
MODYUL 8-WEEK 8-Q3
Presentation
•
Other
•
3rd Grade
•
Easy
DINA ALCARADO
Used 6+ times
FREE Resource
15 Slides • 42 Questions
1
2
Para sa Ikabubuti ng Lahat, Pagsunod sa mga Alituntunin ay Nararapat!
By DINA ALCARADO
3
Narito ang mga gawain sa pagtatapos ng Ikatlong yunit sa Ikatlong Markahan. Ang pamantayan sa pagkatuto ay inilaan upang akayin kayong mga mag-aaral sa makubuluhang gawain na may kaakibat na pag-unawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging kaugaliang Pilipino kaalinsabay ng pagsunod sa mga tuntunin at batas na may kaugnayan sa kalikasan at pamayanan. Ikaw, bilang isang mabuting bata at mamamayan, malaki ang magagawa mo kung pauunlarin at isasabuhay mo ang lahat ng katangiang natutuhan mo sa buong markahang ito.
4
SUBUKIN
Basahin ang bawat tanong. Piliin at i-click ang bilog ng tamang sagot.
Some text here about the topic of discussion
5
Multiple Choice
1. Dumating galling ng ibang bansa ang iyong nanay. Ano ang iyong gagawin?
Magmamano ka, at iiwan mo siya para makipaglaro.
Magmamano ka, at iiwan mo sya sa may pinto.
Magmamano ka, at yayakapin mo siya ng mahigpit.
Hindi mo siya papansinin at papaasok ka sa iyong silid.
6
Multiple Choice
2. Isang umaga, pumasok si Ana sa paaralan at nakita niya ang kaniyang guro. Binati niya ito ng magandang umaga. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ni Ana?
Pagiging masipag
Pagiging magalang
Pagiging masunurin
Lahat ng nabanggit
7
Multiple Choice
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagsasagawa sa mga tuntunin sa paaralan?
Pagkakalat ng basura sa daan.
Ikalat ang mga basura sa loob at labas ng silid- aralan.
Mag-ingay sa loob ng silid-aklatan.
Pag-iwas sa pagtatapon ng basura kung saan-saan.
8
Multiple Choice
4. Ano ang dapat mong gawin sa mga tagubilin ng nakatatanda?
Isaalang-alang upang maging maayos ang buhay at pakikisama sa ibang tao.
Huwag na lamang pansinin ang kanilang mga bilin.
Sundin ngunit sumimangot kapag hindi sila nakatingin.
Magdabog habang ginagawa ang kanilang mga tagubilin.
9
Multiple Choice
5. Alin sa sumusunod ang hindi dapat gawin sa ating mga basura
Pabayaang mabulok ang mga basura sa daan.
Ipagbili ang mga bagay na puwede pang mapakinabangan.
Ang mga tuyong dahon ay dapat ilagay sa basurahang nabubulok.
Dapat itapon ang basura sa tamang lalagyan.
10
Multiple Choice
6. Pauwi ka na sa iyong tahanan at naghihintay ng masasakyang dyip. Tinawag ka ng isang drayber na sumakay na dahil bumubuhos na ang ulan, ngunit may nakalagay na “Bawal sumakay at bumaba dito”. Ano ang iyong gagawin?
Sasakay ako dahil mababasa ako ng ulan.
Sasakay ako dahil wala naman nagbabantay.
Hindi ko siya papansinin at tutungo ako sa tamang sakayan at babaan.
Bibilisan ko lamang ang pagsakay upang makauwi ako nang maaga.
11
Multiple Choice
7. Si Nicole ay isang batang matalino. Pagkatapos ng klase ay gusto na niyang kumain upang magawa na niya ang kaniyang mga takdangaralin. Ano ang kaniyang sasabihin sa nanay niya?
Nanay maghain ka na at kakain na ako.
Nagugutom na ako nanay, nasaan na ang pagkain?
May pagkain na ba nanay? Gutom na gutom na ako!
Nanay, maari na po ba akong kumain, upang magawa ko na po ang aking mga takdang-aralin?
12
Multiple Choice
8. Tatawid ka ng kalsada kasama ang mga kaibigan mo. “Tara, tawid na tayo habang wala pang mga sasakyan.” wika ni Andrei. Huwag tayo diyan tumawid, doon tayo sa tamang tawiran,” sagot naman ni Miguel. Kung ikaw ang tatanungin, saan ka tatawid?
Tatawid ako kasama ni Andrei, dahil wala pa namang sasakyang dumadaan.
Tatawid ako sa pedestrian lane, dahil ito ang tamang tawiran at upang hindi kami mapahamak.
Tatakbo kami patawid ng kalsada para mabilis kaming makauwi.
Hindi ako makikinig kay Miguel na tumawid sa tamang tawiran.
13
Multiple Choice
9. Ang sumusunod ay nagpapakita ng mabubuting kaugaliang Pilipino, maliban sa isa.
. Paggamit ng po at opo sa pakikipagusap
Pagiging masipag at matulungin sa kapwa.
Pagmamano at paghalik sa kamay.
Pagsagot ng pabalang sa mga nakakatanda
14
Multiple Choice
10.Inutusan ka ng iyong tatay na maghatid ng pagkain sa iyong lola. Nasa tapat ka na ng pintuan ng kanilang bahay. Ano ang sasabihin mo sa iyong lola?
Kakatok ako sa pintuan. Iaabot ko ang pagkain sa aking lola at sasabihing kumain ka na po lola habang mainit pa ang ulam na niluto ni nanay.
Sisigaw ako ng malakas para marinig ako ng aking lola.
Kakatok ako sa pintuan at sasabihing ito na ang iyong ulam.
Lola kumain ka na
15
16
Ang bawat Pilipino ay may iba’t ibang natatanging kaugalian na maaari nating ipagmalaki. Ang pagpapahalaga at pagpapakita ng kabutihan sa kapwa ay isa sa mga katangiang dapat nating pagyamanin. Ang mga alintuntunin ay tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang- araw-araw na dapat nating sundin upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Pagbabago ang kaakibat sa pag-unlad ng ating bayan. Displina sa sarili ay mahalaga upang ang lahat ay guminhawa, mabuting pag-uugali ating palawakin
Para sa Ikabubuti ng Lahat, Pagsunod sa mga Alituntunin ay Nararapat
17
Tuklasin
Paano nga ba natin maipakikita ang magandang kaugaliang Pilipino? Ang batang Pilipinong katulad mo ay nagtataglay ng mabuting pag-uugali na hinahangaan ng lahat. Nararapat na ipagmalaki natin ang mga mabubuting katangiang taglay sa buong mundo upang ito ay tularan ng lahat.
Some text here about the topic of discussion
18
Open Ended
Sumulat ng tatlong (3) pangungusap ng mabuting kaugaliang nagawa mo, at isulat kung ano ang iyong naramdaman pagkatapos mo itong magawa.
19
SURIIN
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat kung ano ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon.
Some text here about the topic of discussion
20
Open Ended
1. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili ng mantika sa tindahan. Nakita mo ang iyong tita na bumili rin.
21
Open Ended
2. Namili ng gulay sa palengke ang iyong nanay. Habang ikaw ay naglalaro, nakita mo ang iyong nanay na maraming bitbit.
22
Open Ended
3. Naglaro ka sa parke kasama ang iyong mga kaibigan. Nakita mo ang isang lalaki na nagtapon ng basura sa daan.
23
Open Ended
4. May proyekto ang barangay tungkol sa paglilinis ng mga estero at kalsada.
24
Open Ended
5. Umuwi galing ng ibang bansa ang iyong tatay at may dala siyang pasalubong, ngunit hindi ito ang pasalubong na gusto mo.
25
PAGYAMANIN
Gawain 1 Sagutin ng Tama o Mali ang sumusunod na mga pahayag.
Some text here about the topic of discussion
26
Multiple Choice
1. Paggamit ng mga magagalang na salita sa pakikipag-usap.
TAMA
MALI
27
Multiple Choice
2. Nakikiisa ako sa paglilinis ng aming lugar kapag may bayad.
TAMA
MALI
28
Multiple Choice
3. Pinahahalagahan ko ang mga tagubilin ng aking mga magulang.
TAMA
MALI
29
Multiple Choice
4. Sumasakay ako sa tamang sakayan at babaan.
TAMA
MALI
30
Multiple Choice
5. Nagtatapon ako ng mga basura sa ilog at estero.
TAMA
MALI
31
ISAGAWA
I-click ang bilog ng thumbs up kung ang pahayag ay tama at thumbs down naman kung ito naman ay mali.
Some text here about the topic of discussion
32
Multiple Choice
1. Tumutulong ako sa aming pamilya sa paglilinis upang maging maayos ang aming tahanan.
33
Multiple Choice
2. Nakikiisa ako sa paglilinis ng aming barangay upang ang lahat ay makaiwas sa sakit.
34
Multiple Choice
3. Hindi ako sumusunod sa mga babala sa pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.
35
Multiple Choice
4. Gumagamit ako ng po at opo sa pakikipag-usap sa nakatatanda.
36
Multiple Choice
5. Tinutulungan ko ang matandang may mabigat na dala
37
Multiple Choice
6. Hayaan ang nanay sa paglilinis ng bahay habang naglalaro.
38
Multiple Choice
7. Mainggit sa batang magaling sumayaw at kumanta.
39
Multiple Choice
8. Sumunod sa utos ng mga magulang at tulungan sila sa mga gawaing-bahay
40
Multiple Choice
9. Hayaang marumi ang mga gamit sa bahay.
41
Multiple Choice
10.Makikiisa sa pagtatanim ng halaman sa barangay na may kaugnayan sa pagpanatiling malinis ng paligid.
