

ESP 9 week 6
Presentation
•
Professional Development
•
9th Grade
•
Medium
marvie singayan
Used 2+ times
FREE Resource
19 Slides • 23 Questions
1
Lipunang Pang-ekonomiya.
with Miss Marvie Singayan
2
Open Ended
Nakakaramdam ka na ba ng inggitsa mga kapatid mo? Natanong mona ba ang iyong sarili kung bakithindi pantay-pantay ang pagtingin sainyo ng nanay at tatay mo? Kung oo, ano ang ginagawa mo?
3
Poll
NAGKULANG BA NG PAGMAMAHAL ANG ATING MGAMAGULANG O SADYANG NAGHAHANGAD LANG TAYO NG HIGIT PA?
Nagkulang sa pagmamahal
Naghangad tayo ng higit pa
4
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na:
Ano ang magandang ekonomiya?
Sino ang makikinabang nito?
Paano ito makakamit?
***Sagutin muna ang mga sumusunod na tanong upang masukat ang inyong kaalaman tungkol sa Lipunang Pang-ekonomiya.
5
Multiple Choice
Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang
Pang-ekonomiya?
A. Nagbibigay tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
B. Napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.
C. Natutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.
D. Nagsisikap ang estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan.
6
Multiple Choice
Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya
MALIBAN sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan.
7
Multiple Choice
Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay”?
a. Pantay ang lahat ng tao sa mata ng Diyos.
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
8
Multiple Choice
Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali
na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan kahit na kaya o hindi naman niya ito kayang bilhin dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
Lahat ng nabanggit
9
Multiple Choice
Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan.
Ang pantay ay pagbibigyay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan.
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan.
Ang pantay ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng
pangangailangan ng mga tao.
10
Multiple Choice
Bakit magkakaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
Nakilala at sumikat ang mga taong umuunlad.
Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao at may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.
Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.
Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan.
11
Multiple Choice
“Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na yaman. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.
Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.
12
Multiple Choice
Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportion ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
Pantay na pagkakaloob ng yaman ng lahat ng tao.
Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
Angkop sa pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
13
Multiple Choice
Bakilt epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
Sa pamamagitan nito, mas isasaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
14
Multiple Choice
Ano ang angkop na salita sa pagbibigay ng parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan?
a. pantay na benepisyo
b. yaman na benepisyo
c. budget na benepisyo
d. patas na benepisyo
15
Fill in the Blanks
Type answer...
16
Fill in the Blanks
Type answer...
17
Fill in the Blanks
Type answer...
18
Fill in the Blanks
Type answer...
19
Fill in the Blanks
Type answer...
20
Lipunang Pang-ekonomiya
Sadyang magkakaiba ang mga tao. Dahil sa pagkakaibang ito, hindi maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa at pagkakaroon ng inggitan. Nagkakaroon din ng pakiramdam ng pagiging mas angat sa isa’t isa.
21
Pagmamahal ng magulang = Mabuting ekonomiya
Ang karanasan sa pagmamahal ng magulang ay isang ekonomiya na hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan. Ang pagmamahal ng magulang ay nakapagdudulot ng mabuting ekonomiya sa pamilya na maaring ihambing sa ekonomiya ng lipunan.
22
Poll
Binibilhan ni Aling Maria ang kaniyang dalawang anak ng bagong sapatos para sa Christmas party.
Tama
Mali
23
Poll
May mga taong sobrang magyabang kapag sila ay nakaka-angat na sa buhay.
Tama
Mali
24
Poll
Lahat ng tao ay pantay-panty sa mata ng ating Maykapal.
Tama
Mali
25
Poll
Ang tunay na mayayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang pagsisikap.
Tama
Mali
26
Poll
Kailangan maging patas ayon sa kakayahan at pangangailangan.
Tama
Mali
27
Lipunang Pang-ekonomiya
Ang salitang ekonomiya ay galing sa Griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos” (pamahalaan).
28
Ekonomiya= Bahay
Ang ekonomiya ay tulad din ng pamamahala sa bahay. May sapat na budget ang namamahay. Kailangan itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao(humane) ang kanilang buhay sa bahay, at upang maging tahanan ang bahay.
29
Pantay nga ba o hindi?
Sa isang panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo.
Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga tao.
30
Poll
Ano nga ba ang katangian ng mabuting ekonomiya?
Pantay
Patas
31
Ayon kay Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahang maging isang sinuman.
"Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa."
32
Ngunit....
...sinasabi din ni Scheler na dahil sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.
33
Ano nga ba ang katangian ng mabuting ekonomiya?
Pantay o patas?
34
Malabo?
Gamitin nating halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang pinakamagaling sa Math ngunit hindi ito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan ng guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro ang mga tuntunin sa Math sa kapuwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-akay. Upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan siya ng dagdag na mga Math problems na kaniyang pag-aaralan.
35
36
Hindi Pantay Pero Patas
Ito ang prinsipyong inuugnay ng Lipunang pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao… “patas”.
37
Pantay Patas
38
Sto.Tomas De Aquino
-Prinsipyo ng Proportion(Proportio)
Ito ay ang angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangagailangan ng tao.
39
Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
40
Hanapbuhay=HANAP+BUHAY
Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kaniyang buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera kundi para ito sa buhay na hinahanap niya.
41
Mayroon siyang bidyoke hindi para mag-ingay kundi para magamit niya sa kaniyang pagpapahinga at muling pagpapalakas.
Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang kaniyang kakayahang makabili ng mamahaling gamit kundi upang malibang at makakakuha ng bagong kaalaman na makatutulong sa muli niyang pagbalik sa pagtratrabaho.
Mayroon siyang damit hindi para ipang porma kundi dahil kailangan niya ito upang gawing kaaya-aya ang kaniyang sarili sa trabaho at sa mga nakakasalamuha niya.
42
Marapat na ipaalala sa sarili na ang mga gamit sa paligid at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga layunin ng mga tao.
Lipunang Pang-ekonomiya.
with Miss Marvie Singayan
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 42
SLIDE
Similar Resources on Wayground
37 questions
Ionic Compounds Introduction
Presentation
•
9th Grade
39 questions
Atividade Avaliativa - 9º ano EFII - I Guerra Mundial
Presentation
•
9th Grade
40 questions
REMEDIAL FOR PERFORMANCE TASK 2
Presentation
•
9th Grade
39 questions
48 Instrukcje sterujące w php
Presentation
•
KG
36 questions
Benchmark Review, Pure Substances and Mixtures
Presentation
•
8th Grade
40 questions
Concordância verbal
Presentation
•
KG
36 questions
PROCESUL DE MĂSURARE_1
Presentation
•
9th Grade
37 questions
Futsal
Presentation
•
9th Grade
Popular Resources on Wayground
15 questions
Grade 3 Simulation Assessment 1
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
4th Grade
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade