wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paikot na daloy ng ekonomiya

Total questions: 18

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?

a)

Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

b)

Kita at gastusin ng pamahalaan

c)

Kalakalan sa loob at labas ng bansa

d)

Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal

2.

Katuwang ng bahay-kalakal at sambahayan sa mga desisyong panghinaharap

a)

Pamilihang Pampinansiyal

b)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

c)

Pamilihan ng mga salik sa produksiyon

d)

Pamilihang Panlabas

3.

Tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at bahay-kalakal mula sa buwis na nakolekta nito

a)

Panlabas na sektor

b)

Negosyo

c)

Pamahalaan

d)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

4.

Ginagamit ng bahay-kalakal upang maihatid sa sambahayan ang mga nalikha nitong produkto at paglilingkod

a)

Pamilihang Pinansiyal

b)

Pamilihan ng salik sa produksiyon

c)

Pamilihang panlabas

d)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

5.

Tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkod

a)

Sambahayan

b)

Bahay-kalakal

c)

Pamahalaan

d)

Panlabas na sektor

6.

Nakikipag-ugnayan sa bahay-kalakal at sambahayan sa pamamagitan ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng produkto.

a)

Pamahalaan

b)

Panlabas na sektor

c)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

d)

Pamilihang panlabas

7.

Dito natutugunan ng bawat bansa ang kani-kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa

a)

Pamilihan ng Salik sa produksiyon

b)

Pamnilihan ng kalakal at paglilingkod

c)

Pamilihang Pinansiyal

d)

Pamilihang Panlabas

8.

Nagmamay-ari at tagatustos ng mga salik sa produksiyon

a)

Sambahayan

b)

Bahay-kalakal

c)

Pamahalaan

d)

Panlabas na sektor

9.

Katuwang ng sambahayan upang maihatid ang mga salik sa produksiyon sa bahay-kalakal

a)

Pamahalaan

b)

Pamilihang Pinansiyal

c)

Pamilihan ng mga Salik sa Produksiyon

d)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

10.

Tumutukoy sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.

a)

Tubo

b)

Upa

c)

Interes

d)

Sahod

11.

Pera o kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan

a)

Investment

b)

Stocks

c)

Asset

d)

savings

12.

Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa

a)

Sambahayan dahil sa kanya nagmumula ang mga salik ng produksiyon

b)

Sa bahay-kalakal dahil siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat

c)

Sa pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang-ekonomiya

d)

Sa lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin sa isa’t-isa

13.

Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?

a)

Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproses ng bahay- kalakal

b)

Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal

c)

Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal

d)

Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal

14.

Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?

a)

Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang nagbabayad ng buwis

b)

Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store

c)

Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis

d)

. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader

15.

Dahil ang impok o savings ay kadalasang inilalagak sa mga institusyong pampinansiyal, itinuring itong cash outflow o kitang lumalabas sa ekonomiya. Anong gawain ang muling magbabalik nito sa ekonomiya?

a)

Paggasta

b)

Pagkonsumo

c)

pagtitipid

d)

Pamumuhunan

16.

Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php21,000, magkano ang maaari niyang ilaan para sa pag-iimpok?

a)

Php 1,000

b)

Php 2,000

c)

Php 3,000

d)

Php 4,000

17.

Sa paikot na daloy ng ekonomiya, si Rey ay bahagi ng sambahayan na nangangailangan ng mga produkto at serbisyo. Ang Rebisco Corporation naman ay isa sa mga bahay-kalakal na lumilikha ng mga produktong kailangan ni Rey. Anong sektor ang magsisilbing tulay sa pagitan ni Rey at ng Rebisco Corporation?

a)

Pamahalaan

b)

Financial Market

c)

Product Market

d)

Panlabas na sektor

18.

Sa ikaapat na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, binigyang diin ang papel ng pamahalaan. Bagama’t likas ang kapangyarihan nito na kumolekta ng buwis sa kanyang mamamayan, obligasyon niyang ibalik ito sa pamamagitan ng mga pampublikong paglilingkod gaya ng pagpapagawa ng kalsada, libreng tulong medikal at iba pa. Alin sa mga sumusunod na islogan o linya na madalas makita sa mga proyekto ng

a)

“Tuition mo sagot ko: Scholarship program by Mayor Madugas"

b)

“Construction of Multi-purpose building: Hali sa karahayang boot ni Congressman"

c)

“Proyekto para sa Nagueño hali sa buwis kan mga Nagueño”

d)

“Relief Operation sponsored by the office of the Governor”