
Q2 ESP2 W-1&2 Pagpapakita ng Pagkamagiliwin at Pagkapalakaibigan
Presentation
•
Education
•
2nd Grade
•
Easy
PRINCESS ILLAGA
Used 2+ times
FREE Resource
17 Slides • 25 Questions
1
by PRINCESS ILLAGA
2
3
Panuto: Piliin ang salitang Tama kung ang gawain ay nagpapakita ng pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan na may pagtitiwala at Mali kung hindi.
4
Multiple Choice
1. Itinatambak ang basura sa bakuran ng
kapitbahay.
Tama
Mali
5
Multiple Choice
2. Nagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nawalan
ng tirahan at ari-arian dahil sa sunog.
Tama
Mali
6
Multiple Choice
3. Binabati ang kasalubong na guro at kamag-aral.
Tama
Mali
7
Multiple Choice
4. Dinadalaw ang kaibigang maysakit at
kinukuwentuhan ng masasayang karanasan sa
paaralan.
Tama
Mali
8
Multiple Choice
5. Iniaasa lamang kay nanay ang pag-aasikaso ng
mga bisita.
Tama
Mali
9
10
11
Ang pagiging magiliw o magiliwin ay maraming mukha o kahulugan. Ito ay maaaring tumutukoy sa pagiging mabait sa kapwa, mapagbigay kanino man, kaaya-aya ang pag-uugali, palakaibigan o di kaya ay maayos makitungo.Madalas ginagamit ito upang ilarawan kung paano tayo makitungo sa iba. Tayo ay madalas makisalamuha sa ibang tao o sa ating kapwa. Madalas ginagamit ito upang ilarawan kung paano tayo makitungo sa iba. Tayo ay madalas makisalamuha sa ibang tao o sa ating kapwa.
12
13
14
Biyernes ng hapon, habang masayang naglalaro sina Kardo, Bugoy, Denisse, Elsa, at Melissa sa harap ng kanilang bahay ay may dumating na malaking trak. Namangha sila sapagkat nang buksan ang trak ay may mga lamáng kagamitan at kasangkapan sa bahay. Maya-maya, bumaba ang isang mag-anak. Akay ang isang bátang babae na halos kasing edad nila. May bitbit itong laruan ngunit tila malungkot.
15
Sila ang mag-anak na Reyes. Sila ang bagong lipat sa lugar nina Kardo. Lumipat sila ng tírahan mula Batangas dahil naapektuhan ang kanilang kabuhayan mula nang sumabog ang Bulkang Taal.
16
Kinabukasan, naglaro muli ang magkakaibigan. Masayang-masaya sila at nagtatawanan. Napansin ni Elsa na may nagtatago at sumisilip sa likuran ng bakod. Sinabihan niya ang kaniyang mga kaibigan na puntahan nila para makipagkilala at makipagkaibigan. Niyaya nila itong makipaglaro.
17
Dahil sa pagiging magiliw sa panauhin at pagiging palakaibigan ng magkakaibigan ay madali nilang nakapalagayan ng loob si Fey.
Simula noon, ang bátang si Fey ay naging isang bátang masayahin.
18
19
Multiple Choice
1. Sino ang bátang nakilala at naging kaibigan nina Elsa at ng kaniyang mga kaibigan?
A. Kardo
B. Denisse
C. Fey
D. Bugoy
20
Multiple Choice
2. Ano ang dahilan kung bakit malungkot si Fey?
A. Ito ay dahil siya ay may sakit.
B. Ito ay dahil ayaw niya ang lugar.
C. Ito ay dahil wala siyang kaibigan.
D. Ito ay dahil malayo ang kaniyang paaralan.
21
Multiple Choice
3. Ano ang ugali na ipinakita nina Kardo kay Fey nang siya ay kanilang nilapitan?
A. pagiging masunurin
B. pagiging mapagbigay
C. pagiging masipag
D. pagiging palakaibigan
22
Multiple Choice
4. Tama ba na makipagkaibigan sa mga bátang bagong lipat?
A. Opo, para hindi sila malungkot.
B. Hindi po, hindi ko sila kilala.
C. Siguro po.
D. Hindi ko po alam.
23
Multiple Choice
5. Tutularan mo ba ang ginawang pakikipagkaibigan nina Elsa kay Fey?
A. Opo, upang magkaroon ng bagong kaibigan.
B. Opo, upang makahiram ng mga laruan.
C. Hindi po dahil may cellphone ako.
D. Hindi po dahil ayaw ko ng kaibigang malungkutin.
24
25
Multiple Choice
A. kapitbahay
B. bagong kakilala
C. guro
D. kamag-aral
F. panauhin o bisita
26
Multiple Choice
A. kapitbahay
B. bagong kakilala
C. guro
D. kamag-aral
E. taga-ibang lugar
27
Multiple Choice
A. kapitbahay
B. bagong kakilala
C. guro
D. kamag-aral
E. taga-ibang lugar
28
Multiple Choice
A. kapitbahay
B. bagong kakilala
C. guro
D. kamag-aral
E. taga-ibang lugar
29
Multiple Choice
A. kapitbahay
B. bagong kakilala
C. guro
D. kamag-aral
E. taga-ibang lugar
30
31
Multiple Choice
1. Dumating ang iyong kamag-anak galing probinsiya. Mamamalagi sila ng iláng araw sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Batiin sila nang maayos at patuluyin.
C. Magkunwaring masaya ako sa pagdating nila.
D. Ipapakita ko na hindi ako masaya sa pagdating nila.
32
Multiple Choice
2. May bago kayong kamag-aral. Gáling siya sa malayong bayan. Madalas siya ay malungkot sapagkat wala pa siyang kakilala. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lámang siya.
B. Batiin at kaibiganin siya.
C. Huwag siyang pansinin.
D. Sabihan na huwag na lámang siyang pumasok.
33
Multiple Choice
3. Pauwi na si Erwin nang may nakasalubong siyang taga-ibang bayan na nagtatanong. Paano niya ito pakikitunguhan?
A. Huwag itong kausapin.
B. Kausapin nang may pagyayabang.
C. Umiling lámang kapag kinakausap.
D. Magiliw na kausapin nang may paggalang.
34
Multiple Choice
4. Kapitbahay ninyo ang mag-anak na Cruz. Madalas siláng kapusin sa budget. Ano ang maaari mong gawin?
A. Kausapin ang mga magulang mo na tulungan sila.
B. Ikuwento at pag-usapan ninyong magkakaibigan.
C. Pagtawanan sila.
D. Kutyain sila.
35
Multiple Choice
5. Napansin mo ang isang matanda na nahihirapang tumawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo?
A. Panoorin lámang kung paano makakatawid ang matanda.
B. Magiliw na tulungang tumawid ang matanda.
C. Sigawan ang matanda at takutin ito.
D. Pagtawanan ang matanda.
36
37
Multiple Choice
_____1. Luis, lumayas ka nga diyan!
Tama
Mali
38
Multiple Choice
_____2. Magandang umaga, mga kaibigan.
Tama
Mali
39
Multiple Choice
_____3. Magandang araw din po, tuloy po kayo!
Tama
Mali
40
Multiple Choice
_____4. Natutuwa ako sa inyong pagdating, Tiya Elaine.
Tama
Mali
41
Multiple Choice
_____5. Narito ang sobra kong pagkain Philip, kunin mo.
Tama
Mali
42
by PRINCESS ILLAGA
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 42
SLIDE
Similar Resources on Wayground
36 questions
ESP Modyul 4
Presentation
•
2nd Grade
36 questions
Quarter 1: MTB: Week 1: Pivot
Presentation
•
2nd Grade
34 questions
Filipino 2 Week 8
Presentation
•
2nd Grade
34 questions
AULA TENSÃO, CORRENTE E RESISTÊNCIA
Presentation
•
2nd Grade
34 questions
Lição sem título
Presentation
•
2nd Grade
38 questions
Wiskunde trede 3
Presentation
•
1st Grade
37 questions
Paligsahan sa Kagubatan
Presentation
•
3rd Grade
35 questions
Chaney Lesson
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade