Search Header Logo
Music 5 3q Week 5

Music 5 3q Week 5

Assessment

Presentation

Other

5th Grade

Medium

Created by

Dominic Liquido

Used 2+ times

FREE Resource

13 Slides • 8 Questions

1

Music 5 3q Week 5

Mga Instrumentong Rondalya

By Dominic Liquido

2

Open Ended

Ilagay ang mga uri ng tinig na iyong natatandaan.

3

media

Ang Rondalya

4

Ang Rondalya ay kilala rin bilang Filipino String Band. Ito ay isa sa mga impluwensya na nakuha natin mula sa Espanya noong ika-18 siglo. Ang salitang rondalya ay mula sa salitang Espanyol na ronda na nangangahulugang harana o serenade. Ito ay binubuo ng mga orihinal na instrumento tulad ng gitara, mandolin, at lute. Sa kalaunan, nakabuo ang mga Pilipino ng mga instrumentong gaya ng mga dala ng taga-Espanya mula sa mga kahoy na matatagpuan sa Pilipinas gaya ng Molave, Yakal, Narra at Kamagong.

5

Noon ang tinutugtog lamang sa rondalya ay mga awitin at komposisyon na mula sa Europa. Hindi nagtagal ay unti-unting ginagamit ang rondalya bilang saliw sa mga awiting-bayan, folk songs, at iba pang awitin tulad ng Balitaw, Harana, at Kundiman. Rondalya ang ginagamit sa pagtugtog ng musika sa mga sayaw tulad ng Subli, Tinikling, La Jota, Cariñosa at gayun din sa mga makabagong awitin.

6

Naging kilala ang rondalya noong 1960. Karamihan sa mga barangay, bayan, at maging sa mga paaralan sa Pilipinas ay may sariling grupo ng rondalya. Kaliwa’t kanan din ang mga patimpalak sa mga barangay at sa mga purok na higit na nagpakilala sa rondalya sa larangan ng musika, telebisyon, at maging sa pelikula. Ito ang dahilan kung bakit magpahanggang ngayon ay kilala at tinatangkilik ng marami ang rondalya.

7

Ang mga Instrumentong Rondalya

8

media

Ang katawan ng bandurya ay hugis peras. Ito ay may labing- apat na kuwerdas. Ang tinutugtog nito ay ang pangunahing himig o melodiya.

Ang mga Instrumentong Rondalya

Bandura

9

media

Ang instrumentong piccolo bandurya ay kahawig ng bandurya na hugis peras ngunit mas maliit ang katawan at mataas ang tunog.

Ang mga Instrumentong Rondalya

Piccolo Bandurya

10

media

Ang instrumentong laud ay kahawig ng bandurya na hugis peras ngunit mas mababa ng isang oktaba ang tunog.

Ang mga Instrumentong Rondalya

Laud

11

media

Ang katawan ng oktabina ay katulad ng sa gitara. Ito ay may labing-apat na kuwerdas. Ang tunog nito ay mas mababa ng isang oktaba sa bandurya.​

Ang mga Instrumentong Rondalya

Oktabina​

12

media

Ang gitara ay may anim na kuwerdas. Ang instrumentong ito ang nagbibigay ng akorde sa rondalya. Ito rin ang nagsisilbing saliwan sa melodiya ng awitin.

Ang mga Instrumentong Rondalya

Gitara

13

media

Ang Baho de arco na tinatawag ding Baho de Uñas ang pinakamalaking instrumento ng rondalya na may mababang tunog. Ito ay may apat na makapal na kuwerdas na tinutugtog sa pamamagitan ng paggamit ng pagkalabit ng mga daliri. Ito ang katangi-tanging instrumento sa rondalya na walang frets.​

Ang mga Instrumentong Rondalya

Baho de arco (Baho de Uñas)

14

Draw

Bilugan ang mga instrumento na nabibilang sa Rondalya.

15

Draw

Piliin mula sa Hanay B ang mga pangalan ng instrumento sa mga larawan na nasa Hanay A. Gamitin ang guhit na linya sa pagsagot.

16

Basahin ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot.

Some text here about the topic of discussion

17

Multiple Choice

Ang instrumentong ito ay kahawig ng bandurya na hugis peras ngunit mas maliit ang katawan at mataas ang tunog.

1

Laud

2

Piccolo

3

Bajo de Arco

4

Piccolo Bandurya

18

Poll

Ang instrumentong ito ay ang pinakamalaki sa rondalya at may mababang tunog.

Gitara

Laud

Bajo de Arco

Bandurya

19

Multiple Choice

Ang instrumentong ito ay kahawig ng bandurya na hugis peras ngunit mas mababa ng isang oktaba ang tunog.

1

piccolo bandurya

2

bandurya

3

gitara

4

laud

20

Multiple Choice

Ang katawan ng instrumentong ito ay katulad ng sa gitara ngunit may labing-apat na kwerdas at ginagamitan ng pick.

1

bandurya

2

baho de arco

3

piccolo bandurya

4

oktabina

21

Multiple Choice

Ang instrumentong ito ay ginagamit sa pagtugtog ng akorde.

1

gitara

2

piccolo bandurya

3

baho de arc

4

oktabina

Music 5 3q Week 5

Mga Instrumentong Rondalya

By Dominic Liquido

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 21

SLIDE