
Introduksiyon sa Pananaliksik
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Karen Intano
Used 17+ times
FREE Resource
22 Slides • 6 Questions
1
INTRODUKSYON SA
PANANALIKSIK
2
Workplan:
1. Routines
2. Paunang Gawain
3. Talakayan
4. Pagbabahagi ng Ideya
5. Wrap-Up
3
Workplan:
1. Routines
2. Pagbabalik-Aral
3. Pasulat na Gawain
4. Discussion Forum
5. Wrap-Up
4
KAHULUGAN NG
PANANALIKSIK
5
Word Cloud
Tuwing iyong naririnig ang salitang "pananaliksik", anong mga salita ang naikokonekta mo rito?
6
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
✘
Ang lahat ng kaalamang itinuturing na makabago ay
hinango
sa
pamamagitan
ng
siyentipikong
pamamaraan. Sa ating makabagong kultura, ang
Italyanong si Galileo Galilei (1564-1642) na ang
maituturing na ama ng siyentipikong pamamaraan.
Ayon sa Encyclopedia Britannica (1970):
"Maski habang si Francis Bacon ay nagmamatuwid,
ang totoong paraan ay isinasabuhay ni Galileo, sa
pagsasama-sama
ng
pagmamasid,
pagpapalagay,
sipnayang paghango, at pantiyak na pagsubok na
naitatag ang agham ng pagkilos."
6
7
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
✘
Ang
pananaliksik
ay
isang
sistematiko,
pormal,
mahigpit, at eksaktong prosesong ginagamit upang
humanap ng mga lunas sa suliranin o makahanap
at
makapagbigay-kahulugan
sa
mga
bagong
kaalaman at kaugnayan.
✘
Ito ay isang proseso ng paghahanap ng natatanging
kasagutan
sa
natatanging
katanungan
sa
pamamagitan
ng
isang
organisado,
patas,
at
maaasahang paraan.
7
8
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
✘
Sa madaling salita, ito ay sistematikong proseso
ng pagtatanong na binubuo ng mga tanong,
problema o haypotesis, pangongolekta ng datos,
analisis at interpretasyon ng datos (Nunan, 1998).
✘
Kung
ating
lalahatin
ang
mga
nabanggit,
lumalabas
na
ang
pananaliksik
ay
isang
sistematikong paghahanap sa katotohanan at
kadahilanan ng mga likas na kaganapan sa
pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan.
8
9
Open Ended
Kung may paksa na nais mong gawan ng pananaliksik, ano ito at bakit?
10
LAYUNIN NG
PANANALIKSIK
11
Open Ended
Ano-ano sa iyong palagay ang mga layunin ng isang pananaliksik?
12
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
May dalawang payak na layunin ang
pananaliksik:
1.
Ang paghahanap ng katotohanan;
2.
Ang
paghahanap
ng
kapaliwanagan
o
katuwiran kapag ang katotohanan ay hindi
agarang matatamo.
10
13
11
Sa pagtahak ng katotohanan ay kinakailangan ang mga
sumusunod:
1.
Datos – batayang yunit ng impormasyon
2.
Impormasyon – mga pinag-ugnay na datos
3.
Detalye – mga naberipika na impormasyon
4.
Palagay – mga posibleng kaugnayan o pinagmulan ng mga
detalye
5.
Teorya – nga nasubok na palagay
6.
Prinsipyo, batas, o katotohanan – mga napatunayang
teorya
14
KATANGIAN NA DAPAT
TAGLAYIN NG ISANG
PANANALIKSIK
15
Word Cloud
Ano-ano kaya ang mga katangian na dapat na tinataglay ng isang pananaliksik?
16
Katangian na dapat taglayin ng isang
pananaliksik
1.Kontrolado. Ang mga baryabol o datos na
pinag-aralan ay hindi dapat manipulahin sapagkat
magdudulot
ito
ng
kawalang
katiyakan
at
pagkainbalido (invalid) ng resulta ng pananaliksik.
2.Balid. Masasabi na ang pananaliksik ay balido kung
ito ay nakabatay sa katotohanan ng katibayan o
ebidensya
sa
pamamagitan
ng
kakayahang
idepensa o ipaliwanag ang mga ito.
13
17
Katangian na dapat taglayin ng isang
pananaliksik
3.
Sistematiko.
Magkakasunod
na
hakbang
sa
pangongolekta at pag-aanalisa ng impormasyon o datos sa
iisang layunin ang katangiang ito. Sa sistematikong
pamamaraang ito, inaasahan na sinusunod ang prosesong
ito:
(1) pagtukoy ng problema
(2) pagrerebyu ng mga impormasyon
(3) pangongolekta ng datos
(4) pag-aanalisa ng datos
(5) pagbuo ng konklusyon at rekomendasyon.
14
18
Katangian na dapat taglayin ng isang
pananaliksik
4. Obhektibo, Lohikal, at Walang Kinikilingan. Hindi
dapat mabagono mabahiran ng personal na saloobin ang
pagbibigay ng interpretasyon sa pananaliksik.
5. Kwantiteytib o Kwaliteytib. Nakalahad sa kwantiteytib
na pamamaraan ang mga datos kapag ito ay gumagamit
ng statistics tulad ng porsyento, tsart, mean, median,
mode, at iba pang uri ng distribusyong numerikal. Nasa
pamamaraang kwaliteytib naman ang pamamaraan
kapag ito ay naglalahad o nagsasalaysay ng kalikasan
(nature) ng isang sitwasyon o pangyayari sa gamit ang
pandama o senses.
15
19
16
Katangian na dapat taglayin ng
isang pananaliksik
6. Empirikal. Matatag
ang pananaliksik
kung gagamitan ito
ng empirikal na mga
katibayan o kaalaman
sa pamamahitan ng
matamang
pagmamasid o
eksperimentasyon sa
pagkuha o pagbuo ng
mga impormasyon.
7. Mapanuri. Dumaraan ito sa
masusing interpretasyon na
walang bahaging pagkakamali
ayon sa paggamit ng tamang
estatistika at analikal na
pagbibigay interpretasyon mula
rito. Gayundin ang tamang
pagbibigay interpretasyon
lamang sa nasaksihan ay
bahagi ng isang mapanuring
pananaliksik.
8. Pinagtitiyagaan o
hindi minamadali.
Pinaglalaanan ito ng
sapat na panahon at
paulit-ulit na pagrerebyu
sa mga datos at resulta
ng pananaliksik na may
pag-iingat. Ginagawa
ang pananaliksik gamit
ang inaasahang panahon
at oras o time table.
20
Katangian ng isang mahusay
na mananaliksik at mga
balakid na maaaring
kaharapin nito
21
Word Cloud
Ano-ano naman ang katangian na dapat taglayin ng isang mananaliksik at/o ang mga pagsubok na maaari niyang kaharapin habang isinasagawa ang isang pag-aaral?
22
Katangian ng isang mahusay na
mananaliksik
1. Mapanghinala. Ang isang mananaliksik ay katulad
ng isang magaling na imbestigador; lahat ay
pinaghihinalaan hangga’t hindi natatanggal ang
pagdududa.
Ang prosesong ito ay tinatawag na eliminasyon o
pagbabawas (deductive method) at kinakailangan
ang
kakayahang
ito
upang
malimitahan
ang
pagpipilian at tuluyang matukoy ang sanhi o
pinagmulan ng problema.
18
23
Katangian ng isang mahusay na
mananaliksik
2. Matanong. Ang isang mananaliksik ay dapat ding
matanong, may mga datos na hindi makukuha sa
iisang pinanggalingan lamang, dapat ay tuntunin
lahat ng piraso ng datos upang makabuo ng isang
kahatulan.
Ang prosesong ito ay tinatawag na indaksyon
(inductive method) at ginagamit ito upang makabuo
ng teorya sa mga sanhi o pinagmulan ng problema.
19
24
Katangian ng isang mahusay na
mananaliksik
3. Matiyaga. Ang kalaban ng bawat nananaliksik ay
oras. Ang mga datos ay hindi kusang lumalapit at
lalong hindi kagyat na nakukuha.
Nararapat na maging matiyaga sa paghahanap ng
katotohanan kahit gaano pa ito kahirap at katagal
bago makuha ito.
20
25
Katangian ng isang mahusay na
mananaliksik
4. May paggalang sa kapwa tao. Bilang isang
mananaliksik, nararapat na respetuhin natin ang
gawi at pananaw ng iyong kapwa. Bago kumalap ng
datos, ang mga mananaliksik ay ipinaliliwanag muna
ang mga layunin ng pananaliksik at saka hihingi
muna ng pahintulot sa mga taong bahagi ng
manunugon.
21
26
Katangian ng isang mahusay na
mananaliksik
5. Maingat. Sa pagkuha at pagpili ng datos ay
kinakailangan ng pag-iingat lalo na sa usapin ng pagkilala
o dokumentasyon ng mga pinagmulan ng mga ideya o
impormasyon. Ang kawalang-ingat ng isang mananaliksik
sa mga datos o ideya na pinulot lamang sa iba ay
magdudulot ng kapahamakan katulad na lamang kung
mapapatawan ng plagyarismo – pangongopya ng datos,
mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang
akda, programa, himig, at iba pa na hindi kinikilala ang
pinagmulan o kinopyahan.
22
27
Katangian ng isang mahusay na
mananaliksik
Ito
ay
isang
uri
ng
pagnanakaw
at
pagsisinungaling
dahil
inaangkin
ang
hindi
pag-aari. Ang katapatan at katapangan ay
kailangang ipamalas ng isang mananaliksik sa
pamamagitan ng pagsasabi o pagbanggit ng
pinagmulan ng mga datos o ideyang kanyang
nakalap.
23
28
Open Ended
Sa iyong palagay, ano ang ambag o kontribusyon ng pananaliksik sa Wikang Filipino?
INTRODUKSYON SA
PANANALIKSIK
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 28
SLIDE
Similar Resources on Wayground
23 questions
2º FD-Nivelamento de conteúdos
Presentation
•
11th Grade
21 questions
INFORMÁTICA
Presentation
•
10th Grade
22 questions
Classifying Reactions
Presentation
•
10th Grade
21 questions
AULA 1 - Charge
Presentation
•
12th Grade
20 questions
ácidos y bases
Presentation
•
11th Grade
20 questions
PASULIT #1-KASAYSAYAN NG WIKA
Presentation
•
11th Grade
22 questions
Português, Redação e Literatura
Presentation
•
KG
22 questions
Lição sem título
Presentation
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
30 questions
GVMS House Trivia 2026
Quiz
•
6th - 8th Grade
Discover more resources for Other
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
210 questions
Unit 1 - 4 AP Bio Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
100 questions
Biology EOC Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 4
Quiz
•
9th - 12th Grade
16 questions
AP Biology: Unit 1 Review (CED)
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
G.PC/DF Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
verbos reflexivos en español
Quiz
•
9th - 12th Grade