Search Header Logo
KPWKP_q2_mod14_Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik_v2

KPWKP_q2_mod14_Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik_v2

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Edgar Monte

Used 1+ times

FREE Resource

77 Slides • 43 Questions

1

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan Modyul 14-Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik

2

Alamin

Kasanayang Pampagkatuto:

Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU-IIg-88)

3

Layunin:

• Naiisa-isa ang bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.

• Nakabubuo ng gabay taglay ang mga tiyak na hakbang at proseso upang makabuo ng makabuluhang pananaliksik.

• Nakapagpapahayag ng damdamin o saloobin ukol sa bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.

4

Subukin

Tukuyin ang mga bahagi ng pananaliksik. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

5

Multiple Choice

Makikita sa bahaging ito ang paglilimita ng paksa, pagbuo ng tanong, haypotesis, pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

1

Pagsusuri ng Datos

2

Pangangalap ng Datos

3

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

4

Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

6

Multiple Choice

Sa bahaging ito makikita ang paraang istatistikal o matematikal sa pagbibigay interpretasyon ng datos sa kwantitatibong pananaliksik at pagbuo ng mga tema o kategorya sa kwalitatibong pananaliksik.

1

Pagsusuri ng Datos

2

Pangangalap ng Datos

3

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

4

Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

7

Multiple Choice

Dito nagaganap ang pagbuo ng paradaym, konseptuwal at teoritikal na balangkas at pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos.

1

Pagsusuri ng Datos

2

Pangangalap ng Datos

3

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

4

Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

8

Multiple Choice

Sa bahaging ito isinasagawa ang presentasyon sa mga kumperensya o iba pang paraan ng pagbabahagi o pamimili ng journal kung saan ilalathala ang pananaliksik.

1

Pagsusuri ng Datos

2

Pagbabahagi ng Pananaliksik

3

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

4

Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

9

Multiple Choice

Sa prosesong ito nagaganap ang pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktwal na paggamit nito.

1

Pangangalap ng Datos

2

Pagbabahagi ng Datos

3

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

4

Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

10

Multiple Choice

Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya.

1

Paglalahad ng Suliranin

2

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

3

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

4

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

11

Multiple Choice

Ang mahalaga sa bahaging ito ay naiuugnay ng may akda ang mga konseptong nagmula sa literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pag-aaral.

1

Paglalahad ng Suliranin

2

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

3

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

4

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

12

Multiple Choice

Sa bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang bibigyang kasagutan sa kabuuan ng pag-aaral.

1

Paglalahad ng Suliranin

2

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

3

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

4

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

13

Multiple Choice

Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa pananaw ng mga mag- aaral sa baitang 11 ng Don Ababa Senior High School sa paggamit ng Taglish sa librong Pinoy New Testament sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katanungan patungkol sa napiling paksa. Ang nilalaman ng unang pangungusap ay halimbawa ng anong bahagi ng pananaliksik?

1

Daloy ng Pag-aaral

2

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

3

Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

4

Teoritikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

14

Multiple Choice

Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) sa mga piling mag- aaral ng Don Ababa Senior High School ang Taglish sa bersyon ng Bibliya na Pinoy New Testament. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang ganitong pahayag?

1

Paglalahad ng Suliranin

2

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

3

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

4

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

15

Multiple Choice

Ang pag-aaral ay nasa disenyong kwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta sa pamamagitan ng matematikal at estatistikal na pamamaraan. Sa anong bahagi ng pananaliksik makikita ang ganitong pahayag?

II.A Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

II.B Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

II.C Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

II.D Paraan sa Paglikom ng Datos

II.E Paraan sa Pagsusuri ng Datos

1

II.A

2

II.B

3

II.E

4

II.C at II.D

16

Multiple Choice

Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang estatistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paanong isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap.

II.A Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

II.B Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

II.C Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

II.D Paraan sa Paglikom ng Datos

II.E Paraan sa Pagsusuri ng Datos

1

II.C

2

II.D

3

II.E

4

II.A

17

Multiple Choice

Ang bahaging ito ang tumatalakay sa kinalabasan ng pag-aaral batay sa suliraning inilahad. Dito maingat na inihahanay, isinasaayos nang may organisasyon sa pamamagitan ng kategorisasyon at sinusuri ang mga patunay upang patunayan o pasubalian ang haypotesis ng pag-aaral.

Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa itaas?

II.A Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

II.B Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

II.C Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

II.D Paraan sa Paglikom ng Datos

II.E Paraan sa Pagsusuri ng Datos

1

II.A at II.B

2

II.C

3

II.D

4

II.E

18

Multiple Choice

Upang magkaroon ng bahaging pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatatag ng pananampalataya at pananalig sa Diyos, gamitin ang Pinoy New Testament. Ito ay makikita sa bahagi ng___________________.

1

III. 1 Resulta at Diskusyon

2

IV.1 Lagom

3

IV.2 Konklusyon

4

IV.3 Rekomendasyo

19

Multiple Choice

Sa anong bahagi ng pananaliksik makikita ang mga pahayag na ito: Batay sa pananaliksik, napag-alaman ang mga sumusunod

1. Swak (tanggap) ang pagsasalin sa wikang “Taglish” ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11.

2. Lubhang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT sa mga magaaral sa baitang 11.

3. Lubhang nakatutulong ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino para sa mga mag-aaral ng baitang 11

1

Resulta at Diskusyon

2

Lagom

3

Kongklusyon

4

Rekomendasyon

20

Balikan

Magbigay ng mahahalagang katanungan na dapat sagutin sa pagsusuri ng isang pananaliksik sa bawat bahagi nito.

21

Open Ended

1. Paksa

Tanong:

22

Open Ended

2. Nilalaman

Tanong:

23

Open Ended

3. Layon

Tanong:

24

Open Ended

4. Gamit/Kahalagahan

Tanong:

25

Open Ended

5. Metodo

Tanong:

26

Open Ended

6. Etika

Tanong:

27

Tuklasin

Narito ang mga iminumungkahing hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik batay kay De Laza (2016) mula sa kanyang aklat na “Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananalik, pahina 136-139:

28

1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

Gawing tiyak at payak ang paksa. Mula sa malawak na sakop ay mapaliit ito upang maging ispesipiko. Ang tiyak at pinapayak na paksa ay isinasalin sa anyo ng tanong na magiging batayan ng buong pananaliksik. Iminumungkahing dapat na ipinapaksa ay may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ating wikang Filipino na kasasalaminan ng kulturang Pilipino.

29

2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik

Ang bahaging ito ang nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Planuhin kung anong uri ng pananaliksik ang isasagawa batay sa paglalahad ng suliranin. Mahalagang tukuyin muna kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo dahil nakasalalay dito kung anong mga instrumento at pamamaraan ang dapat gamitin.

30

3. Pangangalap ng Datos

Dito isinasagawa o binubuo ang kasangkapan sa pangangalap ng datos base pa rin sa disenyo nito. Ang mga ito ay ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuring dokumento. Kasunod nito ang aktwal na pangangalap ng datos, at isinasaayos para naman sa presentasyon.

31

4. Pagsusuri ng Datos

Dito isinasagawa o binubuo ang kasangkapan sa pangangalap ng datos base pa rin sa disenyo nito. Ang mga ito ay ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuring dokumento. Kasunod nito ang aktwal na pangangalap ng datos, at isinasaayos para naman sa presentasyon.

32

5. Pagbabahagi ng Pananaliksik

Matapos maisulat ang saliksik, tiyaking naibabahagi ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya sa mga silid-aklatan, sa guro at ibang mag-aaral upang magamit sa pag-aaral. Kaya iminumungkahi rin na isali sa mga komperensyang pampaaralan, pangdibisyon o maging sa nasyonal at internasyonal man. Malaking tulong kung ito ay nailalathala sa iba’t ibang publikasyon gaya ng mga refereed journal (online o hindi), libro at iba pang uri ng lathalain.

33

Suriin

Narito ang kabuuang bahagi ng pananaliksik:

34

A. Introduksiyon

Ang bahaging ito ang nagsisilbing panimula o introduksyon, nagpapakilala ng halaga ng may akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay ng layunin ng pananaliksik. Tinatalakay dito ang batayan ng pag-aaral. Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya.

35

Halimbawa:

Ayon kay Hymes (1972), nangangahulugan na ang wika ay buhay, bukas ito sa sistema ng pakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago ito sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Kung kaya’t ito ang magiging batayan ng pag-aaral na ito kung swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ng mga mag-aaral ang paggamit ng “Taglish” maging sa banal na aklat. Mapapatunayan natin o mapapasubalian ang pananaw na ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago.

36

Ang Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang batayang deskripsyon para sa pag-aaral na ito: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumadaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Ayon na nga dahil ang wikang Filipino ay buhay nagkakaroon ito ng ebolusyon, ang ibig sabihin ay may pagbabago.

37

Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng Filipino, walang Pilipino na diretsong nagsasalita ng Filipino, ito’y may halong Ingles na tinatawag nating “Taglish”. Ito’y gamit na gamit lalo na sa mga kabataan. Kaya ang sitwasyong ito na paggamit sa “Taglish” maging sa banal na kasulatan ay aalamin natin kung swak pa rin ba o katanggap-tanggap pa rin ba sa mga kabataan.

38

Ang Bibliya ay isang banal na aklat na karaniwang ginagamit sa simbahan, sa tahanan o kahit saang dako pa man. Karaniwan, ang Bibliya ay isinasalin sa iba’t ibang lengguwahe kagaya na lamang ng wikang Filipino, Bisaya, llonggo at iba pa. Ito rin ay ipinapamahagi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ito ay mayroong 66 na aklat (39 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan). Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pagiging maka-Diyos kung kaya’t ang pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika ay lubos na mahalaga para sa mga katutubo at iba pang mga Pilipino na naninirahan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

39

Sinabi ni Lewis(1999), isang klerigong Ingles noong ika-18 siglo na habang lumilipas ang wika ay hindi na ito naiintindihan kaya kinakailangang suriin ang mga lumang salin nito para rebisahin sa wika na ginagamit sa kasalukuyan para maunawaan ng bagong henerasyon. Ayon pa sa kanya, mahalaga ang bagong bersyon ng Bibliya dahil ito ang magpapakilos sa salita ng Diyos at mapapakinabangan ito hanggang sa mga susunod pa na salinlahi.

40

Noong 1968, ayon sa Philippine Bible Society, napagkasunduan ng Secretariat for Promoting Christian Unity at ng United Bible Societies na gamitin ang dokyumentaryong Guiding Principles for Interconfessional Cooperation sa pagsasalin ng Bibliya. Sinasabi rin na mahalaga ito dahil dito pinag- uusapan kung paano mareresolba ang iba’t ibang katanungan patungkol sa iba’t ibang pagsasalin. Ito ang kanilang naging batayan sa pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika.

41

Habang tumatagal, padagdag nang padagdag ang kaalaman ng mga tao lalo na ang mga kabataan. Nauuso sa panahon ngayon ang pinaghalong Tagalog at Ingles na mas kilala sa bansag na ‘Taglish’, ito ay ang lengguwaheng karaniwang ginagamit ng mga kabataan ngayon. Malaki ang naging epekto nito lalo na sa pakikipagkomunikasyon at pakikihalubilo sa kapwa.

42

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang bahaging ito nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pinapaksa o pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang bibigyang kasagutan sa kabuuan ng pag-aaral. Sa madaling salita, ito ang pinakapuso ng saliksik sapagkat dito nakabatay ang lahat ng bahagi ng saliksik.
Ito ang magtatakda kung anong disenyo ang mabubuo ng pananaliksik.

43

Halimbawa:

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

44

1. Swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang “Taglish” ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11 ng DASHS?

2. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11 ng DASHS?

3. Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga kalahok?

45

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang layunin ng pag-aaral.

Iminumungkahi na kung ano ang nasa paglalahad ng suliranin, dapat ito rin ang itatakdang layunin o bibigyang kasagutan at inaasahang matamo matapos ang pag-aaral.

Ang kahalagahan ay tumutukoy sa kung ano ba ang kapakinabangan ng isinasagawang pag-aaral. Ano ba ang magiging kontribusyon nito sa lipunan, paaralan o pangkat ng taong kinabibilangan at sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.

46

Halimbawa:

Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) sa mga piling mag- aaral ng Don Ababa Senior High School ang “Taglish” sa bersyon ng Bibliya na Pinoy New Testament. Ang mga tiyak na layunin nito ay ang sumusunod:

47

1. Upang malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa “Taglish” ng Pinoy NT sa mag-aaral ng baitang 11;

2. Upang alamin kung nakawiwili o nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11;

3. Mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga mag-aaral sa baitang 11.

48

D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Sa bahaging ito ay inilalahad ang mga kaugnay na literatura at pagaaral. Binubuo ito ng dayuhang literatura, lokal na literatura, dayuhang pagaaral at lokal na pag-aaral. Ang mahalaga sa bahaging ito ay naiuugnay ng may akda ang mga konseptong nagmula sa literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pag-aaral. Sa madaling salita, mayroong pag-aanalisa at naikokonekta nito ang mga kaisipan.

49

Halimbawa:

Ayon kay Rubrico (1999), ang kultura ay ang kabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-uugnay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay.

50

Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika. Habang natutunan ng isang bata ang kanyang katutubong wika, unti-unti rin niyang nakukuha ang kanyang kultura.

51

Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay maiintindihan at mapahahalagahan maging ng mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.

52

Hango sa aklat na Bible Translations: And How to Choose BetweenThem ni Duthi ( 1985 ), ang mga taong naniniwala na ang Bibliya ay salita ng Diyos sa sangkatauhan, ito ay nangangahulugang ang Diyos ay nakikipag-usap sa kanila. Kung naaapektuhan ng isang relihiyon ang kabuuan ng buhay, kung gayon ang wika ng Bibliya ay yaong sa pang-araw-araw na buhay.

53

Ang Bibliya sa anumang paraan ay hindi isang aklat na may lipas nang mga kasabihang relihiyoso. Ito’y “buháy at may lakas” na naglalaan ng tunay na lunas sa mga suliranin ng pang-araw-araw na buhay. Gayunman, upang maunawaan at maikapit ng mga mambabasa nito ang banal na aklat na iyan, ito’y dapat na nasa wika ng pang-araw-araw na buhay. Tutal, ang tinatawag na Bagong Tipan ay isinulat, hindi sa klasikong wikang Griego na ginagamit ng mga pilosopong tulad ni Plato, kundi nasa karaniwan, pang-araw-araw na wikang Griegong tinatawag na Koine. Ang Bibliya’y isinulat upang mabasa at maunawaan ng karaniwang mga tao.

54

Sa layuning ito, marami ng modernong salin ang ginawa sa nakaraang mga taon sa iba’t ibang wika. Malimit na ang resulta ay totoong kapaki-pakinabang. Ang Kasulatan ay pinapangyaring madaling maunawaan ng publiko sa pangkalahatan. Gayunman, nakalulungkot sabihin na karamihan sa bagong mga bersiyong ito ay nagkukulang kung tungkol sa walang pinapanigang ganap na kawastuan at pagkakasuweto. Halimbawa, ang ilan ay may hilig na palabuin ang maliwanag na turo ng Bibliya hinggil sa kalagayan ng mga patay, sa kayarian ng kaluluwa ng tao, at sa pangalan ng tunay na Diyos.

55

Sinabi ni Lewis (2002), isang klerigong Ingles noong ika-18 siglo na habang lumilipas ang wika ay hindi na ito naiintindihan kaya kinakailangang suriin ang mga lumang salin nito para rebisahin sa wika na ginagamit sa kasalukuyan para maunawaan ng bagong henerasyon. Ayon pa sa kanya na mahalaga ang bagong bersyon ng Bibliya dahil ito ang magpapakilos sa salita ng Diyos at mapapakinabangan ito hanggang sa mga susunod pa na salinlahi. Dagdag pa niya na ang mga iskolar ng bayan ngayon ay nasa mas magandang kalagayan para suriin ang lumang mga salin. Mas nauunawaan nila ang sinaunang mga wika ng Bibliya at mayroon silang mahahalagang sinaunang manuskrito ng Bibliya na kamakailan lang natagpuan. Makatutulong ang mga ito na mas matiyak ang orihinal na nilalaman ng Bibliya.

56

Kung susuriin ang sinabi ni Lewis na habang lumilipas ang panahon ang wika ay hindi na naiintindihan kaya’t kinakailangang suriin at rebisahin upang maunawaan ng bagong henerasyon. Malinaw na may batayan ang pagsasalin ng Bibliyang Pinoy New Testament sa wikang “Taglish” sapagkat ito ang wikang ginagamit ng mga kabataan.

57

Wala namang batas o kautusang nagtatakda sa kung anong wika ang gagamitin sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos. Ano mang wika ang gamit basta’t ito’y hindi lumilihis sa tunay na konteksto at kahulugan, hindi naman itomakapagpapabago sa tunay na kalagayan ng iyong paniniwala at pananampalataya.

58

E. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa pinaghanguang teorya, modelo, paradaym at kaugnay na paglalahad ng suliranin at haypotesis ng isang naunang pag-aaral. Ang konseptuwal na balangkas ay naglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng pagsusuri ng datos. Isa itong pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik.

59

Halimbawa:

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon ng Wikang Filipino. Batay dito, ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga dikatutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

60

Halimbawa:

Malinaw na nakasaad dito na dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas na kung saan ang Taglish na wika ay wikang sosyal ng ilang pangkat ng tao sa Pilipinas.

Ipinahayag din na ang Wikang Filipino ay buhay kung kaya’t ang Filipinong may halong Ingles o “Taglish” ay isang matibay na pruweba o patunay. Kung kaya’t nararapat na tanggapin maging sa pagsasalin ng salita ng Diyos o sa Bibliya.

61

media

62

Dito naman makikita ang lugar at bilang ng kalahok sa pag-aaral. Maging ang grupo na kanilang kinabibilangan. Gayon din ang hindi kabilang sa pag-aaral at kung bakit.

63

Halimbawa:

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa pananaw ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Ababa Senior High School sa paggamit ng Taglish sa librong Pinoy New Testament sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katanungan patungkol sa napiling paksa. Kinabibilangan ito ng 95 na estudyante: 10 na babae at 10 na lalaki na kabilang sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), 13 na babae at 10 na lalaki sa ABM (Accountancy, Business and Management),15 na babae at 10 na lalaki sa HUMSS (Humanities and Social Sciences), 15 na babae at 12 na lalaki sa GAS (General Academic Strand) at TVL (Technical-Vocational-Livelihood).

64

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at iba pang mga empleyado sa paaralan. Ang mga nakalap na datos ay gagamitin upang mapatunayan na ang pag-aaral na ito sa taong pampaaralan 2018 – 2019 ay lehitimo.

65

KABANATA II

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Tutukuyin kung anong uri ng pananaliksik ang nararapat na gamitin, kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo. Ito ay nakabatay sa layunin o paglalahad ng suliranin maging sa uri ng instrumentong gagamitin sa pangangalap at pagsusuri ng datos.

66

Halimbawa:

Ang pag-aaral ay nasa disenyong kwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta sa pamamagitan ng matematikal at estatistikal na pamamaraan.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey, isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik na susuriin ang datos sa pamamagitan ng weighted mean.

67

Lokal at Populasyon ng Pag-aaral

Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik. Kabilang sa mga ito kung sino, tagasaan, o kaya ay sa kung sa anong samahan o organisasyon may kaugnayan ang kalahok.

68

Halimbawa:

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa South Square Village, Pasong Kawayan II, Lungsod ng Heneral Trias, Cavite. Ang mga kalahok ng pananaliksik ay nagmula sa mga piling mag-aaral ng Don Ababa Senior High School na nasa baitang 11 sa taong-pampaaralan 2018 – 2019.
Kinabibilangan ito ng 95 na mag-aaral: 10 na babae at10 na lalaki na kabilang sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), 13 na babae at 10 na lalaki sa ABM (Accountancy, Business and Management),15 na babae at 10 na lalaki sa HUMSS (Humanities and Social Sciences), 15 na babae at 12 na lalaki sa GAS (General Academic Strand) at TVL (Technical-Vocational-Livelihood).

69

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Sa bahaging ito, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.

70

Halimbawa:

Ang napiling instrumento sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ay questionnaire o talatanungan. Ito’y naglalaman ng katanungan na naaayon sa paksa, PINOY NEW TESTAMENT: Swak o Ligwak ba ang Pagsasalin sa Wikang Taglish para sa mag-aaral ng Don Ababa Senior High School.

71

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa South Square Village, Pasong Kawayan II, Lungsod ng Heneral Trias, Cavite. Ang mga kalahok ng pananaliksik ay nagmula sa mga piling mag-aaral ng Don Ababa Senior High School na nasa baitang 11 sa taong-pampaaralan 2018 – 2019.

72

Kinabibilangan ito ng 95 na mag-aaral: 10 na babae at10 na lalaki na kabilang sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), 13 na babae at 10 na lalaki sa ABM (Accountancy, Business and Management),15 na babae at 10 na lalaki sa HUMSS (Humanities and Social Sciences), 15 na babae at 12 na lalaki sa GAS (General Academic Strand) at TVL (Technical-Vocational-Livelihood).

73

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Sa bahaging ito, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.

74

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Sa bahaging ito, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.

75

Halimbawa:

Ang napiling instrumento sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ay questionnaire o talatanungan. Ito’y naglalaman ng katanungan na naaayon sa paksa, PINOY NEW TESTAMENT: Swak o Ligwak ba ang Pagsasalin sa Wikang Taglish para sa mag-aaral ng Don Ababa Senior High School.

76

Paraan sa Paglikom ng Datos

Nilalaman ng bahaging ito ang hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos.

Halimbawa:

Ang mga questionnaire o talatanungan ay ibinahagi sa 95 na mga magaaral sa nasabing paaralan. Ang mga napiling sasagot ay gumamit ng Pinoy New Testament upang masuri nila nang maayos ang nilalaman nito. Ang mga mag-aaral ay mayroong ilang minuto upang mapag-isipan nila nang maayos ang kanilang mga kasagutan.

77

Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang estatistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paanong isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na nakalap.

78

Halimbawa:

Upang makuha ang sagot kung swak o ligwak ang paggamit ng Taglish na pagsasalin sa Pinoy NT sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng DASHS ay ginamit ang weighted mean at ginawang batayan ang sumusunod na pamantayan at deskripsyon sa pagbibigay ng interpretasyon dito.

79

media

80

Ang pagsusuri ay nagmula sa pagsukat ng epekto ng Taglish sa Pinoy NT sa mga baitang 11 ang magiging batayan upang sabihing Swak o Ligwak ang paggamit ng Taglish sa Pinoy NT.

81

KABANATA III. Resulta at Diskusyon

Ang bahaging ito ang tumatalakay sa kinalabasan ng pag-aaral batay sa suliraning inilahad. Dito maingat na inihahanay, isinasaayos nang may organisasyon sa pamamagitan ng kategorisasyon at sinusuri ang mga patunay upang patunayan o pasubalian ang haypotesis ng pag-aaral. Bawat numero o bilang na lumabas sa tabyular at grapikal na paglalahad ay binibigyang paliwanag at pag-uugnay-ugnay para sa malinaw na kinalabasan.

82

media

83

Mula sa katanungang swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang “Taglish” ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang 11? Lumabas na “Lubos na Epektibo” ang paggamit ng “Taglish” sa mga kalahok dahil sa weighted mean na 3.39. Nangangahulugang swak ang “Taglish” sa mga mag-aaral ng Baitang 11. Sa ikalawang katanungan naman na “Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang11?”, nakapagtala ito ng 3.52 weighted mean na nangangahulugang “Lubos na kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT na gumagamit ng “Taglish”. Para naman sa katatungang “Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino?” ito’y “Lubhang Epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na naitala.

84

Batay sa sinabi ni Hymes (1972), ang wika ay buhay, bukas ito sa sistema ng pakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago ito sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit, ay napatunayang totoo batay sa resulta ng pag-aaral.

85

Sa kabuuan, ang “Taglish” na wikang ginamit sa Pinoy NT ay lubhang epektibo o swak para sa mga mag-aaral ng baitang 11. Lubhang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang paggamit nito sa Bibliya. Ang paggamit ng “Taglish” ay lubhang nakatutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspektong pananampalataya ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Don Ababa Senior High School.

86

KABANATA IV. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Inilalahad dito ang kabuuang lagom o buod ng kinalabasan ng pagaaral na nakabatay sa pagsusuri ng datos mula naman sa suliraning inilahad sa pag-aaral. Nakapaloob din ang mga mungkahi o rekomendasyon batay sa resulta upang mapaunlad ang paksa o ang kaugnay na pag-aaral. Narito ang dapat nilalaman ng sumusunod:

87

1. Lagom

a. Muling banggitin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral, ang kaugnay na tanong, mga kalahok o respondent, panahon ng pag-aaral, instrumento, disenyo at pamamaraang ginamit.

b. Isa-isahin ang mga katanungan na nasa ibaba nito at ang mga nakalap na datos o tugon.

c. Tanging ang mahahalagang datos lamang ang isama rito. Hindi na kailangang isama ang tsart, grap o talahanayan.

88

Halimbawa:

Ang saliksik na ito ay may layuning malaman kung swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa “Taglish” ng Pinoy NT; alamin kung nakakapukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mananampalataya; at mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino. Ito ay binigyang katugunan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga suliraning inilahad tulad ng: (1) Swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang “Taglish” ng Pinoy NT sa mga kabataang mananampalataya? (2) Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mananampalataya? (3) Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino?

89

Ito ay isang pag-aaral na nasa disenyong kwantitatibo sapagkat sinukat ang resulta sa pamamagitan ng weighted mean na pamamaraan. Kinalap ang datos gamit ang sarbey-talatanungan, pinili ang kalahok sa pamamagitan ng random sampling mula sa mag-aaral ng Don Ababa Senior High School.

90

Lumabas sa pananaliksik na ito na mula sa katanungang swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng Baitang 11, lumalabas na ito ay swak o tanggap na nangangahulugang epektibo ang paggamit ng Taglish ng mga kalahok dahil sa weighted mean na 3.39. Sa ikalawang katanungan naman na “Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baiting 11?”, nakapagtala ito ng 3.52 weighted mean na nangangahulugang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT na gumagamit ng Taglish. Para naman sa katatungang “Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino?”, ito’y “Lubhang Epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na naitala.

91

Sa kabuuan, ang “Taglish” na wikang ginamit sa Pinoy NT ay lubhang epektibo o swak para sa mga mag-aaral ng baitang 11. Lubos na kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang paggamit nito sa bibliya. Ang paggamit ng “Taglish” sa Pinoy NT ay lubos na nakatutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspektong pananampalataya ng mga mag-aaral sa Baitang 11.

92

2. Kongklusyon

a. Ilahad ang tiyak na resulta mula sa mga tanong sa bahaging paglalahad ng suliranin. Hindi kinakailangang ipaliwanag ang sagot.

b. Gawing maikli, tiyak at malinaw ang mga pangungusap.

c. Ipahayag ang kongklusyon sa paraang nagpapakita ng kawastuhan at katotohanan.

93

Halimbawa:

Batay sa pananaliksik, napag-alaman ang mga sumusunod:

1. Swak (tanggap) ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11.

2. Lubhang kawili-wili at nakapupukaw ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral sa baitang 11.

3. Lubhang nakatutulong ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga Pilipino para sa mga mag-aaral ng baitang 11.

94

4. Rekomendasyon

a. Dapat buhat sa kinalabasan ng pag-aaral ang maging rekomendasyon.

b. Ang imumungkahi ay makatutulong sa paglutas ng suliraning natuklasan sa pananaliksik.

c. Maaring naglalaman ng mungkahing magsagawa ng katulad na pagaaral.

d. Gawing maikli, tiyak at malinaw ang mga pahayag.

e. Maaaring imungkahi ang paksang naging kahinaan o limitasyon ng isinagawang pag-aaral

95

Halimbawa:

1. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng Pinoy New Testament dahil swak ito sa mga kabataang mananampalataya.

2. Upang magkaroon ng bahaging pagpapaunlad ng kulturang Pilipinosa pamamagitan ng pagpapatatag ng pananampalataya at pananalig sa Diyos, gamitin ang Pinoy New Testament.

3. Iminumungkahing magkaroon ng katulad na pag-aaral subalit gawing tuon ang mga alagad ng simbahan tulad ng pari, pastor, o ministro upang malaman ang pananaw nila ukol dito.

96

Open Ended

Question image

Pagyamanin

Ibigay ang mga hinihingi sa loob ng kahon batay sa pinaplano mong lalamanin ng iyong sariling gawang pananaliksik.

97

Isaisip

Ibigay ang bahagi ng pananaliksik sa bawat kabanata. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

98

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

99

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

100

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

101

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

102

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

103

Draw

Isulat ang tsek (√) sa sagutang papel kung nagsasaad ng iyong saloobin at damdamin ang pangungusap sa kahon.

104

Tayahin

Tukuyin ang mga bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

105

Multiple Choice

Aktuwal na isinasagawa ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pananaliksik.

I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik

III. Pangangalap ng Datos

IV. Pagsusuri ng Datos

V. Pamamahagi ng Pananaliksik

1

I

2

II

3

III

4

IV

106

Multiple Choice

Anong antas ng pananaliksik kailangang natukoy na ng mananaliksik ang suliranin upang malapatan ng tiyak na disensyo?

I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik

III. Pangangalap ng Datos

IV. Pagsusuring Datos

V. Pamamahagi ng Pananaliksik

1

I

2

II

3

III

4

IV

107

Multiple Choice

Si Allan ay naghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang masuportahan ang kanyang paksa. Nasa anong hakbang na kaya si Allan?

1

Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksang Pananaliksik

2

Pagdidisenyo ng Pananaliksik

3

Pangangalap ng Datos

4

Pagsusuri ng Datos

108

Multiple Choice

Paglalathala sa mga publikasyon, pamamahagi sa mga silid-aklatan at pakikibahagi sa mga kumperensiya. Ito ang ginawa ni Aida. Saang hakbang na kaya siya?

I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik

II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik

III. Pangangalap ng Datos

IV. Pagsusuri ng Datos

V. Pamamahagi ng Pananaliksik

1

I at II

2

III at IV

3

V

4

VI

109

Multiple Choice

Tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik.

I. Dito nagaganap ang pagsusuri sa mga datos na nailahad mula sa pagkakategorya o mula sa istatistikal na pag- aanalisa.

II. Sa bahaging ito titiyakin ng mananaliksik ang kongklusyon ng pananaliksik.

III. Dito tinitiyak na payak ang paksa. Pinapaunlad ito sa pamamagitan ng pagbabasa at paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pagaaral.

IV. Bubuuin sa bahaging ito ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.

V. Nagaganap sa bahaging ito ang aktuwal na pakikipanayam, sarbey, obserbasyon o pagsusuri

1

II, V, III, I, IV

2

III, IV, V, I ,II

3

I, II, V, IV, III

4

V, IV, III, I, II

110

Multiple Choice

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at iba pang mga empleyado sa paaralan. Ang naunang pangungusap ay nilalaman ng bahaging _________________.

I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

II. Paglalahad ng Suliranin

III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas

VI. Saklaw at Limitasyon

1

I

2

II

3

VI

4

IV at V

111

Multiple Choice

Mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa aspetong pananampalataya ng mga mag-aaral sa baitang 11, ang pahayag na ito ay makikita sa bahagi ng pananaliksik na___________________.

I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

II. Paglalahad ng Suliranin

III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

IV. Redyu ng Kaugnay na Literatura

V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas

VI. Saklaw at Limitasyon

1

I

2

III

3

IV at V

4

VI

112

Multiple Choice

Dito nagaganap ang pag-aanalisa at pagkokonekta ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pananaliksik.

I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

II. Paglalahad ng SuliraninIII. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas

VI. Saklaw at Limitasyon

1

V

2

IV

3

I at II

4

II at III

113

Multiple Choice

Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang mga susunod na pahayag? Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang Taglish ng Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang 11?

2. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng baitang11?

I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

II. Paglalahad ng Suliranin

III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas

VI. Saklaw at Limitasyon

1

I

2

II

3

III at IV

4

V at VI

114

Multiple Choice

Ang balangkas na ito ay nagpapaliwanag sa magiging proseso ng pananaliksik kung saan ang mga katanungan ay bibigyang katugunan ng mga kalahok.

I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

II. Paglalahad ng Suliranin

III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas

VI. Saklaw at Limitasyon

1

I, II, III

2

IV

3

V

4

VI

115

Multiple Choice

Nilalaman ng bahaging ito ang plano at proseso sa pagkuha ng datos.

1

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

2

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

3

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

4

Paraan sa Paglikom ng Datos

116

Multiple Choice

Question image

Saang bahagi ng pananaliksik ginagamit ang instrumentong ito?

1

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

2

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

3

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

4

Paraan sa Paglikom ng Datos

5

Paraan sa Pagsusuri ng Datos

117

Multiple Choice

Question image

Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa kahon?

1

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

2

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

3

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

4

Paraan sa Paglikom ng Datos

5

Paraan sa Pagsusuri ng Datos

118

Multiple Choice

Question image

Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag na nasa kahon?

1

Resulta at Diskusyon

2

Lagom

3

Kongklusyon

4

Rekomendasyon

119

Multiple Choice

Question image

Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa kahon na nasa ibaba?

1

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

2

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

3

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

4

Paraan sa Paglikom ng Datos

120

Karagdagang Gawain

Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil dito, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo ang aktuwal na pagsulat ng pananaliksik. Tiyaking ang isasagawang pananaliksik ay tumatalakay sa wika at kulturang Pilipino

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan Modyul 14-Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 120

SLIDE