

Week 3-Q2-ADM-Version 2-Filipino-SHS-TVL
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Edgar Monte
Used 1+ times
FREE Resource
31 Slides • 69 Questions
1
Filipino sa Piling
Larang Teknikal
Bokasyunal
Ikalawang Markahan Ika tlong Linggo Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto
2
Alamin
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino (CS_FTV11/12PS-0j-i-93)
1. Natutukoy ang nilalaman, katangian, at mga dapat tandaan sa pagbuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto;
2. Naisasaayos ang mga paraan sa paggawa ng isang bagay at natutukoy ang larawang kaugnay ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay;
3
Alamin
3. Nakapagsasaliksik hinggil sa halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na ginagamit sa isang espesipikong trabaho; at
4. Nakabubuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na ginagamit sa isang espesipikong trabaho.
4
Subukin
Basahin ang mga tanong at ilagay ang letra ng tamang sagot sa nakalaang patlang.
5
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang naglalaman ng dokumentasyon sa paggawa
ng isang bagay o produkto?
Leaflets at Flyers
Feasibility Studies
Menu ng Pagkain
Manwal ng Do-it-Yourself
6
Multiple Choice
Ano ang dapat ilagay sa dokumentasyon upang makapagdagdag ng
kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa?
larawan
tagline ng produkto
katangian ng bagay
espesipikong kagamitan
7
Multiple Choice
Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsusulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
Balbal
Pormal
Kolokyal
Impormal
8
Multiple Choice
Alin sa mga salita ang HINDI tumutukoy sa paraan ng pagkakasulat ng
mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto?
tiyak
payak
malinaw
komprehensibo
9
Multiple Choice
Ano ang angkop na salita na bubuo sa pangungusap, “Mahalaga ang
_____ na ayos ng mga hakbang na nakasaad sa dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto”?
kronolohikal
teknikal
konseptuwal
lohikal
10
Multiple Choice
Alin sa mga pahayag sa ibaba ang hindi kabilang sa katangiang
dapat taglayin ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
may larawang pantulong
may ipinapakitang proseso o hakbang
nakalagay ang eksaktong kagamitan o kailangan
nagpapakita ng totoong senaryo bunga ng maingat na pananaliksik
11
Multiple Choice
Bakit kinakailangang detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang sa
paggawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
upang maging malinaw sa mga mambabasa
mas mailalarawan nang maayos ang ginagawa
mapapadali ang pagkuha ng mahahalagang impormasyon
matutukoy agad ang pinakamadaling hakbang hanggang sa pinakamahirap
12
Multiple Choice
Alin sa mga pangungusap ang tumutukoy sa kahalagahan ng mga
materyales na nagtuturo kung paano magawa ang isang bagay?
upang higit na masuri ang isang produkto
nakatutulong ito sa pagkilatis sa isang bagay
mapapadali ang pagkatuto sa paggawa ng isang bagay
masisiguro ang pagtangkilik ng mga mamimili sa produkto
13
Multiple Choice
Alin sa mga pangungusap ang HINDI tumutukoy na malaking tulong ng
dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay?
Nagkakaroon ng bagong kaalaman ang tao.
Nakikinita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain.
Higit na magiging madali ang pagsunod sa hakbang na nakasaad.
Nagsisilbing gabay sa sinumang nais gumawa ng isang bagay o produkto.
14
Multiple Choice
Alin sa mga pahayag ang HINDI sinunod ng dokumentasyon sa paggawa
ng “ube cheese pandesal”: Sa paggawa nito, kailangan mo ng maraming
ube, kaunting harina, medyo maraming gatas, at katamtamang sukat ng
keso?
masasarap at masustansya ang mga rekado
madaling hanapin at bilhin ang mga sangkap
detalyado ang pagkakalarawan ng mga kailangan
nakalagay dapat ang eksaktong kagamitan o kailangan
15
Multiple Choice
Anong katangian ng isang dokumentasyon ang nasunod sa paglalahad
ng mga kailangan sa paggawa ng parol?
Mura lang ang mga materyales.
Nakalagay ang espesipikong kagamitan.
Madaling hanapin ang mga kakailanganin.
Maaring makuha lang sa bahay ang mga bagay na kailangan.
