Ang mga salitang NOLI ME TANGERE na sinipi sa ebanghelyo ni San Lucas sa Bibliya o banal na aklat ay nangangahulugang “Huwag mo akong salingin”. Mayroong tatlong aklat na naging inspirasyon ang ating pambansang bayani sa pagsulat ng akdang ito. Iyon ay ang mga sumusunod; Uncle Tom’s Cabin na patungkol sa diskriminasyong nararanasan ng mga negro sa kamay ng mga puting Amerikano. Nais naman ipakita ni Rizal ang pang-aaping nararanasan ng mga Pilipino sa mga Kastila, The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) na matapos niyang mabasa ay nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at sisiwalat sa kabuktutan ng mga Espanyol, at ang huli ay ang Bibliya kung saan niya kinuha ang pamagat ng nasabing nobela.
Ano ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere?