

KPWKP_q2_mod7_Pagsusuri ng mga Teksto Gamit ang Social Media_v2
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Medium
Edgar Monte
Used 1+ times
FREE Resource
18 Slides • 46 Questions
1
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Modyul 7
Pagsusuri ng mga Teksto Gamit
ang Social Media
2
Alamin
Kasanayang Pampagkatuto:
• Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika. (F11EP-IId-33)
3
Layunin:
● Natutukoy ang epekto ng social media sa paggamit ng wika sa pamamaraan ng pagsulat:
● Natutukoy ang pagkakagamit ng wika sa mga istatus o post sa social media; at
● Nasusuri ang pagkakagamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.
4
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng piniling sagot sa iyong sagutang papel.
5
Multiple Choice
Ito ang ginagamit sa text at sa iba pang social media applications na karaniwang pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
code-switching
dyaryo
radyo
telebisyon
6
Multiple Choice
Dahil sa humigit-kumulang na apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap ng ating bansa araw-araw kaya naman ito ang itinaguri sa Pilipinas.
Text and Call Capital of the World
Text Capital of the World
Texting Capital of the Philippines
Texting Capital of the World
7
Multiple Choice
Mananatiling Ingles ang wika nito kahit may mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog.
internet
8
Multiple Choice
Ano ang ibig sabihin ng SMS?
Short Message Service
Short Messenger Symbol
Short Messaging System
Smart Messaging System
9
Multiple Choice
Ito ay paraan ng pagpapakalat ng impormasyon, ideya, mensahe, at iba pa, sa malawak na audience, lahat ay maaaring magbahagi basta’t may internet connection.
balita
dyaryo
radyo
social media
10
Multiple Choice
Ang maituturing na pinakamadaling paraan ng pansariling pakikipag-ugnayan gamit ang Facebook.
blog
personal message
wattpad
yahoo
11
Multiple Choice
Ang pinakamalaking social media na karaniwang nababasa ang post ng mga komentaryo, pananaw, mensahe, o palitan ng mensahe.
apps
link
text
12
Multiple Choice
Ito ay “search engine” upang makapangalap ng nakaimbak na mga impormasyon na kailangan lalo na ng mga mag-aaral.
Internet
personal message
Wi-Fi
13
Multiple Choice
Kilala ang media sa mga bidyong panonoorin batay sa mga paksa o impormasyong gustong malaman sa panonood.
shopping network
Wikipedia
WordPress
YouTube
14
Multiple Choice
Makakukuha rito ng mga impormasyong gamit ang mga slide.
blog
SlideShare
15
Multiple Choice
Ang aplikasyon na karaniwang ginagamit ng magkakaibigan at magkakapamilya upang makipag-ugnayan sa isa’t isa.
SlideShare
YouTube
16
Multiple Choice
Pinakamodernong gadget na ginagamit halos nang lahat ng tao para sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na puwedeng dalhin kahit saan.
cellphone
megaphone
microphone
telephone
17
Multiple Choice
Ginagawa ito matapos maisulat ang mensaheng gustong sabihin para makarating sa taong padadalhan ng mensahe.
copy
post
message
text
18
Multiple Choice
Ang tawag sa paraan ng paggamit ng salita tulad ng “Where na u, Dito na me” sa pagte-text upang maipadala sa kinauukulan ang mensahe.
code switching
haloletra
puzzle
shortcut
19
Multiple Choice
Salita ng millennial na nagsasaad ng pagkayamot at galit.
beast mode
moody
pakyeme
waley
20
Balikan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
21
Multiple Choice
Pinupuntahan ito sa Facebook kung nais magpadala ng mensahe upang maging pribado ito.
Google Drive
internet
Messenger
text message
22
Multiple Choice
Ito ang ginagawa pagkatapos magbigay ng pahayag o reaksyon sa nabasa sa internet.
edit
like
message
post
23
Multiple Choice
Nakasulat sa wikang Filipino ang nilalaman nito sa internet.
akdang pampanitikan
batas ng ibang bansa
impormasyong pang-agham
rebyu ng pelikulang Ingles
24
Tuklasin
Napakalaki ang naitutulong ng social media sa mga tao ngayon. Dahil ditto, napadadali ang mga nais nating sabihin sa ating kaibigan at mahal sa buhay lalo na kung sila ay nasa malalayong lugar. Pinapadali nito ang pagtanggap at pagpapakalat ng balita. Dahil sa patuloy at aktibong paggamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang social networking sites, tinagurian ang Pilipinas na Social Media Capital of the World noong taong 2015.
25
Tuklasin
Bukod sa pamamaraan ng estilo ng pagsusulat sa social media, mapapansin din dito ang pagiging iresponsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon o balita, maging ang hindi maingat na pagbibigay ng mga pahayag at komentong walang sapat na batayan.
