

EPP 4
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Easy
Benjardlyn Paala
Used 8+ times
FREE Resource
37 Slides • 4 Questions
1
PAGPAPAUNLAD NG MABUTING PAG-UUGALI SA PAMILYA
2
MGA UGALING DAPAT PALAGANAPIN SA PAMILYA
ARALIN 1
3
4
Open Ended
Ano–ano ang magagandang asal o katangian ng mga kasapi ng inyong pamilya?
5
Sila ay sama-samang nagdarasal at ang mga bata ay nagmamano sa matatanda bilang tanda ng paggalang.
1. Pinahahalagahan ang pagiging Magalang at Mapagmahal sa Diyos.
6
Taos-pusong pagtulong sa kapwa
Pagdalo sa mga gawain at pulong pansimbahan o kongregasyon.
Araw-araw na pasasalamat sa biyaya na kaloob ng Diyos
Kahandaang tanggapin ang mga pagsubok sa buhay.
1. Pinahahalagahan ang pagiging Magalang at Mapagmahal sa Diyos.
7
Ang bawat kasapi ng pamilya ay nagkakaunawaan. Kapag may problema, ito ay kanilang pinag-uusapan.
Ang katapatan ay susi sa matagal na pagsasama.
Buong kababaang-loob na inaamin ang pagkabasag o pagkasira ng gamit nahindi naman sa iyo.
Hndi naglalamangan kung ang panuntunan at hating-kapatid sa pagkain, pera at mga gawain.
Kusang inaamin na kinain ang pagkaing nakalaan sa kapatid o bisita.
2. Pinahahalagahan ang Pagiging Matapat
8
Isinasara ang gripong naiwang bukas.
Inaalala ang mga kapamilya na hindi pa kumakain kung naunang kumain at sapat lang ang nakain.
Nakitang walang takip ang mga pagkain, tinatakpan ng kusa.
Iniisip ang kapakanan ng bawat kasapi ng pamilya
Ginagamit ng maingat ang mga hiniram na gamit.
Pinupunasan ang basang sahig kahit siya ang kagagawan o kahit hindi na inuutusan.
Inaalam kung bakit wala pa ang mga magulang gayong malalim na ang gabi.
3. Pinahahalagahan ang Pagka-Mapagmalasakit
9
Hindi nakikinig sa pag uusap sa telepono.
Hindi pumapasok sa silid nang hindi muna kumakatok at walang pahinulot.
Umiiwas sa pag-iingay kapag may natutulog o wala at kung malalim na ang gabi.
Hindi sumasali sa usapan ng matatanda.
Mahal nila ang bawat kasapi kaya naman iginagalang nila ang karapatan ng bawat isa sa pamilya.
4. Pinapahalagahan ang Pagkamagalang.
10
Kusang-loob na gumagawa kahit hindi inuutusan.
Tumutulong sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagluluto at iba pa.
Kung kaya ang gawain, buong kasiyahan itong gawin.
Kusang-loob na inaalok ang serbisyo at tulong sa nangangailangan.
5. Pinapahalagahan ang Pagkamatulungin.
11
Nagdadamayan sa lungkot at ligaya, hirap, at ginhawa.
Pagbibigay ng kalinga, payo, at panahon sa kasaping dumaranas ng pagkabigo o mabigat na suliranin.
Malapit sa isa’t isa ang lahat ng kasapi ng isang pamilya, masaya sila kapag kapiling ang buong pamilya.
6. Pinapahalagahan ang Pagbubuklod-buklod
12
Sa kaarawan ng isa sa kanila sinisikap nilang maging masaya.
At maging sa iba pang mga okasyon ng bawat pamilya.
7. Pinahahalagahan ang Pagiging Maalalahanin
13
Ang matatag na pananalig at pagmamahal sa Diyos ay pumapatnubay sa bawat kasapi ng pamilya upang paunlarin ang mga kanais-nais na kaugalian tungo sa maunlad na buhay.
Tandaan!
14
KAPATID KO, AALAGAAN KO AT LOLO’T LOLA, MAHAL KO
Aralin 2
15
16
Open Ended
Paano niyo inaalagan at ipinapakita ang pagmamahal sa inyong mga nakababatang kapatid?
17
1. Pakikipaglaro
Iwasang gumamit ng matutulis, maliliit, nababasag at natatanggal na laruan.
Iangkop ang laro sa edad at kasarian ng bata.
Tiyaking maaliwalas, tuyo at walang hadlang sa malayang pagkilos ang lugar palaruan
Maging listo at subaybayan ang bata sa paglalaro.
Turuan ang bata nailigpit ang mga laruan at ibalik sa wastong lugar pagkatapos maglaro.
18
2. Pagpapakain
Kumain ng masustansyang pagkain katulad ng gulay, prutas, karne, itlog at keso.
Kainin kung ano ang pagkaing nasa hapag-kainan.
Ipagpatuloy ang pag inom ng gatas.
Hindi sinusubuan subalit gumamit ng kutsara at tinidor.
Hindi nagsasalita habang ang bibig ay may laman.
Hindi ikinakalat ang kinakain sa plato at paligid ng placemat.
19
3. Pagpapaligo
Dahan-dahan ang pagbuhos ng tubig upang hindi siya magulat at matakot. Gumamit ng shampoo at sabong pambata.
Kuskusin ang buong katawan ng bimpong binasa at may sabon. Banlawang mabuti ang katawan mula ulo hanggang paa.
Patuyuin ang katawan. Lagyan ng pulbos.
20
4. Pagbibihis
Ipasuot ang damit na naaayon sa panahon at gagawin ng bata. Ang damit ay dapat maluwag, madaling suotin at madaling labhan.
Dapat ito ay makatutulong sa malayang paggalaw at maginhawang pakiramdam.
21
5. Pagpapatulog
Sabihin sa bata na kailangan niya ang sapat na tulog upang lumaki agad at makapag –aral na.
Patulugin sa tahimik, mahangin at may kadilimang lugar. Magpatugtog ng awiting panghele. Magkwento ng tinatawag na bedtime story.
Tabihan siya subalit tiyaking hindi ikaw ang mauunang makatulog.
22
Mga Katangian ng tagapag-alaga
Mahal ang kapatid na inaalagaan.
Matiyaga sa pagsubaybay at pagsasakatuparan ng mga gawain.
Masiyahan at mapagpasensiya.
23
Wastong Pag-aalaga ng Matatanda at Iba Pang Kasapi ng Pamilya
24
Open Ended
Paano niyo inaalagan at ipinaparamdam ang pagmamahal ninyo sa inyong lolo at lola?
25
Wastong Pag-aalaga ng Matatanda at Iba Pang Kasapi ng Pamilya
May batas na nakatakda para sa proteksyon at pribiliheyo para sa mga matatanda, ito ang Batas Bilang 9994 o mas kilala bilang Expanded Senior Citizen Act of 2010, ito ay,
Nagbibigay ng 20% bawas sa halaga ngpagpapagamot, gamot, pamasahe, pagkain sa mga restaurant at pagtira sa mga hotel.
Walang dagdag VAT o value Added Tax sa mga nasabing benepisyo.
Libreng panonood ng sine, minsan sa isang linggo.
5% bawas halaga sa pangunahing produktona kailangan ng matatanda
Libreng Philhealth Services
Discount sa buwanang singil sa tubig at kuryente.
Priority lane sa mga pamilihan at mga serbisyo ng pamahalaan.
Regalo tuwing pasko at kaarawan mula sa pamahalaan.
26
1.Pag-aalaga Para sa Matatanda sa Sariling tahanan.
Silid na may sapat na liwanag, presko, maaliwalas at malinis.
Iabot ng may pag-iingat at paggalang ang lahat ng pangunahing pangangailangan.
Panatilihin malinis ang kagamitan tulad ng mga gamit sa pagkain.
Pagpapakain ng masustansiyang pagkain na inihanda ayon sa kanilang gusto at kakayahang nguyain ang pagkain.
Pagpapaligo o paglilinis ng katawan, pagpapasuot ng maginhawang damit
Pagpapakunsulta sa manggamot may sakit man o wala.
Pagsama sa simbahan at lugar pasyalan.
Pagpapasaya sa pamamagitan ng pagkukwento at pagpapaalala sa nakalipas na buhay sa tulong ng mga larawanng nasa album.
27
1.Pag-aalaga Para sa Matatanda sa Sariling tahanan.
Paglalagay ng radio upang parating may naririnig na musika at nagsasalita sa kaniyang tabi.
Dagling paglapit tuwing sila ay tatawag.
Pagtulong sa pagpunta sa palikuran.
Pagmamasahe sa mga bahagi ng katawan na sumasakit.
Pagpapainom ng maintenance medicine araw-araw.
Paghahanda ng espesyal na pagkain tuwing kaarawan.
28
Open Ended
Ano ang mga dapat gawin gawin kapag may sakit ang isa sa miyembro ng inyong pamilya? Magbigay ng isa.
29
2. Pag-aalaga sa Maysakit na Kapamilya
Pagkuha ng temperature ng katawan sa tulong ng thermometer
Paglalapat ng cold compress o hot compress kung kailangan upang guminhawa ang pakiramdam.
Gumawa ng kompletong talaan ng mga ipapainom na gamot. Ang talaa ay dapat nagpapakita ng pangalan ng gamot, wastong sukat o dami, oras at paraan ng pagpapainom. Ipaskil ang talaan sa lugar na makikita ng lahat.
Basahin mabuti ang talaan at ang pangalan ng gamot na ipaiinom upang makaiwas sa panganib na dulot ng maling pagpapainom ng gamot.
Panatilihing malinis at maaliwals ang silid ng maysakit,alisin ang mga sampay na maaaring pamahayan ng lamok.
Palitan ang mga sapin ng kama, kumot at punda ng unan nang madalas.
Mabuhay nang maginhawa at masaya ang inaalagaan.
30
Tandaan!
Sa pag-aalaga ng nakababatang kapatid, mahalaga na madama ng bata ang pagmamahal ng nag-aalalaga upang siya ay lumaking mapagmahal at masayahin.
Ang matiyaga at taos-pusong pag-aalaga sa mga matatanda at maysakit ay isang katangi-tanging kaugalian na dapat maisalin sa mga susunod na henerasyon ng pamilya.
31
BISITA, ESTIMAHIN
ARALIN 3
32
Ang mga bisita ay maaaring mga kamag-anak, kaibigan at pati di-kilala. Anuman ang estado sa buhay ang mga bisita ay dapat na kalugo-lugod silang tanggapin sa ating tahanan. Ang kaugalian at kulturang Pilipino na ito ay hindi nawawala hanggang sa kasalukuyan. Kilala sa buong mundo na ang mga Pilipino ay magiliw sa pagtanggap ng mga panauhin. Ang pagdating ng mga bisita saan man sila galing ay ikinatutuwa ng mga binibisita.
33
34
Ang larawan ay nagpapakita na pinaghandaan ng pamilya ang pagdating ng kanilang bisita. Ipinaghanda pa nila ito ng masasarap na pagkain. Ngayon naman ay paguusapan natin ang tamang pagtanggap ng bisita sa bahay.
Subalit sa panahon ngayon na mayroong pandemic, hindi muna pinapayagan ang madalas na pagtanggap ng mga panauhin lalo na kung galing sa ibang mga lugar para sa kaligtasan na rin ng lahat.
35
Sa ating bansa, ang mga bisita, kamag-anak man o kaibigan ay tanggap na tanggap, kahit anong oras o araw, kahit walang okasyon. Ang ganitong kaugalian ay kadalasang may di-kagandahang dulot tulad ng;
Ang maybahay ay natataranta, hindi malaman kung patutuluyin o hindi ang bisita.
Maaaring mabigo ang bumibisita dahil wala sa bahay ang binibisita.
Nagugulo ang mga nakatakdang Gawain ng binisita dahil kailangan bigyan ng panahon ang bisita.
36
Mga Dapat Tandaan sa Pagtanggap ng Bisita
1. Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng bahay.
2. Salubungin nang nakangiti, bigkasin ang pangalan, yakapin o magmano.
3. Masayang ihatid sa upuan at ipakilala sa naunang mga bisita.
4. Kung siya lang ang inaasahang bisita, tawagin ang mga mag-anak at ipakilala sa kanila.
5. Simulan ang kumustahan at masayang kuwentuhan, iwasang pag-usapan ang mga malulungkot na balita o pangyayari. Batiin sa tagumpay na tinanggap o pag-unlad sa buhay.
37
38
6. Magalang na yayain sa hapa-kainan upang magsalo-salo sa pagkaing inihanda.
7. Kung ang bisita ay galling sa probinsya o napagkasunduang magpalipas ng gabi sa bahay, kailangang;
Handa na ang silid-tulugan, malinis na ang mga sapin sa kama, kumot at punda ng una na ipapagamit. Bigyan ng malinis na damit.
Ipaghanda ng tsinelas at gamit pampaligo o panlinis ng katawan.
Kung hindi pa matutulog, yayain manod ng Tv sa sala.
Bago matulog, tanungin kung may kailangan pa siya.
Sa umaga pag-gising, tiyaking nakahain na ang almusal.
Kumustahin ang kaniyang pagtulog.
39
7. Kung magpapaalam na ang bisita, tiyaking walang maiiwang gamit.
8. Kung bibigyan ng pabaon, tiyaking nakabalot nang maayos.
9. Ihatid sa pinto o labasan ng bahay at magpaalam nang maayos.
10. Kung ang sakayan ng sasakyan ay malapit sa bahay, ihatid sa sakayan at hintayin makasakay sa sasakyan bago bumalik sa bahay.
40
Ito ang mga dapat gawin;
Huwag agad-agad buksan ang gate o pinto kung hindi kakilala.
Kung may nakalaang bahagi ng gate o pinto na maaaring makita ang tao, magalang na itanong ang pangalan, saan nakatira, at sino anggustong makita at makausap. Iwasan makipagtitigan sa tao.
Iwasang magbigay ng impormasyong maaaring magamit upang makapasok sa bahay.
Iwasang sabihin na mag-isa o walang kasama sa bahay.
Magalang sabihin “pasensya na po, baka naliligaw po kayo ng bahay na pinuntahan. Sige po, mag-iingat po kayo”.
Mga Dapat Tandaan sa Pagtanggap ng Bisitang Hindi Kilala
41
Ang malugod na pagtanggap sa mga kakilalang bisita ay isang paraan upang ang pagkakabuklod-buklod ng mga magkamag-anak at kaibigan ay manatiling matatag hindi lang sa kasalukuyang panahon kundi sa darating pang mga araw.
Tandaan!
PAGPAPAUNLAD NG MABUTING PAG-UUGALI SA PAMILYA
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 41
SLIDE
Similar Resources on Wayground
36 questions
AP WEEK 6.1 TO 6.2
Presentation
•
3rd Grade
35 questions
ILE 2 Unit 6 Test
Presentation
•
4th Grade
39 questions
Levels of Engagement
Presentation
•
KG
39 questions
ESP Q3 W3 L2
Presentation
•
4th Grade
39 questions
AP4
Presentation
•
4th Grade
32 questions
Electricity and Magnetism Study Guide
Presentation
•
5th Grade
34 questions
Civil Rights Movement (SS5H6 a & b)
Presentation
•
5th Grade
40 questions
Thursday_04.17_4.12C
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
19 questions
Naming Polygons
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Prime Factorization
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd - 4th Grade
10 questions
Candy
Quiz
•
4th - 8th Grade
35 questions
4th Grade Math SOL Review
Quiz
•
4th Grade
16 questions
multiplication facts
Quiz
•
4th Grade
30 questions
Multiplication Facts 1-12
Quiz
•
2nd - 5th Grade
14 questions
Context Clues
Quiz
•
4th - 6th Grade
20 questions
Cartoon Characters!
Quiz
•
KG - 5th Grade