Search Header Logo
ESP 4 Q2W7  Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili @ Sa Kapwa

ESP 4 Q2W7 Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili @ Sa Kapwa

Assessment

Presentation

Other

4th Grade

Hard

Created by

JOSEPHINE BARRIGA

Used 1+ times

FREE Resource

9 Slides • 4 Questions

1

ESP 4 Q2W7

Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili @ Sa Kapwa

By JOSEPHINE BARRIGA

2

Pangarap ng bawat isa ang tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Ang ideyal na paligid ay makakamtan kung ang lahat ay magtutulong-tulong. Kaya mo bang maging bahagi sa pagkakamit nito?

3

​Basahin ang tula:

Disiplina ang Kailangan

Isang hatinggabing payapa, banayad ang hangin

Sa higaa’y nakalagak katawang nahihimbing Pamamahinga’y natigil, natutulog na diwa’y nagising

Ingay ng mga tao at sasakyan sa labas ang gumising.

Isang magandang tanawin, matatagpuan sa hardin Paruparo’y umaaligid, sumasayaw sa hangin

Sa isang iglap ay napawi magandang tanawin

Walang awang sinira ng batang kay hirap disiplinahin.

4

Pipiip! Pipiip!, busina ng trak ng basura

Hahakutin ang naipong kalat ng pamilya

Pero teka muna, tila ang iba’y walang nakikita! Sa kanal at ilog pa rin itinatapon ang basura. Paligid na tahimik, payapa, at paraiso Sa isang iglap naglaho gandang taglay nito Nasaan ang disiplina, bakit ganito ang tao? Kailan kaya matututong alagaan ang paligid na noo’y isang kaaya-ayang paraiso?

5

Open Ended

Paano mo tutugunan ang panawagan sa dalawang huling linya ng tula?

6

Open Ended

Paano mo tutugunan ang panawagan sa dalawang huling linya ng tula?

7

Open Ended

Kung ikaw ay itatalaga upang pangunahan ang pagpapanatili ng katahimikan at kalinisan ng inyong paaralan at lugar, anoano ang gagawin mong hakbang?

8

​Panoorin ang isang Documentary na Pinamagatang "Plastic Republic" sa susunod na slide at sagutan ang katanungan pagkatapos mapanood ang video

9

10

Open Ended

Bilang isang bata na nasa ikaapat na baitang. Ano ang opinyon mo tungkol sa napanood na dokumentaryo? Paano ka makakatulong sa pagbabawas ng plastic sa kapaligiran? Magbigay ng "experience". (10 puntos)

11

Tandaan:

Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga alituntunin sa pagpapanatili ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa, napangangalagaan nito ang kapaligiran tulad ng sistema ng pangongolekta ng basura, pagtatalaga ng mga pulis na tumitiyak sa katahimikan at kaayusan ng lugar, pulis-trapiko na nagsasaayos ng daloy-trapiko, at mga programa na nangangalaga sa kalikasan. Nagtatakda rin ang mga lokal na pamahalaan ng mga ordinansa sa oras ng paggamit ng videoke, maayos na pangangalaga sa mga alagang hayop, pagbabawal sa paggamit ng plastik, at tamang lugar na tawiran, babaan at sakayan.

12

May mga nakalaan ding pampublikong palikuran na maaaring magamit ng kahit na sinong mamamayan. May mga hakbang din na ginagawa ang paaralan upang mapanatili ang kaayusan ng paligid nito. May mga basurahan na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. Nagkakaroon din ng mga kampanya para sa wastong pangangalaga ng kapaligiran. Malaki ang kontribusyon ng malinis na kapaligiran sa pagkakaroon ng malusog na katawan at isipan ng mga mamamayan. Dahil dito, ang disiplina at pakikiisa ng mga tao sa lahat ng programang ipinatutupad ay kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran.

13

​Binabati kita at natapos mo na ring sagutan ang araling ito.

ESP 4 Q2W7

Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili @ Sa Kapwa

By JOSEPHINE BARRIGA

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 13

SLIDE