
Kagamitang Pang-interbensyon sa Obra Maestrang "Ibong Adarna"
Presentation
•
Other
•
7th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Jayson Orense
Used 5+ times
FREE Resource
64 Slides • 56 Questions
1
isang Korido
Ang interbensyong materyal na ito ay naglalaman ng mga lektura at gawain na makatutulong sa lubos na pagkaunawa ng obra maestrang ito.
2
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
3
Sisimulan natin ang pagtalakay sa isang korido at itinuturing na isa sa obra maestra ng Panitikang Pilipino, ang Ibong Adarna. Kapag sinabing ang isang akda ay isang obra maestra, ito ay nagtataglay ng mga katangiang di makikita sa iba pang akda at ito ay sadyang hinahangaan dahil sa kakaibang pagkakagawa at disenyo kaya naman sa pagbabasa ng mga ganitong akda gaya ng Ibong Adarna, kinakailangang alamin at galugarin ang kaligiran ng pinagmulan nito, gayundin ang mga pangyayari noong ito ay nalikha.
4
5
6
Multiple Choice
Anong tulang pasalaysay ang may walong pantig sa bawat taludtod at tumatalakay sa buhay ng mga prinsipe at prinsesa?
Korido
Awit
Dalit
Oyayi
7
Multiple Choice
Aling salita ang nagpamali sa pangungusap??
Ang buong pamagat ng korido na kinikilala ngayong Ibong Adarna ay Corrido at Buhay Na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at Nang Reina Valeriana sa Kahariang Albanya.
korido
Albanya
Haring Fernando
Kahariang Berbania
8
Multiple Choice
Ano sa pangungusap ang nagsasaad ng kamalian?
Ang kuwentong Ibong Adarna na tungkol sa paghahanap ng isang mahiwagang ibon ay mayroon ding bersiyon sa Kapampangan, Bicolano, llocano, at llongo.
Bicolano
Kapampangan
Ibong Adarna
walang mali
9
Multiple Choice
Alin sa mga pahayag ang totoo upang maging obra maestra ang isang akda?
a. Nagtataglay ng mga katangiang di makikita sa iba pang akda
b. Hinahangaan dahil sa kakaibang pagkakagawa at disenyo
a
b
a at b
Wala sa nabanggit,
10
Multiple Choice
Ito ay ang binalbal na salitang Mehikano na buhat sa occurido o isang pangyayaring naganap.
corridu
corrido
korido
korrido
11
12
13
Ngayong marami ka ng natutunang impormasyon ukol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna, dumako na tayo sa sunod na aralin!
14
15
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna. (F7PS-IVa-b-18).
16
17
Makulay at puno ng makabuluhang aral ang mga akdang pampanitikan ng ating bansa. Nariyan ang mga obra maestrang isinulat ng mga makatang manunula mula pa noong
panahon ng mga Espanyol.
18
Ang pag-aaral at pagsusuri sa mga ito ay kadikit na ng ating kultura at tradisyon kung saan ang mga matututuhan mula rito ay makatutulong sa pagpapatibay ng pundasyong pangmoral nating mga Pilipino.
19
Sa tuwing sumasapit ang ikaapat na markahan ng Filipino sa sekondarya ay itinutuon na ang pag-aaral sa mga obra maestrang Pilipino gaya na lamang sa ikapitong baitang kung saan paglilimian ang kabuoan ng akdang Ibong Adarna.
20
Draw
PANIMULANG GAWAIN:
MAHALAGA KA SA AKIN!
Panuto: Umisip ng isang bagay na mahalaga sa iyo sa pagkakataong ito. Matapos ito, iguhit ito sa nakalaang blangkong canvas.
21
Open Ended
Batay sa iyong iginuhit, ano ang bagay na mahalaga sa iyo?
22
Open Ended
Bakit mo nasabing mahalaga ito para sa iyo?
23
Open Ended
Samakatuwid, paano mo masasabing ang isang bagay ay mahalaga o hindi mahalaga?
24
25
26
Open Ended
Sa kabuoan, bakit mahalagang pag-aaralan ang Ibong Adarna?
27
Open Ended
Paano natin makikita o masasalamin sa akda ang kahalagahan nito?
