Basahin ang kwento at sagutan ang mga tanong.
Manonood Ako!
May karera ng kotse. Makukulay raw ang mga kotse. Manonood ako ng karera. Magdadala ako ng kamera. Magsisimula na ito. Sasakay na ako sa bisikleta. Mabilis ang andar ko. Naku! Dumulas ang bisikleta! Aray! Kay raming putik ng tuhod ko!