
EsP Module 1
Authored by Luremy Abenio
Social Studies
6th Grade
Used 2+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Narinig mo sa radyo na may nagpositibo pala sa Covid-19 sa inyong barangay. Kilalangkilala mo ang pasyente kahit na hindi pinangalanan ito dahil isa lang naman ang bagong nakauwing LSI (locally stranded individuals) sa inyong lugar. Ang pasyente ay ama ng iyong kaklaseng si Bing na galit na galit ka dahil sa pagpapakalat niya ng maling impormasyon tungkol sa iyo sa facebook noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo?
a. Ipakalat ang balitang ito sa facebook upang malaman din ng iba.
b. Iti-text sa iba pang mga kaklase ang nangyari sa pamilya ni Bing.
c. Puntahan ang bahay ni Bing upang tiyakin kung tama ba ang balita.
d. Gawin nang mas masinsinan pa ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng saging sa maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang balitang ito ay isang fake news. Ano ang gagawin mo?
a. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa.
b. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo.
c. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita.
d. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Narinig mo mula sa isang kaibigan na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa paghahanap ng bigas dahil sa community quarantine. Hindi na nakapagtrabaho pa ang kanyang ama at kapos daw ang tulong na natanggap nila mula sa inyong barangay. Awang-awa ka sa iyong kaibigan. Nais mong makatulong sa kanyang pamilya lalo na na marami pa kayong bigas sa bahay. Gayunpaman, palaging ipinapaalala sa iyo ng iyong mga magulang na hindi ka pinahihintulutan nila na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Papuntahin ang kaibigan sa inyong bahay.
b. Palihim na dalhan ng bigas ang kaibigan.
c. Magpatulong sa magulang upang matulungan ang kaibigan.
d. Magalit sa barangay dahil hindi nila lubos na natulongan ang kaibigan.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Titigil sa pag-aaral
b. Babawasan ang kinakain
c. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan
d. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa isang palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo?
a. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan
b. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral
c. Maghahanap ng damit na maaaring magamit
d. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro kayo ng basketbol sa plaza pagkagabi dahil bukod sa hindi na mainit marami pang malalakas na ilaw doon. Kaya napagkasunduang dadaanan ka nila kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala mo na kailangan mo palang mag-aral para sa iyong pagsusulit kinabukasan. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi na lang magpapakita sa mga kaibigan.
b. Magdadahilan na may lakad kayo ng iyong pamilya.
c. Sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong usapan.
d. Haharapin sila nang maayos at sasabihing kailangan mong mag-aral.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Tag-ulan na naman, nagbabala ang DOH na maari na namang kumalat ang sakit na dengue sa inyong lugar. Anong impormasyon ang kailangan mong malikom upang malabanan ng pamilya mo ang paglaganap ng sakit na ito?
a. pagpapatibay ng mga bubong ng bahay
b. pagsusuot ng face mask, gloves, at jacket
c. pag-iimbak ng malinis na pagkain at maiinom na tubig
d. paglilinis ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?