16
Multiple Choice
Alin sa mga larawan ang angkop gamitin sa hakbang na nasa bilang 3?
17
Multiple Choice
Alin ang unang hakbang sa paggawa ng parol?
Hakbang sa blg. 2
Hakbang sa blg. 4
Hakbang sa blg. 5.
Hakbang sa blg. 6
18
Multiple Choice
Alin ang panghuling hakbang sa paggawa ng parol?
Hakbang sa blg. 4
Hakbang sa blg. 3
Hakbang sa blg. 2
Hakbang sa blg. 1
19
Multiple Choice
Ano ang tamang kronolohikal pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
paggawa ng parol?
2-5-1-7-3-6-4
5-1-3-2-7-6-4
6-4-7-3-5-2-1
3-5-7-6-4-1-2
20
Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto
Ang pag-aaral ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay may malaking kapakinabangan sa iyong karanasan maging sa labas ng akademya. Hindi nga ba mahilig ka ring sumubok na gumawa ng iba’t ibang bagay o produkto? At malaking tulong ang mga dokumentasyon upang madaling magagawa ng mga ito. Mas madaling matutuhan ang iba’t ibang bagay kung may mga materyales na nagtuturo kung paano ito magagawa.
21
Dito pumapasok ang kahalagahan ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. Ngunit paano nga ba ang pagsusulat ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto? Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang maging epektibo ang gagawing dokumentasyon. Ilan lamang ito sa mga matutuhan mo sa araling ating tatalakayin.
22
Balikan
Suriing mabuti ang mga pahayag. Sa nakalaang patlang bago ang bilang, isulat ang:
23
Multiple Choice
A. Ang Feasibility Study ay ginagamit upang masuri kung ang negosyo ay maaari bang isagawa bago paglaanan ng kapital.
B. Ang isang mahusay na Feasibility Study ay nagpapakita ng totoong senaryo bunga ng maingat na pag-aaral at pananaliksik.
A-kung ang unang pahayag ay tama at mali ang ikalawa;
B -kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang una;
C-kung parehong tama ang pahayag; at
D-kung parehong mali ang pahayag.
24
Multiple Choice
A. Sa pagtatayo ng negosyo, mahalagang malaman kung angkop ang negosyong napili sa lokasyong napili.
B. Maaaring simulan na ng negosyante ang negosyo kahit hindi pa naisasagawa ang Feasibility Study.
A-kung ang unang pahayag ay tama at mali ang ikalawa;
B -kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang una;
C-kung parehong tama ang pahayag; at
D-kung parehong mali ang pahayag.
25
Multiple Choice
A. Sa pagtatayo ng negosyo, mahalagang malaman kung angkop ang negosyong napili sa lokasyong napili.
B. Maaaring simulan na ng negosyante ang negosyo kahit hindi pa naisasagawa ang Feasibility Study.
A-kung ang unang pahayag ay tama at mali ang ikalawa;
B -kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang una;
C-kung parehong tama ang pahayag; at
D-kung parehong mali ang pahayag.
26
Multiple Choice
A. Sa bahaging Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo, aalamin ang lugar na nais maging lokasyon ng negosyong itatayo.
B. Sa Rekomendasyon, maaaring gumamit ng flow chart bilang representasyon.
A-kung ang unang pahayag ay tama at mali ang ikalawa;
B -kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang una;
C-kung parehong tama ang pahayag; at
D-kung parehong mali ang pahayag.
27
Multiple Choice
A. Sa Deskripsiyon ng Negosyo, itinatala ang mga layunin at proseso upang makamit ang layunin.
B. Sa Deskripsiyon ng Produkto, inilalarawan ang produkto o serbisyong nakapaloob sa negosyong itatayo.
A-kung ang unang pahayag ay tama at mali ang ikalawa;
B -kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang una;
C-kung parehong tama ang pahayag; at
D-kung parehong mali ang pahayag.
28
Multiple Choice
A. Sa bahaging “Mga Mapagkukunan”, kikilalanin ang mga mapagkukuhanan ng produkto, kagamitan, tulong teknikal at ahensya na maaaring pagkuhanan ng empleyado na kakailanganin sa negosyo.
