

ESP 5 Quarter 3 - Aralin 4
Presentation
•
Education
•
5th Grade
•
Hard
Alfredo Eval
FREE Resource
18 Slides • 30 Questions
1
ESP 5 Quarter 3 - Week 4
By Tchr Alfredo
2
Reminders:
Basahin at unawaing mabuti ang presentation na ito.
Sagutan ang lahat ng mga tanong hanggang sa dulo.
Lahat ng iyong magiging sagot ay recorded.
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4
3
PAUNANG PAGSUBOK
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4
4
PANUTO:
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
5
Multiple Choice
1. Bilang mag-aaral ng ikalimang baitang, ano ang maitutulong mo upang maging malinis ang ating kapaligiran?
a. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan
b. Walang gagawin
c. Ikalat kung saan-saan ang mga balat na pinagkainan
d. Hahayaan ko na makalat ang kapaligiran
6
Multiple Choice
2. Ano ang dapat taglayin ng bawat isa upang mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran?
a. Katapangan
b. Katalinuhan
c. Disiplina
d. Palakaibigan
7
Multiple Choice
3. Upang makalanghap tayo ng sariwang hangin, ano ang ating dapat
gawin?
a. Magtanim ng mga halaman at puno
b. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan
c. Makilahok sa proyekto ng barangay tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
d. Lahat ng nabanggit
8
Multiple Choice
4. Namamasyal kayo sa may tabing-dagat ng may nakita kang bata na
walang pakundangan sa pagtatapon ng basura sa dagat. Ano ang
iyong gagawin?
a. Hahayaan ko lang siya sa kaniyang ginagawa
b. Papanoorin ko ang kaniyang ginagawa
c. Gagawin ko rin ang pagtatapon ng basura sa tabing-dagat
d. Kakausapin ko siya at ipapaliwanag ko na nakasisira sa
karagatan ang ginagawa niya.
9
Multiple Choice
5. Nabalitaan mo sa inyong barangay na magkakaroon ng proyekto
tungkol sa pagtatanim ng mga puno. Ano ang iyong gagawin?
a. Ipagwawalang bahala na lang ito
b. Makikisali sa proyekto ng barangay
c. Maglalaro na lang ako
d. Manonood na lang ako sa kanila
10
BALIK - TANAW
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4
11
PANUTO:
Piliin ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi.
12
Multiple Choice
1. Sumunod sa payo ng magulang o nakatatanda para sa
ikabubuti ng iyong sarili.
TAMA
MALI
13
Multiple Choice
2. Isipin lagi ang magiging epekto ng gagawing pagpapasya.
TAMA
MALI
14
Multiple Choice
3. Hindi dapat lumalahok sa mga kampanya laban sa mga
malalaswang panoorin at babasahin.
TAMA
MALI
15
Multiple Choice
4. Tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkain.
TAMA
MALI
16
Multiple Choice
5. Huwag magpa impluwensiya sa mga taong hindi nakabubuti sa atin.
TAMA
MALI
17
Kasipagan at Pagmamalasakit
Likas-Kayang Pag-Unlad
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4 ARALIN 4
18
Ngayon sa ating aralin mayroon tayong tula na babasahin. Unawaing mabuti ito at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
19
Disiplina para sa Kapaligiran
Damhin ang bango at lamig ng simoy ng hangin
Ibigin likha ng Maykapal
Sa kapaligiran ipadama ang pagmamahal
Iwasan ang pag-abuso sa inang kalikasan
Panuntunan ay sundin at ang batas ay pairalin
Lingapin para sa pag-ayos ng kapaligiran
Isipin muna ang gagawin, kalikasa’y laging isaalang alang
Disiplina natin ay pairalin upang ang kalikasan ay maingatan
Araw-araw ang kalinisan at pag-iingat sa kapaligiran
Dapat panatilihin sa isip, sa puso at isagawa ang tama
O, kay saya ng lahat, kung may disiplina para sa kapaligiran.
20
Open Ended
1. Tungkol saan ang binasang tula?
21
Open Ended
2. Ano-ano ang magandang halimbawa na ipinapakita sa pangangalaga
sa kapaligiran?
22
Open Ended
3. Ano ang mabuting dulot ng pagiging masipag sa paglilinis ng
kapaligiran?
23
Open Ended
4. Bilang bata, paano mo maipakikita ang pagmamalakasit mo sa ating
kapaligiran?
24
Open Ended
5. Bakit mahalaga na alagaan ang ating kapaligiran?
25
Sa panahon ngayon, dapat natin pangalagaan, ingatan at protektahan ang ating kalikasan. Kung hindi ay madaming mangyayari na mga sakuna o problema sa ating pang-araw-araw na buhay.
26
Ngayon naman ay sagutan natin ang mga gawain sa ating ESP module week 4.
27
GAWAIN 1.3
PANUTO: Piliin ang "hugis puso" kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at "tatsulok" naman kung mali.
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4 ARALIN 4: Kasipagan at Pagmamalasakit Likas-Kayang Pag-Unlad
28
Multiple Choice
1. Nagtatanim ako ng halaman sa aming bakuran.
29
Multiple Choice
2. Tinutulungan ko ang aking kapatid sa paglilinis.
30
Multiple Choice
3. Nakikiisa ako at tumutulong sa programa na pangkalinisan at
pangkapaligiran sa aming komunidad.
31
Multiple Choice
4. Pinupulot ko ang mga kalat na makikita ko sa aking
dinadaanan kahit walang nag-uutos sa akin.
32
Multiple Choice
5. Pinipitas ko ang bulaklak sa bakuran.
33
Multiple Choice
6. Sinusunod ko ang mga babala tungkol sa pagpapanatili at
pagpapa- unlad ng kalinisan sa kapaligiran.
34
Multiple Choice
7. Tumutulong sa mga proyekto ng barangay sa pagpapanatili
ng kalinisan at sa pag unlad ng barangay.
35
Multiple Choice
8. Hinihikayat ko ang aking pamilya at kaibigan na maging
masipag sa pagpapaunlad ng aming komunidad.
36
Multiple Choice
9. Panatilihing malusog at maayos ang mga pananim sa bakuran.
37
Multiple Choice
10. Sirain ang mga karatula na nilagay ng barangay sa iyong
komunidad.
38
GAWAIN 1.4
PANUTO: Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4 ARALIN 4: Kasipagan at Pagmamalasakit Likas-Kayang Pag-Unlad
39
Multiple Choice
1. May pupuntahan ka ngunit inutusan ka ng iyong inay na maglinis sa
inyong bakuran. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko siya pakikinggan.
b. Gagawin ko muna ang utos ni inay bago umalis.
c. Tatakas ako sa paglilinis.
d. Sasabihin ko sa kaniya na sa iba na lang niya iutos.
40
Multiple Choice
2. Inutusan ka ng iyong panganay na kapatid na sunugin ang mga
basura sa likod ng inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
a. Kakausapin ko siya at sabihin na mali ang mag sunog ng basura.
b. Ipapaliwanag ko sa kaniya kung ano ang masamang dulot ng pagsusunog ng basura.
c. Sasabihin ko sa kaniya na sa tamang basurahan na lang ito itapon.
d. Lahat ng nabanggit.
41
Multiple Choice
3. Sinabihan ka ng iyong kaibigan na tutulong sila sa pagtatanim na
proyekto sa inyong barangay. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko sila.
b. Maglalaro na lang ako.
c. Manonood ako sa kanilang gagawin.
d. Sasama at tutulong ako sa pagtatanim.
42
Multiple Choice
4. Nakita mo na naiwan ng iyong kapatid na bukas ang gripo.
Ano ang iyong gagawin?
a. Isasara ko ang gripo at sasabihan ko siya na huwag kalimutang
nakabukas ang gripo.
b. Huwag pansinin.
c. Hintaying balikan ng kapatid upang isara ang gripo.
d. Huwag na siyang pagamitin ng gripo.
43
Multiple Choice
5. May nakita kang karatula sa inyong barangay na nakasaad kung
paano mapanatili ang kalinisan at kaunlaran ng komunidad?
Ano ang gagawin mo?
a. Hindi papansinin ang karatula.
b. Sisirain ko ang karatula.
c. Babasahin ang karatula.
d. Babasahin at ibabahagi sa kaibigan at hihikayatin sila na makiisa sa proyekto ng barangay.
44
TANDAAN:
Ang kalikasan ang tunay na ating tahanan hindi lang ang buhay na tinitirhan. Ito ay dapat lamang pahalagahan, ingatan at pangalagaan.
Inaasahan ang kasipagan na may pagmamalasakit upang maging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran, Maisalba o maibalik ang buhay ng ilang naghihingalong bahagi ng kapaligiran tulad ng maruruming ilog at mga nakakalbong kabundukan.
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4 ARALIN 4: Kasipagan at Pagmamalasakit Likas-Kayang Pag-Unlad
45
TANDAAN:
Maging mapanagutan at mapagmalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programang pang kapaligiran at sa pagpapaunlad nito.
Walang magandang resulta ang pagiging tamad at makasarili.
Isapuso nating ang pagiging isang mabuting mag-aaral sa pagsunod at pakikiisa sa pangangalaga ng kapaligiran tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4 ARALIN 4: Kasipagan at Pagmamalasakit Likas-Kayang Pag-Unlad
46
TANDAAN:
Bilang isang mag–aaral o mamamayan ipakita natin ang pagmamahal sa ating kalikasan/kapaligiran upang makamit ang malinis at maunlad na komunidad.
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4 ARALIN 4: Kasipagan at Pagmamalasakit Likas-Kayang Pag-Unlad
47
TOTAL: 5 POINTS
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
TOTAL: 5 POINTS
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
LEARNING TASKS
ESP 5 QUARTER 3 - WEEK 4 ARALIN 4: Kasipagan at Pagmamalasakit Likas-Kayang Pag-Unlad
GOOGLE FORMS
48
ESP 5 Quarter 3 - Week 4
By Tchr Alfredo
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 48
SLIDE
Similar Resources on Wayground
39 questions
MODULE 04 - THS NGUYỄN THỊ KIM THÁI - BÀI HỌC
Presentation
•
KG
44 questions
五年级华文第三课语文知识
Presentation
•
5th Grade
42 questions
Mga Katulong sa Komunidad Lesson
Presentation
•
KG
41 questions
Dieren Pubquiz
Presentation
•
KG
43 questions
Q2 Module 4 - Ang Resulta ng Pananakop ng mga Amerikano
Presentation
•
6th Grade
40 questions
Telling a story
Presentation
•
5th Grade
39 questions
5° La Renaissance
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade