wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan

Total questions: 39

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tumutukoy sa pananakop at pag-angkin ng mga lupang matutuklasan?

a)

Kolonya

b)

Ebanghelisasyon

c)

Kolonyalismo

2.

Anu-anong mga bansa ang kabilang sa nangunguna at nagpapaligsahan

sa pagsakop ng iba't ibang lupain noong ika-16 daang taon?

a)

India at Pransiya

b)

Hapon at America

c)

Portugal at Espanya

3.

Alin ang HINDI pangunahing layunin ng mga Espanyol sa kanilang pananakop ng mga bagong tuklas na teritoryo?

a)

Gold

b)

Gun

c)

Glory

4.

Saan unang nakarating ang pangkat nina Magellan?

a)

Homonhon

b)

Cebu

c)

Limasawa

5.

Anong mahalagang pangyayari ang naganap sa Limasawa?

a)

Ang pagbibinyag kay Humabon at kanyang asawa bilang unang Kristiyano

b)

Pagdadaos ng unang misa ni Padre Pedro Valderama

c)

Pakikipagkasundo ng mga Espanyol sa mga Pilipino

6.

Ano ang ibig sabihin ng Kasunduang Tordesillas?

a)

Pag-urong sa kasunduan ng hatian ng dalawang bansa dahil limitado ang sakop ng Espanya sa Asya

b)

Pagpapatigil ng pagtuklas sa mga lupain.

c)

Pagbenta ng Isla ng Moluccas sa Portugal.

7.

Sino ang tinaguriang kauna-unahang bayaning Pilipino?

a)

Humabon

b)

Lapu-Lapu

c)

Magellan

8.

Paano ipinakita ni Magellan ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga pinuno ng mga katutubong Pilipino?

a)

Pinadala niya ang mga Pilipino sa Espanya

b)

Siya ay nakipagsanduguan

c)

Siya ay nakipaglaban

9.

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. I-tap ang titik ng tamang sagot.


1- Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan at nakipagdigmaan sa mga katutubong Pilipino

2-Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan at nakipagdigmaan sa mga katutubong Pilipino

3-Napadpad sa pulo ng Homonhon sa bukana ng Leyte sina Magellan upang magpahinga at mangalap ng pagkain

a)

1,2,3

b)

2,3,1

c)

3,1,2

10.

Sino sa mga mananakop ang tinaguriang kauna-unahang mananakop na Espanyol at gobernador-heneral ng Pilipinas?

a)

Miguel Lopez de Legazpi

b)

Ruy Lopez de Villalobos

c)

Ferdinand Magellan

11.

Sino ang hari ng Espanya na nagpadala kay Miguel Lopez de Legazpi para sa ekspedisyon sa Silangan?

a)

Haring Carlos

b)

Haring Felipe

c)

Haring Alejandro

12.

Kailan naging ganap na kolonya ng Espanya ang ating kapuluan?

a)

Nang makabalik ang barkong Victoria sa Espanya

b)

Nang dumating si Miguel Lopez de Legazpi

c)

Nang makipagsanduguan si Ferdinand Magellan

13.

Ano ang kauna-unahang pamayanang Espanyol sa Pilipinas?

a)

Maynila

b)

Homonhon

c)

Cebu

14.

Ano ang ginawa ng grupo ni Raha Tupas sa kanilang pakikipaglaban sa mga Espanyol?

a)

Binigyan nila ng mga pagkain ang mga Espanyol tulad ng isda, niyog at saging.

b)

Sinunog ng mga katutubo ang kanilang mga bahay upang hindi mapakinabangan o magamit.

c)

Pinuwersa nila ang Espanyol na manirahan sa mga kabundukan

15.

Aling lugar ang idineklara ni Miguel Lopez de Legazpi bilang kabisera o kapitolyo ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas?

a)

Negros

b)

Maynila

c)

Cebu

16.

Alamin ang tamang sagot:


Pagsasama-sama ng mga katutubong Pilipino sa isang lugar upang madaling mapamahalaan ang kolonisasyon.

a)

Reducciones

b)

Tributo

c)

Kristiyanismo

17.

Alamin ang tamang sagot:


Naghati-hati ang iba’t ibang orden ng mga pari sa iba’t ibang lugar at ang mga ito ay nahati sa mga dayoses at parokya

a)

Reducciones

b)

Kristiyanisasyon

c)

Tributo

18.

Alamanin ang tamang sagot:


Sapilitang pinabayad ang mga katutubong Pilipino ng walong reales bilang pagkilala sa kapangyarihan ng Espanya.

a)

Polista

b)

Buwis o Tributo

c)

Encomienda

19.

Alamin ang tamang sagot:


Magtatrabaho nang sapilitan ang mga lalaking nasa tamang edad upang gumawa ng mga tulay, kalsada at simbahan.

a)

Polista

b)

Encomienda

c)

Polo Y servicio

20.