42
43
TAYAHIN
A. Panuto: Piliin ang tamang sago. I-CLICK ANG BILOG NG TAMANG SAGOT.
Some text here about the topic of discussion
44
Multiple Choice
1. Tatakbo ako papuntang_____________ kung sakaling may sunog sa loob ng gusali.
pintuan
bintana
fire exit
entrance
45
Multiple Choice
2. Tumatawid ako sa tamang _______.
daan
tawiran
pintuan
wala sa nabanggit
46
Multiple Choice
3. Bumababa ako sa_______.
gitna ng daan
gilid ng daan
tamang babaan
wala sa nabanggit
47
Multiple Choice
4. Tumatawid ako kapag_________ang ilaw trapiko na gumagabay sa pagtawid.
pula
berde
dilaw
asul
48
Multiple Choice
5. Nagmamalasakit ako sa ating ________kaya buong puso akong sumusunod sa programang pangkalinisan
kapaligiran
kagamitan
kapitbahay
wala sa nabanggit
49
TAYAHIN
B. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. I-CLICK ANG BILOG ng tamang sagot.
Some text here about the topic of discussion
50
Multiple Choice
1. Dumating sa inyong bahay ang iyong tito at hinahanap ang tatay at nanay mo, ngunit wala sila. Ano ang iyong sasabihin?
Wala sila dito
Papapasukin, at papaupoin at sasabihing hintayin na lamang at pabalik na sila.
Hindi papansinin at maglalaro lamang ng video game.
Sasabihing wala ang iyong mga magulang at bumalik na lamang.
51
Multiple Choice
2. Nakita mong umakyat ng bakod ang iyong kamag-aral. Ano ang iyong gagawin?
Pababayaan na lamang ang iyong kamag-aral na umakyat ng bakod
Itutulak mo ang iyong kamag-aral upang mahulog.
Pagsasabihan mo na bawal siyang umakyat ng bakod at baka mahulog
Tutulungan mo siyang umakyat ng bakod kahit bawal.
52
Multiple Choice
3. Pinipitas ng iyong kaibigan ang bulaklak sa parke kahit nakita niya na may nakalagay na babalang “Bawal Pumitas ng Bulaklak”. Ano ang iyong gagawin?
Pagsasabihan mo ang iyong kaibigan na huwag pitasin ang mga bulaklak.
Tutulungan mong mamitas ng mga bulaklak ang iyong kaibigan.
Pababayaan na lamang na pitasin niya ang mga bulaklak
Isusumbong sa guwardiya upang mapagalitan
53
Multiple Choice
4. Isang umaga, habang nagdidilig ng kanilang halaman si Nena, dumaan si Aling Maria na kaibigan ng kaniyang ina. Paano niya babatiin si Aling Maria?
Aling Maria bakit ka dumadaan dito?
Hoy! Aling Maria, bakit ka napadaan?
Saan ka pupunta Aling Maria?
Magandang Umaga po, Aling Maria.
54
Multiple Choice
5. Si Ginang Lopez, ang guro ninyo sa EsP ay pumasok sa inyong silid-aralan. Ano ang gagawin ninyo?
Tatanungin namin siya kung ano ang gagawin niya.
Mag-iingay kami at maglalaro.
Lalabas kami ng silid-aralan.
Babatiin namin siya ng magandang araw at makikinig kami sa kaniyang aralin
55
Open Ended
Kamusta ang pagsagot mo sa mga gawain?
56
57
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 57
SLIDE
Similar Resources on Wayground
50 questions
Edukasyon sa Pagpapakatao Module 4 (Day 1)
Presentation
•
2nd Grade
57 questions
Uri ng Pangungusap
Presentation
•
4th Grade
46 questions
Q2 ESP SLEM 4
Presentation
•
3rd Grade
56 questions
AP 3 Q2 Wastong Pangangasiwa sa likas ng yaman ng sariling l
Presentation
•
3rd Grade
58 questions
AP 3 Q3 WEEK 4
Presentation
•
3rd Grade
45 questions
MATH 3 Q3 WEEK 4
Presentation
•
3rd Grade
53 questions
ARALING PANLIPUNAN 2 WEEK 8
Presentation
•
2nd Grade
55 questions
Pangkalahatang Balik-Aral
Presentation
•
2nd Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
STAAR Review Quiz #3
Quiz
•
8th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Marshmallow Farm Quiz
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Marshmallow Farm Quiz
Quiz
•
2nd - 5th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Day 1: 3rd Grade Reading STAAR Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
fractions
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Rounding to the Nearest Ten and Hundreds
Quiz
•
3rd Grade