

SARSWELA
Presentation
•
Education
•
8th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Jorelyn Cusi
Used 4+ times
FREE Resource
11 Slides • 11 Questions
1
SARSWELA
Filipino 8-Ikalawang Markahan
Gng. Jorelyn T. Cusi
2
Sarswela
Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit dito – patula at pasalita.
Filipino 8
Sarswela
3
Sarswela
Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin.
Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tauhan.
Filipino 8
Sarswela
4
Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto.
Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito’y tawagin o kaya’y tragikomedya.
Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic.
Filipino 8
Sarswela
5
Ang sarsuwela, bagama’t ipinakilala noong unang panahon ng mga Espanyol, ay lubos na namulaklak noong panahon ng Himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes na kilala sa taguring na Lola Basyang sa kanyang dulang “Walang Sugat”; Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas; Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak ng katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda; at iba pa.
Filipino 8
Sarswela
6
Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang makilala sa bansa ang bodabil o stage show. Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyayari kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro.
Filipino 8
Sarswela
7
Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalan ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang katolisismo at upang talakayin ang mga suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.
Filipino 8
Sarswela
8
Mga Gabay na Tanong:
1. Anu-ano ang katangian ng sarsuwela?
2. Bakit hindi na gaanong kilala ang sarsuwela sa kasalukuyan? 3. Paano naipapakita ng sarsuwela ang kultura ng mga Pilipino? 4. Bilang isang kabataan na kabilang sa henerasyong Gen Z, paano mo maipapakita ang pagtangkilik sa sarsuwela?
5. Kung ikaw ay lilikha ng isang sarsuwela, anong paksa o tema ang nais mong bigyang-pansin? Ipaliwanag.
Filipino 8
Sarswela
9
"Kultura ng mga Pilipino na mababasa sa akdang Walang Sugat"
Anu- ano ang mga papel na ginagampanan ng Sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas?
10
Fill in the Blanks
Type answer...
11
Multiple Choice
Bakit humina ang sarsuwela sa Pilipinas?
Dumating na ang radio at telebisyon sa Pilipinas
Pinagbawal ng mga kastila ang panonood ng mga sarsuwela
Mas nakilala ang stage show o bodabil sa Pilipinas
Wala nang nanonood ng sarswela
12
Multiple Choice
Kailan lubos na nakilala ang sarsuwela sa Pilipinas?
Sa panahon ng Espanyol
Sa panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano
Sa panahon ng Kastila
Sa panahon ng Amerikano
13
Multiple Choice
Paano napapataas ng sarsuwela ang kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa?
Naipapakita ng sarsuwela ang pananampalatayang katolisismo
Naibabahagi ng sarsuwela ang mga pangyayari at kulturang naganap sa isang rehiyon
Naipapakita ng sarsuwela ang kaugalian ng mga Espanyol
Naibabahagi ng sarsuwela ang kasamaan ng mga Kastila
14
Multiple Choice
Sino ang sumulat sa sarsuwelang “Walang Sugat” na kilala sa tawag na “Lola Basyang?
Severindo Reyes
Severino Retes
Sivirino Retes
Severino Reyes
15
Multiple Choice
Aling pangyayari sa sarsuwelang “Walang Sugat” ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino?
Pagpapanggap ni Tenyong na sugatan upang maikasal kay Julia
Paghihiganti ni Tenyong sa mga kastila nang patayin ang kanyang ama
Sumama si Tenyong sa mga kalalakihan sa paglaban sa mga kastilang prayle upang mapalaya ang inang bayan
Lahat sa nabanggit
16
Multiple Choice
Aling pangyayari sa sarsuwelang “Walang Sugat” ang nagpapakita ng pagmamahal sa magulang?
Pagmamano sa magulang
Pagsuway ni Julia sa kanyang ina
Handang magbuwis ng buhay ang anak para sa hustisya ng ama
Lahat sa nabanggit
17
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang may katulad na tema o paksa sa “Walang Sugat” na nagpapakita ng pagmamahal sa magulang?
Ang Probinsiyano
Seven Sundays
Fantastica
Ang Panday
18
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang may katulad na tema o paksa sa “Walang Sugat” na nagpapakita ng pagpapanggap?
Impostora
Seven Sundays
Pangako Sa’yo
Kadenang Ginto
19
Multiple Choice
Saan hinango ng mga Espanyol ang sarsuwela?
Opera ng Italya
Opera ng Amerika
Opera ng España
Opera ng Europa
20
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang kakikitaan ng mga kultura at kaugaliang Pilipino?
Darna
Encantadia
Amaya
Mulawin
21
TAKDANG-ARALIN
Panuto: Pumili ng palabas o programang pantelibisyon na napanood mo na, na maaaring maiugnay sa akdang tinalakay. Isulat kung ano-anong kultura at kaugaliang Pilipino ang ipinapakita ng palabas na napili. Ibigay ang buod sa palabas na napanood. Punan ang hinihingi ng TV organizer na nasa ibaba.
22
SARSWELA
Filipino 8-Ikalawang Markahan
Gng. Jorelyn T. Cusi
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 22
SLIDE
Similar Resources on Wayground
17 questions
Polskie Państwo Podziemne
Presentation
•
KG
18 questions
Periodic Table
Presentation
•
8th Grade
20 questions
Rec. 1 - 8º ano - 3º tri - termos essenciais da oração
Presentation
•
8th Grade
19 questions
Konflikt na Bliskim Wschodzie
Presentation
•
8th Grade
19 questions
ĐỀ LUYỆN SỐ 22 THI VÀO 10 MÔN VĂN
Presentation
•
9th Grade
13 questions
8º ANO - AVALIAÇÃO 3º BIMESTRE/20
Presentation
•
8th Grade
16 questions
ASPEKTO NG PANDIWA
Presentation
•
8th Grade
19 questions
Fil. 9 Aralin 2 - Hashnu
Presentation
•
9th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Factors 4th grade
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade