Search Header Logo
KPWKP_q2_mod8_Wika sa Konteksto ng Radyo at Telebisyon_v2

KPWKP_q2_mod8_Wika sa Konteksto ng Radyo at Telebisyon_v2

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

17 Slides • 48 Questions

1

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan Modyul 8 Wika sa Konteksto ng Radyo at Telebisyon

2

Alamin

Kasanayang Pampagkatuto:

• Natutukoy ang angkop na mga salita at pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon. (F11PN-IId-

3

Layunin:

● Nalalaman ang angkop na mga salita at pangungusap ayon sa konteksto sa nakalap na halimbawa ng mga balita sa radyo at programang pantelebisyon;

● Nakapagbibigay ng sariling saloobin at opinyon hinggil sa mga balitang panradyo at pantelebisyon na naging kontrobersiyal dahil sa ginamit na salita; at

● Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap ayon sa konteksto.

4

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan o pahayag. Isulat ang titik ng piniling sagot sa iyong sagutang papel.

5

Multiple Choice

Ito ang wikang pambansa ng Pilipinas.

1

Espanyol

2

Filipino

3

Ingles

4

Sanskrit

6

Multiple Choice

Ito ay ang ebolusyon ng dating “swardspeak” at gay lingo na matagal nang palasak sa lipunang Pilipino.

1

Alibata

2

Baybayin

3

Bekimon

4

Jejemon

7

Multiple Choice

Sa pakikinig ng balita sa radyo o telebisyon, ano ang dapat isaalang–alang ng isang mahusay na tagapakinig?

1

Maging malawak ang kanyang pananaw.

2

Makabuo ng isang kuro–kuro.

3

May paninindigan sa mga isyung kanyang napakinggan sa radyo.

4

Susuriin nang mabuti ang nilalaman ng napakinggang balita sa radyo bago magbigay ng opinyon o kuro-kuro.

8

Multiple Choice

Mas kapani-paniwala ang paggamit ng mga salita sa pagbabalita kung ito’y binibigyan ng buhay ng mga tagapagdaloy ng programa.

1

Broadcasting

2

pagbasa

3

pagsasalaysay

4

pagsulat

9

Multiple Choice

Bakit kinakailangang maging mapanuri sa mga salitang ginagamit sa mga balita sa radyo at telebisyon?

1

para makaiwas sa mga kamaliang gramatikal

2

upang maiwasan ang di-tuwirang pagbibigay ng opinyon

3

para maging bukas ang isipan sa pagsusuri sa nilalaman ng mga balita bago humusga sa isyung pinag-uusapan at maiwasan ang kumakalat na fake news

4

upang maging alisto sa mga nangyayari sa paligid

10

Multiple Choice

Anong wika ang ginagamit sa ating bansa sa pagbabalita sa radyo?

1

Baybayin

2

Ingles

3

rehiyonal

4

Tagalog

11

Multiple Choice

Malawak ang impluwensiya nito sa madla na maaaring makalikha ng wikang posibleng magamit sa pang-araw-araw.

1

magasin

2

pahayagan

3

radyo

4

telebisyon

12

Multiple Choice

Alin sa mga salita ang maaaring marinig sa nagbabalita kung ang paksa ay wika?

1

arbitraryo

2

download

3

menu

4

roller

13

Multiple Choice

Pinag-uusapan sa balita ang computer at binanggit ang virus. Ano ang virus?

1

bahagi ng computer

2

malware na sumisira sa sistema ng computer

3

organismo na nagdudulot ng sakit

4

nakahahawang sakit ng tao

14

Multiple Choice

Ayon sa balita, nagkaroon ng malawakang operasyon ang militar sa bansa. Ibigay ang ibig sabihin ng operasyon.

1

ginawa sa negosyo

2

isinagawang plano

3

pagbiyak sa tiyan

4

usapan ng organisasyon

15

Multiple Choice

Ibinalita sa radyo na hinatulan na sa korte ang salarin. Ano ang korteng tinutukoy?

1

hugis

2

hukuman

3

husgado

4

hustisya

16

Multiple Choice

Saan nakaayon ang mga salitang ginagamit sa pagbabalita sa radyo o telebisyon?

1

paksa

2

sagot

3

tao

4

wika

17

Multiple Choice

Kailangan ang matamang pakikinig dito upang lubos na maintindihan ang sinasabi nang hindi nakikitang nagbabalita.