28
Open Ended
Bakit mahalagang matutuhang makapagbahagi ng sariling ideya o pananaw sa pag-aaral ng
Ibong Adarna?
29
Buksan ang "TAB" ng susunod na slide.
30
31
Gamit ang sariling Facebook account, mag-post ng isang maikling blog na naglalaman ng halaga ng pag-aaral ng obra maestrang Ibong Adarna para sa sarili, pamilya, at lipunan. Gamitin ang rubriks sa sunod na slide bilang gabay.
32
Nilalaman- 15 puntos
Organisasyon- 10 puntos
Hikayat- 10 puntos
33
34
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang masuri ang katangian at elemento ng akda. (F7PT-IVa-b-18).
35
36
Ayon sa kasaysayan, naging mahigpit ang sensura o ang mga sumusuri ng mga akdang pampanitikan noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Kaya naman, hindi lahat ng
mga akdang pampanitikan noon ay maaaring mailathala ayon kay Jose Villa Panganiban, et al. sa aklat na Panitikan ng Pilipinas.
37
Ang tatlong katangian ng panitikan lamang noon ay
sinasabing may sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-wika. Karaniwang paksain ng mga akda noon ay panrelihiyon at kung hindi man ay halaw sa anyo, paksa, o tradisyong Espanyol.
38
39
40
41
42
Multiple Choice
Tukuyin kung Tama o Mali.
Ang Korido binubuo ng apat na
taludtod sa isang saknong
na mayroong sukat na
wawaluhing pantig (8).
Tama
Mali
43
Multiple Choice
Tukuyin kung Tama o Mali.
Panalangin ang madalas na simulain ng korido
Tama
Mali
44
Multiple Choice
Anong karaniwang paksa ng isang korido ang makikita sa pahayag na ito?
Maligaya at masaganang namumuhay ang pamilya ni Haring Fernando, na binubuo ng hari, ni Reyna Valeriana, at ang kanilang tatlong anak na prinsipe: sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.
Pagkakasangkot ng mga prinsipe at mga maharlikang tao
Pananalig sa Diyos
Relihiyon na sinusunod ng mga namumuno
45
Multiple Choice
Anong karaniwang paksa ng isang korido ang makikita sa pahayag?
Si Don Juan ay nanalangin muna. Dahil sa kaniyang busilak na puso ay tinulungan din siya ng matandang misteryoso sa paghahanap ng Ibong Adarna.
Pagkakasangkot ng mga prinsipe at mga maharlikang tao
Relihiyon na sinusunod ng mga namumuno
Pananalig sa Diyos
46
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang hindi pamantayan ng pag-uuri ng korido ayon kay Casanova?
paksa
musika
tema
47
Multiple Choice
Alin ang pamantayang gagamitin sa pag-uuri kung ang nais mo ay pagtuunan ang taludturan at saknong ng akda?
anyo
musika
paksa
48
49
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang masuri ang katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at pantulong na tauhan. (F7PB-IVg-h-23).
50
51
Ang mga tauhan ay ang nagpapatakbo sa isang kuwento. Sila ang dahilan ng pagkakaroon nito ng magandang pag-usad na nakaayon sa balangkas.
52
Ang mga mambabasa ay maaaring maranasan ang mundong nilikha ng manunulat sa pamamagitan ng mga tauhang kaniyang nabuo mula sa kung paano ang tauhan ay nakikipag-ugnayan sa kaniyang paligid at sa paraan kung paano niya tingnan
53
ang mga ito. Higit sa lahat, ang mga tauhan ay ang nagsasabuhay at nagsasatao ng tema ng isang kuwento. Sa punto ng araling ito, halika at kilalanin natin ang mga tauhang bumubuo sa obra maestrang Ibong Adarna. Tara!
54
55
56
57
Multiple Choice
Ano ang damdamin o emosyong nangibabaw sa linya ng tauhan?
“O, hindi ko natagalan
Ang dilim na bumalabal
Sa sindak at katakutan
Para akong sinasakal.”
pagkamangha
pagkaasiwa
pagkatakot
58
Multiple Choice
Ano ang damdamin o emosyong nangibabaw sa linya ng tauhan?
“Yaong aking nilimusa’y
Isang matandang sugatan,
Saka dito’y iba nama’t
Ermitanyo ang may-alay.”
pagmamalaki
pagmamalasakit
pagyayabang
59
Multiple Choice
Ano ang damdamin o emosyong nangibabaw sa linya ng tauhan?
“Mabuti pang dili hamak
Si Don Juan,” anyang saad,
“at sa ama nating liyag
Ay marangal na haharap.”
pagkamuhi
pagkainggit
panghihinayang
60
Fill in the Blanks
Mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana. Nakatakas
lamang si Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don
Juan.
61
Fill in the Blanks
Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora.
Nakipaglaban dito si Don Juan at nang matalo ito ay nakalaya na si Donya Leonora.
62
Fill in the Blanks
Ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya ay mahulog sa
balon dahil sa pataksil na pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali sa kaniyang baywang.
63
Fill in the Blanks
Isa sa mga ibong pinatawag ng ermitanyo na tanging nakaaalam tungkol sa Reyno de
los Cristalesat naghatid doon kay Don Juan.
64
Fill in the Blanks
Hari ng Reyno de los Cristales na ama ni Donya Maria Blanca. Naghain
siya ng napakaraming pagsubok na kailangang malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang
kamay ng dalaga.
65
Fill in the Blanks
Ang butihing hari ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang
karamdaman.
66
Fill in the Blanks
Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay na
kapangyarihan ang dalagang ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan
niya ang binata upang malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng ama niyang si
Haring Salermo. Sa huli ay sila rin ni Don Juan ang nagkatuluyan.
67
Fill in the Blanks
Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang
serpiyente. Nang makilala siya ni Don Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa
kagandahang taglay ng dalaga.
68
Fill in the Blanks
Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang
nagbabantay sa prinsesa na kinailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga.
69
Fill in the Blanks
Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakapagligtas sa kaniyang dalawang kapatid. Madaling mahulog ang
kaniyang kalooban sa mga dalagang nakilala sa kaniyang pakikipagsapalaran.
70
Fill in the Blanks
Nang hindi
makabalik si Don Pedro ay siya naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang
hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.
Madali siyang naiimpluwensyahan ng nakatatandang kapatid na si Don Pedro.
71
Fill in the Blanks
Siya ang
unang umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor. Siya ay
makasarili at mainggitin lalo na sa kapatid na si Don Juan na ilang beses niyang
pinagtaksilan.
72
73
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang mailahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda. (F7PB-IVa-b-20)
74
75
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natutukoy kung sino ang sumulat ng akdang Ibong Adarna. Sinasabi ng ilang eksperto sa panitikan tulad ni Pura Santillan-Castrence na ang Ibong Adarna ay hinango lamang mula sa Europa.
76
Makikita ang pagkakapareho nito sa mga kuwentong bayan ng Romania, Denmark, Austria, Alemanya, at Finland. Kaya naman sinasabi rin ng ilan na hindi maituturing na bahagi ng panitikang Pilipino ang akdang ito; gayumpaman, kapansin-pansing sinasalamin ng nilalaman nito ang kaugalian at kulturang Pilipino.
77
Makikita ang pagkakapareho nito sa mga kuwentong bayan ng Romania, Denmark, Austria, Alemanya, at Finland. Kaya naman sinasabi rin ng ilan na hindi maituturing na bahagi ng panitikang Pilipino ang akdang ito; gayumpaman, kapansin-pansing sinasalamin ng nilalaman nito ang kaugalian at kulturang Pilipino.
78
79
80
Buksan ang "TAB" ng susunod na slide. Basahing mabuti ang bahagi ng akda na nakapaloob dito.
81
82
Open Ended
Gamit ang 3-5 pangungusap, sagutin ang tanong.
Ano ang ninanais ng may-akda sa kaniyang panawagan?
83
Open Ended
Gamit ang 3-5 pangungusap, sagutin ang tanong.
Bakit humihingi ng tulong ang may-akda sa kaniyang panawagan?
84
Open Ended
Gamit ang 3-5 pangungusap, sagutin ang tanong.
Ipaliwanag ang kahalagahan ng panalangin sa isang tao.
85
Open Ended
Gamit ang 3-5 pangungusap, sagutin ang tanong.
Bilang kabuoan ng akda, ano ang mensaheng nais iparating nito sa mambabasa?
86
87
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang masuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon (F7PB-IVc-d-21), at makapagmungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliranin mula sa akda. (F7PN-IVc-d-19).
88
89
Naniniwala ka ba na kakambal ng buhay ang suliranin, pagsubok, o problema?
Nagkaroon ka na ba ng sariling suliranin sa pamilya o di kaya sa mga kaibigan? Naranasan mo na bang magmungkahi ng mga solusyon para sa paglutas sa isang suliranin?
90
Ang pagkakaroon ng suliranin ay bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ang mga suliraning ito na ating kinahaharap ang nagiging daan upang mapagtibayan at
mapalalim ang ating ugnayan sa Poong Maykapal. Ito rin ang nagiging dahilan upang tayo ay maging matatag at magtiwala sa ating mga sarili.
91
92
93
94
Multiple Choice
Ano ang suliranin?
Ito ang paraan upang malutas ang problema.
Ito ay isang bagay o pangyayari na kinakailangang malutas.
Ito ang masasayang pangyayari sa akda.
95
Multiple Choice
Ano ang solusyon?
Ito ang nagpapasabik sa akda.
Ito ang sagot sa suliranin o problema.
Ito ang problemang kinakailangan na malutas.
96
Multiple Choice
Ano ang suliranin sa sumusunod na pahayag?
Pag-awit ng ibong Adarna
Pagkakaroon ng sakit ng hari
Pagkakabati ng magkakapatid
97
Multiple Choice
Kung ikaw si Haring Fernando, tulad niya ay nagkaroon ka ng masamang panaginip at hindi ito maalis sa iyong isipan, alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin?
Hindi ko na lamang ito papansinin o seseryosohin dahil ito ay panaginip lamang.
Sasarilihin ko na lamang nang sa gayon ay hindi ako makadagdag sa problema ng pamilya.
Ibahagi ito sa pamilya nang sa gayon ay maibsan ang pangambang nararamdaman at humingi ng payo ukol dito.
98
Multiple Choice
Kung ikaw si Don Pedro, tulad niya ay nakikita mong nakahihigit sa iyo ang iyong kapatid, alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin?
Tulad niya ay maiinggit ako.
Magiging masaya ako para sa aking kapatid at ipagmamalaki siya.
Hahanap ako ng butas o dahilan para malamangan si Don Juan.
99
Multiple Choice
Kung ikaw si Don Diego, ikaw ay hinimok ng iyong nakakatandang kapatid na pagtaksilan ang inyong bunsong kapatid, alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin?
Hindi ako papayag subalit hahayaan ko na lamang si Don Pedro kung ano ang gagawin niya.
Papayag ako sapagkat ayaw ko rin ang malamangan ng aking bunsong kapatid.
Hindi ako papayag, bagkus ay kakausapin ko ang aking nakatatandang kapatid na mali ang kaniyang naiisip.
100
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na suliraning panlipunan ang ipinakikita sa suliranin na biglaang pagkakasakit ng hari?
pagnanakaw sa bayan
pagkakaroon ng pandemya
pagkakagulo ng mga mamamayan
101
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na suliraning panlipunan ang ipinakikita sa suliranin na pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego?
pagkakagulo ng mamamayan
paggawa ng iba’t ibang krimen
pagkakaroon ng depresyon
102
Open Ended
Suriin ang pangyayari na mula sa akda na mamikita sa larawan, matapos ito, ibigay ang suliraning mababanaag dito. Ibigay ang iyong mungkahing solusyon para rito.
103
Open Ended
Suriin ang pangyayari na mula sa akda na mamikita sa larawan, matapos ito, ibigay ang suliraning mababanaag dito. Ibigay ang iyong mungkahing solusyon para rito.
104
Open Ended
Suriin ang pangyayari na mula sa akda na mamikita sa larawan, matapos ito, ibigay ang suliraning mababanaag dito. Ibigay ang iyong mungkahing solusyon para rito.
105
Gumawa ng isang e-poster na nagpapakita ng isang suliranin panlipunan na masasalamin sa Ibong Adarna. Ipakita rin sa gagawing poster ang angkop na solusyon dito.
106
107
Gawing gabay ang pamantayan:
Nilalaman- 15 puntos
Kaangkupan ng Konsepto- 10 puntos
Pagkamalikhain-10 puntos
Kabuoang presentasyon- 5 puntos
108
109
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang maiugnay ang sariling karanasan sa mga karanasang nabanggit sa binasa. (F7PB-IVc-d-22).
110
111
May mga hindi naging magandang karanasan si Don Juan sa kanyang mga kapatid na sina Don Pedro at Don Diego, gaya ng pagtataksil sa kaniya ng tatlong beses. Una ay ang bugbugin siya at agawin ang Ibong Adarna. Ikalawa ay nang pakawalan niya ang ibon at palabasing siya ang may sala. Ikatlo naman ay ang ihulog siya sa balon.
112
Balikan muli ang buod ng akda. Pagtuunan ng pansin ang lahat ng karanasan ng mga tauhan.
113
Open Ended
Pumili ng isang karanasan ng mga pangunahing tauhan sa akda, at iugnay ito sa sariling karanasan sa pamilya.
114
Open Ended
Pumili ng isang karanasan ng mga pangunahing tauhan sa akda, at iugnay ito sa sariling karanasan sa kaibigan.
115
Open Ended
Pumili ng isang karanasan ng mga pangunahing tauhan sa akda, at iugnay ito sa sariling karanasan sa kapwa.
116
Open Ended
Iugnay ang sariling karanasan sa karanasan ng tauhan na nasa ibaba.
KARANASAN NG TAUHAN: Nang hinahanap ni Don Juan ang kaharian ng Reyno delos Cristales.
I
117
Open Ended
Iugnay ang sariling karanasan sa karanasan ng tauhan na nasa ibaba.
KARANASAN NG TAUHAN: Halos lasog-lasog at duguan ang katawan ni Don Juan nang matagpuan siya ng ermitanyo. Tinulungan siya nito.
118
Open Ended
Iugnay ang sariling karanasan sa karanasan ng tauhan na nasa ibaba.
KARANASAN NG TAUHAN: Pagtulong ni Donya Maria Blanca sa paglutas ng mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo.
119
Open Ended
Iugnay ang sariling karanasan sa karanasan ng tauhan na nasa ibaba.
KARANASAN NG TAUHAN: Napagtanto nina Don Pedro at Don Diego na mali ang magtaksil sa kanilang kapatid na si Don Juan.
120
Open Ended
Iugnay ang sariling karanasan sa karanasan ng tauhan na nasa ibaba.
KARANASAN NG TAUHAN: Nagkaroon ng sariling mga responsibilidad ang magkakapatid sa huling bahagi ng akda.
isang Korido
Ang interbensyong materyal na ito ay naglalaman ng mga lektura at gawain na makatutulong sa lubos na pagkaunawa ng obra maestrang ito.
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 120
SLIDE
Similar Resources on Wayground
117 questions
Holt Ch 2 Guided Notes
Presentation
•
9th - 12th Grade
107 questions
LENGUAJE
Presentation
•
6th - 7th Grade
114 questions
2nd Sem M5 Chemistry Chapter 1
Presentation
•
7th - 12th Grade
130 questions
EES Reviewer Q3
Presentation
•
7th Grade
117 questions
De onvoltooid verleden tijd (regelmatig)
Presentation
•
10th - 12th Grade
115 questions
Araling-Panlipunan-8-Quarter-3-Week-3
Presentation
•
8th Grade
109 questions
CZĘŚCI MOWY
Presentation
•
5th - 8th Grade
99 questions
Test de Posit Vente Commerce Niveau 4
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
10 questions
Columbus Day and Indigenous People's Day
Interactive video
•
5th - 8th Grade
16 questions
Proportional and Non Proportional Relationships in Tables, Graphs, and Equations
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Constant of Proportionality
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Halloween Trivia
Quiz
•
7th Grade
15 questions
One-Step Equations
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Add and Subtract Integers
Quiz
•
6th - 8th Grade
28 questions
SMS Staff by the Numbers
Quiz
•
6th - 8th Grade
16 questions
Adding and Subtracting Integers
Quiz
•
7th Grade