
FILIPINO 8 IKALAWANG MARKAHAN
Presentation
•
Other
•
8th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Roberto Pacya
Used 3+ times
FREE Resource
70 Slides • 0 Questions
1
Lasallian Learning Module Design
Page | 4
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
7.Natutukoy ang payak na salita mula sa salitang
maylapi
Balagtasan
1.Nabubuo ang mga makabuluhang tanong
batay sa napakinggan
2.Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa
paksa ng balagtasan
3.Naipaliliwanag ang mga eupimistiko o masining
na pahayag na ginamit sa balagtasan.
4.Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan
ng bawat kalahok sa napanood na balagtasan
Sarsuwela
1.Naisasalaysay ang magkakaugnay na
pangyayari sa napakinggan
2.Naipahahayag ang pangangatuwiran sa
napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa
suliraning inilahad sa tekstong binasa
3.Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat
na kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit
sa akda
Sanaysay
1.Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng sanaysay na
napakinggan
2.Naipaliliwanag ang tema at mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa akda
3.Naikiklino (clining) ang mga piling salitang
ginamit sa akda
4.Naiuugnay ang tema ng napanood na
programang pantelebisyon sa akdang tinalakay
Balagtasan
1.Nangangatuwiranan nang maayos at mabisa
tungkol sa iba’t ibang sitwasyon
2.Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng
isang tiyak na uri ng paglalahad na may
pagsang-ayon at pagsalungat
3.Nagagamit ang mga hudyat ng pagsangayon
at pagsalungat sa paghahayag ng opinyon
Sarsuwela
1.Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na
masasalamin sa pinanood na sarsuwela
2.Naitatanghal ang ilang bahagi ng alinmang
sarsuwelang nabasa, napanood o
napakinggan
3.Nasusuri nang pasulat ang papel na
ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas
ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng
iba’t ibang rehiyon sa bansa
4.Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng
pandiwa sa isasagawang pagsusuri ng
sarsuwela
5.Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik
tungkol sa paksa gamit ang iba’t ibang batis
ng Impormasyon resorses
Sanaysay
1.Nailalahad nang maayos ang pansariling
pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng
akdang tinalakay
2.Napipili ang isang napapanahong paksa sa
pagsulat ng isang sanaysay
Balagtasan
1.Napapahalagahan ang ating kultura
sa pagtalakay ng gantong uri ng
panitikan, ng sa gayon ay
nauunawaan at naipapamalas ito.
2.Naisasaisip ang aral ng mga iba’t
ibang panig
3.Napapakinggan ang mga
magagandang dahilan
4.Nakagagawa ng maganadang
pagdedesisyun at paghahatol
5.Nakikipagtalakayan sa epektibong
paraan at may paggalang
Sarsuwela
Napapahalagahan ang kaugaliang
Pilipino hanggang sa ngayon
Nabibigyan pansin ang mga paniniwala
noon upang mapanatili ang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino noon
hanggang sa ngayon.
Naisasaisip ang mensahe ng binasang
panitikan
Naipagmamalaki ang kagandahan ng
dula sa pagkatuto at pagkuha ng aral ng
buhay.
Sanaysay
Nasusukat ang kahalagahan ng tunay na
kaligayan mula sa napanood na video
Naisasagawa ang aral sa napanood na
video upang mas mapahalagahan ang
2
Lasallian Learning Module Design
Page | 6
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ASSESSMENT TOOLS:
RUBRIC CRITERIA
KRAYTIRYA
4-Katangi-tangi
3-Katamtaman
2-May Pag-unlad
1-Pasimula
Marka
1.Kaangkupan sa paksa
Angkop na angkop ang
ginawang tula sa paksang
ibinigay
Maayos ang ideya sa tulang
ginawa na tumatalakay sa
paksang ibinigay
Di-gaanong nasakop ang
kabuuang ideya ng ibinigay na
paksa
Malayo sa paksa ang isinulat
na tula
2.Kalinawan ng mensahe
Malinaw at makabuluhan ang
mensaheng ipinararating sa
tulang isulat.
May mensaheng nais iparating
sa tulang isinulat.
Ang mensaheng nais iparating
ay di-gaanong malinaw
Hindi maunawaan ang nais
iparating ng tulang isinulat
3.Tugma
Malikhaing nagamit ang
tugmaan upang malinaw na
makita ang
aliw-iw/indayog ng tula.
Nakakagagamit ng tugmaan
sa ilang mga taludtod ng
isinulat na tula
Ilan sa mga salita sa dulo ng
bawat taludtod ay hindi
magkatugma.
Karamihan sa mga salita sa
dulo ng taludtod ay hindi
magkatugma.
4.Kaangkupan ng mga
ginamit na salita
Piling-pili at angkop ang mga
salitang ginamit. Tama ang
pagbaybay at pagkakahanay
ng mga salita.
Nakagamit ng mga salitang
angkop. Tama ang mga
pagbaybay at pagkakahanay
ng mga salita.
Ilan sa mga salitang ginamit ay
hindi angkop sa konteksto.
Ang mga salitang ginamit ay
hindi angkop
5.Ritmo
Angkop ang lahat ng parteng
mabilis at mabagal na
naaayon sa damdamin nais
ipahayag.
Angkop ang mga parteng
mabilis at mabagal na ayon sa
damdamin nais ipahayag.
May ilang parte na hindi
angkop ang pagkabilis o
pagkabagal na yon sa
damdamin nais ipahayag.
Hindi maayos ang ritmo ng
nabuong tula.
KABUUAN:
3
Lasallian Learning Module Design
Page | 7
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
TABLE OF SPECIFICATION
PAUNANG PAGTATAYA
NO.
LEARNING COMPETENCIES/ TOPICS
KNOWLEDGE
Item No.
No of Items
1
Tula
8,40
2
2
Balagtasan
6,7,9,10,11,30
6
3
Sarswela/Dula
25,27,28,29,32
5
4
Sanaysay
3,4,5,12,13,14,15,16,18,19,20
11
5
Maikling Kwento
1,2,21,22,26,31,35,36
8
6
Wastong Anyo ng Pandiwa sa iba't ibang Aspekto
24,33,37
3
7
Iba't ibang Paraan ng Pagpapahayag
17,23,34, 38, 39
5
UNIT ASSESSMENT MAP
URI
KAALAMAN AT KASANAYAN
(ACQUISITION)
PAG-UNAWA
(MEANING
MAKING)
TRANSFER
PAUNANG PAGSUSULIT
-NG-
Kaalaman #1
Panitikan
4
Lasallian Learning Module Design
Page | 8
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
NG – Not Graded
G – Graded
Six Facets of Understanding: Explanation, Interpretation, Application, Perspective, Empathy, Self-Knowledge
-G-
PORMATIBONG PAGTATAYAKaalaman #2
Elemento ng Tula
-NG-
Kasanayan #1
Masining na Pagbigkas ng
Republikang Basahan
-G-
Kasanayan #2
Pagsulat ng Talata mula sa
Video Presentation
-G-
Kaalaman #3
Pagsulat ng Balagtasan
-G-
LAGUMANG PAGTATAYA
Kaalaman #1
Mga Elemento ng Tula,
Republikang Basahan
-G-
Kasanayan #1 A at B
Pagbigkas ng Balagtasan
-G-
Pagsulat ng Tula
-G-
Lagumang Pagsusulit para sa
Ikalawang Traymestre
–G-
Balagtasan
-G-
SARILING-PAGTATAYA
5
Lasallian Learning Module Design
Page | 9
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
UNIT ASSESSMENT MATRIX
Levels of Assessment
What will I assess?
How will I assess?
How will I score?
1.Naihahambing ang anyo at
mga elemento ng tulang
binasa sa iba pang anyo ng
tula
TALAKAYAN
Pagsusuri sa mga anyo at ilang
elemnto ng tula
10 aytem- 2 puntos bawat aytem
NG
2.Nasusuri ang tono at
damdamin ng tula batay sa
napanood at narinig na
paraan ng pagbigkas
TALAKAYAN
Malikhaing pagbigkas ng mga tula
5 aytem – 1 puntos bawat aytem
NG
3.Naihahambing ang sariling
saloobin at damdamin sa
saloobin at damdamin ng
nagsasalita
GAWAING PANGKATAN
(Dialouge circle)
7 aytem-3 puntos bawat aytem
NG
4.Napipili ang mga pangunahin
at pantulong na kaisipang
nakasaad sa binasa
TALAKAYAN
Paghahanap sa pangunahing
paksa at sa natatagong mensahe
nito
5 aytem-3 puntos bawat aytem
NG
5.Nabubuo ang mga
makabuluhang tanong batay
sa napakinggan
TALAKAYAN
Pagpapa-unlad ng pagtatanong
3 aytem- 5 puntos sa bawat aytem
NG
6.Naibibigay ang opinyon at
katuwiran tungkol sa paksa ng
balagtasan
TALAKAYAN
Paglilinaw sa pagbibigay ideya at
pangangatwiran
5 aytem- 2 puntos sa bawat aytem
NG
6
Lasallian Learning Module Design
Page | 10
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
1.Nabibigkas nang wasto at may
damdamin ang tula
Pormatibong Pagsusulit
Bilang 1
28 puntos gamit ang rubric
G
2.Nangangatuwiranan nang
maayos at mabisa tungkol sa
iba’t ibang sitwasyon
Pormatibong Pagsusulit
Bilang 2
16 puntos gamit ang rubric
G
3.Naipakikita ang kasanayan sa
pagsulat ng isang tiyak na uri
ng paglalahad na may
pagsang-ayon at pagsalungat
4.Nagagamit ang mga hudyat
ng pagsangayon at
pagsalungat sa paghahayag
ng opinyon
Lagumang Pagsusulit
Bilang 3
28 puntos gamit ang rubric
G
Understanding
1.Naiisa-isa at nasusuri ang
larawan upang kilalanin kung
anong isyung panlipunan ang
tinutukoy
Lagumang Pagsusulit
Bilang 1
4 aytem- NG
2.Naisusulat ang sanhi, bunga at
posibleng solusyon ng bawat
suliraning panlipunan
Lagumang Pagsusulit
Bilang 1
4 aytem- 12 puntos bawat aytem
Product Performance
1.Nabibigkas nang wasto at may
damdamin ang tula
2.Pagsulat ng tula na may paksa
ukol sa banal na kapalaran
Proyekto sa Pagganap, pagsulat at
pagbigkas ng sariling Balagtasan
Pagsulat ng tula upang malagyan ng
ritmo ukol sa banal na kapalaran
28 puntos
20 puntos
7
Lasallian Learning Module Design
Page | 11
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
LEARNING MODULE STAGE 3 LEARNING PLAN FLOW
ACTIVITIES MAP:
ACTIVITIES FOR ACQUIRING KNOWLEDGE
AND SKILLS
ACTIVITIES FOR MAKING MEANING AND
DEVELOPING
UNDERSTANDING
ACTIVITIES LEADING TO TRANSFER
( INTRODUCTION ) EXPLORE
Pagsaliksik sa iba’t ibang isyung
panlipunan sa panahon ng Amerikano
Pakikipagpalitan ng ideya at damdamin
tungkol sa mga isyung panlipunang
naganap sa Pilipinas
Pagtalakay ng Republikang Basahan.
Tulang sumasalamin sa kasaysayan ng
Pilipinas
Pagsasaulo ng tulang Republikang
basahan para sa isang malikhaing
pagbigkas nito
Pagkilala sa may-akda ng Republikang
Basahan, upang maunawaan ang
kaligirang kasaysayan ng Tula
Paghahanap ng mga salitang malalim sa
tula upang higit maunawaan ng tula.
( INTERACTION ) FIRM UP
Dagliang Talumpati- pagtalakay sa mga
napapanahong isayung panlipunan sa
Pilipinas sa pangkasalukuyang panahon
Makapagbigay kahulugan sa bawat
matatalinghagang mga pahayag sa
tulang binabasa
Pangkatang Talakayan- Pagbibigay
Opinyon sa mga suliraning panlipunan sa
bansa
Malikhaing pagbigkas ng Republikang
Basahan
Pagsagot sa isang Graphic Organizer
“Sanhi-Bunga Tsart” iba’t ibang Isyung
Panlipunan.
Pagbibigay ebalwasyon at pagsusuri sa
mga napanood na masining ng
pagbibigkas
Pagsasaliksik ng kaligirang kasaysayan ng
Republikang Basahan sa pamamagitan
ng pagtuklas ng iba’t ibang element ng
tula.
Pagbigkas at paglalahad sa harap ng
klase ng mga bagay na mahalaga,
kailangan at poborito
8
Lasallian Learning Module Design
Page | 12
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Pagtatalakay sa iba’t ibang katangian
ng mga element ng isang tula
Paghahanap ng mga makabuluhang
paksa at pangangatwiran para sa
pagsulat ng balagtasan
Pagbibigay kahulugan sa mga malalalim
na talinghaga, simbolismo at kariktan
Pagsulat ng isang makabuluhang
balagtasan na may layunin hamukin ang
mga tagapakinig sa mga isyung
panlipunan napapanahon ngayon
Pagtalakay sa mga pamamaraan ng
paglalahad sa pamamagitan ng
Dialogue Circle at Round Table
Discussion
Pagtatanghal ng Balagtasan sa
malikhain at makabagong pamamaraan
gamit ang isinulat nilang mga
balagtasan.
Pagtalakay sa kaligirang kasaysayan ng
Balagtasan
Pagtukoy sa mga aspekto ng pandiwa
sa pamagitan ng pagsuri sa iba’t ibang
halimbawa
(INTEGRATION) DEEPENING
Pagtalakay sa mga maaaring sanhi ng
mga isyung panlipunan lumagananap sa
panahon ng Amerikano
Mabisang pagsulat ng isang tula may
kinalaman sa mga banal na kapalaran
Pag-unawa sa mga isyu at kasaysayan
ng Pilipinas mula sa paglalarawan sa
Republikang Basahan
Pagtatanghal ng musika gamit ang
isinulat na tula na may tema ng banal na
kapalaran
Pagtalakay sa mga bagay na dapat na
tandaan kapag nagtatanghal sa harap
Paglalahad ng mga damdamin at
kaisipan sa nagdaang balagtasan
Pagtutuon sa kahalagahan ng
epektibong komunikasyon upang
mapadala ang mensahe ng tama at
malinaw
Talakayan sa mga bagay na nais pang
iaayos pagdating sa pagsulat at
pagbigkas
Pagbabalik-aral upang mas
maunawaan ang kahalagahan ng wika
at panitikan tungo sa kamalayan sa
kapaligirang
Pagsusuri ng mga tanong at pamimiliin
upang mas maunawaan kung ano ang
tamang isasagot lalo na sa pag-
unawang pagsusulit
Pagbibigay opinyon sa kahalagahan at
responsipilidad ng isang mamamayan sa
kanyang lipunan at kapaligiran
9
Lasallian Learning Module Design
Page | 13
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
SCAFFOLD FOR TRANSFER
LEVEL 1
DIRECTED PROMPT
LEVEL 2
OPEN PROMPT
LEVEL 3
GUIDED TRANSFER
LEVEL 4
INDEPENDENT TRANSFER
AKTIBITI:PAGBABALIK-ARAL
Mga Elemento ng Tula: Sukat,
Tugma, Paksa at Tema.
Gabay na tanong:
1.Ano ang sukat?
2.Ano ang tugma?
3.Ano ang paksa? Tema?
Pagkaka-iba ng dalawa?
(Maghanda ng isang tula na
maaaring paghugutan ng mga
element sa itaas upang balikan
ang aralin sa Tula)
GAWIN: PAGSULAT NG TULA NA
MAY PAKSA AT TEMA TUNGKOL
SA “BANAL NA KAPALARAN”
1.Pangkatin sa lima ang
buong klase, mamili ng
pinuno sa bawat grupo.
2.Papiliin ang bawat grupo
sa bilang ng “banal na
kapalaran” na kanilang
magiging paksa at tema
sa pagsulat ng tula.
3.Dapat may sukat, tugma
at binubuo ng 3 saknong
na may apat na taludtod
ang tula.
AKTIBITI: PAG-KRITIK SA MGA
GINAWANG TULA
1.Pagkatapos mabuo ang
tula, ay mamarkahan ng
kanilang pinuno ang
kontribusyon ng bawat
miyembro sa pagbuo ng
tula.
2.Ang mga miyembro
naman ay mamarkahan
ang pinuno, kung ito ba’y
naging epekibo sa pag-
oorganisa ng kanilang
gawain.
3.Magbibigay din ng marka
ang guro sa mga lider,
ipaapruba sa guro ang
naisulat na tula.
PAGTATANGHAL NG KANILANG
MGA TULA NA MAY LAPAT NG
MUSIKA
1.Bigyan ng oras sa iyong
klase upang
makapaghanda ang mga
bata sa pagtatanghal
2.Magbigay komento sa
kanilang ginagawang
preparasyon para sa oras
ng pagtatanghal
3.Bigyan ng ilang mga
suhestyon ang mga mag-
aaral sa pagtatanghal
upang mas mapalabas
nila ang damdamin ng
kanilang tula.
10
Lasallian Learning Module Design
Page | 14
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
CALENDAR
SEPTEMBER 2014
Unang Linggo:
Setyembre 15-19, 2014
Aralin sa Traymestre:
Panitikan
Araw 1:
PRE-TEST/FREQUENCY OF
ERRORS
(PANITIKAN SA PANAHON
NG AMERIKANO,
KOMONWELT,
KASALUKUYAN)
Araw 2: Pagbigkas
PAUNANG GAWAIN:
Dagliang Talumpati:
Magbigay ng iyong ideya
sa iba’t ibang mga isyu na
napapanahong pag-
usapan.
Araw 3:
Dagliang Talumpati:
Ikalawang Araw
Araw 4:
Dagliang Talumpati:
Ikatlong Araw
Ikalawang Linggo:
Setyembre 22-26, 2014
Aralin 1: Panahon ng
Aerikano at Komonwelt
Araw 5: TALAKAYAN
Proseso: Bakit ba
mahalagang may alam ka
sa mga pangyayari sa
iyong kapaligiran? Ano ang
gamit ng wika at panitikan
patungo sa kamalayan mo
sa iyong bayan?
Araw 6:
Pagbabalik Tanaw:
Kaligirang Kasaysayan ng
Pilipinas sa Panahon ng
mga Amerikano.
(Pagbibigay ng Pag-uulat)
Araw 7: Input
Talakayan: Panitikan sa
Panahon ng Amerikano.
Pag-uulat ng pangkat at
Kahoot Trivia Questions.
Araw 8:
Process/Pagsasaliksik
Paunang Pagbasa sa
Republikang Basahan:
Anong sinasaabi nito
tungkol sa ating
kasaysayan?
Ikatlong Linggo:
Setyembre 29- Oktubre 3
Tula
Araw 9:
Ikalawang araw: Anong uri
ng panitikan ang
Republikang Basahan?
Paano mo nasabi?
Ano ang Tula?
Araw 10:
Ikatlong Araw:
Elemento ng Tula: Sukat at
Tugmaan.
Araw 11:
Ikaapat na Araw:
Elemento ng Tula: Kariktan,
Simbolismo at Talinghaga.
Araw 12:
Ikalimang Araw:
Elemento ng Tula:
Larawang Paksa at Persona
Ikaapat na Linggo:
Oktubre 6-10
Araw 13:
Ikaanim na Araw:
Elemento ng Tula: Paksa at
Tema
Araw 14: Skill Dev’t.
LECTURE-WORKSHOP:
Masining na Pagbigkas ng
Tula, Mga dapat tandaan
sa pagbigkas ng tula.
Araw 15:
PORMATIBONG
PAGTATAYA,
Kasanayan sa Pagbigkas
ng Tula blg. 1:
Pagbigkas ng Republikang
Basahan
Araw 16:
PORMATIBONG
PAGTATAYA,
Kasanayan sa Pagbigkas
ng Tula blg. 1:
Pagbigkas ng Republikang
Basahan
11
Lasallian Learning Module Design
Page | 15
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Ikalimang Linggo:
Oktubre 13-17
Araw 17:
PORMATIBONG
PAGTATAYA,
Kasanayan sa Pagbigkas
ng Tula blg. 1:
Pagbigkas ng Republikang
Basahan
Araw 18:
Pagsusuri: Pagtalakay sa
Paksa at Tema ng
Republikang Basahan.
Pagbuo ng Larawang-
Paksa at Kasaysayan ng
Tula.
Araw 19:
Pagsusuri: Paghimay sa
mga saknong at taludtod
ng Republikang basahan
upang higit na
maunawaan ang mga
Suliraning palipunang
inilarawan nito
Araw 20:
LAGUMANG PAGTATAYA,
Kaalaman Blg. 1
Mga Elemento ng Tula at
Republikang Basahan
Ikaanim na Linggo:
Oktubre 20-24
Mga Pamamaraan ng
Paglalahad.
Araw 21:
Balarila: Ano ang
PAGLALAHAD?
Epektibong Pagsulat,
Pagsasalita at
Komunikasyon. Ano ang
kahalagahan nito?
Araw 22:
Dialouge Circle:
Pamamaraan ng
Paglalahad.
Pag-iisa-isa, Pagsusuri,
Pagbibigay Katuturan at
Pag-uulit.
Araw 23:
Round Discussion:
Pamamaraan ng
Paglalahad. Paghihindi,
Paghahambing,
Pamamaraan ng
Paglalahad at Pagbibigay
Sanhi at Bunga.
Araw 24:
PORMATIBONG
PAGTATAYA, Kasanayan
Blg. 2
Pagsulat ng isang Talata
mula sa Paksa at Tema ng
Video Presentation.
Ikapitong Linggo:
Nobyembre 3-7
Balagtasan
Araw 25: Input
Discussion: Kaligirang
Pangkasaysayan ng
Balagtasan. Sino si
Francisco Balagtas?
Araw 26: Input
Mga Elemento ng
Balagtasan at Katangian ng
isang Mambabalagtas.
Araw 27: Process
UNANG ARAW: Pagpili ng
Paksang Pagtatalunan at
pagbibigay ng dalawang
pantay na dahilan ng
bawat panig.
Araw 28:
IKALAWANG ARAW:
Pagoorganisa ng mga
ideya sa paggawa ng
Balangkas sa isusulat na
Balagtasan.
Ikawalong Linggo:
Nobyembre 10-14
Pagsulat ng Balagtasan
Araw 29: Pagsulat
IKATLONG ARAW:
Pagsulat ng Pagbubukas at
Pagpapakilala.
Araw 30:
IKAAPAT na ARAW:
Pagsulat ng unang tindig
Araw 31:
IKALIMANG ARAW:
Pagsulat ng ikalawang
tindig.
Araw 32:
IKAANIM NA ARAW:
Pagsulat ng Ikatlong Tindig
at Paghahatol
Ikasiyam Linggo:
Nobyembre 17-21
Paghahanda sa Tanghalan
at Pagsulat ng Tula na
lalapatan ng Musika
Araw 33:
PROJECT INTEGRATION:
Pagsulat ng tula ng may
paksa tungkol sa banal na
kapalaran.
Araw 34: Process
TALAKAYAN: Mga bagay
na dapat isaalang-alang sa
pagharap sa tanghalan
Araw 35:
WORKSHOP sa Pagharap sa
mga Tagapakinig.
Araw 36:
Pagpapatuloy ng Pagsulat
ng Tula at Pagbibida nito sa
Klase.
12
Lasallian Learning Module Design
Page | 16
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Ikasampong Linggo:
Nobyembre 24-28
Araw 37:
Paghahanda sa Balagtasan
Araw 38:
Paghahanda sa Balagtasan
Araw 39:
PAGTATANGHAL:
BALAGTASAN
Araw 40:
PAGTATANGHAL:
BALAGTASAN
Ikalabinisang:
Disyembre 1-5
Sarswela at Aspekto ng
Pandiwa
Araw 41:
Kaligirang
Pangkasaysayan: Ano ang
Sarswela?
Pagpapangkat: “Walang
Sugat”
ARAW 42:
Pangkatang Talakayan:
“Walang Sugat”
Tema: Ano-ano ang uri ng
Pag-ibig?
ARAW 43:
Balarila: Aspekto ng
Pandiwa.
Mga Pandiwang ginamit sa
“Walang Sugat”
ARAW 44:
Lagumang Pagtataya,
Kaalaman Blg. 2:
Aspekto ng Pandiwa at
SARSWELA
Ikalabindalawang Linggo:
Disyembre 8-12
Pag-unawa
Araw 45: DISCUSSION
Pagsusuri: Kaligirang
kasaysayan ng Maikling
Kwento at Sanaysay
Araw 46: DISCUSSION
Paghahambing: Anong
kaibahan ng magkaibang
panahon na ito (PANAHON
ng AMERIKANO at
NGAYON) ? Ano sinasabi
ng mga panitikan at pag-
unlad ng ating wika ukol
ditto?
Araw 47: DISCUSSION
Pag-iisa-isa: Ano-ano ang
mga isyung panlipunan
ang kinaharap ng bansang
Pilipinas sa nagdaang mga
taon?
Araw 48: DISCUSSION
Pagpapahalaga: Paano
mo maipapakita ang iyong
pag-ibig sa iyong bansa?
Kapwa at iyong
kapaligiran? Gsaano mo
kamahal ang iyong sariling
bayan?
Ikalabintatlong Linggo
Disyembre 15-19
Traymestreng Pagsusulit
Araw 49: REVIEW
Pagbabalik-aral: Panitikan
sa Panahon ng Amerikano
hanggang sa Kasalukuyan.
Mga Isyung Panlipunang
hinarap ng Pilipinas.
Araw 50:
TRAYMESTRENG PAGSUSULIT
Araw 51:
TRAYMESTRENG PAGSUSULIT
Araw 52:
Post Test/Frequency of
Errors.
13
Lasallian Learning Module Design
Page | 17
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
I. INTRODUKSYON
Araw 1
PANIMULANG PAGTATAYA
Aalamin ng guro kung gaano na ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga Aralin sa Ikalawang Traymestre sa
pamamagitan ng pagsagot sa lahat ng aytem.
Aralin Blg.1-3: Panitikan sa Panahon ng Amerikano,Komonwelt at Kasalukuyan
Araw 2-4
Pag-iibayo:
A.Hook Activity:
PAGSUSURI: Mga suliraning pambansa sa mga nakalipas na mga panahon, ating pag-usapan.
Aktibiti: Dagliang Talumpati
1. Gamit ang isang fish bowl na may laman ng mga iba’t ibang isyung panlipunan na kinaharap ng mga Pilipino sa mga nagdaang mga
panahon, pabunutin ang isang mag-aaral,
2. Pagkatapos ay bigyan ng dalawang minuto upang makapaghanda at dalawang minuto upang makapagsalita tungkol sa mga bagay
na mababanggit niya tungkol sa isyung kanyang nabunot (tapusin hanggang sa lahat ay makabunot).
3. Magbigay ng feedback sa naging pagbigkas ng bata tungkol sa saklaw at lalim ng kanyang kaalaman sa isyu.
PANGKABUUANG TANONG:
Bakit kaylangang alam at malawak ang kaalaman mo sa mga isyung ito?
Nakakatulong ba ang iyong pagiging mulat at may malay sa mga pangyayari sa paligid? Paano?
14
Lasallian Learning Module Design
Page | 18
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
EUTHANASIA
SOBERANYA
REPRODUCTIVE
HEALTH BILL
MODERNISASYON
PAMBANSANG WIKA
POP CULTURE
BATAS
KAHIRAPAN
15
Lasallian Learning Module Design
Page | 19
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Araw 5-7
PANGKATANG GAWAIN: Pag-uulat sa kaligirang kasaysayan at Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano, Komonwelt at Kasalukuyan.
Layunin: Talakayin ang pag-unlad ng ating bansa mula sa Panahon ng mga Amerikano hanggang sa kasalukuyan.
Makapagbigay ng mga opinyon at saloobin sa mga pag-unlad na naganap.
Alamin ang mga kilalang mga panitikan at mga may aka sa mga panahong ito.
16
Lasallian Learning Module Design
Page | 20
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
INTERAKSYON
Pagsasaliksik:
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat:
Blg. ng Pangkat
Gawain
Tanong na dapat masagot
Unang Pangkat:
Panahon ng mga
Amerikano
a. Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng mga
Amerikano.
b. Alamin ang iba’t ibang panitikang nakilala sa
panahon na ito.
a. Anong kalagayang pambansa ang meron sa Pilipinas sa
panahong ito?
b. Ano-anong mga paksa at tema ang tinalakay sa mga
sikat na mga panitikan sa panahong ito?
Ikalawang Pangkat:
Panahon ng
Komonwelt
a. Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng
Komonwelt.
b. Alamin ang iba’tibang panitikang nakilala sa
panahon na ito.
a. Anong kalagayang pambansa ang meron sa Pilipinas sa
panahong ito?
b. Ano-anong mga paksa at tema ang tinalakay sa mga
sikat na mga panitikan sa panahong ito?
Ikatlong Pangkat:
Kasalukuyang
Panahon
a. Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon sa
kasalukuyan.
b. Alamin ang iba’t ibang panitikang nakilala sa
panahon na ito.
a. Anong kalagayang pambansa ang meron sa Pilipinas sa
panahong ito?
b. Ano-anong mga paksa at tema ang tinalakay sa mga
sikat na mga panitikan sa panahong ito?
PANGKABUUANG PAG-UNAWA:
Anong pag-unlad ang naganap sa bawat panahon?
Ilarawan ang mga pagbabago ang naganap sa bawat panahon.
AMERIKANO
KOMONWELT
KASALUKUYAN
17
Lasallian Learning Module Design
Page | 21
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Araw 8
PANITIKANG PILIPINO SA PANAHON NG MGA AMERIKANO
PAGBABALIK-ARAL:
TULA
Gaano mo ito kakilala?
Ano ang anyo at itsura nito?
Ano ang pagkakaiba nito sa iba pang mga panitikan?
Ano-ano ang mga element ng isang tula?
18
Lasallian Learning Module Design
Page | 22
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Araw 9
PAGLILINANG
Sukat at Tugma
ELEMENTO
Tugma
Ano ang Tugma?
nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
May dalawang uri nito:
Ganap- ang tugma kapag magkapareho ang tunog o titik ng huling salita sa bawat taludtod
Halimbawa:
Ang paglilider mo’y namumukod-tangi
Pulos halimbawa’t walang talumpati
iyong inaakay ang buo mong lahi
sa paghihimagsik ng may ibang uri
Di-ganap- ang tugma kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod, ngunit magkaiba ang
titik.
Halimbawa:
Maganda ang ulan na papatak-patak
Sa gitna ng bukid ay butil ng perlas;
Maganda ang ibon na lilipad-lipad,
Sa langit ay munting bangkang naglalayag.
Sukat
Ano ang Sukat?
tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo
sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
19
Lasallian Learning Module Design
Page | 23
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
AKTIBITI 1.
Pansinin ang iyong kapaligiran. Pagkatapos ay bumuo ng isang tula na may sumusunod na bahagi:
1.Binubuo ng isa o hanggang dlawang saknong.
2.May sukat na lalabindalawahin.
3.Gumamit ng ganap at di ganap na tugmaan.
Isulat ang tula sa isang malinis na papel at basahin ito sa harap ng klase.
20
Lasallian Learning Module Design
Page | 24
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 10
KARIKTAN, SIMBOLO at TALINGHAGA
PANGKATANG GAWAIN: Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Iulat ang tatlong mahahalagang elemento ng tula gamit ang iba’t ibang tula.
Unang Pangkat- Talinghaga
1.Ano ang Talinghaga?
2.Tukutin ang mga ginamit na talinghaga sa halimbawang ibinigay:
O, sala-salabat ang tama ng kidlat
Pati na ang kulog
Ay naghuhumiyaw sa buong magdamag;
O, kalikasa’y waring umiiyak
Nakikipaglamay
Sa tangis ng kanyang mga daging anak.
3.Ibigay ang kahulugan ng mga talinghagang ginamit sa tula.
Ikalawang Pangkat- Simbolo
1.Ano ang simbolo?
2.Tukuyin ang mga ginamit na simbolo sa tula:
Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod,
sa pintong may susi'y walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing muog
anaki'y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo'y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo,
ang buong magdamag ay lumambong luksa
21
Lasallian Learning Module Design
Page | 25
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
3.Ibigay ang kahulugan ng simbolong ginamit sa tula.
Ikatlong Pangkat-Kariktan
1.Ano Ang kariktan?
2.Ilarawan ang pagkakagamit sa mga salita sa tula:
Ina… O, dakilang ina ng daigdig
Nasa iyong mata ang sinag ng langit;
Nasa iyong labi ang masuyong halik,
Nasa iyong puso ang bukal ng isip…
Ina’t ina naming… buksan mo ang dibdib,
Binabati kita ng buong pag-ibig!
3.Ibigay ang kahulugan ng tula.
PANGKALAHATANG TALAKAYAN
Gabay na tanong sa Paglinang:
1.Sa isa o higit pang mga pangungusap, ipaliwanag muli ang tatlong elementong binaggit.
2.Ano ang naitutulong ng elemento tulad ng talinghaga, kariktan at simbolo sa isang tula?
3.Magbigay ka ng ilan mga halimbawa na alam na maaaring gamitin bilang isang simbolo, at bigyan ito ng kahulugan.
4.Magbigay ng ilang maririkit na salita na magandang gamitin sa pagsulat ng isang tula.
5.Magbigay ng mga matatalinghagang salita na iyong nabasa o iyong naiiisip at bigyan ito ng kahulugan sa klase.
6.Bakit kaya mahalaga ang mga elementong ito sa pagpapalawak ng kahulugan ng isang tula?
22
Lasallian Learning Module Design
Page | 26
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
BALANGKAS NG TALAKAYAN
Elemento ng Tula
KARIKTAN,
TALINGHAGA AT
SIMBOLISMO
Kailangang magtaglay
ang tula ng maririkit na
salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon
din mapukaw ang
damdamin at kawilihan.
Paggamit din ng mga ng
matatalinhagang salita at
tayutay. Tayutay - paggamit
ng pagwawangis,
pagtutulad, pagsasatao
ang ilang paraan upang
ilantad ang talinghaga.
Tumutukoy ito sa mga
salitang ginagamit sa
tula na nag-iiwan ng
kahulugan sa
mapanuring kaisipan ng
mambabasa.
23
Lasallian Learning Module Design
Page | 27
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Araw 11
PERSONA AT LARAWANG PAKSA
GAWIN: Basahin ang tula at sagutan ang mga tanong.
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang paman ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piano kapag ikaw ay mamamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat n gating yaman
Pakat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”
1.Ilarawan ang imaheng nabubuo sa iyong isipan habang binabasa ang tula
2.Sino ang nagsasalita sa binasang tula? Ipaliwanag ang sagot.
_______________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________
24
Lasallian Learning Module Design
Page | 28
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
TANDAAN:
Araw 12
TONO, PAKSA AT TEMA
Basahin ang makasaysayang tula na isinulat ni Teodoro Agoncillo na sumasalamin na mapoot na pangyayari sa ating bansa at alamin ang
iba’t ibang elemento ng tula.
REPUBLIKANG BASAHAN
Tula ni Teodoro Agoncillo (1944)
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?
Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?
Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!
Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!
Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.
Persona:
Larawang Paksa:
25
Lasallian Learning Module Design
Page | 29
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Malaya ka, bakit hindi? Sa bitayan ikaw'y manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!
Kalayaan - ito pala'y mayron na ring tinutubo
Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!
Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.
Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,
Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!
Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!
Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.
Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.
Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!
Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?
Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!
Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,
Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.
26
Lasallian Learning Module Design
Page | 30
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?
Republika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,
Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!
Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!
Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.
Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,
Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.
Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!
TALAKAYAN
PAKSA
TONOTEMA
27
Lasallian Learning Module Design
Page | 31
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Ano ang pinag-uusapan sa
binasang tula? Isulat ang
iyong ideya sa loob nito:
Ano kaya ang
mensaheng nais
ipadala sayo ng may-
akda?
28
Lasallian Learning Module Design
Page | 32
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 13
LECTURE-WORKSHOP
Mga Patnubay sa Pagbigkas ng Tula at Balagtasan
1.LAYUNIN- Bigyan ang mga mag-aaral ng oras upang pag-usapan ang kanilang layunin sa pagbigkas.
üAno ang ang iyong layunin?
üAno ang kahalagahan na alam mo ang iyong sariling layunin?
üSa tingin mo ba natupad mo ang iyong layunin?
2.PAGKAKAUGNAY NG MAMBIBIGKAS AT TAGAPAKINIG
üBakit mahalaga ang ugnayan ng bawat isa?
üAno ang kahalagahan ng magandang ugnayan ng bawat isa?
3.TIKAS
üAno ba ang tikas?
29
Lasallian Learning Module Design
Page | 33
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
üAno ba ang kahalagahan nito sa simpleng pakikipag-usap o sa pagtatanghal?
4.PANUUNAN NG PANINGIN
•Ano ang kahalagahan nito sa pagtatanghal? o sa simpleng pakikipag-usap?
5.TINIG
•Bakit ba mahalaga ang magandang tinig?
•Kailangan ba ito sa pagsasalita o pagtatanghal?
30
Lasallian Learning Module Design
Page | 34
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
6.HIMIG
•Paano mo malalapat ang wastong himig ng iyong bibigkasin?
•Ano ba ang iyong iniiwasan kung bakit mo kaylangan alamin ang himig?
Gabay na tanong:
Ano muli ang dapat tandaan na isang masining na pagbigkas ng tula?
ARAW 14-17
PORMATIBONG PAGTATAYA,
Kasanayan sa Pagbigkas ng Tula blg. 1:
Pagbigkas ng Republikang Basahan
ARAW 18-19
PAGSUSURI: Kaligirang kasaysayan ng Republikang Basahan
Ang tulang natunghayan ay pinamagatang “Republikang Basahan” sapagkat, ang Pilipinas, bagamat itinuturing nan a “First Malayan
Republic” sa buong Asya ay di pa rin masasabing ganap nang Malaya sa kabila ng pagdedeklara ng kalayaan nito noong Hunyo 12 1898.
Ito ay sa dahilang di pa taglay ng Pilipinas noong 1898 ang apat na element ng estadong binubuo ng mamamayan, teritoryo,
pamahalaan, at soberanya.
Ang tulang ito ay isinulat ni Teodoro A. Agoncillo, isang manunulat ng kasaysayan sa ating bansa. Nangingibabaw sa akdang ito ang
kanyang diwanbg mapanuligsa at mapanghimagsik.
31
Lasallian Learning Module Design
Page | 35
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
PAG-UNLAD NG VOCABULARY
Pag-ugnayin ang salitang magkasing-kahulugan:
Hanay A
Busilak
Dalisay
Namimighat
i
Dustahin
Karimlan
Busabos
Mawari
Adhika
Lipi
Kasarinlan
Hanay B
Kalayaan
Angkan
Layunin
Maunawaan
Alipin
Kadiliman
Linlangin
Nalulungkot
Tapat
Tunay
Kasagutan
32
Lasallian Learning Module Design
Page | 36
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
GABAY NA TANONG:
1.Paano Binigyang-kahulugan ng makata ang salitang kalayaan?
2.Sa unang saknong, bakit di lubos na matanggap ng makatang ang Pilipinas ay isa nang ganap na Republika?
3.Alin-alin ang linyang nagsasabing hindi pa ganap na Malaya ang Pilipinas? Basahin ito ng may damdamin.
