Search Header Logo

Ang Maling Edukasyon.. Talata 14-29

Authored by Ricky Bilog

World Languages

11th Grade

Used 33+ times

Ang Maling Edukasyon.. Talata 14-29
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

8 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

1 (Talata 14-15) Ayon sa may-akda, ano raw ang kailangang gawin ng mga edukador ng bansa upang isulong ang pambansang kalayaan?

lumaban nang patas sa isang mapayapang pagkilos o rebolusyon

balikan muna at pagmunihan ang sariling paniniwala at pamamaraan ng paghubog sa bayan

iayon ang edukasyon ng bansa sa iisang modelo: ang edukasyong Amerikano

magmungkahi ng mga batas na magpapalakas ng nasyonalismo sa mga kabataang Pilipino

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

2 (Talata 16-17) Ang sumusunod ay mga patunay na may mga 'Pilipinong Di-Pilipino' dahil sa kolonyal na edukasyon, ayon sa paglalarawan ng may-akda, MALIBAN SA...

handa pa raw tulungan ng Pilipino ang dayuhang nagnanakaw ng ating yaman

matindi raw ang pagiging tanga ng mga Pilipino na itinuturing na biyaya ang kolonyalismo kaysa parusa

hinayaan ng mga Pilipino na kontrolin ng dahuyan ang ating ekonomiya

tinuruan ng yumaong Claro M. Recto ang mga Pilipino kung paano maging malaya

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

3 (Talata 18-19) Ayon sa manunulat, bakit daw katawa-tawa ang usapin kung epektibo bang gamitin ang wikang katutubo sa pag-aaral? Dahil...

kontrobersyal daw masyado ang usaping ito.

nakabatay raw sa husay mag-Ingles ang pagiging epektibo ng edukasyon.

natural daw sa kahit anong bansa na gamitin ang sariling wika sa pagkatuto.

mas maraming Pilipino raw ang sang-ayon dito kaysa hindi.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

4 (Talata 20) Ayon sa talatang ito, 'wika raw ng demokrasya ang Ingles, at sa paggamit nito, wala nang privileged class...' Alin sa sumusunod ang makatotohanang halimbawa sa kasalukuyan na nagsasabing HINDI totoo o nasunod ang paniniwalang ito?

mahusay nang mag-Ingles ang mas batang henerasyon

sukatan pa rin ng pagtanggap sa ilang trabaho ang galing sa Ingles ng isang aplikante

mas maraming asignatura ang itinuturo sa mga paaralan gamit ang Ingles

maraming Pilipino ang nagtuturo ng Ingles sa mga dayuhang mag-aaral

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

5 (Talata 23) Suriin ang talatang ito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang patunay at halimbawang 'hadlang sa demokrasya' ang kawalan ng husay ng masang Pilipino sa Ingles?

mas maraming kasapi ng masa ang nakapagpapahayag ng saloobin sa Ingles

mababaw at hindi lubos ang pag-intindi ng masa sa mga usaping pambansa na madalas, nasa Ingles

kinakausap ng mga politiko ang kapwa sa katutubong wika pero mababaw lamang ito

kala-kalahati lamang na pag-Iingles ang nauunawaan ng maraming Pilipino

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

6 (Talata 24-25) Sa pagtalakay ng may-akda sa paghubog ng mga mamamayan ng isang bansa, alin sa sumusunod na kabatiran ang sumusuporta sa ugnayan ng wika sa pag-iisip?

Hindi instrumental ang wika sa pag-iisip dahil madali namang nakaaayon ang mga Pilipino sa iba't ibang sitwasyon.

Hadlang ang iba-ibang katutubong wika sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba't ibang bayan.

Tama lang na aralin ang wika para lamang makakuha ng mataas ng marka sa mga pagsusulit.

Sa tulong ng wikang angkop sa konteksto ng mamamayan, nahuhubog nito ang kritikal na pag-iisip ng bayan.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

7 (Talata 27) Paano raw magiging 'edukasyong Pilipino' ang sistema ng edukasyon sa bansa, ayon sa talatang ito?

Gawing batayan ng kurikulum ang internationalized o globalized programs para mahubog pa ang mga Pilipino.

Alamin ang mga pangunahing kailangan at layunin ng bansa at iayon ito dito.

Lumikha ng sistemang makapagbibigay ng maraming oportunidad ng trabaho sa mga Pilipino.

Turuang mabuti ang mga mag-aaral kung paano magbasa, magsulat, magdagdag, at magbawas.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?