COVID - 19
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang sakit na COVID-19. Ito ay isang bagong uri ng corona virus na nakaaapekto sa iyong baga at mga daanan ng hininga. Ang corona virus ang nagiging sanhi ng mga karamdamang gaya ng karaniwang sipon. Marami ang gumagaling subalit dumarami pa rin ang kaso ng mga namamatay.
Matinding pag-iingat ang kailangan upang makaiwas sa sakit. Ilan sa mga iminungkahi ng pamahalaan ay ang pananatili sa bahay lalo na ang mga matatanda na may edad 60 pataas at mga batang 15 pababa. Patuloy pa rin ang pagpapaalala na palagiang maghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield at ang pagdistansya ng isang metro kapag haharap sa iba’t ibang tao. Hindi biro ang ganitong karamdaman kaya kailangan ng pakikiisa na pangalagaan ang sarili sapagkat hindi lamang nito malulunasan ang pandaigdig na suliranin sa pagdami ng nagkakasakit kundi sa maginhawang kinabukasan ng bawat mamamayan.
1. Ang paksa ng teksto ay tungkol sa _________