B. Inilalagay sa bahaging “Estratehiya sa Pagbebenta” ang mungkahing pamamaraan upang makapanghikayat ng mga tatangkilik sa produkto o serbisyo.
A-kung ang unang pahayag ay tama at mali ang ikalawa;
B -kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang una;
C-kung parehong tama ang pahayag; at
D-kung parehong mali ang pahayag.
29
Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang mga hakbang sa paggawa ng herbal na sabon. Isaayos ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Ilagay ang letra sa katumbas na bilang ng hakbang.
30
Fill in the Blanks
31
Fill in the Blanks
32
Fill in the Blanks
33
Fill in the Blanks
34
Fill in the Blanks
35
Fill in the Blanks
36
Fill in the Blanks
37
Fill in the Blanks
38
Fill in the Blanks
39
Fill in the Blanks
40
Fill in the Blanks
41
Suriin
Likas sa atin ang kagustuhang matuto ng iba’t ibang bagay. Hindi tayo nauubusan ng oras kung nais nating tuklasin o pag-aralan ang isang bagay kaya naman malaking tulong ang mga materyales, babasahin man o bidyo, na nagtuturo kung paano ito magagawa. Sa araling ito, matutuhan mo ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na makatutulong sa pagbuo o pagsasagawa ng isang bagay o produkto. Ito ay kalimitang naglalaman ng mga hakbang kung paano binubuo o ginagawa ang isang bagay o produkto. Malaking tulong na nakaayos nang kronolohikal o pagkakasunod-sunod ng bawat hakbang upang mas maging madali, maayos at wasto ang kalalabasan ng produktong gagawin.
42
Narito ang karaniwang nilalaman at katangiang dapat taglayin ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto:
1. Mga kailanganin sa paggawa ng isang bagay o produkto.
2. Mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto.
3. Detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang upang maging malinaw ito sa mga mambabasa.
4. Kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga pangungusap na nagsasaad ng mga hakbang upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa.
5. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon o larawan ang dokumentasyon na nagdadagdag kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa.
43
Pag-aralan mo ang isang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng face mask.
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
Sa tulong ng ibinigay na halimbawa, umaasa akong alam mo na kung ano ang nilalaman at kung paano gawin ang isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. Narito pa ang mga dapat tandaan sa pagsulat na makatutulong sa pagbuo mo ng iyong output sa araling ito:
57
1. Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay nagtataglay ng mga kakailanganin, hakbang o proseso ng paggawa ng isang bagay. Isinusulat ito upang maging gabay sa kung paano gagawin o bubuoin ang isang bagay o produkto.
2. Nakalagay ang ispesipikong gamit na kinakailangan.
3. Mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.
58
4. Maaari ring maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal na anyo ng produktong ginagawa.
5. Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay, napakahalaga ng pagsunod sa mga hakbang na nasa dokumentasyon.
6. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto at inaasahang payak, malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang upang maging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa.
59
Pagyamanin
Gawain 1 Pagsagot sa mga Tanong
Sagutan nang mahusay ang mga sumusunod na tanong.
60
Open Ended
Saan ka madalas nakakakita o nakababasa ng mga sulating may kinalaman sa paggawa ng isang bagay o produkto?
61
Open Ended
Ano ang kalimitang nilalaman ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
62
Open Ended
Bakit kinakailangang kronolohikal ang ayos ng mga hakbang kapag gumagawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
63
Open Ended
Bakit pormal ang wikang gagamitin sa pagsusulat ng dokumentasyon ng isang bagay o produkto?
64
Open Ended
Bakit kinakailangang magkaroon ng akses ang mga tao sa mga materyales na nagtuturo kung paano magawa ang isang bagay?
65
Fill in the Blanks
66
Fill in the Blanks
67
Fill in the Blanks
68
Fill in the Blanks
69
Fill in the Blanks
70
Fill in the Blanks
71
Fill in the Blanks
72
B. Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba. Piliin sa kahon ang letra na angkop sa hakbang sa paggawa ng face shield ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Piliin din ang letra ng angkop na larawan sa bawat hakbang at paraan ng paggawa.
