

Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
Presentation
•
Social Studies
•
3rd Grade
•
Medium
Lisbel Peña
Used 2+ times
FREE Resource
46 Slides • 6 Questions
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Layunin:
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at paghubog ng uri ng pamumuhay ng mga lalawigan at Rehiyon.
By Lisbel Dela Peña
10
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
By Lisbel Dela Peña
11
Open Ended
Kamusta ang panahon ngayon?
12
Open Ended
Paano mo inaangkop ang iyong sarili sa kasalukuyang panahon?
13
Klima
Ang klima ay ang pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon (weather) sa isang takdang lugar o rehiyon.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
14
Sa uri ng klima ng ating bansa ay iniaangkop natin ang mga araw-araw na gawain, pananamit, at tirahan.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
15
Klima sa Rehiyon VI - Kanlurang Visayas
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
16
Tag-araw at at tag-ulan ang dalawang tiyak na panahon sa Kanlurang Visayas. Sa kanlurang bahagi ng rehiyon ay tag-araw at hindi matiyak ang panahon. Sa silangang bahagi nito, kalamitang tag-ulan at tag-araw.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
17
Unang uri - Magsinghaba ang tag-init at tag-ulan. Tag-init mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan mula Hunyo hanggang Setyembre.
Ikalawang uri - Walang tag-init. Maulan, lalo na sa buwan ng Nobyembre hanggang Abril.
Ikatlong uri - Maikli ang tag-init. Walang tiyak na panahon ng tag-ulan. Tag-init mula Nobyembre hanggang Abril.
Ikaapat na uri - Halos pareho ang pagpatak ng ulan sa buon taon.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
18
Multiple Select
Anong uri ng klima mayroon ang Kanlurang Visayas?
Unang Uri
Ikalawang Uri
Ikatlong Uri
Ikaapat na Uri
19
Ang klima sa Kanlurang Visayas ay mainit mula Marso hanggang Abril. Tag-ulan naman sa mga buwan ng Enero, Pebrero, at Disyembre. Ang malamig na temperatura dito ay mula 27ºC na umaabot hanggang 28ºC. Nakararanas ng maraming tag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre; pabugso-bugsong pag-ulan naman sa mga natitirang buwan.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
20
Uri ng Bahay
21
Noon pa man, ang mga tirahan sa mga bayan sa Kanlurang Visayas ay inaangkop na sa klima rito. Dahil sa mainit ang panahon dito, ang mga bahay ay yari sa mga pawid at kawayan. Ang mga bintana ay malalapad, ang mga dingding at sahig ay may mga pagitan para daluyan ng hangin.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
22
Sa ngayon, iba na ang anyo at kayarian ng mga bahay dito. Yari na ang mga ito sa semento, kahoy, bakal, at salamin. Malalaki pa rin ang mga bintana nito. Halos lahat ay gumagamit ng bentilador o electric fan. Ang iba ay may air conditioning. Gayundin ang mga opisina at pabrika. Pati na mga bus at kotse ay may air conditioning din.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
23
Pananamit
24
Kung tag-init, ang mga taga-Kanlurang Visayas ay nagsusuot ng maninipis at angkop na damit, tsinelas, at sandals. Gumagamit sila ng sun glasses at sunscreen lotion na panlaban sa mainit na sinag na araw.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
25
Kapag tag-ulan, iba rin ang kanilang mga kasuotan. Nagsusuot ang mga tao ng kapote at bota na panlaban sa ulan. Gumagamit din sila ng payong o kapote sa ganitong mga panahon.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
26
Pagkain
27
Ang mga uri ng pagkain sa Kanlurang Visayas ay inaangkop din sa uri ng panahon. Kumakain ang mga taga-rito ng malalamig na pagkain kapag tag-init tulad ng haluhalo, ice candy, shake at ice cream.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
28
Gawain
29
Kapag tag-init, ang mga taga Kanlurang Visayas ay nagpapatuyo ng trepang. Ang trepang ay malambot at may mga batik ng mata sa kanilang katawan gaya ng pinya. Ang balat nito ay ang pinangsasahog sa pagkain, kalamitan ito ay ginagamit ng mga Chinese Restaurant.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
Pagtotroso at pagmimina ang kanilang gawain tuwing tag-init.
30
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
Kapag tag-ulan sa Kanlurang Visayas, panahon ito ng pagtatanim ng palay. Kung tag-init naman ay panahon ng pag-aani.
31
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
Taon-taon, ang mga mababang lugar ng Kanlurang Visayas tulad ng ilang bahagi ng Negros Occidental at Iloilo ay nakararanas ng pagbaha kapag may matitinding pag-ulan. Ang mababang lugar ng Capiz ay nakararanas rin ng matitinding pagbaha dahil sa ulan.
