

Lesson Pagpag
Presentation
•
World Languages
•
12th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
John Jaime Lovena
Used 4+ times
FREE Resource
27 Slides • 21 Questions
1
Guro: Sir JJ
2
Sa mga nakaraang modyul na iyong pinag-aralan ay natutuhan mo ang mga batayang kaalaman tungkol sa tekstong impormatib, deskriptib, at persweysib. Nakapagbasa at nakapagsuri ka rin ng ilang mga halimbawang teksto na nasa mga uring ito. Sa araling ito, tiyak na matutuwa ka sa iyong bagong matutuhan.
3
Tiyak kong may kasanayan ka na sa pagsulat. Bagaman pagsulat ang binibigyan natin ng pokus sa modyul na ito, may mga bago akong babasahin na inihanda para sa iyo upang lubos pang malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat. Halina’t basahin at unawaing mabuti ang tekstong pinili ko para sa iyo.
4
Ang Tugtugin o Musika Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensayklopedya
5
Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag-awit. Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na gumagabay sa melodiya at harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon), dynamics, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura.
6
Ang salita ay hango sa salitang Griyego (mousike; "sining ng mga Musa"). Sa kaniyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang uri ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng musika, ang pag-aaral ng kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon ng musika.
7
Ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay ibaiba depende sa kultura at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa estriktong organisadong komposisyon (at ang pang-aliw na pagganap nito), sa pamamagitan ng improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric.
8
Ang musika ay maaaring hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas sa pansariling interpretasiyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika ay maaaring iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at awditoryong sining.
9
Ang musika ay maaaring tugtugin at marinig ng pangkasalukuyan, at maaaring maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at maaari ring i-record.
10
Sa maraming tao sa iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng pamumuhay. Ang musika para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano, ay mga tono na nakaayos pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya.
11
Mga pangkaraniwan na kasabihan katulad ng “ang kaayusan ng mga sphere” at “ito’y musika sa aking mga tainga” ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos at magandang pakinggan. Gayunman, ang ikadalawampung siglo na kompositor na si John Cage ay may ideya na ang kahit anong tunog ay maaaring maging musika, sa pagsabi niya ng “walang ingay, kundi tunog.”
12
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:
13
Multiple Choice
Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?
Awit
Sayaw
Musika
Pagguhit
14
Multiple Choice
Sa iyong palagay, ano kaya ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito?
Awitan ang mambabasa bilang sining.
Gumuhit ng larawan bilang sining.
Magpakita ng mga kakaibang sayaw bilang sining.
Magbigay nang malinaw na kaalaman tungkol sa musika bilang sining.
15
Multiple Choice
Anong uri ng teksto ang binasa?
Naglalarawan
Nanghihikayat
Nagpapaliwanag
Lahat nang nabanggit ay tama
16
Multiple Choice
Saan nakuha ang ang mga tala o impormasyon sa teksto?
Magasin
Almanac
Diksyunaryo
Ensayklopidya
17
Multiple Choice
Paano inilahad ang mga datos na nakalap upang maging higit na makahulugan ang paksa?
Inisa-isa
Inilarawan
Ipinaliwanag
Lahat nang nabanggit ay tama
18
Marahil ay pamilyar ka sa 4 Pics 1 Word. Suriin ang mga larawan at tuklasin ang mga salitang tinutukoy nito. Ang bilang ng mga kahon na sa ibaba ng mga larawan ay tumutugon sa bilang ng mga titik na bumubuo sa tamang salitang kaugnay ng mga larawan. Ang bawat aytem ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng pagsulat.
19
Fill in the Blanks
20
Fill in the Blanks
21
Fill in the Blanks
22
Fill in the Blanks
23
Fill in the Blanks
24
Tiyak kong ang iba’t ibang uri ng teksto ay inyong nabasa at napag-aralan na. Nasubukan mo na bang sumulat ng teksto? May iba’t ibang uri ng teksto subalit may kani-kaniyang paraan ito kung paano nabubuo. Sa araling ito ay bibigyangpokus natin ang ilang teksto – impormatibo, deskriptibo at prosidyural.
25
Sa pagbuo ng tekstong impormatibo, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan.
26
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo, ensayklopedya, almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan.
27
Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong impormatibo:
28
Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
29
Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
30
Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
31
Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
32
Ano-ano ang mga bahagi ng tekstong impormatibo?
33
Ang SIMULA higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa isang katha. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
34
Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
35
Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata.
36
Paalala: Ang inyong kaligtasan ang mas mahalaga sa lahat. Gawin lamang ang aktibidad kung kayo ay nasa ligtas at maayos na kalagayan. Huwag mahiyang magtanong o magsabi kung may suliranin.
37
SHORT QUIZ
38
Multiple Choice
Ano ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo?
Magsalaysay ng kwento
Magpatawa
Magbigay ng impormasyon
Manghikayat
39
Multiple Choice
Bakit kailangang mapagkakatiwalaan ang mga sanggunian sa tekstong impormatibo?
Para mas maging nakakatawa ito
Para matiyak ang katumpakan ng nilalaman
Para makapag-imbento ng impormasyon
Para mas humaba ang teksto
40
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong impormatibo?
Tula
Nobela
Balita sa pahayagan
Maikling kwento
41
Multiple Choice
Anong katangian ng tekstong impormatibo ang tumutukoy sa pagiging malinaw ng pagpapahayag?
Katiyakan
Diin
Kalinawan
Kaugnaya
42
Multiple Choice
Ang layunin ng "Diin" sa isang teksto ay upang:
Itakda ang haba ng salita
Udyukan ang mambabasa na itigil ang pagbabasa
Hikayatin ang mambabasa na ipagpatuloy ang pagbasa
Baguhin ang layunin ng teksto
43
Multiple Choice
Ano ang bahagi ng tekstong impormatibo na naglalaman ng mga pangunahing detalye o kaisipan?
Simula
Katawan o Gitna
Wakas
Pamagat
44
Multiple Choice
Ano ang layunin ng simula sa tekstong impormatibo?
Magpasaya ng mambabasa
Mag-iiwan ng kakintalan
Makaakit sa kawilihan ng mambabasa
Magpakilala ng tauhan
45
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng tekstong impormatibo?
Pamanahong papel
Siyentipikong ulat
Ensayklopedya
Dula
46
Multiple Choice
Ang ______________ ay bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa.
Katawan
Simula
Wakas
Layunin
47
Multiple Choice
Ang pagiging magkakaugnay ng mga ideya sa loob ng teksto ay tinatawag na:
Katiyakan
Kalinawan
Diin
Kaugnayan
48
Open Ended
Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang tekstong impormatibo upang mas mapalawak ang iyong kaalaman sa mga isyung panlipunan o makabuo ng sariling opinyon tungkol sa mga napapanahong usapin? (10pts)
Guro: Sir JJ
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 48
SLIDE
Similar Resources on Wayground
45 questions
Operations with Rational Expressions
Presentation
•
11th Grade
48 questions
KATAKANA P
Presentation
•
KG - University
39 questions
Ludovia - Spa
Presentation
•
University
43 questions
Quiz Laylat al Qadr partie 2
Presentation
•
KG - University
40 questions
Cardiovascular System Recap
Presentation
•
12th Grade
39 questions
MODULE 04 - THS NGUYỄN THỊ KIM THÁI - BÀI HỌC
Presentation
•
KG
42 questions
Mga Katulong sa Komunidad Lesson
Presentation
•
KG
41 questions
Le langage non verbal
Presentation
•
12th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
How much do you know about our Portrait of an Eagle?
Quiz
•
10th Grade
10 questions
Fast Food Slogans
Quiz
•
6th - 8th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for World Languages
21 questions
Los paises hispanohablantes y sus capitales
Quiz
•
12th Grade
25 questions
Spanish Cognates
Quiz
•
7th - 12th Grade
14 questions
Hispanic / Latino Heritage Month
Presentation
•
9th - 12th Grade
17 questions
Spanish Adjective Agreement & SER
Quiz
•
9th - 12th Grade
18 questions
REFLEXIVE VERBS IN SPANISH
Quiz
•
9th - 12th Grade
25 questions
Preterito regular
Quiz
•
10th - 12th Grade
28 questions
Ser vs estar
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Gustar
Quiz
•
9th - 12th Grade