26
Tuklasin
Dahil sa social media, maraming mga bagong salita ang umusbong at nauso na patuloy na ginagamit at tinatangkilik ng mga tao katulad ng mga wika ng mga beki o tinatawag na gay lingo at Jejemon o tinatawag na millennial word.
27
Tuklasin
Ngunit dahil sa social media, maraming kabataan ang nagagawang baguhin ang wika sa pamamagitan ng pagpapaikli, paghahalo ng Ingles at Filipino, pagbabago ng spelling, termino, at kahulugan ng mga salita, at paghalo-halo ng mga numero, mga simbolo, at mga malaki at maliit na letra.
28
Halimbawa:
1. Pagpapaikli at pagkakaltas ng mga salita sa text
Always a Pleasure- AAP
God Bless You-GBU
2. Paghahalo ng Ingles at Filipino
d2 na me MuZtaH
Wr u na?
3. Paghahalo-halo ng numero at malalaki at maliliit na titik
aQcKuHh iT2h
iMiszqcKyuH
29
Suriin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
30
Suriin
Epekto ng Teknolohiya sa Wika
31
Epekto ng Teknolohiya sa Wika
Kapansin-pansin ang patuloy na paglaganap ng teknolohiya sa ating bansa lalo na ang walang humpay na paglabas ng makabagong mga produkto tulad ng tablet at iPad ng Apple. Sanhi ng patuloy na pag-unlad ng makabagong panahon ay ang pag-uso ng paggamit ng pinaikling salita tulad na lamang ng “ansaveh” na pinaikli ng salitang “Anong masasabi mo roon?” upang mapadali ang ating pakikipag-ugnayan; dito nawawalang silbi ang nakasanayang mga salita ng ating mga kapwa.
32
Sa pag-unlad ng ating bansa at pagbabago ng panahon, nagbabago na rin ang ating sariling wika; ito ay marahil sa iba’t ibang uri ng pakikipagtalastasan gamit ang makabagong teknolohiya. Talamak din ang paggamit ng akronim sa social media kung saan nagrerepresenta ang isang letra ng isang salita. Isa pa sa nauuso sa panahon ngayon ay ang makabagong salita o slang word tulad ng selfie. Laganap din ngayon ang paggamit ng salitang balbal na tinatawag ding salitang kanto o kalye.
33
Isa sa masamang mga epekto ng teknolohiya sa wika ay ang pagiging asa na lamang sa teknolohiya tulad ng smartphone, tablet, at laptop para sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Nagiging ugat din ng hindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan ang paggamit ng teknolohiya sapagkat may kanya-kanyang pananaw ang ibang tao. Kung kaya, malakas ang loob nilang makipagsagutan sa isa’t isa lalong-lalo na at ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagpindot lamang kahit walang pagkilos na nagaganap. Isa pa sa mga epekto ng teknolohiya sa ating wika ay nawawalang halaga ang ating pinag-aralan sa eskuwelahan sapagkat nagpopokus ang mamamayan sa iba’t ibang pananaw marahil sa kanilang nakikita sa social media; nakakawalang pokus sa sambahayan ang paggamit ng makabagong teknolohiya dahil sa mga gadget na laging gamit ng mga tao sa araw-araw nilang pamumuhay.
34
Open Ended
Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang epekto ng paggamit ng teknolohiya sa wikang Filipino?
35
Open Ended
Ipaliwanag ang sumusunod na mga salita ukol sa nangyayari sa wika sa
kasalukuyang panahon.
a. Pagpapaikli ng salita:
b. Paggamit ng akronim:
c. Paggamit ng mga slang word:
36
Open Ended
1. Pangalanan mo ang pamilyar na mga icon sa social media na nasa loob ng kahon.
2. Paano nagagamit sa sitwasyong pangwika ang mga icon na pinangalanan mo?
37
Pagyamanin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang text at isang teksto. Piliin ang titik ng piniling sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
38
Multiple Choice
Ano ang epekto nito sa mga mag-aaral sa pagkatuto sa paggamit ng wika?
hindi mabasa
magiging mahina sa pagbaybay ng salita
mahirap intindihin ang mensahe
maling impormasyon
39
Multiple Choice
Paano ginamit ang wika sa pagpo-post ng mensahe?
halo-halong letra
madalian
pinaikli at halo-halong karakter
walang mga bantas ang salita
40
Multiple Choice
Anong wika ang ginamit sa pagbibigay ng impormasyon?
halo-halong wika
purong Filipino
purong Ingles
wikang ayon sa nilalaman
41
Multiple Choice
Paano ipinaalam sa teksto ang bilang ng mga lulong sa social media?
ginamit ang wikang dayuhan
ginamitan ng salitang malalim
gumamit ng estadistika
gumamit ng mga tanong
42
Multiple Choice
Anong situwasyon sa social media ang ginamit para maihatid ang mensahe?
pm
wordpress
43
Open Ended
Angkop ba ang pagkakagamit ng wika? Pangatuwiranan.
