
AP VI Modyul 2 Aralin 1
Presentation
•
Social Studies
•
6th Grade
•
Easy
Macky Myx
Used 5+ times
FREE Resource
30 Slides • 13 Questions
1
AP 6
Modyul 2
Ang Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan
Mr. Mark Anthony V. Taloban
2
Multiple Choice
Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas.
Batas Cooper
Batas Jones 1916
Batas Gabaldon
Batas bilang 1870
3
Multiple Choice
Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas.
Batas Cooper
Batas Jones 1916
Batas Gabaldon
Batas bilang 1870
4
5
ALAMIN
Ang paghangad ng mga Pilipino
na makalaya o makapagsarili
ay hindi natapos kahit nahuli na si Heneral Emilio Aguinaldo at nagwakas ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Ngunit sa pagnanais ng mga Pilipino na makalaya sa kamay ng mga dayuhan na mananakop sila ay gumawa ng paraan upang matupad ito.
6
Sa modyul na ito ay iyong malalaman kung ano ang mga ginawa ng mga Pilipino upang makamit ang ating kalayaan at makapagpamahala ng sariling Pamahalaan.
7
May dalawang aralin sa modyul na ito:
Aralin 1- Ang Asamblea ng Pilipinas
Aralin 2- Mga Misyon at Batas Pangkalayaan (Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-McDuffie)
-pag-aaralan bukas sa asynchronous
8
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, subukan mo munang sagutan ang katanungan
Panuto : Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
9
Multiple Choice
1,Ang Batas Tydings-McDuffie ay isa sa mga batas ukol sa Pilipinas na may probisyong ____________________________.
pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila.
kontrolin ng Estados Unidos ang ekonomiya ng Pilipinas.
magpadala ng kinatawan ng bansa sa kongreso ng Estados Unidos.
ganap na kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon.
10
Multiple Choice
2. Ang Misyong OSROX ay pinadala sa Estados Unidos sa kagustuhan ng mga Pilipino na makapagsarili. Kilala ito sa ating kasaysayan bilang?
Batas Hare-Hawes-Cutting
Pamahalaang Militar
Misyong Pangkalayaan
Batas Tydings-McDuffie
11
Multiple Choice
3. Itinadhana ng Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-McDuffie ang ____________________________.
pagpatupad ng pamahalaang sibil kapalit ng pamahalaang militar
pagbigay ng kalayaan pagkatapos ng 10 taong transisyon sa pamamahala
mga pinunong Pilipino ang papalit sa pamunuang Amerikano
mga pinunong Pilipino ang papalit sa pamunuang Amerikano
12
Multiple Choice
Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas._____.
Batas Cooper
Batas Jones 1916
Batas Gabaldon
Batas bilang 187
13
Multiple Choice
Ang pagbuo ng Asamblea Filipina ay isa sa paghahanda ng mga Pilipino sa kalayaan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpakita ng kakayahan ng mga Pilipino sa pamumuno?
paglinang ng likhang – kultural laban sa Amerikano
pagpapaunlad ng impluwensyang Amerikano sa pamahalaan
pagsunod ng mga Pilipino sa patakarang pang-edukasyon ng mga Amerikano
pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan
14
Aralin 1 Ang Asamblea ng Pilipinas
Kumusta ka na? Handa ka na ba sa bagong aralin natin? Ang aralin nating ngayon ay tungkol sa pagtatag ng Asamblea ng Pilipinas, ang sangay ng pamahalaan sa paggawa ng batas. Tatalakayin dito ang iba’t ibang batas na nabuo at ipinatupad sa bansa. Handa ka na ba?
15
Inaasahang pagkatapos ng aralin, magagawa mo ang sumusunod: 1. maibibigay ang mahalagang batas na naisagawa ng Asamblea ng Pilipinas at ang naging pagsalungat ng mga Amerikano sa pagsisikap ng mga Pilipino na makapagsarili; at 2. matutukoy ang itinadhana ng Batas Jones 1916 tungo sa pagsasarili ng Pilipinas
16
Bago tayo pumunta sa ating bagong aralin. Balikan mo muna ang nakaraang aralin.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap
17
Multiple Choice
BALIKAN
Sino ang unang Gobernador Sibil?
Henry Allen Cooper
William H. Taft
18
Multiple Choice
Sino ang nagtaguyod ng Philippine Autonomy Act?
Woodrow Wilson
William Atkinson Jones
19
Multiple Choice
Kailan pinagtibay ang Komisyon ng Serbisyo Sibil? Itinadhana nito ang pagbibigay ng pagsusulit sa sinumang nais maglingkod sa pamahalaan.
Setyembre 19, 1900
Agosto 19, 1916
20
Multiple Choice
Sino ang punong mahistrado ng Korte Suprema sa Pamahalaang Sibil?
Cayetano Arellano
Trinidad H. Pardo de Tavera
21
Multiple Choice
Kailan ang itinakda ng Batas Tydings McDuffie ang kasarinlan ng Pilipinas pagkatapos nga 10 taon?
Marso 24, 1943
Hulyo 4, 1946
22
MAHUSAY mga bata! Kung kayo ay nakakuha ng 4-5 ang inyong guro ay nagagalak.
Kung kayo naman ay nakakuha ng 3 pababa,pagbutihan ito para makakuha ng mataas na marka!
23
Ngayon naman para lubasan ninyong maunawaan ang ating aralin sa araw na ito. Narito at ating suriin ang ating aralin.
24
Basahin at unawain mabuti ang ating aralin tungkol sa Asamblea ng Pilipinas.
Narito at ating suriin
25
Ang Asamblea ng Pilipinas
Ang Batas ng Pilipinas 1902 o Batas Cooper na itinaguyod ni Kongresista Henry Allen Cooper, ay pinagtibay noong Hulyo 1, 1902. Ang Batas na ito ay nagtadhana sa pagpapadala sa Estados Unidos ng dalawang residenteng komisyonado. Bibigyan sila ng karapatang makilahok sa mga debate o sesyon ng Mababang Kapulungan sa Kongreso ng Estados Unidos ngunit walang karapatang bumoto sa anumang isyu o batas ng Kapulungan.
26
Ang unang dalawang komisyonadong ipinadala ay sina Pablo Ocampo
at Benito Legarda
bilang kinatawan ng Pilipinas.
27
Ang Batas Pilipinas 1902 o Batas Cooper
ay nagtakda ng probisyong pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas. Kaya noong Hulyo 30, 1907 ay naganap ang isang halalan ng mga kagawad ng Asamblea ng Pilipinas. Ito ay pinasinayaan noong Oktubre 16, 1907 sa Manila Grand Opera House. Si Jose Barlin, Obispo ng Naga ang namuno sa dasal
28
Nahalal si Sergio Osmeña, Sr.
bilang ispiker
at si Manuel L. Quezon bilang Lider ng Mayorya.
29
Bilang paghahanda sa pagsasarili itinatag ng pamahalaan ang Asamblea ng Pilipinas. Ang Asamblea ng Pilipinas ay binuo ng mga Pilipinong nakiisa sa Pamahalaang Sibil na itinatag ng mga Amerikano.
Sa pagkakatatag ng Asamblea ng Pilipinas naging malaking hamon sa mga Pilipino na mapatunayan na handa na ang Pilipinas sa pagsasarili at pagiging malaya.
30
Sa ilalim ng Asamblea ng Pilipinas, maraming nagawang batas ang mga Pilipino, tulad ng
Batas Gabaldon 1907. Ang may akda ng batas na ito ay si Isauro Gabaldon,
ang batas na ito naglaan ng 1 milyong piso sa pagpapatayo ng mga paaralang pampubliko sa buong kapuluan mula 1908 hanggang 1915.
31
Isa pang halimbawa ng batas na ginawa ng Asamblea ng Pilipinas ay ang Batas Bilang (Blg.) 1870. Ang batas na ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng Unibersidad ng Pilipinas noong Hunyo 18, 1908. Napagtibay din ang mga batas tungkol sa pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon. Kasama din ang batas tungkol sa sakahan, tulad ng patubig at bangkong pansakahan.
32
Maliban sa pagkakaroon ng Asamblea ng Pilipinas, marami pang napatunayan ang mga Pilipino sa kanilang kahusayan sa pamamahala. Ilan dito ay ang pagkahirang kay Gregorio Araneta bilang Kalihim ng Pananalapi at Katarungan, at kay Cayetano Arellano
bilang Punong Mahistrado
ng Korte Suprema
33
Lumawak din ang pakikibahagi ng mga Pilipino sa Pamahalaang Lokal at Serbisyo Sibil. Noong 1918, tinatayang 4% o apat na bahagdan na lamang ng mga posisyon sa pamahalaan ang hawak ng mga Amerikano.
34
Sa kabila ng pagsisikap ng mga Pilipino sa Mababang Kapulungan na patunayang may kakayahan sila sa pamamahala, sinasalungat pa rin sila ng mga mambabatas na Amerikano.
Halimbawa ng pagsasalungatan ng mga mambabatas na mga Pilipino at Amerikano ay ang pagwawalang bisa sa sumusunod na mga batas:
35
a. Batas Sedisyon 1901 (nagpaparusa sa sinumang may pahayag at sumulat ng anuman laban sa pamahalaan ng Estados Unidos). 7 CO_Q2_AP6_Module2
b. Batas Panunulisan (Brigandage Act) 1902 (nagpaparusa ng pagkabilanggo sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga samahan at kilusang makabayan).
c. Batas sa Bandila 1907 na nagbabawal sa paggamit ng anumang sagisag o bandila, lalo na ang mga sagisag ng himagsikan. Ngunit ang batas na ito ay pinawalang bisa noong 1919.
36
Ang Batas Jones
Noong 1916, ipinagtibay ang batas na nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino na makamit ang kalayaan kung mapapatunayan nilang may kakayahan na sila sa pagsasarili. Ang batas na ito ay tinawag na Batas Jones 1916 o Philippine Autonomy Act 1916. Sa pamamagitan ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia ay nilagdaan ni Pangulong Woodrow Wilson ang batas noong Agosto 29, 1916.
37
Ayon sa Batas Jones o Philippine Autonomy Act, dapat kilalanin ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas kapag mayroon na itong matatag na pamahalaan. Itinadhana ng batas na ito ang pagkakaloob ng kapangyarihang pambatasan sa dalawang kapulungan: ang Senado at ang Mababang Kapulungan
38
Pinalitan ng Senado ang dating Komisyon ng Pilipinas samantalang pinalitan naman ng Mababang Kapulungan ang Asamblea ng Pilipinas.
39
Ang bagong lehislatura o batasan sa ilalim ng Batas Jones ay pinasinayaan noong Oktubre 16, 1916.
Si Manuel L. Quezon ang Pangulo ng Senado at si Sergio Osmeña, Sr. naman ang Ispiker ng Mababang Kapulungan.
40
Ang Batas Jones ay nagtadhana rin ng isang sangay na tagapagpaganap na pamumunuan ng gobernador-heneral at ng kanyang gabinete.
41
Naunawaan ba ang aralin sa araw na ito? Kung naunawaan mahusay mga bata!
Ngayon, subukan natin ang iyong natutunan tungkol sa Asamblea ng Pilipinas at Batas Jones 1916. Sagutan mo ang sumusunod.
42
Draw
Itapat ang taon na nasa hanay A sa tamang batas o pangyayari na nasa hanay B gamit ang draw pen. (3 minuto)
43
MAGALING MGA BATA!
​
AP 6
Modyul 2
Ang Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan
Mr. Mark Anthony V. Taloban
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 43
SLIDE
Similar Resources on Wayground
33 questions
Lesson 1: The Katipunan
Presentation
•
6th Grade
34 questions
Kewajiban di Jalan Raya
Presentation
•
6th Grade
36 questions
Cybersecurity L4: Protecting Your Device from Security Threats
Presentation
•
6th Grade
37 questions
Kaharian ng Srivijaya at Sailendras
Presentation
•
7th Grade
35 questions
Chaney Lesson
Presentation
•
KG
41 questions
Tema 1
Presentation
•
6th Grade
41 questions
Presentasi materi kelas 6 tema 8
Presentation
•
6th Grade
30 questions
The Katipunan
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
30 questions
GVMS House Trivia 2026
Quiz
•
6th - 8th Grade
Discover more resources for Social Studies
6 questions
N2Y: May the 4th be with You
Presentation
•
5th - 8th Grade
10 questions
Exploring the Age of Exploration: Key Events and Figures
Interactive video
•
6th - 10th Grade
7 questions
20th Century Texas Politics Lesson
Presentation
•
6th - 8th Grade
45 questions
Mastery Assessments 2025-2026 — Social Studies, 6th Grade
Quiz
•
6th Grade
25 questions
Civics EOC Review
Quiz
•
6th - 8th Grade
18 questions
CA4 Test Review
Quiz
•
6th Grade
11 questions
Specialization and Trade - Australia
Presentation
•
6th Grade
34 questions
6th Grade Social Studies District Final Review DOK Level 1
Quiz
•
6th Grade