
Ang Kuba ng Notre Dame
Presentation
•
Other
•
10th Grade
•
Hard
Shaina Faigao
Used 3+ times
FREE Resource
10 Slides • 0 Questions
1
Inihanda ni: Bb. Shaina Joy Faigao
Ang Kuba ng Notre Dame
2
Ang Kuba ng Notre Dame
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Muling isinalaysay ni Jocelyn B. Cardinez
Noong unang panahon mayroong isang kuba na nagngangalang
Quasimodo, sobrang pangit ng mukha at pinandidirihan siya ng mga tao dahil
sa hitsura at kadungisan nito. Nakatira siya sa Notre Dame.
Isang araw, sa isang malawak na espasyo ng Katedral sa Paris nagtipon-
tipon ang mga tao upang ipagdiwang ang “Pagdiriwang ng Kahangalan”,
Itinanghal bilang “Papa ng Kahangalan” si Quasimodo, kinukutya at nilalait siya
habang ipinaparada sa iba’t ibang bahagi ng lugar.
3
Sa kabila ng mga panlalait sa kaniya hindi siya nagpatinag. Nabighani siya sa isang napakagandang dalagang si La Esmeralda. Subalit hindi lang siya ang nagkakagusto sa dalaga. Ang kaniyang ama- amahang paring si Claude Frollo, ang kapitan ng mga kawal na si Phoebus at ang makata at pilosopong si Pierre Gringoire ay nabighani rin. Labis ang pagnanasa ni Frollokay La Esmeralda kung kaya’t sinunggaban niya ito isang araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas naman si La Esmeralda ng pilosopong si Gringoire at dinakip si Quasimodo. Si Gringoire na nagligtas kay La Esmeralda naman ay hinuli ng mga pulubi at itinakdang bitayin ngunit iniligtas siya ng dalaga sa pagbitay sa pamamagitan ng
pagkakasal sa kaniya.
4
Kinabukasan, hinatulan naman si Quasimodo ng parusang paghagupit sa harapan ng madla. Nang siya ay nauuhaw at humingi ng maiinom, nilapitan siya ni La Esmeralda at binigyan ng tubig. Dito naantig ang puso ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinatawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw”. Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaang dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga.
5
Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniyang talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis
ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag- aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.
6
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi niya ginawa. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali.
7
Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na
isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay napaibig kay La
Esmeralda nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan nito. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit
na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw– sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parlamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral.
8
Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang
hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Sa pag-uusap ng dalawa nabatid nila na sila’y mag-ina dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Pagkalipas ng ilang sandali dumating ang mga kawal at dinakip si La Esmeralda. Napatay si Gudule ng mga kawal sa pagtatangkang pagligtas sa anak.
9
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya
ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa ‘di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Nalungkot siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niyang may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot at galit na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore – ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal – si La Esmeralda.
10
Pinuntahan niya ang bangkay ng dalaga at habang nakatitig sa wala ng
buhay na katawan nito, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong minahal”. Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo. Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan - nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.
Inihanda ni: Bb. Shaina Joy Faigao
Ang Kuba ng Notre Dame
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 10
SLIDE
Similar Resources on Wayground
8 questions
Digital documentation Assignments
Lesson
•
9th - 10th Grade
6 questions
AKSARA BALI
Lesson
•
11th Grade
9 questions
epp lesson
Lesson
•
KG
11 questions
học tập suốt đời
Lesson
•
10th Grade
4 questions
thứ khiến bn bị cản trở
Lesson
•
KG
6 questions
Kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas
Lesson
•
10th Grade
6 questions
L'adjectif attribut et épithète
Lesson
•
10th Grade
8 questions
Lettre de motivation
Lesson
•
KG
Popular Resources on Wayground
10 questions
5.P.1.3 Distance/Time Graphs
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Fire Drill
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Hargrett House Quiz: Community & Service
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
15 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
4th Grade
Discover more resources for Other
12 questions
Digital Ethics Challenge
Quiz
•
10th Grade
10 questions
Cell Organelles and Their Functions
Interactive video
•
6th - 10th Grade
10 questions
Exploring Basic Probability Concepts
Interactive video
•
6th - 10th Grade
32 questions
College Trivia
Quiz
•
9th - 12th Grade
18 questions
Informative or Argumentative essay
Quiz
•
5th Grade - University
20 questions
Women History Month
Quiz
•
6th - 12th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
10th Grade
20 questions
Career
Quiz
•
9th - 12th Grade