

KPWKP_q1_mod6_Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulato
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Medium
Edgar Monte
Used 8+ times
FREE Resource
14 Slides • 33 Questions
1
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 6: Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
2
Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M.A.K. Halliday) F11PT – Ic – 86
3
Layunin:
• Nauunawaan ang kahulugan ng komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
• Natutukoy ang mga gamit ng wika sa lipunan na ginamit sa pangungusap
• Nailalarawan ang tamang gamit ng wika sa lipunan bilang instrumento sa pag-unawa
4
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong tungkulin at gamit ng wika ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
5
Multiple Choice
May ibinigay na takdang-aralin ang iyong guro. Para masagot ito, kailangan mong magsaliksik sa pamamagitan ng pagkonsulta sa iba’t ibang sanggunian tulad ng mga aklat at internet.
Heuristiko
Impormatibo
Instrumental
Regulatori
6
Multiple Choice
Nagtanong ka sa iyong kaibigan kung saan ang mabilis at madaling daan para makarating sa inyong pagkakampingan sa Laguna. Itinuro niya sa iyo ang tama, mabilis, at ligtas na daan papunta roon.
Heuristiko
Impormatibo
Instrumental
Regulatori
7
Multiple Choice
Gumagawa ka ng proyekto sa Filipino. Ito ay isang spoken word poetry. Nais mong ihandog sa iyong ina ang tulang ito sa kaniyang kaarawan.
Imahinatibo
Interaksiyunal
Personal
Representatibo
8
Multiple Choice
Namamasyal ka sa isang parke. Maganda ang tanawin at maraming naggagandahang bulaklak. Gusto mo sanang pumitas para amuyin ang mabango nitong amoy, pero may nakita kang nakasulat sa isang paskil. Bawal pumitas ng mga bulaklak.
Imahinatibo
Interaksiyunal
Instrumental
Regulatori
9
Multiple Choice
May matalik kang kaibigan na magdiriwang ng kaniyang kaarawan bukas, gusto mong mag-bake ng cake para sa kaniya. Binasa mong mabuti ang resipi at maingat na sinunod ang bawat hakbang sa pagluluto.
nstrumental
Personal
Regulatori
10
Multiple Choice
Maagang pumasok si Tina upang magtungo sa silid-aklatan. Nagtungo siya sa custodian upang magtanong kung saang seksiyon makikita ang kaniyang hahanaping aklat.
Impormatibo
Instrumental
Heuristiko
Regulatori
11
Multiple Choice
Fiesta sa baryo Kayquit, abala ang lahat dahil may agarang lulutuin na dapat mailuto. Si Josie ang tagaluto sa bahay ni Aling Zeny. Nais niyang subukang iluto ang paborito niyang menudong Tagalog.
Heuristiko
Instrumetal
Personal
Regulatori
12
Multiple Choice
Si Mang Toni ay isang magaling na makata. Isa sa paborito niyang bigkasin ay tungkol sa “Pag-Ibig na Walang Maliw.”
Imahinasyon
Instrumental
Personal
Regulatori
13
Multiple Choice
Si Carlos ay mahusay na manlalaro ng basketbol. Dahil kilala siya sa kanilang eskuwelahan bilang varsity, marami ang humahanga sa kaniyang husay at galing sa paglalaro. Umuwi siya ng hating gabi na dahil sa pag-eensayo, napagsabihan siya ng kaniyang ama dahil delikado na ang panahon.
Imahinatibo
Instrumental
Personal
Regulatori
14
Multiple Choice
Balik-bayan si Gng. Rosie sa kanilang probinsiya. Marami sa kaniya ang bumibisita dahil sa tagal na hindi sila nagkita.
Imahinatibo
Instrumental
Interaksyunal
Regulatori
15
Balikan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
16
Open Ended
Ano ang malinaw na pagkakaiba ng instrumental at regulatori na gamit ng wika sa lipunan?
17
Open Ended
Bakit mahalagang gamitin ang mga gampanin ng wika sa pang-araw-araw nating pamumuhay gamit ang social media?
18
Open Ended
Ano-ano ang katangian ng gamit ng wika?
19
Open Ended
Paano ginagamit ang mga gamit ng wika sa lipunan bilang pagbibigay-halimbawa?
20
Open Ended
Bakit mahalagang gamitin ang mga gamit ng wika sa pagpapaliwanag at pagbibigay-halimbawa nito mula sa iba’t ibang social media at post?
21
Tuklasin
22
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
Ayon kay Halliday sa kanyang Explorations in the Functions of Language na inilathala noong 1973, ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay kinakategorya. Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing tungkulin. Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang nasabing mga tungkulin o gamit ng wika sa epektibong pakikipagkomunikasyon. Tunghayan ang mga gamit ng wika sa lipunan.
23
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
Ang instrumental na gamit ng wika ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan. Pangunahing instrumento ang wika upang makuha o matamo ng tao ang kaniyang mga lunggati o pangangailangan. Ang maayos at matalinong paggamit ng wika ay nagbubunga nang malawakang kaayusan sapagkat hindi lamang nito nagagawang magpaunawa kundi pumukaw ng damdamin at kaisipan.
24
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
Ang regulatori naman ay ang wikang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao. Sa maayos at malumanay na gamit ng wika inilalahad ng mga magulang ang kanilang pangaral upang maging maayos ang kanilang mga anak. Obserbahan ang mga babala, karatula, o kautusan na malimit makitang nakapaskil sa mga pampublikong lugar.
25
Halimbawa:
Instrumental
• Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.
• Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?
• Ano-anong departamento ang kailangan kong daanan bago makarating sa tanggapan ng gobernador?
26
Halimbawa:
Regulatori
• Bawal pumitas ng bulaklak.
• Huwag gumamit ng bolpen sa pagsagot, gumamit ng lapis.
• Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatuwiran.
• Bawal manigarilyo.
27
Suriin
Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ang sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
28
Multiple Choice
Bawal umihi dito.
Imahinatibo
Interaksiyunal
Personal
Regulatori
29
Multiple Choice
Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.
Heuristiko
Instrumental
Personal
Regulatori
30
Multiple Choice
Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?
Impormatibo
Instrumental
Heuristiko
Personal
31
Multiple Choice
Smoking Area.
Impormatibo
Heuristiko
Personal
Regulatori
32
Multiple Choice
Slow Down School Zone.
Impormatibo
Instrumental
Personal
Regulatori
33
Pagyamanin
Pag-unawa sa Gamit ng Wika sa Lipunan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Ilapat ang nauunawaang kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Pumili lamang ng tatlo sa mga pamimilian. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
34
Fill in the Blanks
Type answer...
35
Fill in the Blanks
Type answer...
36
Fill in the Blanks
Type answer...
37
Fill in the Blanks
Type answer...
38
Fill in the Blanks
Type answer...
39
Fill in the Blanks
Type answer...
40
Fill in the Blanks
Type answer...
41
Fill in the Blanks
Type answer...
42
Fill in the Blanks
Type answer...
43
Fill in the Blanks
Type answer...
44
Open Ended
Isaisip
Panuto: Pumili ng tatlo sa mga kaban ng kaalaman. Ipaliwanag ang isinasaad na kabuluhan nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sa pamamagitan ng wika ay naipahahayag at nabibigyang-representasyon ng tao ang kaniyang sarili.
2. Instrumento ang wika hindi lamang para maipaunawa ang sarili kundi upang mapakilos ang kapuwa.
3. Nauukol ito sa mga bagay na nasa paligid o lugar na karaniwang pinangyayarihan ng pag-uusap. Nagsisilbing representasyon din ang lugar sa uri ng pagpapahalagang mayroon ang mga naninirahan dito.
4. May kinalaman din ito sa tinatawag na konteksto ng sitwasyon.
5. Nakatuon din ang gampanin ng wika sa tsanel o daluyan ng mensahe bilang behikulo o kasangkapan sa paghahatid ng mensahe.
6. Katulad ng nailahad ni Buhler, naglalayon itong maimpluwensiyahan ang pagkilos ng kapuwa sa pamamagitan ng mga salitang mahihiwatigan ng pag-uutos o paghingi ng pabor.
7. Ito ay tumutugon din sa pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong at pag-uutos.
8. Isa rin ito sa pagbibigay ng gabay, kumokontrol sa kilos o asal ng iba.
9. Nakapagpapanatili at nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
10. Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.
45
Draw
Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang loob ng talahanayan kung ito ay iyong ginagawa. Tumutugon ito sa gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pamantayan sa pagmamarka:
4- Lubos na Sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
2- Di-gaanong sumasang-ayon
1- Hindi sang-ayon
46
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong tungkulin at gamit ng wika ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
47
Open Ended
Gamit ang tungkulin ng wika ang INSTRUMENTAL at REGULATORI, ipaliwanag kung saan at paano nakatutulong ang gamit ng wika sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 6: Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 47
SLIDE
Similar Resources on Wayground
41 questions
Bio 11.1 and 11.2 LESSON
Presentation
•
12th Grade - University
36 questions
Le rat des Catacombes: Français 4/5
Presentation
•
11th - 12th Grade
39 questions
Q1-COT
Presentation
•
11th Grade
45 questions
Alphabet II
Presentation
•
KG
43 questions
Soh Cah Toa Basic Trig Ratios
Presentation
•
9th - 12th Grade
46 questions
Filipino Oryentasyon
Presentation
•
10th Grade
46 questions
Aralin 1 - Pagkamamamayan
Presentation
•
10th Grade
40 questions
Salesforce Quiz
Presentation
•
KG - University
Popular Resources on Wayground
28 questions
US History Regents Review
Quiz
•
11th Grade
36 questions
Biology Regents Review
Quiz
•
9th - 10th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
38 questions
Regents Life Science General Review
Quiz
•
9th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
21 questions
EOY Grade 6 Benchmark Assessment - Content Skills
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Other
28 questions
US History Regents Review
Quiz
•
11th Grade
45 questions
Earth and Space Science Regents: Exam Cram
Presentation
•
7th - 12th Grade
35 questions
US History - Regents Review - President, Amendments, Court Cases
Quiz
•
11th Grade
50 questions
US History Comprehensive Final Exam
Quiz
•
9th - 12th Grade
50 questions
US History Regents Practice Exam
Quiz
•
11th Grade
30 questions
US History Regents Review #3
Quiz
•
11th Grade
16 questions
TSI Math 2.0 Practice
Quiz
•
9th Grade - University
25 questions
US History Regents Review # 1
Quiz
•
11th Grade