44
Open Ended
Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang lahat ng mga
Pilipino? Ipaliwanag.
45
Isagawa
Panuto: Pansinin ang pagkakabaybay sa pagbasa ng mga letra o titik sa Alpabetong Filipino at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
46
Open Ended
Kung isa ka sa mga kabataang tumatangkilik ng wikang pan-text, ano ang natutuhan mo sa paggamit nito?
47
Open Ended
Paano nakaaapekto sa kabataang tulad mo ang paraan ng pagbabaybay ng salita sa social media?
48
Tayahin
Mahusay! Narito ka na sa pagtatapos ng modyul. Basahin at unawaing mabuti ang panuto at magpatuloy ka sa pagdukal ng kaalaman.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
49
Multiple Choice
Kadalasang nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga salitang “walang pakialam,” “walang pangarap” at “walang kinabukasan.”
hokage
ninja moves
pabebe
walwal
50
Multiple Choice
Ito ay salitang beki na pamalit sa mga termino na hindi masabi o maalala. Noong dekada ‘80, ibig sabihin nito ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung dekada ’90 naman, naging “anik-anik” at sa kasalukuyan, _______na!
bae
beast mode
Edi wow!
eme-eme
51
Multiple Choice
Ito na raw ang bagong termino para sa mga kalalakihan na pasimpleng dumidiskarte sa napupusuang babae.
bae
hokage
ninja moves
pabebe
52
Multiple Choice
Ang salitang ito ay ginagamit ngayon ng mga millennial upang ipahiwatig na sila ay galit o naiinis.
bae
beast mode
ninja moves
pabebe
53
Multiple Choice
Nagmula ito sa salitang “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis kumilos, at diskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong napapansin.
bae
beast mode
ninja moves
pabebe
54
Multiple Choice
Ito ang mga wikang tinaguriang gaylingo.
bekimon
eme-eme
hokage
jejemon
55
Multiple Choice
Ito ang ginagawa pagkatapos magbigay ng pahayag o reaksiyon sa nabasa sa internet.
message
post
react
text
56
Multiple Choice
Paraan ng mga texter sa pagsulat ng salita sa kanilang mensahe.
all caps
code
halong letra at bilang
lahat italisado
57
Multiple Choice
Pinakamodernong gadget na ginagamit nang halos lahat ng tao para sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na puwedeng dalhin kahit saan.
cellphone
internet
radyo
telephone
58
Multiple Choice
Umunlad at nauso ang bagong mga salita dahil sa _________.
anti-media
local media
no media
social media
59
Multiple Choice
Wikang ginagamit kapag nagpo-post sa personal messages.
impormal na wika
pormal na wika
wikang naiiba sa lahat
wikang pare-pareho
60
Multiple Choice
Mananatiling Ingles ang wika nito kahit may mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa wikang Filipino o Tagalog.
gadget
internet
personal message
text
61
Multiple Choice
Sila ang mga mahuhusay sa pagpapalit-palit, pagpapaikli at paggamit ng makabagong salita.
dalubwika
kabataan
matatanda
senior citizen
62
Multiple Choice
Ito ang naitutulong ng social media sa kalagayang pangwika.
istandardisasyon
maisalita
makilala
pagbabago
63
Multiple Choice
Isa sa mga nababago sa mga kabataan sa paggamit ng wika sa social media.
ispeling
kultura
mensahe
text
64
Open Ended
Karagdagang Gawain
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Modyul 7
Pagsusuri ng mga Teksto Gamit
ang Social Media
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 64
SLIDE
Similar Resources on Wayground
59 questions
NAMING BINARY IONIC COMPOUNDS
Presentation
•
10th - 12th Grade
58 questions
Ph and Acid Properties
Presentation
•
11th - 12th Grade
63 questions
Chemistry Final Review 6: Chemical Reactions
Presentation
•
11th Grade
63 questions
Chemistry Final Exam
Presentation
•
11th Grade
54 questions
Review Unit 6
Presentation
•
11th Grade
64 questions
Matter Phases and Aqueous Systems
Presentation
•
10th - 11th Grade
60 questions
Q4_W1_M9_Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Presentation
•
11th Grade
57 questions
Números Racionais
Presentation
•
KG - University
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
2026 TAP Technology in the Classroom
Presentation
•
Professional Development
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 2 Review
Quiz
•
5th Grade
15 questions
HCS SCI 04 Summer School Review 2
Quiz
•
4th Grade
59 questions
Geometry Unit 3 Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
FAST ELA READING SMAPLE TEST MATERIALS
Passage
•
3rd Grade