wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Konsepto ng Asya

Total questions: 25

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Sa pag-aaral ng kasaysayan, higit na madaling maunawaan ang mga pangyayaring naganap at maging ang paglinang ng kultura kung iuugnay sa pag-aaral ng

a)

heograpiya

b)

panitikan

c)

agham

d)

pilosopiya

2.

Ang pinakamalaking kontinente sa daigdig ay ang ______________.

a)

Hilagang Amerika

b)

Aprika

c)

Asya

d)

Europa

3.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _______________.

a)

Timog Asya

b)

Kanlurang Asya

c)

Timog Silangang Asya

d)

Silangang Asya

4.

Matatagpuan ang sumusunod na mga bansa sa Silangang Asya maliban sa _______________.

a)

China

b)

Malaysia

c)

Japan

d)

South Korea

5.

Ang lugar na kilala na Muslim world at kilalang arid Asia ay ang _________________.

a)

Timog Asya

b)

Hilagang Asya

c)

Kanlurang Asya

d)

Silangang Asya

6.

Ang natural na hangganan ng Asya sa kanluran ay ang

a)

Himalayas

b)

Alps

c)

Ural Mountains

d)

Hindu Kush

7.

Hinahati ng Equator ang globo sa dalawang hemisphere, ang hilagang hemisphere at __________.

a)

silangang hemisphere

b)

kanlurang hemisphere

c)

Timog hemisphere

d)

wala sa nabanggit

8.

Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya

a)

5

b)

6

c)

7

d)

8

9.

Anong dagat ang naghihiwalay sa Asya, Africa at Europa?

a)

Mediterranean

b)

Bering

c)

Aegean

d)

Dagat Arabian

10.

Halos lahat ng bansa sa Timog Silangang Asya ay nakalatag sa mababang latitude kaya ang mga ito ay may klimang _____.

a)

continental

b)

taiga

c)

tropical

d)

savanna

11.

Kung ang capital ng China ay Beijing, ano naman ang capital ng Pilipinas?

a)

New Delhi

b)

Manila

c)

Jakarta

d)

Kuala Lumpur

12.

Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (1/4) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria?

a)

steppe

b)

prairie

c)

savanna

d)

tundra

13.

Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog Silangang Asya?

a)

Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.

b)

May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.

c)

Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tag-tuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.

d)

Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

14.

Aling bansa ang hindi kabilang sa Kanlurang Asya?

a)

Hongkong

b)

Iran

c)

Yemen

d)

Oman

15.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?

a)

Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.

b)

Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok,kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.

c)

Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.

d)

Ang iba’t ibang panig ng ASya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano

16.

Sa maraming bansa sa Timog Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil ang palay. Bakit?

a)

Maaaring ipalit ang palay sa mga butyl ng trigo, mais at barley

b)

Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog Silangang Asya.

c)

Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop.

d)

Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

17.

Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng karagatan, lawa at mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumaganap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito?

a)

Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig.

b)

Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito.

c)

Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap ng mga pagbaha.

d)

Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

18.

Ang karagatan na matatagpuan sa silangan ng Asya ay ______.

a)

Arctic Ocean

b)

Indian Ocean

c)

Pacific Ocean

d)

Bering Sea

19.

Ang bansa na nasa kanluran ng Pilipinas ay ______.

a)

East Timor

b)

Vietnam

c)

Indonesia

d)

Hongkong

20.

Rehiyong may malawak na tuyong lupa at buhangin ay

a)

oasis

b)

steppe

c)

disiyerto

d)

tundra

21.

Lugar sa disiyerto na may tubig at halaman.

a)

tundra

b)

oasis

c)

steppe

d)

prairie

22.

Pinakamalaking kapuluan sa daigdig ang bansang

a)

Indonesia

b)

Thailand

c)

Pilipinas

d)

Korea

23.

Ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng bulkan,, kasama ang bulking Mayon, Pinatubo, Taal at Krakatoa.

a)

Ring of Fire

b)

Himalayas

c)

kabundukan

d)

Pacific Ocean

24.

Ang bulkang Fujiyama ay matatagpuan sa bansang:

a)

Korea

b)

Hongkong

c)

Japan

d)

China

25.

Alin sa sumusunod ang hindi katanggap-tanggap hinggil sa pagkakaiba ng vegetation cover ng Asya?

a)

Dahil sa ulang tinatanggagap

b)

Dahil sa sikat o sinang ng araw na tumatama sa bahagi ng Asya

c)

Dahil sa klima ng bawat rehiyon

d)

Wala sa nabanggit