Alamin ang tamang sagot


Ibinigay ang karapatang mamahala ng lupain sa isang tao o institusyon sa ngalan ng hari ng Espanya.

a)

Polista

b)

Encomienda

c)

Kristiyanismo

21.

Alamin ang epekto sa mga katutubong Pilipino ng mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol:


Napalayo sa pamilya ang mga kalalakihan at napabayaan ang pagsasaka sa mga bukid ng mga katutubong Pilipino.

a)

Polo Y servicio

b)

Encomienda

c)

Polista

22.

Alamin ang epekto sa mga katutubong Pilipino ng mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol:


Kinukuha ng mga Espanyol ang mga produkto sa bukid o ari-arian ng mga Pilipinong hindi nakakabayad ng buwis sa halip na para ito sa kanilang pamilya.

a)

Reducciones

b)

Tributo

c)

Polista

23.

Alamin ang epekto sa mga katutubong Pilipino ng mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol:


Naging katulong sa bahay ng mga Espanyol ang mga Pilipino. Ginamit ng mga Espanyol ang kanilang kapangyarihan na naging dahilan ng pang-aabuso at pagpapahirap sa mga katutubong Pilipino.

a)

Encomienda

b)

Tributo

c)

Reducciones

24.

Alamin ang epekto sa mga katutubong Pilipino ng mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol


Napalayo ang tirahan ng mga Pilipino sa mga bukid o tabing-ilog kung saan sila kumukuha ng ikinabubuhay.

a)

Reducciones

b)

Tributo

c)

Polista

25.

Binigyan ng karapatan ng hari ng Espanya na mag-ari ng lupain sa Pilipinas

a)

kolonyador

b)

encomiendero

c)

Obispo

26.

Buuin ang analohiya


Encomienda – Tributo :

Kristiyanisasyon - ____________

a)

Sapilitang paggawa

b)

Reduccion

c)

Polo y servicio

27.

Bakit ginamit ng mga Espanyol ang paraang ”divide and conquer” upang mas maraming masakop na lugar sa bansa

a)

dahil dahil iba-iba ang kalupaan at katubigan sa Pilipinas

b)

dahil watak-watak ang mga Pilipino

c)

dahil maraming kawal ang mga Espanyol

28.

Ibigay ang tamang pamagat sa mga sumusunod na salita sa ibaba:

Kasal Binyag Orasyon

a)

Kristiyanisasyon

b)

Reduccion

c)

Encomienda

29.

May kapangyarihan ang mga prayle sa parehong pamahalaan at simbahan.

a)

Tama

b)

Mali - gobernador

30.

Pinangalanan ang bawat bayan at binigyan ng patrong santo para sa kapistahan nito.

a)

Tama

b)

Mali - bayani

31.

Pinarusahan ang sinumang hindi sumunod sa gawaing pang-Katoliko at babalik sa katutubong gawain.

a)

Tama

b)

Mali - pampamahalaan

32.

Upang opisyal na kasapi ng simbahang Katoliko, kailangang magpakasal ang isang katutubong Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali - magpabinyag

33.

Parehong naging tungkulin ng simbahan at pamahalaan ang pagpapalaganap ng kabutihan.

a)

Tama

b)

Mali - Kristiyanismo

34.

Dahil sa kakulangan ng opisyal na Espanyol, napunta sa ibang Pilipino ang pagpapatakbo ng pamahalaan.

a)

Tama

b)

Mali - Prayle

35.

Dayoses: _______________

Parokya : Padre Kura

a)

Prayle

b)

Obispo

c)

Santo Papa

36.

Alin ang HINDI paglalarawan sa tungkulin ng prayle para sa pamahalaan?

a)

Sila ay ay naging makapangyarihan sa kolonya.

b)

Nagbinyag sa mga katutubong Pilipino upang maging kasapi ng simbahang Katoliko

c)

Namamahala ng eleksyon para sa gobernadorcillo at cabeza de barangay.

37.

Ang lahat ay ginawa ng mga Espanyol upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa kolonya maliban sa isa, alin ito?

a)

Ipinakilala ang mga gawaing pang-Katoliko tulad ng pagsisimba tuwing Linggo.

b)

Nagpatayo ng malalaking simbahan

c)

Hinayaan ang mga Pilipinong pumili ng gusto nilang relihiyon.

38.

Bakit hindi nasakop at hindi naging Katoliko ang ibang katutubong Pilipino?

a)

Binigyan nila ng regalo at salapi ang mga Espanyol upang hindi sila sakupin

b)

Nilabanan nila ang mga Espanyol.

c)

Sumuko ang mga katutubong Pilipino.

39.

Ito ang pagkakaisa ng simbahan at pamahalaan upang mapalaganap ang Kristiyanismo sa kolonya.

a)

Kasunduan ng Tordesillas

b)

Patrona Real

c)

God, Gold and Glory