1

Komiks

2

Cellphone

3

pahayagan

4

radyo

18

Multiple Choice

Mangyayari ito sa isyu kapag nagkamali ng gamit ng salita sa pagbabalita.

1

pagtataluhan

2

pag-uusapan

3

pagkakaisahan

4

pagkakaguluhan

19

Multiple Choice

Ang nagbibigay-buhay sa pagbabalita sa radyo at telebisyon

1

broadcaster

2

manager

3

musician

4

singer

20

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang o kaya’y sa iyong sagutang papel.

21

Open Ended

Bilang isang kabataang Pilipino, bakit kinakailangang hindi lang basta nakapagsasalita ng wika bagkus mas mahalagang nagagamit nang tama ang mga salita lalo na ang gramatika kapag tayo’y nakikipag-usap sa iba?

22

Open Ended

Paano mo maiiwasan at malalabanan ang kumakalat na “fake news” lalo na sa social media?

23

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kaban ng kaalaman at humanda sa pagsagot sa susunod na bahaging Pagyamanin.

24

Angkop na mga Salita Ayon sa Konteksto sa mga Balita sa Radyo at Telebisyon

25

Sa makabagong henerasyon, mababatid natin ang mga epekto ng makabagong teknolohiya sa ating wika at kultura. Dahil sa malikhaing pag-iisip at pananaliksik, nakatutuklas ang mga tao ng bagong mga kaalaman tungkol sa teknolohiya tulad ng “social media”.

26

Ang wika ay nagbabago sa kadahilanang ang kinagisnang wika ng mga tao sa panahon ngayon ay nakaayon sa moderno at makabagong panahon. Bawat panahon at pagkakataon ay nagagamit at napauunlad ang wikang Filipino. Kabilang dito, ang paggamit ng mga pinausong lengguwahe tulad ng Jejemon at gay lingo. Pero kung papansinin natin ang mga kabataan ngayon ay mas tinatangkilik nila ang sikat na sikat na mga salita ngayon na alam na alam nila. In na in sila kapag ito ang kanilang ginagamit sa pakikipag-usap para makasabay sa uso.

27

Sa panahon ngayon, kung ano ang trending ay siya namang tatangkilikin at pagpipiyestahan ng mga tao. Sa broadcasting ay mas kapani-paniwala ang paggamit ng mga salita sa pagbabalita kung ito’y binibigyan ng buhay ng mga tagapagdaloy at tagapagtaguyod ng programa; sa pagbabalita rin sa radyo ay kinakailangang maging maingat sa paggamit ng mga salita sapagkat nakasalalay sa pagbibitaw ng mga ito ang mas kapani-paniwalang impormasyon na inihahatid sa mga tagapakinig. Minsan nama’y nagiging kontrobersiyal ito kapag mali-mali ang mga pahayag at pangungusap na ginagamit.

28

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami na ring pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga social networking site, text message, mass media, newspaper, at marami pang iba. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga karahasan, mga kalamidad, at iba pang nangyayari sa ating bansa. Dahil nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng media, mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Nagiging kapani-paniwala ang pamamahayag na ginagamit sa balita sa radyo at telebisyon kung maayos din ang paraan ng pagkakagamit nito.

30

Suriin

Panuto: Basahing mabuti ang usapan o pahayag na hango mula sa radyo at telebisyon. Palitan nang mas angkop na salita o pangungusap ang makikita mong kamaliang gramatikal sa mga ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

31

Open Ended

1. Host: Balita ko wall-to-wall daw ang pag-design ng bagong bahay mo.

Bisita: Naku hindi naman, sa kisame lang!

Ano ang maaari mong gawin o paano mo babaguhin ang tanong ng host para mas maintindihan ito ng bisita at nang masagot niya ito nang maayos?

32

Open Ended

2. Host: Isa kang tunay na superhero! Biro mo talo mo pa si Superman, na-save mong lahat ang mga taong ‘yan sa sunog. Super galing mo talaga!

Bisita: Presence of mind lang. Ako pa ba kering-keri naman.

Anong salita ang aayusin mo sa sagot ng bisita para umangkop ang sagot sa tanong?

33

Open Ended

Host: Why are you such a big fan o KPOP Group?

Bisita: Kasi, ang giling-giling nila talaga! Bongga!

Anong salita ang aayusin mong sagot ng bisita para umangkop ang sagot sa tanong?

34

Open Ended

Question image

1. Ano ang maaaring nagaganap sa ipinapahayag ng mga larawan?

2. Magbigay ng programang panradyo at pantelebisyon.

35

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng piniling sagot.

36

Multiple Choice

Ano ang dapat pag-ingatan sa pagbabalita sa radyo at telebisyon?

1

anyo ng balita

2

gamit ng salita

3

katayuan ng tao

4

pangalang binabanggit

37

Multiple Choice

Paanong paraan napauunlad ng panahon ang wikang Filipino?

1

pagkakaroon ng bagong mananakop

2

pagpapakalat ng mga balita sa mundo

3

pagpapalit ng kahulugan ng salita

4

pag-usbong ng bagong wika

38

Multiple Choice

Ano ang makabagong gamit ng tao sa larangan ng pakikipag-ugnayan sa tao?

1

pahayagan

2

panayam

3

social media

4

telebisyon

39

Multiple Choice

Ano ang nangyayari sa isyu kapag nagkamali ng gamit ng salita sa pagbabalita?

1

intriga

2

kontrobersyal

3

nag-aalsa ang tao

4

pagkakaisa ng tao

40

Multiple Choice

Kanino o saan mas pinaniniwalaan ang gamit ng salita sa pagpapahayag?

1

sa kakilala

2

sa kilalang tao

3

sa pagbabalita

4

sa usapan

41

Isaisip

Panuto: Sa panahon ngayon, may mga balita sa radyo at telebisyon na naging kontrobersiyal dahil sa ginamit na salita ng mga personalidad na kinapanayam. Basahin mo ang bawat pahayag at sagutan ang mga tanong. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot o kaya’y sa iyong sagutang papel.

42

Open Ended

1. Naging kontrobersiyal at binatikos ng mga netizen ang mga salitang binitawan ng direktor sa pelikulang “Oro” na si Alvin Yapan at ng aktres na si Irma Adlawan na nagwagi bilang Best Actress noong 2016 Metro Manila Film Festival dahil di-umano’y pagpatay sa isang aso sa eksena. Sabi ni Direk Alvin Yapan sa interbyu sa GMA News TV na nauunawaan niya na may na-offend na mga sektor sa lipunan “and we apologize for that, totoo ‘yun puwede naman talaga kaming gumamit ng prosthetics kung wala naman talaga kaming nakita na papatay ng aso, that day itself na magsu–shoot kami.” Kung mabibigyan ka ng pagkakataong maiayos ang sinabi niya, paano mo ito papalitan nang mas angkop na salita o pangungusap para mas maiparating mo ang mensahe nang hindi magagalit sa iyo ang mga taong nanonood sa telebisyon?

43

Open Ended

Hindi maiwasang mangamba ng mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine. Kamakailan lang, naisiwalat na maaaring tamaan ng severe dengue ang mga nabakunahan na hindi pa nagkakaroon ng dengue o tinatawag na 'seronegative'. Ito ay nai-ere noong Enero 16, 2018. Binanggit ng DOH ang

isyu tungkol sa Dengvaxia vaccine, ano sa tingin mo ang dapat nilang sinabi para hindi umani ng mga ganitong batikos hindi lang sa mamamayan ng Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa?

______________________________________________________________________________

44

Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong para sa mas malawak mong kaalaman sa aralin. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot o kaya’y sa iyong sagutang papel.

45

Open Ended

Para sa iyo, pangatuwiranan ang impluwensiya ng mass media sa paggamit ng tao ng wika sa lipunan.

46

Open Ended

Ang telebisyon ba at radyo ay isang matinding pangangailangan ng tao sa pagkuha ng mga impormasyon sa araw-araw? Bakit?

47

Open Ended

Paano nakapag-aambag ang balita sa telebisyon o radyo sa wastong gamit ng salita sa pang-araw-araw na pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapwa?

48

Open Ended

Maghanap ng isang halimbawa ng “fake news’”. Bakit mo nasabing “fake news” ito? Gamitin ang angkop na mga salita at pangungusap sa pagbabalita upang maging makatotohanan ang “fake news” na iyong nabasa, narinig o napanood.

49

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ang sumusunod na pahayag na batay sa iyong natutuhan bilang kabuuan sa pinag-aralang aralin. Isulat ang titik ng piniling sagot sa iyong sagutang papel.

