Summative Test ESP 8

Summative Test ESP 8

8th Grade

20 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

8th Grade

19 Qs

MATH CAPACITY

MATH CAPACITY

2nd Grade - University

15 Qs

Christmas Game

Christmas Game

1st Grade - University

20 Qs

KIGO Support Mid Year Engagement

KIGO Support Mid Year Engagement

KG - Professional Development

15 Qs

Inverse Variation 1

Inverse Variation 1

8th Grade

20 Qs

esp

esp

7th - 12th Grade

20 Qs

Paghahambing

Paghahambing

8th Grade

15 Qs

Pagsusulit sa Globalisasyon

Pagsusulit sa Globalisasyon

8th Grade

25 Qs

Summative Test ESP 8

Summative Test ESP 8

Assessment

Quiz

Mathematics

8th Grade

Medium

Created by

JONAH ASUNCION

Used 2+ times

FREE Resource

20 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ang ating lipunan ay binubuo ng iba't ibang sektor na may kanya-kanyang tungkulin para sa kapakanan ng mga mamamayan. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan na responsable para sa patuloy na pag-iral ng ating lipunan, ang gobyerno, na namamahala sa mga mamamayan upang matiyak na ang mga pangangailangan ng lahat ay natutugunan; mga ospital, na responsable para sa kalusugan ng mga tao; mga paaralan, na tumutugon sa edukasyon at pagkatuto ng mga estudyante. Ang pamilihan ay tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya; at ang simbahan, na nag-aalaga sa espiritwal na aspeto ng mga tao. Alin sa mga sumusunod na institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?

paaralan

ospital

pamilya

gobyerno

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Nasa elementarya ka pa lamang ay naturuan ka na ng iyong mga magulang ukol sa pagsunod sa mga batas na ipinaiiral sa lansangan gaya ng pagtawid sa tamang tawiran at pagsunod sa mga traffic lights para na rin sa iyong kaligtasan tuwing ikaw ay papasok sa eskwela. Alin sa mga gampanin ng pamilya sa lipunan ang ipinamalas sa teksto?

espiritwalidad ng pamilya

pakikilahok sa mga organisasyon

panlipunang tungkulin ng pamilya

politikal na tungkulin ng pamilya

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Bata pa lamang si Yna ay nagabayan na siya ng kaniyang mga magulang sa mga gawaing bahay at ng tamang pamamahala sa kaniyang oras. Ngayong siya ay nasa ikawalong baitang, marunong na siya sa mga gawaing bahay at nakagagawa ng kaniyang mga gawain sa paaralan sa sarili niyang pagsisikap. Natuturuan niya rin ang kaniyang mga nakababatang kapatid sa kanilang mga gawain sa paaralan at nagsisilbing huwaran para sa kanila. Alin sa sumusunod na yugto sa buhay ng isang tao ang may pinakamalaking epekto sa kaniyang pagkatao?

may sarili ng pamilya

nasa hustong gulang na

panahon ng kamusmusan

panahon ng pagdadalaga o pagbibinata

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Batay sa teksto sa bilang 3, bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?

dahil ang kanilang mga ipinapakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata

dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman

dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan

dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turua

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Si Grace ay nagdiwang ng kanyang ika-14 na kaarawan. Nagkaroon ng simpleng pagdiriwang sa kanilang tahanan, at nakatanggap siya ng regalo mula sa kanyang ninang. Siya ay hinikayat na agad buksan ang kanyang regalo. Ang saya ng kanyang ninang ay halata habang binubuksan ni Grace ang regalo na damit, ngunit hindi gusto ni Grace na magsuot ng mga damit. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pagpapahayag ng pasasalamat na dapat ipakita ni Grace?

sabihing ayaw niya ng regalo nito

magpasalamat sa kaniyang ninang nang taos puso

ibalik ang regalo sa kaniyang ninang at talikuran ito

humingi ng ibang regalo sapagkat hindi niya iyon gusto

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

“Ito lamang ang yaman na maaari naming ipamana sa iyo.” Iyan ang katagang laging sambit ng ama ni Lorraine sa tuwing makikita niya ang anak na hindi gumagawa ng kaniyang mga takdang aralin. Lagi niya itong pinaaalalahanan na magsikap na makapagtapos ng pag-aaral sapagkat ito ang magiging susi sa kanyang tagumpay sa buhay. Anong orihinal at pangunahing karapatan ng bata ang isinasaad sa teksto?

kasulugan

edukasyon

buhay

pagkain at tirahan

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Sa edad na 14, si Lance ay naaasahan na ng kaniyang ama at ina sa iba’t ibang gawain sa kanilang tahanan. Sa paglalaba man o sa pagkukumpuni ng mga simpleng sira sa bahay ay naimulat siya ng mga ito kung ano ang dapat niyang gawin. Sino ang naging instrumento sa pagkatuto ni Lance ng mga pangunahing bagay na dapat niyang matutunan sa buhay?

mga magulang

punong guro

mga kamag-anak

pari/pastor/ministro

Create a free account and access millions of resources

Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports
or continue with
Microsoft
Apple
Others
By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy
Already have an account?