
Filipino 10 - Nigeria
Authored by RICKY RANIDO
World Languages
10th Grade
Used 3+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
5 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Anong kultura, tradisyon o paniniwala sa Nigeria ang sinasalamin at lantad sa mga pahayag mula sa buod ng nobela?
Pahayag 1: “Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan.”
A. Dibisyon ng henerasyon mula sa nakatatanda at mga kabataan
B. Mataas na pagtingin sa gampanin at kalakasan ng kalalakihan
C. Pagsunod sa Nwaboy (Servicehood/ Apprenticeship)
Answer explanation
Malaki ang gampanin ng mga kalalakihan sa tribo ng Igbo. Tinitingala sila sa lahat ng bagay na hindi nakitaan sa katauhan ni Unoka bilang am ani Okonkwo. Dala ng kahinaan at kapalpakan ng ama, nagsumikap si Okonkwo na ibangon ang kanyang pagkakilanlan bilang malakas at matapang.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Anong kultura, tradisyon o paniniwala sa Nigeria ang sinasalamin at lantad sa mga pahayag mula sa buod ng nobela?
Pahayag 2: “Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya.”
A. Malaking kahihiyan ang pagkakaroon ng utang lalo na kung hindi marunong humarap sa obligasyon ang nagkautang.
B, Kasalanan sa batas ng tribo ang pagpapabaya sa pamilya.
C. Lantad ang labis na hinanakit ng anak sa ama.
Answer explanation
Ang pangungutang ay isang malaking kahihiyan lalo na kung ang nagkautang ay hindi marunong humarap sa obligasyon nito sa pinagkautangan. Bilang tradisyon, kailangang magsambit ng sawikain ang nagkautang sa pinagkautangan upang mapagbigyan sa paniningil.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Anong kultura, tradisyon o paniniwala sa Nigeria ang sinasalamin at lantad sa mga pahayag mula sa buod ng nobela?
Pahayag 3: “Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag.”
A. Pagkakaroon ng tatlong kasal
B. Pagsunod sa Omugwo (pagkalinga pagkatapos ng panganganak)
C. Pananatiling ‘fresh’ sa araw ng kasal
Answer explanation
Katulad ng pag-aasawa sa ibang lahi, kinikilala rin sa Nigeria ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa ngunit ito ay limitado lamang sa tatlo. Naging bahagi din ito sa nobela nang mabanggit ang bilang ng asawa ni Okonkwo at ang pagiging responsable sa tatlong asawa niya.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Anong kultura, tradisyon o paniniwala sa Nigeria ang sinasalamin at lantad sa mga pahayag mula sa buod ng nobela?
Pahayag 4: “Alukin ng lambanog at kola nuts ang inyong mga bisita.”
A. Paggalang sa bisita
B. Pagbibigay inumin sa nauuhaw
C. Mapayapang pagtanggap sa bisita
Answer explanation
May buong pagpapahalaga rin ang tribong Igbo sa kanilang mga panauhin o bisita. Hindi lamang nila magiliw na inaalok ng lambanog at kola nuts ang kanilang bisita, kundi ito rin ay salamin ng kanilang mapayapang pagtanggap sa kanila. Ito ay naging lantad sa paulit-ulit nitong pagkakabanggit sa nobela.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Anong kultura, tradisyon o paniniwala sa Nigeria ang sinasalamin at lantad sa mga pahayag mula sa buod ng nobela?
Pahayag 5: “Sa sariling mga kamay ay binawi ni Okonkwo ang buhay ng kanyang naging anak-anakan na si Ikemefuna, sa kabila ng naging paalala ni Ogbuefi Ezeude, upang mapanatili sa mga katribo ang pinakitang katapangan.”
A. Magsilbing halimbawa ng pagiging matapang sa mga kauri at katribo
B. Higit na naniniwala sa orakulo at may komplikadong batas na nagpapanatili ng kaayusan at ugnayan
C. Huwag na huwag paiiralin ang damdamin sa mga naging alay o kapalit bilang tanda ng pakikipagkasundo para sa kapayapaan
Answer explanation
Sa nobela nasasalamin ang pananalig sa orakulo nang bigyang babala ni Ogbuefi Ezeude si Okonkwo patungkol sa pagkitil kay Ikemefuna, noong una ang batang ito ay isang tanda lamang ng pakikipagsundo sa kabilang tribo dahil sa nagawa nilang kasalanan at nang maglaon ay tinuring na siyang ama-amahan. Dala ng siya ay nahaharap sa matinding sitwasyon, ang komplikadong batas na pagkitil ay nilagay nya sa sarili niyang mga kamay upang mapanatili ang katapangang pinamalas sa tribo.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?