Search Header Logo
Q1 ARALIN 5: Mga Hakbang sa Pagbuo ng CBDRRM Plan

Q1 ARALIN 5: Mga Hakbang sa Pagbuo ng CBDRRM Plan

Assessment

Presentation

Social Studies

10th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

maritess arenas

Used 20+ times

FREE Resource

18 Slides • 22 Questions

1

Q1 ARALIN 5:

Mga Hakbang sa Pagbuo

ng CBDRRM Plan

by maritess arenas

media

2

Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong

pangkapaligiran (AP10MHP-Ih-12, AP10MHP-Ii-14)

​MELC:

media

3

​ANG DISASTER MANAGEMENT AY BINUBUO NG APAT NA YUGTO

media
media

4

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran

media

5

Multiple Choice

Question image

Tumutukoy ito sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring maranasan ng isang lugar kung ito ay tamaan ng isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon

1

Hazard Assessment

2

Capacity Assessment

3

Risk Assessment

4

Vulnerabilty Assessment

6

Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung anu-ano ang mga panganib na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. • Pagkatapos makakuha ng impormasyon, maaari ng gawin ang:

media

Hazzard Mapping – pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard, sakuna o kalamidad. Mahalaga na ang mapang gagamitin ay na-update upang ang bawat detalye ng lugar ay kabilang.

✓ Historical Profiling/Timeline of Events – ginagawa ito upang makita kung anu-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.

7

media
media

8

Multiple Choice

Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar

1

Pagkakilanlan

2

Katangian

3

Intensity

4

Lawak

5

Saklaw

9

Multiple Choice

Pag-alam sa uri ng hazard

1

Pagkakilanlan

2

Katangian

3

Intensity

4

Lawak

5

Saklaw

10

Multiple Choice

Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard

1

Pagkakilanlan

2

Katangian

3

Intensity

4

Lawak

5

Saklaw

11

Multiple Choice

Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard

1

Pagkakilanlan

2

Katangian

3

Intensity

4

Lawak

5

Saklaw

12

Multiple Choice

Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard

1

Pagkakilanlan

2

Katangian

3

Intensity

4

Lawak

5

Saklaw

13

Multiple Choice

Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard

1

Pagkakilanlan

2

Katangian

3

Intensity

4

Manageability

5

Predictability

14

Multiple Choice

Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala

1

Pagkakilanlan

2

Katangian

3

Intensity

4

Manageability

5

Predictability

15

media
media

Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang.

​1. FREQUENCY

16

media
media

17

media
media

18

media

FORWARMING-

Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad

​FORCE-

Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge, lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan; seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao

19

Ang Vulnerability Assessment ay ang pagtaya ng kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o pamayanan na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang matukoy ang mga RISK.

20

Multiple Choice

Tumutukoy ang elements at risk sa mga tao, hayop, mga pananim, bahay, imprastruktura, kagamitan, gusali para sa transportasyon at komunikasyon. Hal. vulnerable dahil sa lokasyon, malapit sa anyong tubig, kabundukan

1

Elements at risk

2

People at risk

3

Location of People at risk.

21

Multiple Choice

Ito ay ang mga grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng hazard, sakuna at kalamidad. Hal. ang mga buntis , may kapansanan at may iniindang sakit ay maituturing na vulnerable sa panahon ng kalamidad dahil sa kanilang kondisyon.

1

Elements at risk

2

People at risk

3

Location of People at risk.

22

Multiple Choice

Ito ay ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable. Hal. vulnerable sa landslide, ang mga lugar na malapit sa paanan o gilid ng bundok.

1

Elements at risk

2

People at risk

3

Location of People at risk.

23

Risk Assessment • Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan

24

Multiple Choice

Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha, paglalagay ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood gates, pagpapatayo ng earthquake-proof buildings, at pagsisiguro na may fire exit ang mga ipinatatayong gusali.

1

Structural Mitigation

2

Non Structural Mitigation

25

Multiple Choice

Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagbuo ng disaster management plan, Pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas, information dissemination, at hazard assessment.

1

Structural Mitigation

2

Non Structural Mitigation

26

Capacity Assessment • Ito ay ang pagtataya sa kakayahan ng komunidad na harapin at bumangon mula sa iba’t ibang uri ng hazard o kalamidad. Mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability ayon kina Anderson at Woodrow (1990) ito ay ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag -uugali tungkol sa hazard.

27

Multiple Choice

Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera sa bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit na pinagkukunang-yaman ay nangangahulugan na ang isang komunidad ay vulnerable o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng hazard. Dito, tinataya ang kakayahan ng mga mamayan na maisaayos muli ang mga nasirang ari- arian , bagay o istruktura

1

Pisikal o Materyal

2

Panlipunan

3

Pag-uugali tungkol sa Hazard

28

Multiple Choice

May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad. Bunga nito, nagiging vulnerable ang isang komunidad. sAng bawat mamamayan ay dapat maging bukas sa mga paghahanda, plano at gawain sa pagharap ng hazard, sakuna o kalamidad.

1

Pisikal o Materyal

2

Panlipunan

3

Pag-uugali tungkol sa Hazard

29

Multiple Choice

Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa isang lipunan. Halimbawa ay mga kabataan, mga matatanda, mga may kapansanan, maysakit, at iba pang pangkat na maaaring maging biktima ng hazard. Kasama rin dito ang pagiging vulnerable ng institusyong panlipunan tulad ng pamahalaan. Sa kategoryang ito ay napakahalaga ang pagtutulungan ng bawat mamamayan upang magkaroon ng kapasidad na maibangon muli ang kanilang pamayanan matapos tamaan ng hazard, sakuna o kalamidad

1

Pisikal o Materyal

2

Panlipunan

3

Pag-uugali tungkol sa Hazard

30

Disaster prevention iniiwas ang isang pamayanan sa banta ng mga hazard at kalamidad

Disaster Mitigation sinisikap naman mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan

31

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness

nakapaloob ang mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pag tama ng kalamidad, sakuna o hazard

32

Multiple Choice

magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad.

1

To inform

2

To advise

3

To instruct

33

Multiple Choice

magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.

1

To inform

2

To advise

3

To instruct

34

Multiple Choice

magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard

1

To inform

2

To advise

3

To instruct

35

Ikatlong Yugto: Disaster Response

Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang hagupit ng pinsalang naidulot ng isang kalamidad

36

Multiple Choice

tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot

1

NEEDS ASSESSMENT

2

DAMAGE ASSESSMENT

3

LOSS ASSESSMENT

37

Multiple Choice

tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad

1

NEEDS ASSESSMENT

2

DAMAGE ASSESSMENT

3

LOSS ASSESSMENT

38

Multiple Choice

tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon.

1

NEEDS ASSESSMENT

2

DAMAGE ASSESSMENT

3

LOSS ASSESSMENT

39

Ang damage at loss ay magkaugnay dahil ang loss ay resulta ng mga produkto, serbisyo, at imprastraktura na nasira o apektado

Ang pagtama ng Covid 19 sa mundo ay damage, ang paghinto ng mga serbisyo at produksyon ay loss

40

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery

Ang yugtong ito ay sumasalamin sa mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik ang kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay ng isang nasalantang komunidad

Q1 ARALIN 5:

Mga Hakbang sa Pagbuo

ng CBDRRM Plan

by maritess arenas

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 40

SLIDE