4.Ayon sa makata, paano raw makakamit ang kalayaan?
5.Sa iyong palagay, alin ang higit na nagging epektibo sa pagkamit ng kalayaan n gating bnasa mula sa kamay ng mga mananakop?
a.Sa pamamagitan ng Kilusang Propaganda
b.Sa pamamagitan ng Kilusang Rebolusyunaryo
6.Sa kasalukuyan masasabi mo bang ganap nang Malaya ang mga Pilipino? Bakit?
7.Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa kalayaang iyong tinatamasa sa kasalukuyan?
PAGPAPALAWAK
Paggamit ng Cluster: Bilang pagsasanay, magbigay ng maikling pagpapaliwanag sa bawat elemento ng estadong nakatala at subukinb
mong sagutin ang tanong sa ibaba.
REPUBLIKA
MAMAMAYAN
TERITORYO
SOBERANYA
PAMAHALAAN
33
Lasallian Learning Module Design
Page | 37
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Para sa iyo, aling element ng estado ang hindi pa lubos na taglay ng Pilipinas noong 1898 haggangang 1945? Bakit?
________________________________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
Punan ang bawat kahon ng iyong pakahulugan sa salitang Kabayanihan. Sa unag kahon bigyang katuturan ang salita. Sa ikalawa ay
bigyanghalimbawa kung paano mo ito maaaring pangatawan at ikatlo ibigay ang dahilan kung bakit layunin mom aging isang bayani.
KABAYA-
NIHAN
ANO ITO?
AKO, BILANG
ISA…
PARA SAAN?
34
Lasallian Learning Module Design
Page | 38
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 20
LAGUMANG PAGTATAYA,
Kaalaman Blg. 1
Mga Elemento ng Tula at Republikang Basahan
ARAW 21
PAGHUHUGOT
Sagutan ang Graphic Organizer: Ano ba pag sinabing epektibo? Paano mo masasabi kung epektibo ka sa pagsulat, pagbigkas at
komunikasyon? Isulat ang iyong opinion sa kahon.
EPEKTIBO
PAGSULAT
PAGBIGKAS
KOMUNIKASYON
35
Lasallian Learning Module Design
Page | 39
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Ilarawan ang pagkakaiba:
OPINYON
KATOTOHANAN
SUHESTYON
KAISIPAN
DAMDAMIN
PAGLALAHAD
36
Lasallian Learning Module Design
Page | 40
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 22
DIALOUGE CIRCLE
1.Bumuo ng isang bilog sa klase. Bago pumunta sa pwesto ay ihanda nila ang mga bagay na sa kanila ay MAHALAGA,
KAILANAGAN O PABORITO.
2.Ihanay ang kanilang mga bagay, pagsamahin sa pamamagitan ng pagsuri kung sa tingin nila ang bagay na ito ay nababagay
sa mahalaga, kailangan o paborito.
3.Ipalarawan sa bawat mag-aaral ang dahilan kung bakit ito mahalaga, bakit ito kailanagan o bakit ito ang kanilang paborito.
Sundan ang panuto sa kahon:
37
Lasallian Learning Module Design
Page | 41
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
3. Pangkatin sa dalawa: Ipahayag mo ang
mga bagay na iyong nakalap sa
dalawang nakasama mo kanina at ilahad
mo ito sa iyong kasama. Paghambingin
at pagtambisin ang mga pahayag.
Pagkatapos ay pahindiian mo ang mga
bagay na sa tingin mo ay di-totoo
tungkol sayo.
ARAW 23
ROUND DISCUSSION
1.Pangkatin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng “ang barko ay lumulubog… pangkatin ang bawat isa sa…” sundan ang panuto
sa ilalim. Kaylangan patnubayan kung naglalahad ang bawat isa.
1.Pangkatin sa lima: Isipin na bagong kakilala mo ang iyong mga
kasama at magpakilala ka sa iyong mga kasama. Pumili ng
isang pang-uri na maaaring maglarawan base sa pagkakakilala
mo sa iyong sarili.
2. Pangkatin sa tatlo:
Ngayon naman ay
ilarawan mo ang
bagay na nakikita mo
sa taong iyong na sa
kanan. Pagkatapos
niyang mailarawan
ang iyong sarili ay
humingi ka din ng
opinyon sa iyong
kaliwa. Siguraduhin
na nakapagsalita
lahat.
38
Lasallian Learning Module Design
Page | 42
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 24-25
TALAKAYAN: Mga Pamamaraan ng Paglalahad
1.PAG-IISA-ISA
Ito ang maayos na paghahanay ng mga detalye upang masuri ang mga bahagi ng isang bagay ayon sa likas o natural na pagkakabuo
nito. Halimbawang ibig natin ipakita ang kabuuan ng isang ideyal o huwarang Pilipino, makakabuting ilahad ang kanyang mga katangian mula
sa pisikal na kaanyuan, mga ugali at hilig, maging ang damdamin at kaisipan. sa ganitong pagkakaayos, madaling mauunawaan kung ano
talaga ang isang mabuting Pilipino.
2.PAGSUSURI
Kaiba sa pag-iisa-isa, ang pagsusuri ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng isang bagay kundi pati na rin ang
kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa. Samakatwid, dahil masaklaw ito, higit na madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay.
Magandang halimbawa nito ang konsepto ng isang bansa. Dito dapat talakayin ang kaugnayan ng mga bahagi ng bansa tulad ng
sambayanan, pamahalaan, wika, bandila, at teritoryong pinananahanan ng mga mamamayan.
3.PAGBIBIGAY-KATUTURAN O DEPINISYON
May mga salita sa isang pangungusap na hindi agad-agad maintindihan. Palibhasa’y isang bagay o kaisipan ito, kailangan ang higit na
masaklaw na pagpapaliwanag. Dahil dito ay marapat lamang na ipaliwanag nang husto ang kaurian, kaantasan, at kaibahan ng isang bagay o
kaisipan. Halimbawang ang salitang bibigyan katuturan ay pag-ibig sa bayan, ipaliwanag kung sa anong uri ng damdamin ito nabibilang, nasa
anong antas ang katindihan nito, at ano ang kaibahan nito sa iba pang-uri ng damdamin. Sa ganito’y hindi maipagkakamali ang pag-ibig sa
bayan sa ordinaryong damdaming pagmamahal.
4.PAG-UULIT
May mga bagay o kaisipang dapat bigyan-diin upang maipakita ang kahalagahan o kawalang kahalagahan nito. Sa ganitong mga
bagay ginagamit ang pag-uulit. Halimbawa’y ibig paratingin ang impluwensya ng imperyalismong Amerikano sa sambayanang Pilipino, marapat
na ulit-ulitin ang impluwensya nito sa larangang tulad ng edukasyon, negosyo, industriya, patakarang-panlabas, at lokal na pulitika.
39
Lasallian Learning Module Design
Page | 43
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
5.PAGPAPAHINDI
Ito ang negatibong pagpapaliwanag ng kahulugan ng isang bagay. Parang alegorya, iba ang sinasabi sa ibig sabihin. Halimbawa’y
layunin ng sumusulat o nagsasalita na pahinain ang kalooban ng isang dalaga hinggil sa balak nitong maagang pag-aasawa, ang lahat ng mga
kasamaan, kahirapan, at iba pang panganib na susuungin nito’y dapat na maisangkap nang mabisa at malinaw sa paglalahad na ito.
6.PAGPAPALIWANAG NG SANHI AT BUNGA
Ito ang paraang nagpapaliwanag sa “bakit” at “ano” ng isang pahayag o pangyayari. Sa paraang ito madaling nakikintal sa isipan ang
dahilan ng isang pangyayari.
7.PAGHAHAMBING AT PAGTATAMBIS
May mga bagay na halos magkapareho o nasa kategoryang iisa. May mga bagay rin naming magkakaiba. Samakatwid, ang mga bagay
na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang ang mga magkakaiba ay
pinagtatambis naman upang maibukod ang isa sa isa.
8.PAGPAPALIWANAG SA PAMAMARAAN
Lumikha o gumagawa ng mga bagay na pisikal o abstrakto ang bawat tao. Dahil dito, upang mapagtagumpayan ang bagay na ito,
kailangang mabatid niya ang mga hakbang sa paggawa ng isang bagay. Mula sa mga kailangang materyal hanggang sa paggamit ng mga
ito para sa isang bagay na gustong gawin, kailangan ang detalyado at may pagkakasunod-sunod na mga hakbang. Popular ang ganitong
pamamaraan ng paglalahad sa recipe, handicrafts, at iba pang likhang-kamay.
Sanggunian:
Sandiwa ni Efren R. Abueg, et.al
AKTIBITI: Pormatibong Pagtataya
Kasanayan sa Pagsulat
1.Magsulat ng isang epektibong talata na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng paglalahad.
2.Suriin mabuti ang ipapanood na video at hulaan ang paksa at tema ng video pinanood. Dapat ditto umikot ang talatang iyong
40
Lasallian Learning Module Design
Page | 44
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
isusulat.
3.
PAKSA:
VIDEO: Makabagbag
Damdamin na Bidyo.
(Heartwarming Thai Video)
TEMA:
TALATA:
1.KAISAHAN
2.KAAYUSAN
3.KAGANAPAN
4.PAGKAKAUGNAY-UGNAY
41
Lasallian Learning Module Design
Page | 45
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 26-27
PANIMULANG TALAKAYAN
BALAGTASAN: SAAN ITO NAGMULA?
BALAG
KASAYSAYAN:
Panahon ng mga Amerikano ay sumibol ang pagtatalong patula na naglalaman
ng pangangatwiran at ito’y tinawag na Balagtasan.
Ang mga mambibigkas na nagsisiganap ay napapahusayan sa larangan ng
paglalahad ng kani-kanilang katwiran sa isang matulaing pamamaraan.
Ang salitang balagtasan ay hango sa pangalan ni Francisco Balagtas bilang
parangal sa kanya na tinaguriang “Sisne ng Panginay”
42
Lasallian Learning Module Design
Page | 46
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
GENERALIZATION:
1.Ano ang balagtasan?
2.Kanino ipinangalan ang balagtasan?
3.Sino si Francisco balagtas?
4.Anong panahon nauso ang ganitong paraan ng pakikipagdwelo?
ANO ANG BALAGTASAN?
Pagpapahayag ng dalawang mambibigkas ng mga piniling panig ng paninindigan
at pinaglalabanan hanggang sa wakas ng pagtatalo sa paraang patula.
Ang Lakandiwa o Lakambini ang siyang pumapagitna at siyang naglalatag ng
huling hatol kung sino sa dalawang nagtatalo ang siyang may mabigat na
paninindigan.
43
Lasallian Learning Module Design
Page | 47
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
MGA SANGKAP NG BALAGTASAN
PAKSANG PAGTATALUNAN
Ang paksa ay nararapat na angkop sa
panahon o pagdiriwang
MAMBABALAGTAS
Isang
makata na
titindig sa
panig ng
sang-ayon
at isa ay sa
panig ng di
sang-ayon.
TAGAPAKINIG AT TANGHALAN
Ang tutunghay sa pagtatagisan ng galing sa
balagtasan ng dalawang panig
LAKANDIWA
Siya ang
titindig
upang
magpapakil
ala at
maging
tagapamagi
tan sa
dalawang
panig.
44
Lasallian Learning Module Design
Page | 48
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 28-33
PAGSULAT NG SARILING BALAGTASAN
AKTIBITI 1: PAGPILI NG ISANG PAKSANG PAGTATALUNAN
TANDAAN:
1.ANG PAKSA AY DAPAT
NAPAPANAHON
2.DAPAT MALALIM ANG
IYONG PAGKAKAUNAWA
SA ISYU
3.MAGHAGILAP NG ILAN
PANG MGA
IMPORMASYON PARA
MAKAKUHA NG MGA
MAKATOTOHANANG
PANGANGATWIRAN
4.ISIPIN MABUTI ANG
PERSONA O YUNG
NAGSASALITA
5.GAMITIN ANG
NATUTUNAN SA
PAGBABALANGKAS AT
PAGLALAHAD
MGA ISYUNG
PANLIPUNAN
45
Lasallian Learning Module Design
Page | 49
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
1.Ipangkat ang klase, bumuo ng mga pangkat ng may tatlong mga miyembro. Isang lakandiwa, at dalawang mambabalagtas.
2.Ang paksa ay kaylangan maaprubahan ng guro, humingi ng tatlong dahilan o katwiran tungkol sa panig ng dalawang magtatalong
mambabalagtas.
AKTIBITI 2
PAGGAWA NG OUTLINE O BALANGKAS NG BALAGTASAN
TANDAAN: DAPAT SIGURO ANG PANGKAT SA PAKSA NA KANILANG NAPILI, PAGAWAIN NG BALANGKAS GAMIT ANG OUTLINE SA IBABA.
BALAGTASAN
Paksang pagtatalunan: (Patanong)
Pagbubukas: (Lakandiwa) Ang paksa ay kaylangang
mapakilala
Pagpapakilala: (Lakandiwa, Dalawang Panig)
Pagtanggap: (Lakandiwa)
Unang Tindig:
Sang-ayon-
Di Sang-ayon-
Transisyon:
Ikalawang Tindig:
Sang-ayon-
Di Sang-ayon-
Transisyon:
Sang-ayon-
Di Sang-ayon-
Ikatlong tindig:
Sang-ayon-
Di Sang-ayon-
Paghuhusga:
(Isulat ito sa pangungusap, sa isang buong papel)
46
Lasallian Learning Module Design
Page | 50
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
AKTIBITI 3
PAGSULAT NG BALAGTASAN: PAGBUBUKAS AT PAGPAPAKILALA
Panuto: Sundan ang format sa ibaba, gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng isang tula, na may sukat at tugmaan. Maari ring gumamit ng
malayang taludturan.
LAKANDIWA
PAGBUBUKAS NG TANGHALAN:
1.Bumati sa inyong mga
tagapakinig
2.Buksan ang tanghalan sa
pamamagitan ng isang mahusay
na pagpapakilala ng paksang
pagtatalunan
3.Magpakilala ng may respeto at
may dangal.
SANG-AYON
PAGPAPAKILALA:
1.Bumati sa inyong mga
tagapakinig
2.Magbigay ng isang
nakakahangang tindig ukol
sa iyong pangkalahatang
paninindigan
3.Magpakilala ng may
respeto at dangal.
DI SANG-AYON
PAGPAPAKILALA:
1.Bumati sa inyong mga
tagapakinig
2.Magbigay ng isang
nakakahangang tindig
ukol sa iyong
pangkalahatang
paninindigan
3.Magpakilala ng may
respeto at dangal.
47
Lasallian Learning Module Design
Page | 51
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
AKTIBITI 4-6
PAGSULAT NG BALAGTASAN: UNA, IKALAWA AT IKATLONG TINDIG
PANUTO: Gamit ang balangkas na ginawa ay gawan ng skrip ang iyong unang tindig, sundan ang ilang paalala sa mga kahon.
LAKANDIWA:
1.BUMUO NG ILANG
MGA SAKNONG SA
PAGTANGGAP SA
DALAWANG PANIG
2.PAGKATAPOS NG MGA
DWELO AY
MAGHANDA SA ILANG
PAHAPYAW NA MGA
KOMENTO SA UNANG
NILANG TINDIG.
3.BUMUO DIN NG
TRANSISYON NA MAG-
UUGNAY SA DWELO.
SANG-AYON:
1.BUMUO NG MGA
SAKNONG NA
MAHUSAY NA
MAGLALARAWAN NG
IYONG MGA TINDIG.
2.AYUSIN ANG
PANGANGATWIRAN
3.HUWAG KALIMUTAN
GUMAMIT NG IBA’T
IBANG
PAMAMARAAN NG
PAGLALAHAD.
4.DAPAT MAY SUKAT AT
TUGMA.
DI SANG-AYON:
1.BUMUO NG MGA
SAKNONG NA
MAGLALARAWAN NG
IYONG MGA TINDIG
KONTRA SA TINDIG NG
IYONG KATUNGGALI.
2.AYUSIN ANG
PANGANGATWIRAN
3.HUWAG KALIMUTAN
GUMAMIT NG IBA’T
IBANG
PAMAMARAAN NG
PAGLALAHAD.
4.DAPAT MAY SUKAT AT
TUGMA.
48
Lasallian Learning Module Design
Page | 52
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
AKTIBITI 7
PAGSULAT NG PAGHUHUSGA O PAGHAHATOL
PANUTO: Bumuo ng isang makabuluhang paghahatol sa iyong sariling balagtasan. Bigyan ng makahulugan pangangatwiran ang iyong
nagging hatol sa patulang paraan.
Mga Magagandang
Punto ng
Di Sang-ayon
Mga Magagandang
Punto ng
Sang-ayon
Paghahatol
49
Lasallian Learning Module Design
Page | 53
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 34-38
PAGBIGKAS NG BALAGTASAN
AKTIBITI 1: MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MAMBABALAGTAS
Angkop, maayos at may
kasanayan sa pagtindig sa harap
ng madla.
Taglay ang kaingatan sa
pagbibitiw ng mga salita sa
kanyang katalo, tagapakinig, at
lakandiwa.
May kalinawan ang pagbigkas
sa kanyang bahagi.
May mabuting kaasalan sa
pakikipagtalo at hindi pikon
Nagtataglay ng iba’t ibang uri
ng patunay o katibayan sa
pangangatwiran.
Mabisa at maayos ang
pagkakahanay ng mga
pangangatwiran.
Mahusay na paghahanay
ng mga pangungusap at
pangangatwiran.
May mabisang paraan
upang mahimok ang mga
nakikinig
Kababanaagan ng
kalawakan ng pang-unawa
at kaangkupan ng
ekspresyon ng mukha at
galaw ng bawat bahagi ng
katawan na angkop sa
panig ng ipinaglalaban.
50
Lasallian Learning Module Design
Page | 54
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
AKTIBITI 2: PAGTINDIG SA HARAP NG TAO
WORKSHOP: “Charade”
Layunin: Mapakita sa tanghalan ang personalidad; mawala ang mga inhibitions; pagiging “spontaneous”; mabilis makuha ang mensahe sa
pamamagitan ng non-verbal clues.
AKTIBITI 3: SIMULATION
PAGBIGKAS NG BALAGTASAN
1.Bigyan ng 10 minuto ang mga mambabalagtas na makapaghanda upang magbigay patikim sa inyong klase.
2.Pagtanghalin isa-isa ang mga pangkat, putulin hanggang pagpapakilala lamang.
3.Magbigay ng feedback, lalo na sa mga bagay na dapat pang mapaunlad ng mambabalagtas sa harap.
4.Ipaalala ang mga sumusunod bago bumigkas sa kanilang balagtasan; layunin; ugnayan ng mambibigkas at tagapakinig; tikas;
himig; panaunan ng paningin; kumpas.
Mga bagay na makikita sa
loob ng bahay
Mga paboritong karakter sa
telebisyon at pelikula
Mga pinapangarap na maging o
pangarap na maging
karakter
Mga paboritong pampalipas
oras
51
Lasallian Learning Module Design
Page | 55
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
LAGUMANG PAGTATAYA:
PAGBIGKAS NG SARILING BALAGTASAN, KASANAYAN BLG. 1
ARAW 39-40
PROJECT INTEGRATION
PAGHUHUGOT: “BANAL NA KAPALARAN”
52
Lasallian Learning Module Design
Page | 56
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
PAGBABALIK-ARAL:
Mga Elemento ng Tula: Sukat, Tugma, Paksa at Tema.
Gabay na tanong:
4.Ano ang sukat?
5.Ano ang tugma?
6.Ano ang paksa? Tema? Pagkaka-iba ng dalawa?
Gawin: PAGSULAT NG TULA NA MAY PAKSA AT TEMA TUNGKOL SA “BANAL NA KAPALARAN”
4.Pangkatin sa lima ang buong klase, mamili ng pinuno sa bawat grupo.
