Search Header Logo
Araling Panlipunan 6 Quarter 2 Module 1

Araling Panlipunan 6 Quarter 2 Module 1

Assessment

Presentation

Social Studies

6th Grade

Hard

Created by

Eden Cordova

Used 2+ times

FREE Resource

22 Slides • 5 Questions

1

media

2

media

3

SUBUKIN NATIN

​PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin letra ng tamang sagot.

4

Multiple Choice

1. Ano ang pinakamabisang paraan ng mga Amerikano na makuha ang loob ng mga Pilipino para sakupin ang bansang Pilipinas?

1

a. edukasyon

2

b. transportasyon

3

c. kristiyanismo

4

d. komunikasyon

5

Multiple Choice

2. Sino ang naging unang Gobernador-militar na namuno sa bansa?

1

a. Henry C. Ide

2

b. Wesley Merritt

3

c. Elwell Otis

4

d. Artemio Ricarte

6

Multiple Choice

3. Alin sa sumusunod ang ipinahihiwatig ng Batas Sedisyon?

1

a. Pagbabawal sa pagbuo ng kilusan para sa Kalayaan

2

b. Pagpapalipat ng tirahan sa bayan o paraang zona

3

c. Pagbabawal sa panghihikayat na makipaglaban para sa kalayaan

4

d. Pagbabawal sa pagwagayway ng bandila ng Pilipinas

7

Multiple Choice

4. Anong pamahalaan ang naitatag sa bisa ng Batas na Susog Spooner?

1

a. Pamahalaang Militar

2

b. Pamahalaang Sibil

3

c. Republika ng Pilipinas

4

d. Pamahalaang Demokratiko

8

Multiple Choice

5. Anong batas ang nagsasaad ng mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng bandila ng Pilipinas?

1

a. Flag Law, 1907

2

b. Brigandage Act, 1902

3

c. Sedition Law ng 1901

4

d. Reconcentration Act 1903

9

​ARALIN NATIN

Ang Pamahalaang Militar

Agosto 14, 1898, nang itinatag ang pamahalaang militar sa bansa matapos mailipat ng mga Espanyol ang Pilipinas sa mga Amerikano. Nanungkulan sa Pilipinas si Hen. Wesley Merrit bilang unang Gobernadormilitar ayon na rin sa atas ni Pangulong William McKinley ng Estados Unidos. Nabigyan siya ng kapangyarihan na maging tagapagpaganap, tagapagbatas at tagapaghukom. Ito ay mariing tinutulan ni Hen. Emilio Aguinaldo ngunit hindi ito binigyang-pansin ng mga Amerikano. Maging ang pagtatag ng Unang Republika ng Pilipinas ay hindi kinilala ng Amerika kaya nagkaroon ng digmaan.

10

media

​Hen. Wesley Merrit

11

Patakarang Pasipikasyon

Isang paraan ito na mapigil ang pagbugso ng damdaming makabayan ng mga Pilipino. Nagpatupad ang mga Amerikano ng mga patakaran at batas upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin. Narito ang sumusunod:

Batas Sedisyon ng 1901 o Act no.292

Pinagtibay ito noong Nobyembre 4, 1901. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga Pilipino ang paghihikayat na makipaglaban para sa kalayaan mula sa Amerika. Papatawan ng mabigat na parusang kamatayan, matagal na pagkabilanggo o pagtapon sa malayong lugar ang sinumang mahuhuling lumalabag dito.

12

• Brigandage Act ng 1902 - Ipinatupad ang batas na ito sa tulong ng Komisyong Pilipino noong Nobyembre 12, 1902 na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbuo ng kilusan o samahan na makipaglaban para sa kalayaan. Papatawan ng parusang kamatayan o matagal na pagkabilanggo ang sinumang mahuhuling lalabag nito.

Reconcentration Act noong 1903 - Nang hindi pa rin mapigil ang mga gerilya sa pakikipaglaban para sa kalayaan, ipinalabas ang batas na ito na kilala na paraang “zona” para sa sapilitang pagpapatira ng mga Pilipino sa mga bayan upang maputol ang suporta ng mga mamamayan sa mga gerilya na nasa mga nayon. Napilitan silang iwanan ang kanilang pangkabuhayan na nagpahirap sa mga Pilipino. Nagtala ng 50,000 tao ang namatay sa gutom at epidemya.

13

• ​Flag Law ng 1907 - Pinagtibay ng komisyon ng Pilipinas ang batas na ito noong Agosto 23, 1907. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagwagayway sa bandila ng Pilipinas sa lahat ng pagkakataon mula 1907 hanggang 1918.

14

​​Ang Pamahalaang Sibil

Naitatag ng mga Amerikano ang pamahalaang sibil noong taong 1901 sa bisa ng batas na Susog Spooner. Ito ay naunang pinanukala ni Senador John Spooner at sinang-ayunan naman ng Kongreso ng Estados Unidos ang susog na ito noong Mach 2, 1901. Ang pamahalaang sibil sa bansa ay pinasinayaan noong Hulyo 4, 1901. Ang unang Amerikanong gobernador-sibil ng Pilipinas ay may hawak na kapangyarihang tagapagpaganap o ehekutibo at tagapagbatas o lehislatibo. Binubuo naman ng mga Amerikano at isang Pilipino ang itinatag na Hudisyal na pinamunuan ng Korte Suprema.