73
Reorder
Hakbang blg. 1
Hakbang blg. 2
Hakbang blg. 3
Hakbang blg. 4
Hakbang blg. 5
Sunod, gupitin ang foam o espongha nang isang pulgadang lapad, o batay sa lapad ng teyp.
Ipasok ang garter sa bawat butas, at tahiin ito nang maayos.
Una, maglagay ng butas sa dalawang sulok ng acetate: ¾ pulgada mula sa itaas, at 3/8 pulgada mula sa gilid.
Panghuli, dapat isuot ang plastic shield kasama ang face mask. Maari ding magsuot ng sombrero para mas epektibong pananggalang.
Kung bata ang gagamit, gawin ang Hakbang 1 na pahalang.
74
Reorder
Hakbang blg. 6
Hakbang blg. 7
Hakbang blg. 8
Hakbang blg. 9
Ilagay ang double-sided tape sa itaas ng acetate.
Matapos mahulma, linisin ang harap at likod ng acetate gamit ang alcohol.
Ilagay ang dalawang piraso ng foam o espongha sa idinikit na double-sided tape.
Kung tapos na sa pagtatahi, ihulmang pakurba ang mga ibabang sulok ng acetate.
75
Reorder
Hakbang blg. 1
Hakbang blg. 2
Hakbang blg. 3
Hakbang blg. 4
Hakbang blg. 5
76
Reorder
Hakbang blg. 6
Hakbang blg. 7
Hakbang blg. 8
Hakbang blg. 9
77
78
Open Ended
Batay sa nahanap na dalawang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto sa trabahong napili, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Paghambingin ang nasaliksik na dalawang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. Gamitin ang grapikong pantulong para sa iyong sagot.
79
Open Ended
a-isahin ang mga katangiang taglay ng mga nasaliksik na dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. May nakita ka bang kahinaan ng mga nasaliksik mong dokumentasyon? Ano-ano ang mga ito? Ano ang dapat gawin upang maisaayos ang mga kahinaang ito? Isulat ang iyong sagot sa grapikong pantulong.
80
Isaisip
Buoin ang puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa salitang bubuo sa ideya ng mga pangungusap.
81
Drag and Drop
2. Dapat nakaayos ang mga hakbang sa paraang
3. Dapat ang antas ng wikang gagamitin kapag susulat ng isang dokumentasyon ay
4. Nakalagay dapat sa isusulat na dokumentasyon ang
82
Drag and Drop
1. Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay o produkto, napakahalaga ng
5. Ang manwal ng paggawa ng “do-it-yourself” na may acronym na
6. Makatutulong ang paglalakip ng
83
Video Response
Isagawa
Pumili ng isang kinahihiligan mong gawin ngayon. Gumawa ng isang bagay o produkto na may kinalaman sa iyong kinahihiligan.
Gumawa ng dokumentasyon kung paano mo nabuo ang bagay o produktong napili. Isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng dokumentasyon ng paggawa ng isang bagay o produkto na iyong pinag-aralan.
Matapos mabuo ang dokumentasyon, ibahagi ang nabuong output sa pamamagitan ng isang vlog. Ipaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw kung paano mo nabuo ang dokumentasyon.
Ipapasa ang nabuong dokumentasyon at ang bidyo ng ginawang vlog sa iyong guro. Kung walang gagamiting gadget sa paggawa ng vlog at mahina ang internet connection, isulat na lang sa short bond paper ang pagpapaliwanag sa nabuong dokumentasyon. Mamarkahan ang iyong output gamit ang sumusunod na rubrik:

84
Tayahin
Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
85
Multiple Choice
Alin sa mga pahayag ang HINDI halimbawa ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
Isang Espesyal na Durian
Paggawa ng Herbal na Sabon
Pagtatanim ng Organikong Talong
Pag-install ng Sim Card at Baterya ng Cellphone
86
Multiple Choice
Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
Balbal
Pormal
Kolokyal
Impormal
87
Multiple Choice
Alin sa mga pahayag ang nakapagdaragdag ng kalinawan sa
ipinapakitang hakbang ng paggawa ng isang bagay o produkto?
ilustrasyon
halaga ng gagastusin
paggamit ng flow chart
detalyadong paglalarawan
88
Multiple Choice
Paano ang tamang pagkakasulat ng mga hakbang sa paggawa ng isang
bagay?
