Search Header Logo
AP6 Q4 Aralin1 Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar

AP6 Q4 Aralin1 Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar

Assessment

Presentation

History

6th Grade

Medium

Created by

NAPOLEON LEONES

Used 9+ times

FREE Resource

29 Slides • 22 Questions

1

Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar

By NAPOLEON LEONES

​AP6 Q4 Aralin1

2

Open Ended

Paano ka dinidisiplina ng iyong mga magulang o tagapangalaga upang hindi ka makagawa ng masama at nang ikaw ay maging isang mabuting tao?

3

Suriin ang larawan. Anong paglabag sa batas ang ipinapakita nito? Paano tinutugunan ng pamahalaan ang problemang ito?​

media

4

Suriin ang larawan. Anong paglabag sa batas ang ipinapakita nito? Paano tinutugunan ng pamahalaan ang problemang ito?​

media

5

Suriin ang larawan. Anong paglabag sa batas ang ipinapakita nito? Paano tinutugunan ng pamahalaan ang problemang ito?​

media

6

Suriin ang larawan. Anong paglabag sa batas ang ipinapakita nito? Paano tinutugunan ng pamahalaan ang problemang ito?​

media

7

Suriin ang larawan. Anong paglabag sa batas ang ipinapakita nito? Paano tinutugunan ng pamahalaan ang problemang ito?​

media

8

Open Ended

Sa iyong palagay, tama ba ang mga ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa mga pagkakataong may paglabag sa batas?

9

Bakit kaya maraming Pilipino ang tutol dito?

Ano ang Batas Militar?

media

10

Ano ang Batas Militar?

Ang Batas Militar ay espesyal na kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos na magampanan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan. Maaari ring magdeklara ng batas militar kapag may matinding sakuna o hidwaan gaya ng pananakop. Malimit na may kaakibat na pagpapatupad ng curfew (takdang oras ng pagbabawal sa mga taong sibilyan na lumabas ng kanilang mga bahay), pagsuspinde ng batas sibil, karapatang sibil, habeas corpus at pagsasailalim ng hukumang-militar sa mga sibilyan.

11

Ano ang Batas Militar?

Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Setyembre 21, 1972, ang Pilipinas ay napasailalim sa Batas Militar. Layunin nito na mailigtas ang Republika at bumuo ng Bagong Lipunan.

Naging basehan sa pagdeklara nito ang Artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935. Ayon dito, ang Pangulo ng Pilipinas ay may karapatan at kapangyarihang magdeklara ng batas militar kung may nagbabantang panganib tulad ng rebelyon, paghihimagsik, paglusob, at karahasan.

12

Ano kaya ang nagtulak sa Administrasyong Marcos na ideklara ang Batas Militar?

13

1. Mendiola Rally

media

14

Noong Enero 30, 1970, naganap ang madugong rally ng mga mag-aaral at manggagawa sa Mendiola malapit sa Malacañang.

 Hiling ng mga kabataang aktibista ang mga sumusunod:

  • isang mabuting pamahalaan na walang katiwalian at kasamaan;

  • pagtataguyod ng katarungan;

  • pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon;

  • pagpapababa sa presyo ng mga bilihin;

  • hanapbuhay para sa mga walang trabaho; at

  • pagbabago ng Saligang Batas ng 1935 upang malunasan ang mga problema ng bansa.

15

Sa paningin ng pamahalaan, ang mga mag-aaral na nagpapahayag ay walang disiplina at hindi makuhang kontrolin ng kanilang mga lider. Ang mga namatay na mag-aaral ay iniyakan ng kanilang mga kasama at nagbunga ng masamang pagkakilala sa mga alagad ng batas.

16

2. Plaza Miranda Bombing

media
media

17

Noong Agosto 21, 1971 ay hinagisan ng granada ang isang malaking pagpupulong ng Partido Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo. Ito ay nag-iwan ng maraming sugatang kandidato ng Partido Liberal at iba pang nagsidalo sa nasabing pagpupulong. Makalipas ang ilang oras ay sinuspinde ng Pangulong Marcos ang writ of habeas corpus (Ito ay proteksyon ng mamamayan laban sa ilegal na pagkadakip o detensyon).

18

3. Mga Magkakasunod na Pambobomba sa Maynila

media

19

Ang mga serye ng pambobomba sa Metro Manila mula March 15 hanggang September 11, 1972 na pinaghihinalang gawa ng CPP- NPA ay ikinasawi ng maraming tao.

20

4. Pag-ambush sa Convoy ni Juan Ponce Enrile

media

21

Ang pananambang sa kumboy ni Juan Ponce Enrile, Kalihim ng Tanggulang Pambansa noong Setyembre 22, 1972 bandang alas 9:00 ng gabi ay nagpahiwatig ng kawalan ng seguridad sa bansa.

22

Open Ended

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap.

Hindi pinakinggan ang mga hinahing ng mga mag-aaral at manggagawa kaya nagtipon-tipon sila sa Mendiola at ___________

23

Open Ended

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap.

Nagsagawa ng isang pagpupulong ang mga kandidato ng Partidong Liberal sa Plaza Miranda ngunit nasindak sila nang biglang ___________

24

Open Ended

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap.

Natakot ang mga taong pumunta sa mga pampublikong lugar dahil sa pangambang ___________

25

Open Ended

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap.

Pauwi na ang convoy ng Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile mula sa Camp Aguinaldo nang biglang ___________

26

​Dahil sa mga kaguluhan na nangyari bansa,

noong Setyembre 21, 1972,​ isinailalim ang buong bansa sa Batas Militar.​ Nagkaroon ng mga pag-aresto sa mga kalaban ng pamahalaan kahit na walang Warrant of Arrest. Nagkaroon din ng paglabag sa mga karapatang pantao mula sa mga alagad ng batas.

27

Ano kaya ang mga naging epekto ng Batas Militar sa pulitika, kabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino?

28

Mga Mabuting Epekto ng Batas Militar

  • Umiwas ang mga tao na magkalat sa daan.

  • Bumaba ang kriminalidad.

  • Umuuwi nang maaga ang mga kabataan dahil sa ipinatupad na curfew.

  • Naging malinis ang mga daan at naging disiplinado ang mamamayan.

  • Umunlad ng bahagya ang bansa sa larangan ng imprastraktura tulad ng pagkatayo ng San Juanico Bridge, Cultural Center of the Philippines, Lung Center at Heart Center, North Luzon at South Luzon Expressway.

  • Nagkaroon ng programang Green Revolution at reporma sa lupa.

29

Mga Masamang Epekto ng Batas Militar

  • Pagpapaaresto ni Marcos sa mga kalaban niya sa pamahalaan

  • Pagpapadampot ni Pangulong Marcos sa mga pinaghinalaang kasapi ng rebeldeng CPP-NPA

  • Pagkatigil sa mga gawain ng pamahalaang pambansa at lokal. Ang mga sektor ng kabuhayang pambansa na produktibo ay huminto

  • Pagkatigil sa mga gawain ng maraming negosyante

  • Pang-aabuso ng militar sa kanilang kapangyarihan

  • Nasiil ang karapatang-pantao ng ilang mamamayan. Wala na ring karapatang magpahayag ang mga mamamayan dahil sila ay huhulihin kapag laban sa pamahalaan ang isusulat o ilalathala. Maraming dinampot na mga inosente.

  • Maraming mga nawalang indibidwal na hanggang ngayon ay hindi man lang nasilayan ng kanilang mga pamilya.

30

Open Ended

Sa iyong palagay, nakabuti ba o nakasama sa bansa ang pagpapatupad ni Pangulong Marcos ng Martial Law?

31

Para sa susunod na gawain:

Piliin ang masayang mukha kung ang isinasaad ng kaisipan ay kabutihang dala ng Martial Law. Piliin naman ang malungkot na mukha kung sa halip ito ay masamang epekto nito.

32

Multiple Choice

Umiwas ang mga tao na magkalat sa daan.

1
2

33

Multiple Choice

Ipinaaresto ni Marcos ang mga kalaban niya sa pamahalaan.

1
2

34

Multiple Choice

Umuuwi nang maaga ang mga kabataan dahil sa ipinatupad na curfew.

1
2

35

Multiple Choice

Nasiil ang karapatang-pantao ng ilang mamamayan. Wala na ring karapatang magpahayag ang mga mamamayan dahil sila ay huhulihin kapag laban sa pamahalaan ang isusulat o ilalathala.

1
2

36

Multiple Choice

Maraming mga nawalang indibidwal na hanggang ngayon ay hindi man lang nasilayan ng kanilang mga pamilya.

1
2

37

Pangkatang Gawain:

​Bumuo ng Pangkat na may dalawa o tatlong miyembro. Ang bawat miyembro ay may kaniya-kaniyang tungkulin.

Tagapagtala: Siya ang magsusulat o mag-eencode ng mga impormasyon na nakalap ng tagapagsaliksik. Siya rin ang mag-popost ng mga natuklasan ng pangkat sa Stream section ng Google Classroom.

Tagapagsaliksik: Siya ang mangunguna sa pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong o pag-search sa internet. Siya rin ang susuri sa katotohanan ng mga impormasyong makakalap.

Tagapag-ulat: Siya ang magbabahagi sa mga natuklasan ng pangkat sa mga kamag-aral sa Google Meet. Ang tagapag-ulat ay inaasahan ring mananatiling kasali sa Google Meeting o Quizizz lesson habang ginagawa ng pangkat ang pananaliksik upang manatiling nakatutok sa mga panutong kailangan sundin.

38

Pangkatang Gawain:

Kung dalawa lamang ang miyembro ng pangkat, ang tagapag-tala ay siya na ring magiging tagapag-ulat.

Ang pagkakapangkat ay mananatili hanggang matapos ang Ikaapat na Markahan ngunit kung nanaisin ng pangkat ay maaring magkapalit ng tungkulin ang mga miyembro.

