

Q4_W2_M10_Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Easy
Edgar Monte
Used 3+ times
FREE Resource
38 Slides • 26 Questions
1
Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Pagtukoy sa Katangian ng mga Sulating Akademiko
2
Alamin
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksa:
1. Katangian ng Abstrak
2. Katangian ng Bionote
3. Katangian ng Panukalang Proyekto
4. Katangian ng Talumpati
5. Katangian ng Posisyong Papel
6. Katangian ng Replektibong Sanaysay
7. Katangian ng Pictorial Essay
8. Katangian ng Lakbay-Sanaysay
3
Alamin
Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
•Natutukoy ang katangian ng sulating akademiko CS_FA11/12PB-0m-o-102
4
Subukin
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang katangian ng akademikong sulatin na inilalarawan sa bawat bilang.
5
Fill in the Blanks
6
Fill in the Blanks
7
Fill in the Blanks
8
Fill in the Blanks
9
Fill in the Blanks
10
Fill in the Blanks
11
Fill in the Blanks
12
Fill in the Blanks
13
Fill in the Blanks
14
Fill in the Blanks
15
Open Ended
Balikan
Panuto: Magsaliksik ng halimbawa ng Bionote hinggil sa isang personalidad na nagkaroon ng kontribusyon sa pagharap ng ating bansa sa krisis na dulot ng COVID-19. Isa-isahin ang mga katangiang nakapaloob sa sulatin at paliwanag.
16
Open Ended
Tuklasin
Gawain 1
Panuto: Magtala ng 3 bagay o gawain na malaya mong nagagawa noon na hindi mo na maaaring gawin sa kasalukuyan dahil sa nararanasan nating pandemya.
17
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng isang teksto at sagutin ang pagsasanay hinggil dito
18
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng isang teksto at sagutin ang pagsasanay hinggil dito
19
Open Ended
Panuto: Anong Uri ng Akda at Katangian nito? Ipaliwanang
20
Suriin
Ang pagsulat ay isang kasanayang nangangailangan ng masusing pag-iisip at pag-aaral. Mahalagang maunawaan na ang bawat akademikong sulatin ay may mga katangiang tinataglay na makatutulong upang maipahayag nang mabisa sa mga mambabasa o tagapakinig ang mga konseptong nakapaloob sa akda.
21
Katangian ng Abstrak
1. Direkta-Maikli ngunit komprehensibong naipababatid ang pangkalahatang nilalaman ng pananaliksik.
2. Mapagkakatiwalaan-Nagsasaad ng tumpak at mapanghahawakang mga pahayag o detalye.
3. Obhetibo-Naglalahad ng mga kaisipang walang pagkiling at batay sa pananaliksik o pag-aaral.
4. Payak- Gumagamit ng simple, malinaw at tiyak na mga salita sa paglalahad ng pangungusap.
22
Katangian ng Bionote
1. Matapat- Nagsasaad ito ng tunay at tiyak na detalye.
2. Maikli- Kinapapalooban lamang ng mahahalagang tala tungkol sa buhay ng isang tao.
3. Payak- Gumagamit ng mga salitang madaling maunawaan upang maipakilala ang sarili sa tuwirang paraan.
23
Katangian ng Panukalang Proyekto
1. Makatotohanan- Tiyak na matatamo ang inilatag na panukala sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa target na panahon at resources.
2. Tiyak- Gumagamit ng direktang pahayag at tapat sa paglalahad ng mga kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin o gawain.
3. Mapanghikayat- Nagbibigay ng impormasyon upang makahikayat ng
positibong pagtugon.
4. Pormal- Gumagamit ng mga pormal na salita at seryoso ang tono.
24
Katangian ng Talumpati
1. Kaakit-akit- Nakapupukaw ito ng kaisipan at damdamin dahil sa kawili-
wiling paglalahad ng katuwiran o paliwanag.
2. Mapagkakatiwalaan- Ang mga impormasyong inilahad ay batay sa mga
pag-aaral o pananaliksik. Ang argumento ay sinusuportahan ng mga
katibayan.
3. Mapanghikayat- Sinisikap nitong mapaniwala ang mga nakikinig sa
pamamagitan ng mga katotohanang masasalamin sa talumpati.
4. Organisado- Maayos ang pagkakahanay at may kaisahan ang mga
konsepto o detalye.
25
Katangian ng Posisyong Papel
1. Tiyak na Paksa- Naipaliliwanag nang malinaw ang isyung pinaninindigan.
2. Malinaw na Posisyon- Nailalahad nang mabisa ang panig sa pamamagitan ng mga datos o patunay.
3. Mapanghikayat- Nagbibigay ng matalinong pangangatuwiran batay sa mga ebidensiya upang makumbinsi ang mambabasa sa posisyong pinaniniwalaan.
4. Angkop na Tono- Isinasaalang-alang ang bigat ng isyu, target na mambabasa at layunin sa pagsulat upang maiakma ang gagamiting tono sa sulatin.
26
Katangian ng Replektibong Sanaysay
1. Mapagmuni- Nag-aanyayang magsuri at makalikha ng mga bagong pananaw sa intelektuwal at emosyonal na lebel. Nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
2. Organisado- Sistematiko at may kaisahan ang inilalahad na mga detalye mula sa introduksyon, katawan at konklusyon.
3. Personal- Nagtataglay ng mga patunay batay sa naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa. Isinusulat ito gamit ang unang panauhan.
27
Katangian ng Pictorial Essay
1.Tiyak na pokus- May malawak na kabatiran hinggil sa paksa at ang mga larawang nakapaloob ay may kaugnayan sa iisang kaisipang nais bigyang-
diin sa akda.
2. Sariling likha- Ang mga larawan, paraan ng paglalahad at pagbibigay-
kahulugan sa mensaheng nais ipaabot nito ay mula sa sariling ideya.
3. Organisado- Nakaayos ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod ang mga larawan at mga caption. Kinapapalooban ito ng malinaw, malaman at kawili-wiling panimula, katawan at wakas.
4. May kalidad ang mga kuhang larawan – Ang mga imahe ay tunay na nagpapahayag ng kahulugan o damdaming maaaring nakabatay sa kulay, ilaw at artistikong pagkakakuha.
28
Katangian ng Lakbay-Sanaysay
1. Kawili-wili- Ang nilalaman ng akda ay nakapupukaw ng interes dahil sa masining na paglalahad nito.
2. Personal- Ginagamitan ito ng panghalip sa unang panauhan sapagkat ito ay mga tala ng pansariling kaisipan ng sumulat na batay sa kanyang tunay na nasaksihan o karanasan.
3. Impormatibo- Nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyong
makadaragdag sa kaalaman ng mga mambabasa.
4. Payak na gamit ng wika- Simple at malinaw ang mga salita, kaisipan at pagpapaliwanag na ginagamit sa pagpapabatid ng nilalaman ng akda.
5. Organisado - May maayos na pagkakasunod-sunod at nakapaloob din ang mga bahagi ng pagsulat ng sanaysay tulad nang may kawili-wiling simula, katawan at wakas.
29
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang halimbawa ng Replektibong Sanaysay at sagutin ang kaugnay na gawain sa ibaba.!
30
Guro sa Gitna ng Pandemya
ni Catherine F. Alcantara
31
Sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa, Marso noong nakaraang taon ay isinailalim ang Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Marami ang naapektuhan ng pangyayaring ito lalo’t higit nang biglang ipasara ang mga paaralan bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng No Face- to-Face Classes. Maagang natapos ang taong-panuruan 2019-2020 at hindi ko na muling nakita pa ang dati kong mga mag-aaral, kapwa guro at ang sintang paaralan.