maikli at tuwiran
payak, malinaw at tiyak
wasto, komprehensibo at lohikal
matalinghaga at makatotohanan
89
Multiple Choice
Alin sa mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa katangiang dapat taglayin
ng isang dokumentasyon?
may larawang pantulong
may ipinapakitang proseso o hakbang
nakalagay ang eksaktong kagamitan o kailangan
inilalagay ang detalyadong paglalarawan sa bagay o produkto
90
Multiple Choice
Bakit kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga pangungusap
sa paggawa ng dokumentasyon?
mapapadali ang pagtukoy sa sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto
para mapadali ang paghahanap ng kinakailangang impormasyon
mas madaling mailarawan ang isang bagay o produkto
upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa
91
Multiple Choice
Paano inilalahad ang bawat hakbang sa isang dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
Detalyado ang pagkakalahad ng paraan ng paggawa.
Isaayos ang paraan mula sa pinakamadali hanggang sa pinakamahirap.
Kailangang gumamit ng matatalinhagang salita sa pagbibigay ng
hakbang.
Unahin ang pinakamahalagang hakbang, ihuli ang hindi gaanong
mahalaga.
92
Multiple Choice
Bakit kinakailangang magkaroon ng akses ang mga tao sa mga
materyales na nagtuturo kung paano magawa ang isang bagay?
upang higit na masuri ang isang produkto
nakatutulong ito sa pagkilatis sa isang bagay
mapapadali ang pagkatuto sa paggawa ng isang bagay
masisiguro ang pagtangkilik ng mga mamimili sa produkto
93
Multiple Choice
Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng kahinaan sa dokumentasyong
paggawa ng herbal na: mineral water, dahon ng sabila, dahon ng
kangkong, kakang gata, langis ng niyog?
masyadong maraming kasangkapan ang magagamit
hindi isinama ang paglalarawan sa mga gamit
hindi nakalagay ang espesipikong kagamitan
mahirap hanapin ang mga bagay na ito
94
Multiple Choice
Anong katangian ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o
produkto ang nasunod sa paglalahad ng mga paghahanda at pag-iingat?
may larawang pantulong
madali lang sundin ang mga ito
inilalagay ang detalyadong paglalarawan
iniisa-isa ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod
95
Multiple Choice
Alin ang angkop na larawan ang kaugnay sa hakbang letrang D?
96
Multiple Choice
Alin ang angkop na larawan ang kaugnay sa hakbang letrang D?
97
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa paggawa ng No Sew
Face Mask?
Hakbang sa titik a
Hakbang sa titik c
Hakbang sa titik g
Hakbang sa titik h
98
Multiple Choice
Alin ang huling hakbang sa paggawa ng No Sew Face Mask?
Hakbang sa letrang b
Hakbang sa letrang d
Hakbang sa letrang e
Hakbang sa letrang f
99
Multiple Choice
Ano ang tamang kronolohikal pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
paggawa ng No Sew Face Mask?
b-g-a-e-f-c-d-h
e-a-b-h-g-c-d-f
g-a-c-h-e-d-f-b
h-g-a-c-b-f-d-e
100
Open Ended
Karagdagang Gawain
Dugtungan ang pahayag o diyalogo na nasa loob ng speech balloon batay sa natutuhan mo sa aralin.
Filipino sa Piling
Larang Teknikal
Bokasyunal
Ikalawang Markahan Ika tlong Linggo Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 100
SLIDE
Similar Resources on Wayground
88 questions
CH05 - Taux d'évolution et coefficient multiplicateur
Presentation
•
11th Grade
93 questions
BADAN USAHA
Presentation
•
11th Grade
94 questions
Ocular Symptoms and Examination
Presentation
•
KG
89 questions
WHI 11.01, 11.02. and 11.02 Empires of Asia
Presentation
•
9th - 12th Grade
100 questions
Pengetahuan umum
Presentation
•
KG
101 questions
TRÁCH NHIỆM ĐỊA LÍ
Presentation
•
11th Grade
94 questions
làm đi em
Presentation
•
KG - University
92 questions
La cellule, unité des êtres vivants
Presentation
•
8th - 10th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade