Search Header Logo
Q1_W2_D4_KOMPAN

Q1_W2_D4_KOMPAN

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

14 Slides • 4 Questions

1

Lakbayin

Konsepto ng Bilingguwalismo at Multilingguwalismo

2

Bilingguwalismo

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan (Bloomfield).

3

Bilingguwalismo

Nangyayari ang bilingguwalismo dahil na rin sa kakayahan ng tao na makipag-interak partikular na sa pakikipag-usap. Maaari ring dahilan nito ay ang tiyak na pangangailangan ng isang indibidwal na gamitin ang pangalawang wika na makaadap sa lipunan. Sa pangyayaring ito, walang malay ang isang tao na unti-unti niyang nalilinang ang pangalawang wika tungo sa tinatawag na bilingguwalismo.

4

Bilingguwalismo

 Ang pagiging bilingguwal ng mga Pilipino ay nagaganap na mula pa noong panahon ng mga Kastila ngunit hindi lamang pormalisado. Naging pormal lamang ito nang ipatupad ng National Board of Education taong 1973, DO. No. 25 1974 na may pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education”. Layunin ng order na itong makalinang ng isang lipunang may sapat na kakayahan sa paggamit ng Filipino (Pilipino pa noon) at English bilang panturo sa iba’t ibang asignatura sa bawat antas.

5

Multilingguwalismo

 Nangangahulugan ito ng paggamit ng tatlo o mahigit pang wika sa isang partikular na lugar. Sa bansang tulad ng Pilipinas na may humigit-kumulang 180 na umiiral na wika, hindi kataka-takang maging multilingguwal ang nakararaming populasyon. Ito rin ang tawag sa patakarang pangwika na nakasalig sa paggamit ng wikang pambansa at bernakular na wika (katutubo) bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagaman hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat.

6

Mga Bansang Multilingguwal

1. Ang Morocco ay bansang may apat na opisyal na wikang ginagamit – ang Arabic, French, Spanish at Amazigh.

2. Ang Bolivia ay may 36 na wikang ginagamit sa anomang antas ng

komunikasyon.

3. Ang India ay may 23 wikang ginagamit. Pangunahin ang Hindu,

Malayalam, Tamil, Kannada at Telugu.

4. Ang Belgium ay may tatlong opisyal na wika: Dutch, French at German.

5. Ang Switzerland ay may apat na pangunahing pambansang wika – ang German, French, Italian at Romansh.

6. Ang Luxembourg ay may tatlong opisyal na wika – ang Luxembourgish,

French at German.

7

Ang Homogeneous at Heterogeneous na Wika

Homogeneous na Wika

Homogeneous ang wika kung ang ispiker o grupo ng nagsasalita ay

gumagamit lamang ng isang wika. Subalit ang ganitong anyo ng wika ay bihira nang matatagpuan sa mundo. Homogeneous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga mamamayan dito. Gayonpaman, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga dayalek kahit isang wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang sa mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng mga salita at sa pagbuo ng mga salita at mga pangugusap. Sa kasalukuyan, ang mga bansang maituturing na homogeneous ay ang North Korea at Japan.

8

Heterogeneous na Wika

 Ang wika ay Heterogeneous kung nagtataglay o binubuo ito ng magkakaibang elemento at taglay nito ang iba’t ibang anyo o barayti ng wika. Ayon kay Bloomfield (1918) “hindi kailanman magkakatulad ang anomang wika. Dala ito ng magkakaibang pangkat ng mga taong may iba’t ibang lugar, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.” Heterogeneous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang sinasalita sa bansa.

9

Lingguwistikong Komunidad

 Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistiks na

tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti

ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispisipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. Gayondin, nagkakasundo ang mga miyembro ng lingguwistikong komunidad sa kahulugan ng wika at interpretasyon nito at maging kontekstong kultural na kaakibat nito.

10

Lingguwistikong Komunidad

Ayon kay Yule (2014), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang

porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang

ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang

tiyak na grupong panlipunan.

11

Lingguwistikong Komunidad

 Gayonpaman, kailangang tandaan na hindi lahat ng nagsasalita ng isang

wika ay kasapi sa isang tiyak na lingguwistikong komunidad. Halimbawa ang

isang Aleman ay maaaring mag-aral ng wikang Filipino, ngunit hindi

kailanman siya magiging kabilang sa lungguwistikong komunidad ng mga

taal na Filipino. Ibig sabihin, ang pagkakaiba-iba ng paraan ng paggamit ng

isang wika ay nagtatakda rin ng iba’t ibang lingguwistikong komunidad sa

loob nito.

12

Open Ended

Question image

Galugarin

Gawain 3: Makabuluhang Hambingan

Panuto: Ihambing ang sumusunod na konseptong pangwika. Gamitin ang

talahanayan sa pagsagot sa iyong sagutang papel.

13

Open Ended

Question image

Galugarin

Gawain 3: Makabuluhang Hambingan

Panuto: Ihambing ang sumusunod na konseptong pangwika. Gamitin ang

talahanayan sa pagsagot sa iyong sagutang papel.

14

Open Ended

Gawain 4: Para sa akin…

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa inyong sagutang papel.

1. Bilang isang mag-aaaral, ano ang iyong magagawa upang mas maipalaganap

pa ang paggamit ng wikang Filipino sa isang multilingguwal na komunidad?

15

Open Ended

2. Bilang isang mag-aaaral, nanaisin mo bang multilingguwal ang atake ng

proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa paaralan? Bakit? Patunayan ang iyong

sagot.

16

Palalimin

Gawain 5: Online Talumpati, Wagi!

Panuto: Pumili ng isa sa mga paksang nasa kahon at sumulat ng isang talumpating nagbibigay opinyon at nanghihikayat sa iyong sariling posisyong sa isyung binigyang-pansin. Maaari mong i-access ang link upang mas mapatibay ang iyong gagawing awtput. Isaaalang-alang ang rubrik sa pagtataya ng susulating talumpati.

Maaari mo itong isulat sa iyong sagutang papel o ‘di naman kaya’y i-post sa facebook, google classroom at iba pang online platforms na sasabihin ng iyong guro.

17

Palalimin

Mga Pagpipilian:
Implementasyon ng MTBMLE

sa paaralan https://www.youtube.com/watch?v=2UjTp4Htc4U

Pagtanggal sa asignaturang Filipino bilang core subject sa Kolehiyo

https://www.youtube.com/watch?v=P-iZ9vpfzpg

Namamatay na wikang

katutubo https://www.youtube.com/watch?v=zS2PiTGPY7w

18

media

Lakbayin

Konsepto ng Bilingguwalismo at Multilingguwalismo

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 18

SLIDE