5.Papiliin ang bawat grupo sa bilang ng “banal na kapalaran” na kanilang magiging paksa at tema sa pagsulat ng tula.
6.Dapat may sukat, tugma at binubuo ng 3 saknong na may apat na taludtod ang tula.
7.Pagkatapos mabuo ang tula, ay mamarkahan ng kanilang pinuno ang kontribusyon ng bawat miyembro sa pagbuo ng tula.
8.Ang mga miyembro naman ay mamarkahan ang pinuno, kung ito ba’y nagging epekibo sa pag-oorganisa ng kanilang gawain.
9.Magbibigay din ng marka ang guro sa mga lider, ipaapruba sa guro ang naisulat na tula.
ARAW 41-42
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG SARSWELA
AKTIBITI 1.
PAGBASA NG PANITIKANG “WALANG SUGAT” NI SEVERINO REYES
PANUTO: Magsaliksik sa silid aklatan tungkol sa kasaysayan ng sarswela dito sa Pilipinas. Pagkatapos ay basahin ang isang sarswela na
nakilala sa Panahon ng mg Amerikano, ang “Walang Sugat” ni Severino Reyes.
53
Lasallian Learning Module Design
Page | 57
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
GABAY NA TANONG:
1.Ano ang papel na ginagampanan ni Lukas sa buhay ni Julia at Tenyong?
2.Anong klaseng mangingibig si Miguel? Ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng pagtukoy sa bahagi ng dula na naglalarawan sa
kilos at saloobin nito.
3.Bakit hindi matanggihan ni Julia ang pagpapakasal niya kay Miguel?
4. Magbigay ng sariling reaksiyon sa panukala ni Tadeo kay Juana.
5.Paano ipinapakita sa dula ang pagiging makapangyarihan ng mga magulang noon?
6.Bakit naantala ang pagpapakasal ni Julia kay Miguel?
7.Paano nagawa ni Tenyong na sa kanyang magpakasal si Julia?
8.Sumasang-ayon k aba sa nagging wakas ng dula? Bakit?
TALAKAYAN
THINKING ALOUD: Ano ang iyong ideya tungkol sa dula? Sarswela?
DULA
SARSUWELA
54
Lasallian Learning Module Design
Page | 58
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
PAGPAPAKAHULUGAN
PANUTO: Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang ibig sabihin ng parirala o pangungusap sa bawat bilang, na nabasa sa “Walang Sugat”
ALAMIN
1.Nginatngat ng aso ang ulo ko
4. Ako ay lubayan
2.Kung gayak na ang loob niya
5. May pusong namugad
3.Waring may bumbunan, walang gunamgunam 6. Palalo kung magsalita
Dula
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok
sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong
dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang
itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula,
dramatista, o dramaturgo.
55
Lasallian Learning Module Design
Page | 59
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ELEMENTO
NG DULA
TANGHALAN
Ay ang lugar kung saan nagaganap
ang mga pangyayari sa isang
pagtatanghal. Hindi ito matatawag
na isang dula ang isang
pagtatanghal kung hindi ito
mangyayaring maipalabas ito sa
tanghalan o stage. Ang silid,
kalsada, o maliit na espasyo ay
maaaring tawaging tanghalan
bastat ito ay nagging lugar ng isang
pagtatanghal.
ACTOR
Siya ang gumaganap at nagbibigay
buhay sa dula. Sila ang bumibigkas
ng mga diyalogo, nagsasagawa ng
mga aksyon at nagpapakita ng mga
emosyon sa mga manonood.
MANONOOD
Ang mga naging saksi o
nakakapanood ng isang
pagtatanghal. Hindi maituturing na
dula ang isang dula kung walang
nakapanood dahil ang
pangunahing layunin nito ay
maitanghal, at kapag sinabing
maitanghal, dapat ay may saksi o
makakapanood.
ISKRIP
ito ang kaluluwa ng isang dula.
lahat ng pangyayaring isnasaalang-
alang o nagaganap sa isang
pagtatanghal ay naaayon sa iskrip.
DIREKTOR
tagadirehe naman ang nagbibigay
ng interpretasyon at
nagpapakahulugn sa isang skrip. Siya
ang nagpapasya sa itsura ng
tagpuan, damit ng mga actor, o
maging pagkakabigkas ng mga linya
ng actor, depende pa rin sa
kanyang interpretasyon ng iskrip. siya
ang utak ng dulaan.
EKSENA at TAGPO
Ang eksena ay ang palabas masok
sa tanghalan ng mga tauhan
samanatalang ang tagpo naman ay
pagpapalit n mga pangyayari sa
dula.
56
Lasallian Learning Module Design
Page | 60
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 43
LAGUMANG PAGTATAYA
KASANAAN BLG. 2
SARSWELA, “WALANG SUGAT”
PAKSA: SARSUWELA “Walang Sugat” ni Severino Reyes
1.Bumuo ng pangkalahatang kaisipan na nakuha sa tekstong binasa. Ilahad ang iyong kasagutan sa loob ng kahon.
2.Patunayan na ang mga pangyayari sa binasang sarsuwela ay maaaring mangyari sa tunay na buhay.
KAISIPAN
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
PAGPAPATUNAY
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
57
Lasallian Learning Module Design
Page | 61
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
3.Bakit makapangyarihan ang pag-ibig sa kapwa, sa bayan at sa ating kalikasan? Isulat ang sagot sa grapikong pantulong.
P
A
G
-
I
B
I
G
Kapwa:
Bayan:
Kalikasan:
58
Lasallian Learning Module Design
Page | 62
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
4.Magbigay ng sariling paniniwala kung dapat o di dapat na makialam ang mga magulang sa pag-ibig ng anak. Isulat ang sagot sa grapiko sa
kabilang pahina.
Dapat bang makiaalam ang
magulang sa pag-ibig ng anak?
Sang-ayon
Di Sang-ayon
SOLUSYON
59
Lasallian Learning Module Design
Page | 63
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 44-45
TALAKAYAN
Ano ang SANAYSAY?
Ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumusulat tungkol sa isang bagay o paksa.
Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay “sumubok” “tangkain”
Ayon kay Alejandro Abadilla, ang salitang sanaysay ay nangangahulugang “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
Pormal-tinatawag din na impersonal o siyentipiko
sapagkat ito’y inabasa upang makakuha ng
impormasyon.
Impormal-tinatawag din itong pamilyar o personal na
nagbibigay diin sa isang estilong nagpapamalas ng
katauhan ng may akda.
Ang paksa ay kaakit-akit at kawili-wili
Ito’y hindi isinulat upang magaral o maksugat ng
damdamin
Ito’y masigla, masaya at mapagpatawa
Malaiwana na mababanaag ang magandang kalooban
ng may-akda
Nagpapakilala ito ng malawak na kaalaman ng may-
akda ukol sa mga aklat, kalikasan, at iba’t ibang bagay.
Bahagi ng Sanaysay
Simula: ito dapat ang ay nakakatawag pansin o
nakakapukaw sa damdamin ng mga mambabasa.
Katawan: o pinakanilalaman ay hitik dapat sa kaisipan at
dapat may kaisahan
Wakas: ang pangkalahatang impresyon ng may-akda.
Ito ang maaaring buod o kongklusyon.
60
Lasallian Learning Module Design
Page | 64
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Mga Uri ng Sanaysay
(Iba’t-ibang Uri ng Sanaysay)
Nagsasalaysay o naratib
Kritikal o mapanuri
Naglalarawan o deskriptiv
Mapag-isip o di-praktikal
Didakto o nangangaral
Nagpapaalala
61
Lasallian Learning Module Design
Page | 65
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Maikling Kuwento
Kilala din bilang maikling katha gaya ng karaniwang
taguri rito ay sangay ng salaysay na may isang
kakintataln o single impression.
TANDAAN: Ang maikling katha ay hindi pinaikling
nobela o buod ng isang nobela.
Katangian ng Maikling Kuwento:
Iisang kakintalan
May isang pangunahing tauhang may mahalagang
suliraning kailangang lutasin
Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay
May mahalagang tagpo o kakauntian nito.
May mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa
kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas.
62
Lasallian Learning Module Design
Page | 66
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
MAIKLING
KWENTO
Kuwento ng
Pag-ibig
Kuwento ng
Kakatakutan
Kuwento ng
Katatawanan
Kuwento
ng
Katutubon
Kulay
Kuwento ng
Kababalaghan
63
Lasallian Learning Module Design
Page | 67
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
ARAW 46-48
PAGHAHAMBING
PANAHON NG AMERIKANO SA NGAYON, ALIN ANG MAS MABUTI?
Suriin at Paghambingin ang Larawan sa ibaba, maglahad tungkol sa mga bagay na nagbago sa atingt lipunan sa nakaraang mga
panahon.
1-2. Sa tatlo hanggang limang mga pangungusap, ilarawan ang dalawang magkaibang panahon na ito. Isulat at ibahagi ang iyong kaalaman sa
kalagayang pambansa na mayroon sa dalawang panahon na ito.
3.Mapapansin mo ang mga kalungkot-lungkot na mga pangyayari na ito sa ating kasaysayan, ngunit dumating din ang iba’t ibang mga pag-unlad sa
panahon ng mga Amerikano hanggang sa ngayon. Ano ang KABUTIHAN ng iyong KAMALAYAN sa iyong KAPALIGIRAN at KASAYSAYAN? May
naidulot ba ito para sa pag-unlad natin bilang isang tao sa ating bayan? Paano?
64
Lasallian Learning Module Design
Page | 68
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
4.Gumawa ng isang listahan kung saan iisulat mo ang iyong mga opinyon at suhestyon upang makapagbahagi at maipakita mo bilang isang Pilipino
ang iyong pag-ibig sa iyong kapwa,bayan at kapaligiran. Gamitin ang “tsek list chart” sa ilalim.
TALAKAYAN SA PAG-UNAWA
Nakilala mo ang iba’t ibang mga isyung panlipunan sa mga talakayang ating ginawa sa ikalwang traymestre, dahil sa mga panitikan ikaw
ay namulat at nakapagbigay paglalahad tungkol ditto. Sagutan ang mga sumusunod na maga katanungan.
1.Bakit pa mahalagang magbasa? para ba may malaman o may matutunan?
2.Napagbago ka na ba ng iyong pagbabasa ng mga panitikan?
3.Gaano ka kamulat sa mga pangyayari sa iyong paligid?
65
Lasallian Learning Module Design
Page | 69
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Ano ang iyong responsibilidad sa iyong…
66
Lasallian Learning Module Design
Page | 70
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
AKTIBITI
Magbigay paglalahad tungkol sa realisasyon mo sa pagbabasa ng mga panitikan. Ano ba ang iyong responsibilidad mo sa mga bagay na
nasa kahon? Magsulat at maglahad ng patunay na ika’y napagbago ng mga panitikang tinalakay bilang isang produktibong mamamayan
ng iyong bayan.
Kapwa
Bayan
Kalikasan
67
Lasallian Learning Module Design
Page | 71
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
Araw 49-50
Elicitation
p a n d i w a
¢Mga salitang nagsasaad ng iba’t ibang pangyayari
sa kilos o galaw, karanasan o kalagayan, maging
ng isang proseso ng buhay o kalikasan.
¢Ito ay nahahati o nababahanghay sa mga
ASPEKTO.
68
Lasallian Learning Module Design
Page | 72
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
DISKUSYON
Ano ang naiiba?
PERPEKTIBO
IMPERPEKTIBO
KONTEMPLATIBO
KATATAPOS
PAWATAS
¢Makikita sa aspekto
na ito na ang kilos
ay nasimulan at
natapos ang kilos.
¢Halimbawa:
¢Nagsaliksik
(searched)
¢Nagsulat (wrote)
¢Umawit (sang)
¢Kalimitan
dinadagdagan ng
¢Ang kilos ay
nasimulan na
ngunit hindi pa
natatapos. Inuulit
ang unang katinig-
patinig o unang
patinig ng salitang-
ugat.
¢Halimbawa:
¢Nagsasaliksik
(search/es)
¢Ipinapakita sa
aspekto na ito na
ang kilos ay hindi
pa nasisimulan
bagkus gagawin
pa lamang ang
kilos.
¢Halimbawa:
¢Magsasaliksik
(will/shall/going to
search)
¢Magsusulat
¢Makikita sa
aspektong ito na
ang kilos ay
kayayari o
katatapos pa
lamang.
¢Halimbawa:
¢Kasasaliksik lamang
¢Kasusulat lang
¢Kaaawit lang
¢Nagpapahayag ng
utos o mga
pandiwang may
anyo ng pag-uutos.
¢Ang pawatas na
anyo ng pandiwa
ay nababago
batay sa
pagkagamit ng
aspekto at ng
panlapi nito. Ang
mga panlaping
karaniwang
¢MAGSUSULAT
¢LALABAS
¢NAKAPASA
¢MAGSISIPILYO
¢TATANGKAD
¢TUMAAS
¢NAG-IBA
¢LUMILINDOL
¢BUMAGYO
¢NAGPLAPLANTSA
na
¢KAGIGISING lang
¢SUMISIGAW pa
¢TUMATAKBO na
¢TAPUSIN
¢MAGLALAKAD
¢KAKAIN
¢MAGSISIMBA
¢TAPUSIN
¢MAGLALAKAD
¢KAKAIN
¢MAGSISIMBA
69
Lasallian Learning Module Design
Page | 73
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
panlaping um, na,
nag, at nang sa
salitang ugat.
¢Umakyat, tumawa,
naubos, nagligpit,
nanghina
¢Nagsusulat (write/s)
¢Umaawit (sing/s)
¢Kalimitan
dinadagdagan ng
panlaping um, na,
nag, at nang sa
salitang ugat
¢Umiinom, nalilito,
nagsusulat,
nanghihiram
(will/shall/going to
write)
¢Aawit
(will/shall/going to
sing)
¢Nabubuo ang
pandiwa sa
aspekto na ito sa
pamamagitan ng
pagdagdag sa
unang pantig (ma,
mag, mang) at
salitang-ugat.
¢Matutulog,
magsasayaw,
manghihingi
¢O kaya pag-uulit ng
unang pantig, hal.
Susulat, papasok,
tatawag.
ginagamit sa
annyong pawatas
ng pandiwa ay
mag-; ma-; an/han;
-in/hin; -um/um
¢Halimbawa:
¢Magtapon,
dumaan, tapusin,
saktan, ibigay, at
iba pa.
PORMATIBONG PAGTATAYA : Aspekto ng pandiwa
70
Lasallian Learning Module Design
Page | 74
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
APLIKASYON
Pumili ng isang panitikan na pinag-aralan nitong traymestre. Isa-isahin ang mga pandiwa na nakuha mula sa panitikang binasa.
Pagkatapos ay bumuo ng isang maikling istorya gamit ang mga pandiwang iyong nakalap sa panitikang iyong napili. Pagkatapos ay
isalaysay ito sa klase.
Maging malikhain sa pagbuo ng makakatotohanang maikling kwento. Suriin mabuti ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
LAGUMANG PAGTATAYA: ASPEKTO NG PANDIWA
Lasallian Learning Module Design
Page | 4
Filipino 8
IKALAWANG TRAYMESTRE, TP 2014-2015
Gng. Dorothy B. Cabuyao/G. Leo Vicentino
7.Natutukoy ang payak na salita mula sa salitang
maylapi
Balagtasan
1.Nabubuo ang mga makabuluhang tanong
batay sa napakinggan
2.Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa
paksa ng balagtasan
3.Naipaliliwanag ang mga eupimistiko o masining
na pahayag na ginamit sa balagtasan.
4.Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan
ng bawat kalahok sa napanood na balagtasan
Sarsuwela
1.Naisasalaysay ang magkakaugnay na
pangyayari sa napakinggan
2.Naipahahayag ang pangangatuwiran sa
napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa
suliraning inilahad sa tekstong binasa
3.Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat
na kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit
sa akda
Sanaysay
1.Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng sanaysay na
napakinggan
2.Naipaliliwanag ang tema at mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa akda
3.Naikiklino (clining) ang mga piling salitang
ginamit sa akda
4.Naiuugnay ang tema ng napanood na
programang pantelebisyon sa akdang tinalakay
Balagtasan
1.Nangangatuwiranan nang maayos at mabisa
tungkol sa iba’t ibang sitwasyon
2.Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng
isang tiyak na uri ng paglalahad na may
pagsang-ayon at pagsalungat
3.Nagagamit ang mga hudyat ng pagsangayon
at pagsalungat sa paghahayag ng opinyon
Sarsuwela
1.Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na
masasalamin sa pinanood na sarsuwela
2.Naitatanghal ang ilang bahagi ng alinmang
sarsuwelang nabasa, napanood o
napakinggan
3.Nasusuri nang pasulat ang papel na
ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas
ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng
iba’t ibang rehiyon sa bansa
4.Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng
pandiwa sa isasagawang pagsusuri ng
sarsuwela
5.Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik
tungkol sa paksa gamit ang iba’t ibang batis
ng Impormasyon resorses
Sanaysay
1.Nailalahad nang maayos ang pansariling
pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng
akdang tinalakay
2.Napipili ang isang napapanahong paksa sa
pagsulat ng isang sanaysay
Balagtasan
1.Napapahalagahan ang ating kultura
sa pagtalakay ng gantong uri ng
panitikan, ng sa gayon ay
nauunawaan at naipapamalas ito.
2.Naisasaisip ang aral ng mga iba’t
ibang panig
3.Napapakinggan ang mga
magagandang dahilan
4.Nakagagawa ng maganadang
pagdedesisyun at paghahatol
5.Nakikipagtalakayan sa epektibong
paraan at may paggalang
Sarsuwela
Napapahalagahan ang kaugaliang
Pilipino hanggang sa ngayon
Nabibigyan pansin ang mga paniniwala
noon upang mapanatili ang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino noon
hanggang sa ngayon.
Naisasaisip ang mensahe ng binasang
panitikan
Naipagmamalaki ang kagandahan ng
dula sa pagkatuto at pagkuha ng aral ng
buhay.
Sanaysay
Nasusukat ang kahalagahan ng tunay na
kaligayan mula sa napanood na video
Naisasagawa ang aral sa napanood na
video upang mas mapahalagahan ang
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 70
SLIDE
Similar Resources on Wayground
70 questions
Openscied Chemical Reaction and Matter
Lesson
•
8th Grade
62 questions
Year 7 Chemistry Revision
Lesson
•
7th Grade
59 questions
Physical and Chemical Properties
Lesson
•
8th Grade
70 questions
1.4 The elements of group 7
Lesson
•
7th Grade
61 questions
Revisão 7º ano - AV2 - segundo tri
Lesson
•
6th - 8th Grade
66 questions
RELEVO EUROPA
Lesson
•
9th Grade
60 questions
Kebangkitan Nasional Indonesia
Lesson
•
8th Grade
70 questions
Aulão Saego
Lesson
•
8th - 9th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
5.P.1.3 Distance/Time Graphs
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Fire Drill
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Hargrett House Quiz: Community & Service
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
15 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
4th Grade
Discover more resources for Other
23 questions
Conflict Resolution
Lesson
•
6th - 8th Grade
25 questions
Early Republic 8th Grade US History
Quiz
•
8th Grade
10 questions
SMS Library Quiz
Quiz
•
6th - 8th Grade
15 questions
Pythagorean Theorem Word Problems Quizizz
Quiz
•
8th Grade
10 questions
Cell Organelles and Their Functions
Interactive video
•
6th - 10th Grade
20 questions
Graphing Inequalities on a Number Line
Quiz
•
6th - 9th Grade
10 questions
Exploring Basic Probability Concepts
Interactive video
•
6th - 10th Grade
18 questions
Informative or Argumentative essay
Quiz
•
5th Grade - University