Search Header Logo
Q1_W1_D2_KOMPAN

Q1_W1_D2_KOMPAN

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

12 Slides • 3 Questions

1

Lakbayin


Antas ng Komunikasyon

2

1. Intrapersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Pag-iisip, pag-aalala, pagdama o mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.

3

2. Interpersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitanng dalawa o mahigit pang mga tao o sa isang tao at isang maliit na pangkat. Ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.

4

3. Pampubliko – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig. Halimbawa nito’y ang miting de avance ng mga politiko, pagtatalumpati at iba pa.

5

4. Pangmasa o Pangmadla – Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng malawakang midya tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan at iba pa.

6

5. Pang-organisasyon – Ito ay komunikasyong nangyayari sa loob ng isang organisasyon o samahan. Organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain.

7

6. Pangkultural – Ito ay komunikasyong nagpapakilala, nagtatanghal o nagpapakita ng kultura ng isang pangkat o bansa. Aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito.

8

7. Pangkaunlaran – Ito ay komunikasyon naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa. Pumapatungkol ito sa industriya, ekonomiya o anomang usaping pangkabuhayan.

9

Uri ng Komunikasyon

1. Komunikasyong Berbal – Komunikasyong nangangailangan ng paggamit ng wika pasalita man o pasulat.

10

2. Komunikasyong Di-Berbal – Komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng mga mensaheng walang tinataglay na salita.

a. Pasenyas – Kumpas na senyas o simbolo na pamalit sa salitang

kumakatawan sa bilang o numero at anomang mga bantas.

b. Paaksyon – Pagkilos at ekspresyon ng katawan maging ng mukha na

mayroong mga kahulugan.

c. Ginagamitan ng bagay – Paggamit ng mga materyal na bagay upang maglahad ng mensahe sa tao o malaman ang ipinahihiwatig na simbolo ng mga bagay.

11

media

1. Modelo ni Berlo – Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelong ito. Binibigyang-diin ang direksyon ng proseso mula sa pinanggalingan tungo sa tatanggap. Ipinahihiwatig din dito na ang mensahe o ang pagpapadala at pagtanggap nito ay nakadepende sa encoding at decoding nito.

Modelo ng Komunikasyon

12

media

2. Modelo ni Aristotle – Unang naglatag ng karaniwang modelo ng

komunikasyon na kung saan ang tagapagsalita ay naghahatid ng mensahe sa tagatanggap. Ito ay kaugnay ng sub-prosesong encoding. May aplikasyon ito sa anomang anyo ng diskurso, pasalita man o pasulat. Batay sa modelong ito, ang anomang mensahe ay kailangang tuklasin, isaayos at bihisan bago maihatid.

Modelo ng Komunikasyon

13

Open Ended

Question image

GalugarinGawain 4: Antas Ko, Saliksikin Mo!

Panuto: Magsaliksik ng mga sitwasyong nagpapakita ng paglalapat ng antas ng

komunikasyon. Maaari itong personal na karanasan, napakinggan sa radyo, mga

talumpating napakinggan, napanood sa telebisyon at iba pa. Gayahin ang pormat sa

iyong sagutang papel.

14

Open Ended

Question image

Gawain 5: Ihambing Mo!

Panuto: Ikumpara ang Komunikasyong Berbal sa Komunikasyong Di-berbal.

Gayahin ang dayagram sa iyong saguta

15

Open Ended

Question image

Palalimin

Gawain 6: Opinyon Ko, Mahalaga!

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng iyong opinyon, sariling

kaalaman, pananaw at karanasan sa paksang “Makabagong paraan ng

komunikasyon, nagiging dahilan ng pagpurol sa wikang Filipino”. Maaaring panoorin

ang balita mula sa State of the Nation with Jessica Soho ng GMA News TV sa link

na ito https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k. Isaaalang-alang ang

rubrik sa pagtataya ng susulating sanaysay.

Lakbayin


Antas ng Komunikasyon

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 15

SLIDE