15

Mga Patakarang Kooptasyon

Maraming pagbabago ang nangyari sa panahong ito upang mahikayat lalo ang mga Pilipino na sumunod sa pamumuno Amerika. Nabago ang sistema ng edukasyon, pangkalusugan, transportasyon at komunikasyon at sa larangan ng pangkabuhayan.

16

​Sistema ng Edukasyon

Ito ang isang naging mabisang paraan ng mga Amerikano na ginamit upang mapayapa ang buong sambayanan.

• Nagbukas ng mga pampublikong paaralan kung saan marami ang libreng nakapag –aral.

• Tanging mga sundalong Amerikano ang unang naging guro ng mga Pilipino.

• Pumalit ang 600 na mga gurong ipinadala mula sa United States lulan ng barkong USS Thomas na tinawag silang Thomasites.

• Hindi pinahihintulutan ang pagtuturo ng relihiyon at higit na binigyang pansin ang pagtuturo ng demokratikong pamumuhay.

17

​Sistema ng Edukasyon

• Hindi pinahihintulutan ang pagtuturo ng relihiyon at higit na binigyang pansin ang pagtuturo ng demokratikong pamumuhay.

• Ingles ang wikang gamit sa pagtuturo.

• Binigyang diin ang pagtuturo ng kulturang Amerikano upang maiwaglit sa mga Pilipino ang pagmamahal sa bayan.

• Ipinakilala nang mabuti ang mga produktong galing sa Amerika kaya naging kolonyal ang pag-iisip ng mga Pilipino.

18

Mga Nabuksang Kolehiyo at Unibersidad

• Philippine Normal School (1901) naging Philippine Normal University

• Siliman University (1901)

• Centro Escolar University (1917)

• University of the Philippines (1908)

• Unibersidad ng Maynila (1914)

• Philippine Women’s University (1919)

• Far Eastern University (1919)

19

​Sistemang Kalinisan at Kalusugan

Ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of Public Health ay naitatag ng mga Amerikano noong 1901. Kaakibat nito ang pagtatayo ng mga pampublikong ospital at mga klinika na binigyan ng mga makabagong kagamitan at gamot. Ang Philippine General Hospital ay isa sa mga naipatayong pagamutan ng mga Amerikano. Dahil sa mga makabagong pamamaraan ng pangkalusugan, natuto ang mga Pilipino ng wastong pag-uugali sa kalinisan at tamang paraan ng paghahanda ng pagkain kung kaya napigilan ang pagkalat ng mga iba’t ibang sakit na nakakahawa.

20

Pag-unlad ng Transportasyon at Komunikasyon

Unti-unting umunlad ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa mga pagbabagong dala ng mga Amerikano sa bansa. Maraming mga daan at tulay ang nilikha upang mapag-ugnay ang mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa. Binago at ginawang mabilis ng mga Amerikano ang paraan ng paglalakbay ng mga Pilipino. Pinalaganap ang paggamit ng mga tren, tranvia, kotse at bus. Ang mga linya ng telepono ay inihatid sa Pilipinas noong 1905 ar serbisyong radyo telepono noong 1933. Ang transportasyon at komunikasyon ay lubhang mahalaga upang mapagaan at mapabilis ang anumang gawain ng bawat mamamayan lalo na sa larangan ng pangkabuhayan.

21

Pagbabago sa Pangkabuhayan

Nagpatupad ng iba’t ibang pagbabago sa larangan ng ekonomiya ang ipinatupad ng mga Amerikano sa bansa.

• Malayang Kalakalan Batas Payne-Aldrich - ang unang batas na pinagtibay ng mga Amerikano ukol sa malayang kalakalan. Itinakda nito na lahat ng produkto na galing sa Pilipinas, maliban sa bigas, ay malayang makakapasok sa pamilihan ng Amerika na walang buwis.

• Pagpapaunlad ng Ekonomiya - Nilikha ang National Economic Council upang magturo ng tamang paraan na mapaunlad ang kabuhayan, pananalapi, pagpapaunlad ng industriya at pagdami ng mga pananim at ani gamit ang mga makabagong makinarya.

22

• Batas Homestead- Ito ang batas na ipinatupad upang mabigyan ng mga lupain ang mga Pilipino ng hindi hihigit sa 25 ektarya na gustong magsaka. Ang mga lupaing ito ay mula sa pag- aari ng mga prayle sa panahon ng Espanyol na binili ng pamahalaan upang muling ipagbili sa mga magsasakang Pilipino.

Sa kabila ng mga pagbabagong nangyari sa panahon ng Amerikano, nalinang ang pag –uugali sa ating mga Pilipino ng mga Amerikanong mananakop ang colonial mentality o kaisipang kolonyal. Ito ay ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Estados Unidos mula sa pagkain, kasuotan at pagbibigay ng pangalan.

23

Gawin Natin​

Pagtambalin ang mga batas at patakaran ayon sa ipinapatupad nito. Piliin ang titik ng tamang sagot.

24

media

25

media

26

media

27

Tandaan Natin

Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Nang mapasakamay ng mga Amerikano ang Pilipinas ay agad nilang pinairal ang pamahalaang (1) Militar na pinamunuan ng (2) Gobernador-militar. Ipinatupad din nila ang patakarang (3)Pasipikasyon upang mapigil ang pagbugso ng damdaming makabayan ng mga Pilipino. Nang mapigil sa paglaban ang mga Pilipino ay agad na naitatag ang pamahalaang (4) Sibil. Naipatupad ding ang patakarang (5) Kooptasyon upang tanggapin agad ng mga Pilipino ang pamamahala ng mga amerikano.

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 27

SLIDE