
Pagsusulit sa Klasikong Kabihasnan
Authored by RAULLYN SORIANO
World Languages
8th Grade
Used 4+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Kung ang isang modernong komunidad ay nagpaplanong bumuo ng isang sistema ng agrikultura sa isang lugar na limitado ang lupa at may kalapit na lawa, aling sinaunang inobasyon ang pinakaangkop na modelong maaaring pag-aralan at ilapat?
Ang sistema ng kalsada ng Inca.
Ang pagpapatayo ng mga pyramid ng Maya.
Ang paglikha ng chinampas ng Aztec.
Ang paggamit ng mga 'colossal heads' ng Olmec.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Paano mo maipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya, partikular ang pagiging malapit sa mga ilog at kabundukan, sa pag-usbong ng mga klasikong kabihasnan sa Amerika?
Ito ay nagbigay ng proteksyon laban sa mga kaaway lamang.
Nagbigay ito ng sapat na lupain para sa tirahan ngunit mahirap sa pagkain.
Naglaan ito ng matabang lupa para sa agrikultura, suplay ng tubig, at likas na depensa na naging pundasyon ng kanilang pag-unlad.
Walang direktang epekto ang heograpiya sa kanilang pag-usbong.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa sumusunod ang pinakamabuting paraan upang mapahalagahan ang mga natatanging kontribusyon at pamana ng mga klasikong kabihasnan sa Amerika sa kasalukuyang panahon?
Balewalain ang kanilang kasaysayan dahil luma na.
Sirain ang mga natitirang artifact upang makagawa ng bago.
Pag-aralan ang kanilang mga nagawa, pangalagaan ang mga natitirang lugar at ipakilala ang kanilang kultura sa susunod na henerasyon.
Angkinin ang kanilang mga imbensyon nang walang pagkilala.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Paano mo maipaliliwanag ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng mga maliliit na pamayanang agrikultural sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica?
Dahil sa paghahanap ng ginto at pilak.
Dahil sa pagkakatuklas ng agrikultura na nagpaunlad sa kanilang sistema ng pamumuhay.
Dahil sa pangangailangan ng depensa laban sa malalaking hayop.
Dahil sa pagdating ng mga dayuhang mangangalakal.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Kung ang isang arkeologo ay makakahanap ng mga labi ng pyramid na nagsisilbing dambana at bahay-dasalan para sa mga diyos sa isang sinaunang lungsod sa Yucatan Peninsula, sa anong kabihasnan ito karaniwang maiuugnay?
Aztec
Inca
Olmec
Maya
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Bakit mahalagang suriin ang dahilan ng pagbagsak ng Kabihasnang Maya, tulad ng pagbaba sa produksiyon ng pagkain?
Upang sisihin ang kanilang mga pinuno sa hindi pagiging handa.
Upang maunawaan kung paano ang mga salik tulad ng kalikasan at populasyon ay maaaring magdulot ng paghina at pagbagsak ng isang sibilisasyon.
Dahil ang lahat ng sibilisasyon ay kailangang bumagsak sa huli.
Para lang malaman kung gaano karami ang kanilang populasyon noon
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sa iyong palagay, alin sa sumusunod na kontribusyon ng mga klasikong kabihasnan ang may pinakamalaking epekto sa pagpapakita ng kanilang mataas na karunungan sa arkitektura, inhenyeriya at matematika?
Pag-aalaga ng hayop
Paglikha ng chinampas
Pagpapatayo ng mga pyramid tulad ng Kukulcan
Paggamit ng lambat sa pangingisda
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?