50

Multiple Choice

Wikang nakaalinsunod sa 1987 Konstitusyon na ginagamit nang nakararami sa Pilipinas.

1

Bekimon Filipino

2

Chavacano

3

Filipino

4

Jejemon

51

Multiple Choice

Ebolusyon ng dating “swardspeak” na matagal nang kilala.

1

alpabeto

2

Baybayin

3

Bekimon

4

Jejemon

52

Multiple Choice

Nagiging kapani-paniwala ang ginagamit na mga salita sa pagbabalita kung ito’y binibigyang-buhay ng tagapagbalita.

1

broadcasting

2

pagsasalaysay

3

pagsulat

4

pagtatala

53

Multiple Choice

Ito ay dapat isaalang-alang ng isang tagapakinig ng mga pahayag sa radyo at telebisyon.

1

Makabuo ng isang maayos na kuro-kuro.

2

May malawak na pananaw o pag-unawa.

3

May paninindigan sa isyung pinakikinggan.

4

Susuriin nang mabuti ang nilalaman ng napakinggang balita sa radyo bago magbigay nang maayos na opinyon o kuro-kuro.

54

Multiple Choice

Bakit kinakailangang maging mapanuri sa mga salitang ginagamit sa mga balita sa radyo at telebisyon?

1

para makaiwas sa mga kamaliang gramatikal

2

upang maiwasan ang di-tuwirang pagbibigay ng opinyon

3

para maging bukas ang isipan sa pagsusuri sa nilalaman ng mga balita bago humusga sa isyung pinag-uusapan at maiwasan ang kumakalat na fake news

4

upang maging alisto sa mga nangyayari sa paligid

55

Multiple Choice

Ano ang ginagamit na media na kailangang makinig nang husto para maintindihan ang sinasabi nang hindi nakikitang nagbabalita?

1

cellphone

2

pahayagan

3

radyo

4

telebisyon

56

Multiple Choice

Paano mapauunlad ng mga balita sa radyo at telebisyon ang wikang Filipino?

1

paggamit ng wikang kaiba

2

paglikha ng wikang magagamit

3

pagpapakalat ng mga balita sa mundo

4

pagpapalit ng kahulugan ng salita

57

Multiple Choice

Aling media ang maimpluwensiya sa madla na makapagpapakilala ng wikang posibleng magamit sa araw-araw?

1

headphone

2

microphone

3

radyo

4

telebisyon

58

Multiple Choice

Saang bahagi ng balita madalas sabihin ang mga salitang “nagbabagang balita” na maririnig sa broadcaster?

1

bawat bagong paksa

2

kalagitnaan ng balita

3

panimula ng balita

4

pagtatapos ng balita

59

Multiple Choice

Kanino o saan mas pinaniniwalaan ang gamit ng salita sa pagpapahayag?

1

sa kakilala

2

sa kilalang tao

3

sa pagbabalita

4

sa usapan

60

Multiple Choice

Kung madalas mabanggit ang pagbabago-bago ng wika mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan, ano ang pangunahing paksa ng balita?

1

ebolusyon ng wika

2

kasalukuyang wika

3

limot na wika

4

modernong wika

61

Multiple Choice

Alin ang pinag-iingatan sa pagsisiwalat ng balita sa radyo at telebisyon?

1

gamit ng salita

2

pagsasalita ng broadcaster

3

nilalaman ng balita

4

taong may kaugnayan

62

Multiple Choice

Ano ang ipinahihiwatig kapag ang narinig na mga salita sa balita ay agad-agad itong nagagamit?

1

maayos ang balita

2

mahusay ang balita

3

maimpluwensiya ang balita

4

matatag ang balita

63

Multiple Choice

Ito ang salitang maririnig sa nagbabalita kung ang paksa ay coronavirus?

1

hashtag

2

quarantine

3

lookout

4

buy-bust

64

Multiple Choice

Ano ang naitutulong ng paggamit ng angkop na wika sa pagbabalita sa radyo o telebisyon?

1

madaling maunawaan

2

maganda sa pandinig

3

magulo ang usapin

4

nagbibigay ng palaisipan

65

Open Ended

Question image

Karagdagang Gawain

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan Modyul 8 Wika sa Konteksto ng Radyo at Telebisyon

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 65

SLIDE