32
May Impluwensiya ang Lokasyon sa Kultura ng Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
33
Ang Kanlurang Visayas ay may mga malalawak na kapatagan, lambak, at dagat na masaganang napagkukunan ng mga yamang likas.
34
35
Pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa rehiyong ito ay pagsasaka, pangingisda, at pagmimina. Ang kapatagan ay pinagtataniman ng palay, tubo, niyog, mais, at mga gulay. Isa ang Kanlurang Visayas sa nag-aangat ng bigas sa iba't-ibang lalawigan at rehiyon sa buong bansa.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
36
May mga kabundukan at kagubatan sa Kanlurang Visayas. Dito nakapagmimina ang mga mamamayan ng mga metal at di-metal na mga mineral. Napagkukunan ito ng mga yamang mineral na metal tulad ng tanso, pilak, at ginto. Dito rin nakakukuha ng mga di-metal na mineral tulad ng semento, buhangin, luwad, guano, apog, at marmol.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
37
Sagana rin ang troso sa mga lugar na ito. May mayaman at matabang kalupaan sa ilang bahagi rito. Magandang pagtaniman ng mga tubo, niyog, gulay, at prutas lalo na sa mga lugar na malapit sa kabundukan.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
38
May malalawak na palaisdaan sa mga lalawigan ng Iloilo at Negros Occidental. Nag-aalaga ang karamihan ng bangus, tilapia, alimango, tahong, hipon, at iba pa.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
39
Sa Lungsod ng Bacolod, Negros Occidental nanggagaling ang malaking produksiyon ng asukal kaya tinawag itong "Rehiyon ng Asukal". Tinagurian naman na "Seafood Capital" ang lalawigan ng Capiz.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
40
Dahil sa malaki ang populasyon at maraming pamilihan ang Metro Manila, dito dinadala ng mga taga-Kanlurang Visayas ang kanilang produkto para matustusan ang mga pangangailangan ng mga naninirahan dito.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
41
Habang lumalaki ang populasyon sa Kanlurang Visayas ay dumarami ang mga industriya rito. Nagkaroon na ng mga resort at mga tirahan sa lungsod ng Iloilo, Aklan, Capiz at Negros Occidental. Mas lumaki rin at dumami ang pangangailangan nila mula sa mga likas na yaman dito. Malaki ang nabawas sa nahuhuling mga isda sa may baybay-dagat at ginawa na lamang resort ang ilan sa mga ito dahil sa sobrang pangingisda, paggamit sa mga yamang likas, pagkonkreto ng mga lugar, at pagpapatayo ng mga istruktura.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
42
43
44
45
46
47
48
Open Ended
Bakit nagdadala ng mga produkto at kalakal ang Rehiyon VI sa Metro Manila?
49
Pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa rehiyong ito ay pagsasaka, pangingisda, at pagmimina. Ang kapatagan ay pinagtataniman ng palay, tubo, niyog, mais, at mga gulay. Isa ang Kanlurang Visayas sa nag-aangat ng bigas sa iba't-ibang lalawigan at rehiyon sa buong bansa.
Pakikiangkop ng Tao sa Lokasyon at Klima
50
Open Ended
Ilarawan ang epekto ng lokasyong heograpikal sa kultura ng Rehiyon VI-Kanlurang Visayas.
51
Open Ended
Ilarawan ang epekto ng lokasyong heograpikal sa kultura ng Rehiyon VI-Kanlurang Visayas.
52
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 52
SLIDE
Similar Resources on Wayground
45 questions
Révision assistant manager des Unités marchandes
Presentation
•
2nd Grade
44 questions
Feb19 sound kw ng k
Presentation
•
4th Grade
41 questions
From Ten to One Hundred
Presentation
•
3rd Grade
40 questions
COT#2 AP 2 Q3 W7 - MARCH 28, 2022
Presentation
•
2nd Grade
47 questions
ESP - MODYUL 8
Presentation
•
3rd Grade
46 questions
PANG-ABAY NA PANLUNAN
Presentation
•
3rd Grade
50 questions
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 3
Presentation
•
3rd Grade
47 questions
Ikatlong Markahang Pagsusulit Sa Filipino 4
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
30 questions
GVMS House Trivia 2026
Quiz
•
6th - 8th Grade
Discover more resources for Social Studies
14 questions
Economics Review Quiz
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Colonization Test
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Cinco de Mayo
Quiz
•
2nd - 3rd Grade
10 questions
Types of Resources
Quiz
•
2nd - 3rd Grade
10 questions
SS CA4 Review
Quiz
•
3rd Grade
7 questions
Spending and Saving
Presentation
•
3rd Grade
13 questions
Needs and Wants
Quiz
•
2nd - 4th Grade
5 questions
Constitution
Interactive video
•
3rd Grade