39

Pangkatang Gawain:

Mga Tanong:

  1. ​Sino siya at ano ang kaniyang mga naging karanasan noong umiral ang Batas Militar sa bansa?

  2. May paglabag ba sa kaniyang mga karapatang pantao? Kung mayroon, ano ang mga ito?

  3. Paano nakatulong ang kaniyang paninindigan sa pagpapanumbalik ng demokrasya at pagwakas sa Batas Militar?

40

Pangkatang Gawain:

Panuto: Basahin ang teksto sa Google Classroom tungkol sa mga naging karanasan ng piling taong na-assign sa pangkat at sagutin ang mga kasunod na tanong. Maaring magsaliksik pa gamit ang internet o kaya naman ay magtanong-tanong sa mga nakatatanda tungkol sa mga naging karanasan ng taong ito noong umiral ang Batas Militar sa bansa. Humanda sa pag-uulat ng mga sagot sa tanong.​

Pangkat 1: Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr.​

Pangkat 2: Jovito R. Salonga​

Pangkat 3: Jose W. Diokno​

Pangkat 4: Lino O. Brocka

Pangkat 5: Behn H. Cervantes

Pangkat 6: Eugenio Moreno (“Geny”) Lopez Jr.

41

Para sa susunod na gawain:

Baasahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Suriin ang bawat pagpipilian at piliin ang tamang sagot.

42

Multiple Choice

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na nakaranas ng Batas Militar. Ano ang ibig sabihin ng Batas Militar?

1

Ito ay pagtatalaga sa militar na mamuno sa bansa.

2

Ito ay espesyal na kapangyarihan ng estado na maaring ipatupad kung ang bansa ay nasa ilalim ng rebelyon, pananakop at iba pa.

3

Ito ay pagsuspinde sa mga kilos at operasyon ng militar sa bansa.

4

Ito ay batas para sa mga military.

43

Multiple Choice

Sino sa mga sumusunod na pangulo ng bansa ang nagdeklara ng Batas Militar noong 1972?

1

Diosdado Macapagal

2

Ferdinand Marcos

3

Manuel A. Roxas

4

Ramon Magsaysay

44

Multiple Choice

Ano ang ibig sabihin ng salitang warrant of arrest?

1

Ito ay inilalabas ng huwes ng korte na nagpapahintulot sa pag-aresto sa indibidwal.

2

Ito ay inilalabas ng pulis na nagpapahintulot sa pag-aaresto sa indibidwal.

3

Ito ay inilalabas ng punong-barangay na nagpapahintulot sa pag- aresto ng indibidwal.

4

Ito ay isang imbitasyon para sa pagtitipon.

45

Multiple Choice

Ano ang kahulugan ng writ of habeas corpus?

1

Ito ay isang proteksiyon ng bawat mamamayan mula sa ilegal na pagkakakulong o detensyon nang walang ipinapakita na warrant of arrest.

2

Ito ay pagpapakulong sa mga nagkasalang mamayan.

3

Ito ay ang pag-aresto sa isang indibidwal.

4

Ito ay pagpapalaya sa mga nakakulong.

46

Multiple Choice

Bakit maraming negosyo ang napinid noong panahon ng Batas Militar?

1

Naging tamad ang mga Pilipino.

2

Wala nang puhunang natira sa mga negosyante.

3

Takot ang maraming negosyante dahil sa mga kaguluhan.

4

Wala na silang mabibili na paninda.

47

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi mabuting epekto ng Batas Militar sa bansa?

1

Umunlad ng bahagya ang imprastraktura.

2

Umuuwi ng maaga ang mga kabataan.

3

Maraming tao ang ikinulong.

4

Bumaba ang kriminalidad.

48

Multiple Choice

Huhulihin ang sinumang magsalita laban sa pamahalaang Marcos noong panahon ng Batas Militar. Anong karapatan ng mamamayan ang nilabag nito?

1

Karapatang bumuto.

2

Karapatang magmay-ari.

3

Karapatang mabuhay.

4

Karapatan sa malayang pamamahayag.

49

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa Batas Militar ang masasabing tama?

1

Apektado ng Batas Militar ang pamumuhay ng mga Pilipino.

2

Maluwag sa loob na tinanggap ng mga Pilipino ang Batas Militar.

3

Hinayaan ni Pangulong Marcos ang kanyang mga kalaban sa politika.

4

Walang mabuting epekto ang Batas Militar sa ating bansa.

50

Multiple Choice

Sinong naging biktima ng Batas Militar ang itinuturing na isa sa pinaka maimpluwensiyang director ng Philippine Cinema?

1

Lino Brocka

2

Behn Cervantes

3

Benigno “Ninoy” Aquino

4

Geny Lopez

51

Multiple Choice

Sinong mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos ang binaril at namatay habang pababa ito sa eroplano?

1

Behn Cervantes

2

Benigno “Ninoy” Aquino

3

Geny Lopez

4

Lino Brocka

Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar

By NAPOLEON LEONES

​AP6 Q4 Aralin1

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 51

SLIDE