

Q3W8A10-PAGBASA AT PAGSUSUR
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Hard
Edgar Monte
Used 1+ times
FREE Resource
34 Slides • 40 Questions
1
Q3W8A10-PAGBASA AT PAGSUSURI
By Edgar Monte
2
Alamin
Handa ka na bang maglakbay? Kung handa ka na, sundin lamang ang isinasaad ng akrostik na PAGBASA.
P-animulang Pagtataya ay sagutan
A-lamin ang bawat bahagi ng modyul
G-awin ang mga aktibiting nakalaan sa bawat bahagi
B-awat bahagi ay may nakalaang icon bilang representasyon
A-t habang nagsasagot ng modyul, kinakailangang basahin at unawain ang mga teksto upang makapagbigay ka ng iyong opinyon at reaksyon
S-agutan ang pangwakas na pagtataya at iwasto ito upang malaman mo ang lebel ng iyong kakayahan
A-t sa huli, binabati kita sa matagumpay mong paglalakabay, maaari ka ng magtungo sa susunod na modyul.
3
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
4
Layunin:
Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangianat kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto.
Maibahagi ang sariling impresyon tungkol sa binasang teksto.
5
Subukin
Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
6
Multiple Choice
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na
maaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman sa
gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
Liham
Reaksyong Papel
Tekstong Naratibo
Pagsulat ng Pananaliksik
7
Multiple Choice
Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong papel sa iba
pang sulatin?
Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
Ito ay naglalahad ng mga opinion at sariling ideya tungkol sa
binasa.
8
Multiple Choice
Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga
mambabasa?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
9
Multiple Choice
Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito
ipamahagi sa mga mambabasa?
Upang hindi malito ang mambabasa
Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.
10
Multiple Choice
Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang
babae sa kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya
siya iniwan. Alin sa sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay mo?
Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
Ang tunay nap ag-ibig ay dapat pahalagahan.
Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
Masakit Makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.
11
Multiple Choice
Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling
kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
12
Multiple Choice
Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel.
Nang maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo
itong iwasto batay sa ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong
maging tugon?
Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
Uunawain ko ang aking guro para hindi siya magalit.
Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
Susundin ko ang komento ng aking ng aking guro upang maging
maayos ang aking sulatin.
13
Multiple Choice
“Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.
Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa
buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag
Ito ay mula sa reaksyong papel na may pinamagatang Sandigan ito ay
tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong papel
napapaloob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
14
Multiple Choice
Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pagiisip
bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating
kilos at salita na siyang kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para
sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa
nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga
pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng
kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak na
pag-mumuni-muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila
naming nambubuyo sa ating pakiramdam ng kaibigan.
Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang mga
Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa anong
bahagi ng reaksyong papel napaploob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
15
Multiple Choice
“Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni
Juan kung ano at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay
nahahati sa kani-kanilang partido at sumisigaw ng kanya-kanyang
pagkakaisa.
Kung kailangan natin ng pagbabago, at pagkakaisa tungo sa makabagong
Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil ng pagpuna at
batikos ng bibig.
Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.”
Ito ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani
Michaels. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napapaloob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
16
Multiple Choice
Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi
malilimutan. Sa tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking
isipan. Una aanhin ko nga naman ang maraming salapi kung hindi ko naman
kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay sa mundong ito ng
may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.
bansa
daigdig
komunidad
pamilya
17
Multiple Choice
Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang
naman si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating
bansa. Pero bakit parang nawalan na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa
likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam nila
na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang tatanungin hindi
ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito
ng hustiya. Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
bansa
sarili
komunidad
pamilya
18
Multiple Choice
Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon
ng panayam para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito
dahil marami akong naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong
magiging maayos ang aking pananamit at maging ang aking itsura para sa
panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa harap ng salamin.
Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
bansa
sarili
komunidad
pamilya
19
Multiple Choice
Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa
____________.
mga pangungusap na naglalahad ng panunudyo o pambubuska sa
kapuwa.
isang panimula na nagtataglay ng pagganyak sa mambabasa.
pangungusap na nagtataglay ng magandang bagay na mapupulot
sa paksa.
pagtalakay na nagpapakita ng makabuluhang pananaw tungkol sa
paksa.
20
Multiple Choice
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang
“nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý tumigil
na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot,
ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso,
at ng diwa. Anong reaksyong ang ipinahihiwatig ng manunulat?
matinding galit
panghihinayang
kalungkutan
kasiyahan
21
Aralin 10
Reaksyong Papel
22
“Bago mo simulan ang mga gawain. Hayaan mo munang ilibot kita sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng mga pahayag mula sa iba’t ibang bansa. Subalit kailangang bigyan mo ng maikling reaksyon ang bawat kasabihan.”
. 1. Pagkatapos ng ulan, hindi na kakailanganin ang payong.(Bulgaria)
2. Ang aklat ang nagbibigay ng kaalaman ngunit ang buhay ang nagbibigay ng pag-unawa. (Hebreo)
3. Mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw. (Russia)
4. Mapapaamo ang anomang uri ng hayop ngunit ang hindi ang dila ng tao (Pilipinas)
23
“Alam kong makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ka ng gabay at mapadali sa iyo ang daloy ng modyul na ito.”
1. Sa panahon ngayon, marami na sa atin ang nakakagamit na ng mga gadgets na produkto ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng mga gadgets gaya ng cellphone, laptop, smartphone at iba pa, malaya tayong nakakapagpahayag ng ating saloobin o damdamin at makapagbigay ng reaksyon sa pamamagitan ng facebook, instagram, tweeter, blog/vlogsites, youtube at iba pa.
2. Sa panahon ngayon, marami na sa atin ang nakakagamit na ng mga gadgets na produkto ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng mga gadgets.
3. Ngunit ano nga ba ang tamang pagbibigay ng reaksyon sa isang pahayag o babasahin.
24
4. Maari bang lagi ka nalamang sasaangyon dahil iyon ang gusto ng
nakakarami? O sasalungat ka dahil iyon ang nais mo?
5. Sa araling ito matutunan mong maunawaan paano ba ang tamang
pagbibigay at pagsulat ng isang reaksyon. Sa pamamagitan ng mga tamang proseso sa pagsulat nito.
Handa ka na bang matuto? Halika ating umpisahan ang sesyon na ito.
25
Tuklasin
Tara na’t simulan natin ang sesyon.
T-ulang alay sa mga frontliners sa Covid-19 ating basahin
U-pang kabayanihan nila ay kilalanin
L-inya ng mga tula ay ating namnamin
At marapat na isapuso at isaisip natin
26
TULA:
Alay sa mga Frontliners sa COVID-19
By MALOU TIANGCO
-APRIL 6, 2020 12:44 AM
27
(Para sa kawani sa kalusugan,
lansangan, basurero, panadero/a, taga
palengke, boluntaryo, tagapagpaganap
sa barangay, social workers, taga gawa
ng batas, nagpapatupad ng batas,
bumubutas sa batas, pamilya ng mga
pumanaw at lumalaban na wag
pumanaw, tagadasal, nagsusulat at
naglalathala, nagugutom at namatay sa
gutom dahil sa lockdown, atbp)
28
Sa inyo aming alay
Kayong nagliligtas ng buhay
Meron din kayong pangamba
Bagsik na dala ni Corona
Kayong humaharap sa nakaambang
panganib
Nanaig ang katapatan sa sinumpaang
katungkulan
29
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.
Gapiin ang kamandag ni Corona
Huwag magwagi bagsik ni Corona
Naririnig namin usal ninyong hiling
Taimtim na panalangin
Matapos na sana, salot ni Corona
Matigil na ang mga palahaw ng mga
naulila
30
Matigil na ang salot na dulot
Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim nyong
panalangin
Mailigtas ang buhay, di na madagdagan
dumaragsang bangkay…
Naririnig namin taimtim
nyong panalangin
31
Matigil na ang salot na dulot
Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim nyong
panalangin
Mailigtas ang buhay, di na madagdagan
dumaragsang bangkay…
Naririnig namin taimtim
nyong panalangin
32
Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Upang makauwi naman
Makapiling mga mahal sa buhay!
33
Dalangin nyo, tumatagos sa hangin
Dalangin nyo, aming naririnig
Sinasabayan namin inyong panalangin
Sana’y makamtan nga inyong
hinihiling…
34
Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Matigil na bumabalot na lungkot
Matigil na takot na dulot
Matigil na…!
https://www.mindanews.com/artsculture/
2020/04/tula-alay-sa-mgafrontliners-
sa-covid-19/
35
Open Ended
Ano ang iyong saloobin tungkol sa tula na Alay sa mga Frontliners sa
COVID19 ni Malou Tiangco?
36
Open Ended
Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa iyo habang binabasa mo
ito?
37
Suriin
38
Kahulugan ng Reaksyong Papel
Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa binasang teksto. https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php
39
Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari.
https://kingessays.com/reaction-paper.php
At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa.
40
Apat na bahagi ng Reaksyong Papel
1. Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan.
Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel.
41
2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel.
42
3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel.
43
4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan
nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong nailahad.
44
Pagyamanin
Ang babasahin nating teksto na may pinamagatang “Istranded” na akda ni Niel Ambion ng Pinoy weekly noong Mayo 1, 2020.
Panuto: Bumuo ng maikling reaksyong papel para sa tekstong iyong binasa. Gamitin ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng reaksyon. Alalahanin ang tinalakay na saligan sa pagsulat ng akademikong papel at gumamit ng iba’t ibang uri ng teksto sa pagbuo ng suliranin. Isulat ang reaksyong papel ibaba.
45
Open Ended
Paano ko maiuugnay sa aking sarili ang mga kaisipan o damdaming
ito?
46
Ano-anong katanungan ang lumitaw sa aking binasa?
Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa akin habang binabasa ang teksto?
Kawili-wili ba ito para sa akin?
Naniniwala, sumasang-ayon, o nahikayat ba ako sa layunin ng teksto?
Paano ko maiuugnay sa aking sarili ang mga kaisipan o damdaming ito?
Paano sinasalamin ng paksa o tema ng teksto ang lipunan o
kasalukuyang mga pangyayari?
47
Istranded
Dobleng dagok naman ang nararanasan ng OFWs na istranded sa National Capital Region mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ). Bukod pa kasi sa libu-libo nang narepatriate na OFWs mula sa iba’t ibang bansa na istranded ngayon sa quarantine facilities, mahigit 30,000 pang istranded sa Kamaynilaan na seafarers at land-based OFWs na nagsasanay o nag-aayos pa lang ng papeles at mga kontrata nang abutan ng ECQ. Daing nila, hindi na nga sila makapagtrabaho, wala pa silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno. Hindi kasi kasama sa prayoridad na bigyang ayuda ang mga gaya nilang hindi pa nakakaalis o paalis pa lang. Dahil mga OFWs, hindi rin isinasama ang pamilya nila sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
48
Kuwento ng seaman na si Jevy Garsilva, isa sa libu-libong nag-aplay para sa AKAP, naka-ilang balik na sila sa OWWA para humingi ng tulong.
Nilalakad lang nila mula sa boarding house sa Maynilapapunta sa tanggapan ng ahensiya sa Pasay pero ipinapasa lang sila sa Maritime Industry Authority (Marina) na ipapasa lang din sila sa kani-kanilang manning agency. “Pagpunta namin sa OWWA ituturo kami sa Marina tapos sasabihing hindi mandatory (ang pagbigay ng tulong), kasi wala pang badyet. Nasaan ’yung pondo namin? Ang tulong kailangan namin ngayon, hindi pagkatapos pa ng lockdown,” ani Jevy. Lampas isang buwan
nang stranded si Jevy sa Maynila.
49
Kakatapos niya lang magsanay dito at pasampa na sana ng barko nang abutan ng lockdown. Dahil hindi nakaalis, problema niya ngayon kung saan kukuha ng panggastos sa araw-araw at ang ipapadala sa pamilya sa probinsiya na hindi rin makapaghanap-buhay dahil sa ECQ. Ang naipon niya kasi, naubos na sa training at pagaayos ng mga papeles. “Buti yung mga nakaalis, kahit papaano may maiuuwi pa. Eh, paano naman kaming mga istranded? Dapat bigyan din kaming prayoridad,” giit ni Jevy.
50
Isaisip
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata
51
Fill in the Blanks
52
Open Ended
Karagdagang Gawain
Ang babasahin nating teksto na may pinamagatang “Sa Aking Pagtanda (Sulat ni
Nanay at Tatay)” na akda ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL.
Si Rev. Fr. Ariel F. Robles ay ang CWLSpiritual Director ng St. Augustine
Parish sa Baliuag, Bulacan. Napakaganda ng kanyang isinulat na talaga namang
nakakurot sa mga taong makakabasa nito. Sana sa iyong pagbabasa iyo mo ring
mabigyan ng kahalagahan ang mensahe ng tesktong ito. Atin ng umpisahan ang
pagbabasa, Handa ka na ba?
53
Fill in the Blanks
Type answer...
54
Fill in the Blanks
55
Fill in the Blanks
56
Fill in the Blanks
57
Isagawa
58
Open Ended
Subukan mo naman na ikaw ang magbigay ng sariling reaksyon sa napapanahong
isyu sa inyong komunidad. Ano ang iyong opinyon/reaksyon sa iyong naging
karanasan o maging karanasan ng ibang tao.
59
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem.
60
Multiple Choice
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na
maaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman
sa gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
Liham
Reaksyong Papel
Tekstong Naratibo
Pagsulat ng Pananaliksik
61
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong
papel sa iba pang sulatin?
Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
Ito ay naglalahad ng mga opinyon at sariling ideya tungkol sa binasa
62
Multiple Choice
Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga
mambabasa?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
63
Multiple Choice
Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito
ipamahagi sa mga mambabasa?
Upang hindi malito ang mambabasa
Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.
64
Multiple Choice
Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang
babae sa kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya
siya iniwan. Alin sa sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay mo?
Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
Ang tunay nap ag-ibig ay dapat pahalagahan.
Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
Masakit makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.
65
Multiple Choice
Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling
kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
66
Multiple Choice
Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel.
Nang maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo
itong iwasto batay sa ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong
maging tugon?
Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
Pag-aaralan ko ang mga komento at isasagawa.
Uunawain ko ang mga ito para para hindi siya magalit.
67
Multiple Choice
“Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.
Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa
buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon
ng isang nagkaka-isang pamilya.”
Ito ay mula sa reaksyong papel na may pinamagatang Sandigan ito ay
tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong papel
napapaloob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
68
Multiple Choice
Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pagiisip
bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating
kilos at salita na siyang kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para
sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa
nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga
pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng
kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak
nap ag-mumuni-muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila
naming nambubuyo sa ating pakiramdam ng kaibigan.
Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang
mga Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa
anong bahagi ng reaksyong papel napaploob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
69
Multiple Choice
“Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni
Juan kung ano at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay
nahahati sa kani-kanilang partido at sumisigaw ng kanya-kanyang
pagkakaisa.
Kung kailangan natin ng pagbabago, at pagkakaisa tungo sa
makabagong Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil ng
pagpuna at batikos ng bibig.
Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.”
Ito ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani
Michaels. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napapaloob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
70
Multiple Choice
Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi
malilimutan. Sa tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking
isipan. Una aanhin ko nga naman ang maraming salapi kung hindi ko naman
kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay sa mundong ito ng
may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.
bansa
daigdig
komunidad
pamilya
71
Multiple Choice
Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang
naman si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating
bansa. Pero bakit parang nawalan na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa
likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam nila
na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang tatanungin hindi
ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito
ng hustiya. Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
bansa
sarili
komunidad
pamilya
72
Multiple Choice
Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon
ng panayam para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito
dahil marami akong naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong
magiging maayos ang aking pananamit at maging ang aking itsura para sa
panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa harap ng salamin.
Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
bansa
sarili
komunidad
pamilya
73
Multiple Choice
Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa
__________________.
pangungusap na naglalahad ng personal na pag-atake o pagtuligsa.
isang panimula na nagtataglay ng isang pagganyak para sa
mambabasa.
pagbibigay at pag-iiwan ng isang magandang bagay na mapupulot
sa paksa.
pagtalakay na nagpapakita ng iyong malalim at makabuluhang
pananaw sa paksang tinatalakay
74
Multiple Choice
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang
“nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý
tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng
pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng
isipan, ng puso, at ng diwa. Ano ang damdamin ang ipinakikita ng manunulat
sa reaksyong papel na ito?
matinding galit
panghihinayang
kalungkutan
kasiyahan
Q3W8A10-PAGBASA AT PAGSUSURI
By Edgar Monte
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 74
SLIDE
Similar Resources on Wayground
71 questions
Pedigree
Presentation
•
11th - 12th Grade
67 questions
Heart lecture
Presentation
•
12th Grade
73 questions
Periodic Trends; Atomic Radius
Presentation
•
11th Grade
65 questions
The Concept of Relationship Marketing
Presentation
•
11th Grade
63 questions
CentLit L2: Philippine Literary Periods TOA
Presentation
•
11th Grade
66 questions
CCU8 Ox number and 1/2 reactions
Presentation
•
12th Grade
73 questions
Q3W1-FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK-Modyul 1
Presentation
•
11th Grade
66 questions
LKPD Interaktif Hidrolisis Garam
Presentation
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
STAAR Review Quiz #3
Quiz
•
8th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Marshmallow Farm Quiz
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Grammar
Quiz
•
9th - 12th Grade
31 questions
Easter Trivia
Quiz
•
KG - 12th Grade
16 questions
Circles - Equations, Central & Inscribed Angles
Quiz
•
9th - 12th Grade
46 questions
Unit 4 Geosphere Test Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
25 questions
Early Cold War Quizziz
Quiz
•
11th Grade
10 questions
Climate Change and Its Impact
Interactive video
•
9th - 12th Grade
35 questions
Venn Diagrams, Theoretical, & Experimental Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Food Chains and Food Webs
Quiz
•
7th - 12th Grade