NEW
Font size
Worksheets3RD GRADING SUMMATIVE TEST IN AP
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
Ito ay isang samahan o organisasyong politikal na itinaguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
Pamahalaan
Mamamayan
Proyekto
Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang _________ na siyang puno ng bansa, katuwang ang ____________.
Gobernador at Bise Gobernador
Presidente at Bise Presidente
Alkalde Mayor at Bise Alkalde Mayor
Ang pamahalaan ay may ___________ magkakaugnay na mga sangay. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.
isa
dalawa
tatlo
Ang Pilipinas ay isang __________ at republikanong Estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamumunuan ng pamahalaan.
Demokratiko
Awtokratiko
Diktador
_____________ sangay ay pinahihintulutang gumawa ng mga batas, mga amyenda, at magsawalang bisa ng mga ito gamit ang kapangyarihang ibinigay ng Kongreso ng Pilipinas.
Ehekutibo
Lehislatura
Hudikatura
Nahahati ang Lehislaturang Sangay sa ____________ at _____________.
Senate at Congress
President at Vice President
Mayor at Vice Mayor
____________ sangay ay may kapangyarihan lutasin ang mga sigalot sa pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas.
Ehekutibo
Lehislatura
Hudikatura
Ang ____________ sangay ay binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na kapwa inihalal ng boto ng nakakarami at nagsisilbi sa loob ng anim na taon.
Ehekutibo
Lehislatura
Hudikatura
Ang ______________ ay itinatag para sa kapakanan at pangangailangan ng lahat ng mga taong sakop nito.
mamamayan
pamahalaan
programa
Kailangan ng isang bansa ang pamahalaan dahil sa iba’t ibang gampanin nito para sa kanyang mamamayan.
Tama
Mali
Tungkulin ng pamahalaan na gumawa ng batas, magpatupad ng batas at bigyan ng pagpapakahulugan ito.
Tama
Mali
Hindi pinagtutuunan ang iba pang gawain na ang ilan ay iniatas pa ng Saligang Batas katulad ng gawaing panseguridad, kaayusang panlipunan, pang-ekonomiya at katarungang panlipunan.
Tama
Mali
Pinapangalagaan ng pamahalaan ang bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling Hukbong Sandatahan na magtatanggol sa bansa at magpapanatili ng katatagan nito.
Tama
Mali
Hindi ito nagtatakda ng mga batas upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga tao sa mga tinatamasang karapatan.
Tama
Mali
Sa katarungang panlipunan may programa din ang pamahalaan upang mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng biktima at akusado tulad halimbawa ng Witness Protection Program ng Kagawaran ng Katarungan na nagbibigay seguridad sa mamamayang testigo laban sa akusado sa pagkakasalang kriminal.
Tama
Mali
Binibigyang prayoridad din ng pamahalaan ang edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga paaralan at pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang sa kolehiyo.
Tama
Mali
Ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng babala sa mga mamamayan kung may kalamidad tulad ng bagyo, lindol, baha, pagputok ng bulkan at epidemya.
Tama
Mali
Tinutulungan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mamamayang katulad ng nasalanta ng mga kalamidad, bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan at iba pang sakunang dulot ng kalikasan at gawa ng tao.
Tama
Mali
May pabahay na inaalok ang pamahalaan sa abot kayang halaga para sa mga iskwater sa kalunsuran.
Tama
Mali
Pinangangasiwaan din ng pamahalaan ang pisikal, pangkabuhayan, panlipunan, at pangkulturang kaunlaran ng bawat mamamayan, isa na dito ay ang pagpapagawa ng mga kalsada, mga tulay at mga gusaling pampubliko para sa kaunlaran ng buong bansa.
Tama
Mali
Ang pambansang ahensiyang naatasan ng pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan.
Department of Health
Department of Education
Armed Forces of the Philippines
Ang ahensiyang responsable sa pamamahala at pagpapanatili ng mataaas na kalidad ng edukayon.
Department of Health
Department of Education
Armed Forces of the Philippines
Ang pangunahing lakas tagapagtanggol ng bansa. Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa dayuhang mananakop, mga taong nais mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa, at sila ang tumutulong sa mga mamamayan sa oras ng sakuna.
Department of Health
Department of Education
Armed Forces of the Philippines
Ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsable sa pagpapatayo at pagpapanatili ng mga imprastraktura.
Department of Public Works and Highways
Department of Education
Armed Forces of the Philippines
May tungkuling mangalaga at magpalawak ng maaasahang sistema ng transportasyon sa bansa.
Department of Public Works and Highways
Department of Transportation
Armed Forces of the Philippines
Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang mapabilis ang komunikasyon ng mga tao. Nilalayon ng National Broadband Plan na mapabilis ang paglawak ng paggamit ng fiber optics cables at wireless na teknolohiya upang mapagbuti ang bilis ng internet.
Department of Public Works and Highways
Department of Transportation
Department of Information and Communications Technology
Ito ay responsable sa pagtatayo ng farm-to-market roads, post-harvest facilities, at mga pasilidad na patubig o irrigation.
Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform
Department of Transportation
Department of Information and Communications Technology
Ang agrikultura ay isa sa mahahalagang industriya sa bansa. Binubuo ito ng panggugubat (forestry), pag-aani (crop production), pagsasaka ng hayop (livestock farming), at pangingisda (fisheries). Kaya naman bilang pagpapaunlad ng sektor na ito, binibigyan ng suporta ang mga magsasaka gaya ng pagtuturo at pagsasanay hinggil sa makabagong mga paraan sa pagsasaka.
Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform
Comprehensive Agrarian Reform (CARP)
Department of Information and Communications Technology
Nagbabayad ng tamang buwis ang mamamayang may mga negosyo sa ating barangay o bayan.
Tama
Mali
Tinugunan ng gobernador ang kahilingan ng paaralang na magkaroon ng dagdag na kaguruan.
Tama
Mali
Hindi nabibigyan proteksyon ang bawat namamahala sa pamahalaan.
Tama
Mali
Nagkaroon ng programang pangkalusugan para sa mga batang limang taon pababa.
Tama
Mali
Nagpupulong ang mga kasapi ng barangay para sa pakikipagtulungan sa mga nangyayari sa ating bayan.
Tama
Mali
Tungkulin ng pamahalaang panlalawigan na kumilos para sa kaunlaran at pamamahala ng mga yunit na kaniyang nasasakupan. Tinatawag na Sangguniang Panlalawigan ang sangay ehekutibo nito. Gobernador ang namamahala sa kanila.
Tama
Mali
Sa mga bayan at lungsod naman ay tinatawag itong Sangguniang Pambayan at Sangguniang Panlungsod. Katuwang sila ng alkalde sa pagpapatupad ng mga programa.
Tama
Mali
