre : _______?

1

linggo

2

petsa

3

buwan

4

taon

20

Multiple Choice

Alin sa mga pagpipilian ang pangngalang pambalana?

1

HONDA

2

INGLES

3

PILIPINAS

4

DRAYBER

21

Multiple Choice

Tukuyin ang PANGNGALANG ginamit sa pangungusap na ito:

Lahat sila ay masayang naglaro sa paaralan.

1

lahat

2

masaya

3

paaralan

4

naglaro

22

Multiple Choice

Buuin ang pangungusap na ito: Pumunta sa __________ si inay para bumili ng sariwang prutas at gulay.

1

palengke

2

simbahan

3

ospital

4

opisina

23

Multiple Choice

Ang mga salitang itay, pera, tumakbo, at bangko ay mga pangngalan MALIBAN sa isa, alin dito?

1

bangko

2

tumakbo

3

pera

4

itay

24

Multiple Choice

Kung ang sanggol ay tao; ano naman ang sa kaarawan:_______?

1

bagay

2

hayop

3

lugar

4

pangyayari

25

Multiple Choice

Alin sa sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari?

1

Pangalan

2

Panghalip

3

Pangngalan

4

Pandiwa

26

Multiple Choice

Punan ng angkop na pangngalan ang pangungusap na ito:   

Dapat makinig tayo sa sinasabi ng ating mga ________ para hindi tayo mapapahamak.

1

kaibigan

2

magulang

3

kalaban

4

kalaro

FILIPINO 4 : 1st Pre-Periodic Exam

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 26

SLIDE