
Araw ng Kalayaan
Presentation
•
Education
•
9th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Regina Ramos
Used 6+ times
FREE Resource
20 Slides • 0 Questions
1
Philippines
June 12, 2023
PRADO SIONGCO HIGH SCHOOL
Celebrates
2
—Anonymous
“Samu't saring pakikipaglaban ang
naging kaganapan,
Upang makamtan ang Kapayapaan!
Maligayang Araw ng Kalayaan!.”
3
History of
01
Independence Day
4
Panimula:
Sa Hunyo 12, ipagdiriwang natin ang Ika-
125 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas
na may temang:
“Kalayaan, Kasaysayan at Kinabukasan”
Sa araw na ito gugunitain natin ang
pagpapahayag ng Kalayaan ng ating bansa.
5
Philippines Independence Day is
also known as…
Araw ng
Kasarinlán
Araw ng
Kalayaan
6
Pagpapahayag
ng Kalayaan ng
Pilipinas
Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay
naganap noong Hunyo 12, 1898, sa Cavite II el Viejo
(Kawit, Cavite). Binasa sa publiko ang Acta de la
proclamación de independencia del pueblo Filipino na
isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista. Inihayag ng
puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni
Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng
kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng
Espanya.
7
Pagpapahayag ng
Kalayaan ng
Pilipinas
Pinahayag ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ginanap din ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas, sa ikalawang pagkakataon na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagpapatugtog ng Marcha Filipina Magdalo na sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon.
8
Saan unang winagayway
ang watawat ng Pilipinas?
Matapos dumating mula Hong Kong, pinamunuan ni Hen. Emilio Aguinaldo ang pagsalakay laban sa mga pwersang Kastila sa Alapan, Imus, Cavite noong May 28, 1898. Matapos ang labanan, winagayway ni Hen. Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataon sa Teatro Caviteño
9
Pagpapahayag ng
Kalayaan ng Pilipinas
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista. Ang pagpapahayag ay nilagdaan ng 98 katao, kabilang naang isang opisyal ng hukbong Amerikano na si G.L.M. Johnson, isang Koronel ng Artilerya. Ngunit ang pahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay ipinatupad lamang noong 1 Agosto, kung kailan marami nang mga bayan ang binuo sa ilalim ng mga pamuntunang inilatag ng Pamahalaang Diktaturya ni Heneral Aguinaldo
10
Ang Pagpupulong sa
Bacoor (Bacoor Assembly)
Noong Hunyo 23, 1898 naganap ang unang pagpupulong ng gabinete ni Hen. Aguinaldo sa Bahay na Tisa sa Bacoor, Cavite. Inatasan ni Hen. Aguinaldo si Apolinario Mabini na bumuo ng bagong Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan na una nang tinutulan ni Hen. Aguinaldo dahil sa ilang probisyon nito. Augusto 1, 1898 nilagdaan ni Hen. Aguinaldo at ng 190 kinatawan mula sa 16 na lalawigan na bahagi ng Pamahalaang Rebolusyunaryo ang bagong proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas.
11
Pagpapahayag ng
Kalayaan ng Pilipinas)
Kinalaunan, sa Malolos, Bulacan,
binago ng Kongreso ng Malolos ang
kapahayagan dahil sa paggigiit ni
Apolinario Mabini na siyang tumutol sa
orihinal na proklamasyon na
nagpapahayag na ang Pilipinas ay
inilalagay sa ilalim ng proteksiyon ng
Estados Unidos.
12
Digmaang Pilipino-Amerikano
Hindi kinalala ng Estados Unidos at Espanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Kinalaunan, inilipat ng Espanya ang soberanya ng Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris ng 1898. • Hindi kinalalang Pamahalaang Rebolusyonaryong Pilipino ang kasunduan at nakipaglaban sa Estados Unidos ngunit sila ay nagapi at nadakip si Emilio Aguinaldo ng mga hukbong Amerikano.
13
Hulyo 4 bilang Araw ng Kalayaan
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinagkaloob din ng Estados Unidos ang Kasarinlan ng Pilipinas noong 4 Hulyo 1946 sa
pamamagitan ng Kasunduan sa Maynila.
Ang Araw ng Kalayaan ay ginugunita tuwing Hulyo 4.
14
Paglilipat sa Araw ng Kalayaan
Noong Agosto 4, 1964, sa pamamagitan ng mga mungkahi ng mga historyador at mga
nasyonalista, nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Batas Republika Blg. 4166 na siyang nagtatakda sa Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng bansa. Nauna nang ginugunita tuwing Mayo 28 ang Araw ng Watawat kung saan hinihikayat ang mga Pilipino na ibandera ang Watawat ng Pilipinas sa kanilang mga tahanan at tanggapan.
15
Bakit mahalaga ang
Kalayaan ng bansa?
• “Kayo, mga kapatid ko, ay tinawag na maging Malaya.”
– Galacia 5:13
• Para sa ating mga ninuno mahalaga ang araw na nakamtan nila ang ating kalayaan mula sa mga mananakop. Ngunit ngayon ba, mahalaga pa ba ang kalayaan para sa mga kabataan?
• Mahalaga ang kalayaan para sa tao sapagkat ito ang ginamit ng Diyos na sukatan upang malaman kung gaano karesponsable ang tao.
• Nagkakaroon ng malayang pag-iisip at pagdedesiyon ang tao na nakakaapekto sa paraan ng kanyang pagiging uri ng mamamayan.
16
Bilang Pagtatapos…
• Ang pansariling disiplina at pagsunod sa
ipinatutupad na batas ang isa sa mga pangunahing hakbang upang mabigyang saysay ang pagdiriwang ng ating Kalayaan.
• Ang kalayaan ay hindi nagangahulugan na malaya tayong gawin anuman ang ating naisin, bagkus ay may kalakip na responsibilidad bilang mamamayan.
• Dapat ring tayo ay maging masipag at produktibong mga mamamayan upang tuluyang magapi ang kahirapan. Kapag nagkagayon, unti-unting mawawakasan ang kahirapan, kakulangan ng wastong edukasyon at korapsyon sa ating bansa.
17
Mabuhay
18
Ang watawat ng
Pilipinas
Ang watawat ng Pilipinas ay bandila na
sumisimbolo sa bansa. Ang watawat ng Pilipinas
ay may kahulugan o mga mahahalagang
pangyayari na inilalarawan ukol dito.
Ang sinisimbolo ng araw sa watawat ng Pilipinas ay
ang bukang liwayway o simula ng pagsasarili
ng ating bansa na ibig makamit noong 1897 pagkatapos na madesinyuhan ang watawat subalit nakamit lamang ang ating kalayaan
noong taong 1946.
Ang tatlong (3) star ay sumisimbolo sa tatlong
(3) malalaking pulo sa Pilipinas, ang Luzon,
Visayas at Mindanao.
19
Reflection
Bilang isang kabataang Pilipino,
paano mo gagamitin ang
angkin mong Kalayaan para
makamit ang Masaganang
Kinabukasan?
20
Independence Day
03
Philippines
June 12, 2023
PRADO SIONGCO HIGH SCHOOL
Celebrates
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 20
SLIDE
Similar Resources on Wayground
13 questions
Physical and Chemical Changes
Presentation
•
8th Grade
16 questions
Editorial.
Presentation
•
10th Grade
15 questions
BNCC na educação infantil
Presentation
•
10th Grade
17 questions
De ontkenning in het Frans
Presentation
•
8th Grade
15 questions
Espaço percorrido e Deslocamento
Presentation
•
9th Grade
15 questions
Rozpad bloku wschodniego.
Presentation
•
8th Grade
16 questions
stoichiometry
Presentation
•
10th Grade
16 questions
Elements, compounds and mixtures
Presentation
•
8th - 10th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Identify Fractions, Mixed Numbers & Improper Fractions
Quiz
•
3rd - 4th Grade
Discover more resources for Education
10 questions
Fact Check Ice Breaker: Two truths and a lie
Quiz
•
5th - 12th Grade
10 questions
Video Games
Quiz
•
6th - 12th Grade
10 questions
Logos
Quiz
•
6th - 9th Grade
10 questions
Test Your Knowledge with 15 Fun Trivia Questions
Interactive video
•
6th - 10th Grade
15 questions
Memorial Day Trivia
Quiz
•
KG - 12th Grade
21 questions
Factoring Trinomials (a=1)
Quiz
•
9th Grade
12 questions
Name that Candy
Quiz
•
KG - 12th Grade
20 questions
Guess The App
Quiz
•
KG - Professional Dev...