Search Header Logo
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw

Migrasyon: Perspektibo at Pananaw

Assessment

Presentation

•

Social Studies

•

10th Grade

•

Practice Problem

•

Medium

Created by

DYAN DELIZO

Used 12+ times

FREE Resource

18 Slides • 18 Questions

1

Migrasyon:
Perspektibo at Pananaw

by DYAN DELIZO

2

​Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

​Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon

3

​Panimulang Gawain:

​Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tinutukoy sa tamang kasagutan

4

Multiple Choice

Ito ay tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa isang lugar patungo sa iba, maaaring sa loob ng sariling bansa o panlabas, maging ito man ay pansamantala o permanente.

1

Flow

2

Migrasyon

3

Stock

4

Transition

5

Multiple Choice

Ito ang pangunahing dahilan ng maraming Pilipino sa kanilang pag-alis o paglipat mula sa kanilang lugar patungo sa iba

1

Edukasyon

2

Hanapbuhay

3

Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak

4

Paghahanap ng ligtas na tirahan

6

Multiple Choice

Tumutukoy ito sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon

1

Flow

2

Migrasyon

3

Stock

4

Transition

7

Multiple Choice

Ito ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.

1

Flow

2

Migrasyon

3

Stock

4

Transition

8

Multiple Choice

Ito ang bansang pangunahing pinupuntahan o destinasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) batay sa pag-aaral sa taong 2019.

1

Australia

2

Kuwait

3

Saudi Arabia

4

United Arab Emirates

9

Multiple Choice

Tumutukoy ito sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

1

Irregular migrants

2

Labour migrants

3

Permanent migrants

4

Temporary migrants

10

Multiple Choice

Ito ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.

1

Irregular migrants

2

Labour migrants

3

Permanent migrants

4

Temporary migrants

11

Multiple Choice

Tumutukoy ito sa mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa

1

Irregular migrants

2

Labour migrants

3

Permanent migrants

4

Temporary migrants

12

Multiple Choice

Ito ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.

1

Globalisasyon ng migrasyon

2

Migration transition

3

Net migration

4

Peminisasyon ng migrasyon

13

Multiple Choice

Tumutukoy ito sa pagdami ng mga babaeng nangingibang bansa kumpara sa mga lalaki.

1

Globalisasyon ng migrasyon

2

Migration transition

3

Net migration

4

Peminisasyon ng migrasyon

14

Gawain: Push or Pull

​Magbigay ng mga halimbawa ng Push at Pull Factor ng MIgrasyon.

15

Open Ended

Pull Factor

16

Open Ended

Push Factor

17

​Migrasyon

​-Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa iba, maging ito man ay pansamantala o permanente

​- Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries orimmigration

18

​2 Uri ng Migrasyon

​1. Internal Factor

​2. International Migration

19

​Mga Termino

​1. Flow

​2. Stock

20

​Flow

​Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon

21

​Flow

​Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures o outflows

22

​Stock

​Bilang ng nandayuhan na nainirahan o nananatili sa bansang nilipatan

23

​Tandaan

​Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon

24

​Positibong Epekto ng Migrasyon

​1. Ang pagkakaroon ng suweldo ng mga manggagawa upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya

​2. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang larangan dahil sa magandang edukasyon na naibibigay ng matatayog at maunlad na bansa dulot ng mataas na antas ng teknolohiya

25

​Negatibong Epekto ng Migrasyon

​1. Nawawalay sa mga mahal sa buhay upang magampanan ang tungkulin bilang miyembro ng pamilya

​2. Brain Drain

​3. Pang-aabuso

​4. Karahasan

26

​URI NG NANDARAYUHAN O MIGRANTE

​1. Permanent Migrants (permanenteng pandarayuhan) - Ito ang pandarayuhang hangad na manirahan sa bansang kanyang nilipatan.

2. Irregular Migrants - mga nandarayuhang nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho o overstaying sa bansang pinuntahan.

3. Temporary Migrants - mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang doon magtrabaho o manirahan sa takdang panahon.

27

​Mga iba pang itinuturing na uri ng migrante

​a. Forced Migrants - mga mamamayan na lumipat ng lugar dulot ng sigalot, problema sa kapaligiran, problemang politikal, mga sakuna at iba pang dahilan Karaniwang tinatawag na refugees o asylum.

b. Family Reunification Migrants – mula sa isang miyembro ng pamilya ng isang OFW na nandarayuhan upang doon na sila permanenteng manirahan.

c. Return Migrants – mga nandarayuhan na bumalik sa bansa o lugar na kanyang pinagmulan.

28

​Gawain: Larawan-Suri

​Suriin at ipinapahiwatig ng nasa larawan.

29

Open Ended

Question image

Anong Konsepto ang ipinapakita sa larawan?

30

​Ebalwasyon

​Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at sabihin kung anong uri ng migrante ang inilalarawan.

31

Open Ended

Si Louie ay nangibang bansa at nanatili na sa bansang kanyang pinuntahan

32

Open Ended

Si Mr. Smith kasama ang kaniyang pamliya ay nagdesisyon na lumipat ng tirahan dahil sa banta ng terorismo sa kanilang lugar

33

Open Ended

Isang nurse si Nicole at siya ay nangibang bansa sa isang takdang panahon

34

Open Ended

Hangad ni Lorie ang permanenteng paninirahan sa Canada at hindi lamang trabaho

35

Open Ended

Si Jacob ay nagtungo sa Kuwait na hindi dokumentado at walang permit

36

​Maraming Salamat sa Pakikinig

​

pattern-tertiary
Migrasyon:
Perspektibo at Pananaw

by DYAN DELIZO

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 36

SLIDE