32
Maraming pagbabago ang naganap. Ang maingay na paligid ay napuno ng nakabibinging katahimikan. Ang mga kalsadang dating abalang-abala dahil sa dami ng tao ay nagmistulang abandonado na. Ang mga pangkaraniwan at abot-kamay nating ginagawa noon ay nagmistulang suntok sa buwan na lamang ngayon. Lumipas ang mga araw at buwan, tulad ng iba ay nakadama rin ako ng pag-aalala para sa aking mga mahal sa buhay dahil sa mga balitang aking napanonood at napakikinggan. Ang mga agam-agam na ito ay bahagyang napawi nang magsimula na ang aming paghahanda sa nalalapit na pasukan dahil ayon sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Leonor M. Briones- “Education must continue.” Sa kabila ng pandemya, hindi raw maaaring huminto ang pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ito’y kanilang karapatan. Kaya’t ang DepEd ay agad na kumilos upang matugunan ang pangangailangan naming mga guro at ng mga mag-aaral para sa bagong normal. Sa tulong ng aming paaralan at mga gurong bihasa sa teknolohiya, samo’t saring palihan at pagsasanay ang aming nilahukan bilang paghahanda sa distance learning. Tunay na isang malaking hamon ang kinaharap ng mga gurong tulad ko sa pag-aaral ng mga online platforms at applications. Ngunit dahil mahal ko ang pagtuturo at malaki ang aking pagnanais na makasabay sa pagbabago sa edukasyon ay buong puso kong niyakap ang pag-aaral ng paggamit ng Zoom, Google Classroom, Canva maging ang paggawa ng video lesson upang matagumpay na maihatid ang pagkatuto sa mga mag-aaral sa virtual na pamamaraan.
33
Bagamat marami ang naging balakid gaya ng internet connection, inconsistent na bilang ng mga mag-aaral na dumadalo sa online class, kawalan ng gadget at kakulangan sa komunikasyon sa mga mag-aaral at magulang. Gayundin, sa mga nagkakasabay-sabay na gawain ay patuloy pa rin ang pagtupad namin sa tawag ng tungkulin. Sadyang masalimuot ang lahat ng pagbabago sa simula subalit ang kapalit naman nito ay biyaya ng karunungang siksik, liglig at nag-uumapaw.
Malaki ang responsibilidad ng bawat isa sa pagpapatuloy ng edukasyon. Sa gitna ng ating mga nararanasan, ang mga hamong ito ang magsisilbing daan upang kaming mga guro ay maging matatag pang lalo na tagapagtaguyod ng karunungan. Patuloy na titindig, susulong at lalaban. Para sa bata, para sa bayan!
34
Open Ended
Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung masasalamin ang katangian ng Replektibong Sanaysay sa binasang akda at ekis (X) naman kung hindi. Patunayan.
35
Gawain 2
Panuto: Basahin ang talumpati at sagutin ang tanong pagkatapos nito.
36
FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO
ni Patrocinio V. Villafuerte
37
“Ang wika ay isa sa pinakamatibay na buklod na bumibigkis sa bayan at nagpapaunlad sa pagkakaisa ng mga pambansang mithiin, lunggati, at damdamin.” Ang pahayag na ito ay nagmula sa Ama ng Wikang Pambansa, si Pangulong Manuel Luis Quezon.
Magpahanggang ngayon, maraming taon mula nang hirangin ang Filipino bilang wikang pambansa, ay nakabuntot pa rin na parang madilim na anino ang iaang uri ng kalituhan sa maraming mamamayang Filipino sa kung ano nga bang hugis, mukha at anyo ng wikang pambansa. Kakambal sa ganitong uri ng pagkalito ang kapangyarihan ng wika bilang sentro ng komersyo, administrasyong pampolitika at akademya. Lito ang maraming Pilipino sa kasalukuyang hugis at topograpiya ng Filipino bilang wikang pambansa, sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling nakakulong ang ating artikulasyon at eleborasyon sa mga limuting prinsipyo ng kabansaan, ng identidad, ng demokrasya at katarungang panlipunan. Pagtuloy pa ring lumalaganap ang pluralidad at dibersidad ng mga wika, kultura at kabihasnan ng mga Pilipino. Sa puntong ito, mahalagang magkaroon ng matatawag nating tunay na wikang pambansa.
38
Tunay ngang napakahalaga ng pagkakaroon ng wikang pambansa ang isang malayang bansang may pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayang maka-Diyos, makabayan, makatao, at maka-kalikasan. Wikang Filipino na instrumento sa mabisang pakikipagtalastasan at susi sa pagkamit ng pambansang kalayaan at katarungan. Wikang Filipinong natatangi dahil itinuturing na wika ng karunungan.
Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng wikang Filipino? Kunin natin ang depinisyon ng Komisyon sa Wikang Filipino:
39
Ang wikang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong
bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at ng mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan atiskolarling pagpapahayag.
40
Sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas na binubuo ng mahigit na pitong libong pulo, at mahigit na isandaang wika, mapalad tayo at nagkaroon pa rin tayo ng isang wikang matatawag na pambansa, ang wikang Filipino. Hindi naging balakid ang hiwa-hiwalay na mga pulo sa halip nakatulong pa nga ang mga ito upang pag-isahin ang mithiin ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Hindi ito malilimutan bilang bahagi ng ating kasaysayan. Katunayan, taon-taon ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto, at sa taong ito, ang pagdiriwang ay may temang “Filipino, Wikang Mapagbago.”
41
Walang katapusan ang pagbabagong nagaganap hindi lamang sa ating sarili kundi maging sa ating kinagisnang kultura, partikular sa ating minanang tradisyon. Nawala na o sadyang kinalimutan na ang mga sinaunang tradisyon ng ating bayan upang palutangin ang pagbabagong umiiral at lumalaganap sa bansa. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang paggamit ng wikang Filipino.
42
Malaki ang pagbabagong nagaganap sa wikang Filipino lalo’t nasa panahon tayo ng teknolohiya. Kung noong araw ay may mga katutubong wika tayong ginagamit gaya ng salumpuwit para sa silya o bangko ngayon; at ang salipawpaw na eroplano na ang tawag ngayon, napapasunod na ang mga tao sa paggamit ng mga salitang katutubo gaya ng payyew sa rice terraces na dating isinalin sa hagdan-hagdang palayan, maomag na katutubong tawag sa tarsier at butanding sa halip na pating o sea shark. Isipin na lamang na maging ang mga salitang ginagamit sa larang na ito ay naisasalin na sa Filipino gaya halimbawa ng e-mail na tinatawag na ngayong sulatroniko, ang charger ay pansablay na ang pagkakasalin.
43
Ang paggamit ng mga katutubong wika ay hindi lamang pagdaragdag ng mga salita sa kaban ng ating isipan kundi ito’y nagiging mabisang daan tungo sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Hindi lahat sa atin ay nakapagsasalita nang mataas sa wikang Filipino. Ngunit karamihan sa atin bagamat hindi Tagalog ang Filipino, ang ating mga katutubong wika ay iisa lamang ang pinag-ugatan. Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pangasinan, Bicol, Hiligaynon, Waray, Capampangan, Maranao at Maguindanao ay salik sa pagkakaroon ng pambansang identidad. Sa mga wikang ito nasasalamin ang ating mga mithiin, damdamin, pangarap, kaisipan at saloobin. Ito ang nagbibigay-daan sa atin upang maipahayag at maipalaganap ang ating pilosopiya at adbokasiya.
44
Sa anumang nagbabagong lipunan ay patuloy ang daloy ng inobasyon, na maaaring hiniram o inimbento ngunit hindi mapasusubaliang ito ay bahagi ng pagsulong at pag-unlad. Kailangang magbago ang wika habang ito’y patuloy na ginagamit, at ang tanging makapagpapabago rito ay tayong mga Pilipinong may angking talino at tapang sa pagsalubong sa napipintong hamon..
45
Open Ended
Isaisip Panuto: Bumuo ng konsepto na iyong natutuhan sa aralin sa tulong ng mga susing salita na nakasulat sa footprints.
46
Open Ended
Isagawa
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong posisyon at paliwanag sa sumusunod:
Alin sa mga katangian ng posisyong papel ang masasalamin sa iyong mga naging kasagutan sa itaas? Ipaliwanag.
47
Tayahin
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy ang katangian ng sulating akademikong inilalarawan sa bawat bilang.
48
Fill in the Blanks
49
Fill in the Blanks
50
Fill in the Blanks
51
Fill in the Blanks
52
Fill in the Blanks
53
Fill in the Blanks
54
Fill in the Blanks
55
Fill in the Blanks
56
Fill in the Blanks
57
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng halimbawa ng abstrak at sagutin ang tanong pagkatapos nito.
58
ABSTRAK
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng halimbawa ng abstrak at sagutin ang tanong pagkatapos nito.
59
Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa epekto ng mga estratehiyang motibasyunal sa pagbasang may pag-unawa. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang sumusunod: (1) alamin ang iskor ng mga mag-aaral na hindi ginamitan (pangkat kontrol) ng mga istratehiyang motibasyunal sa pagbasang may pag-unawa (2) alamin ang iskor ng mga mag-aaral na ginamitan (pangkat eksperimental) ng mga istratehiyang motibasyunal para sa pagbasang may pag-unawa (3) tuklasin ang makabuluhang pagkakaiba sa pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral na hindi ginamitan (pangkat kontrol) at ginamitan (pangkat eksperimental) ng mga istratehiyang motibasyunal (4) tuklasin ang epekto ng paggamit ng mga istratehiyang motibasyunal sa pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral.
60
Ang mananaliksik ay gumamit ng nonequivalent control-group design na isa sa mga uri ng quasi experimental research. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nagmula sa ikaapat na taon na binubuo ng 271 na mga mag-aaral sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Mapulang Lupa, lungsod ng Valenzuela, taong-panuruan 2012-2013. Gumamit ng mga istratehiyang motibasyunal tulad ng panonood ng video, concept mapping, larawan, laro at pakikinig ng awit gayondin ng pagsusulit na inihanda ng mananaliksik upang makapangalap ng datos. Ang mga ito ay tinuos sa pamamagitan ng mean, standard deviation, ANOVA at post hoc analysis.
61
Lumabas sa pag-aaral na ang IV-MT na hindi ginamitan (pangkat kontrol) ng anomang istratehiyang motibasyunal ay nakakuha ng katamtamang iskor
Natuklasan din na mula sa limang pamamaraang ginamit ng mananaliksik sa paglalahad ng aralin, ang panonood ng video ang naging pinakaepektibong istratehiyang motibasyunal sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
May makabuluhang pagkakaiba ang pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral na hindi ginamitan at ginamitan ng mga istratehiyang motibasyunal sapagkat ang kabuuang suma ng ANOVA na .002 ay mas mababa kaysa sa itinakdang 0.05 level of significance.
62
Masasalamin na tunay na mayroong naging mabuting epekto ang paggamit ng mga istratehiyang motibasyunal sa paglalahad ng aralin sapagkat sa pamamagitan nito ay nagising ang kawilihan ng mga mag-aaral. Nagsilbing instrumento rin ito upang higit na maging mabisa ang pagtuturo ng guro at maging magaan at mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
63
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, matibay na iminumungkahi ng mananaliksik na piliin at gamitin ng mga guro ang mga istratehiyang motibasyunal na naaangkop sa pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral. Nararapat na ipagpatuloy rin ng mga guro ang pagdalo sa mga seminar at pagsasanay na ipinagkakaloob ng Kagawaran ng Edukasyon upang mas lumawak pa ang kanilang kaalaman sa mga makabago at gamiting istratehiyang makatutulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasang may pag-unawa.
64
Open Ended
Sa paanong paraan nakatulong ang binasang abstrak sa pag-unawa sa nilalaman ng pananaliksik?
Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Pagtukoy sa Katangian ng mga Sulating Akademiko
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 64
SLIDE
Similar Resources on Wayground
64 questions
Matter Phases and Aqueous Systems
Presentation
•
10th - 11th Grade
60 questions
Q4_W1_M9_Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Presentation
•
11th Grade
57 questions
Números Racionais
Presentation
•
KG - University
59 questions
NAMING BINARY IONIC COMPOUNDS
Presentation
•
10th - 12th Grade
58 questions
Ph and Acid Properties
Presentation
•
11th - 12th Grade
63 questions
Chemistry Final Review 6: Chemical Reactions
Presentation
•
11th Grade
63 questions
Chemistry Final Exam
Presentation
•
11th Grade
54 questions
Review Unit 6
Presentation
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
15 questions
Grade 3 Simulation Assessment 1
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
4th Grade
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Earth Day Trivia
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Earth Day Awareness and Impact
Interactive video
•
6th - 12th Grade
5 questions
A.F/ST Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
100 questions
Biology EOC Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Earth Day
Quiz
•
3rd - 12th Grade
16 questions
AP Biology: Unit 1 Review (CED)
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
G.PC/DF Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
verbos reflexivos en español
Quiz
•
9th - 12th Grade