Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 9

Total questions: 45

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?

a)

Kumakain nang sabay sabay ang mga miyembro ng pamilya

b)

Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay

c)

May "feeding program" ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang

d)

May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa pelengke upang makauwi ito nang maaga

2.

Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?

a)

Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa

b)

Inaalam ng mga guro ang mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan

c)

Binisita ng guro ang mga mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kaniyang mga magulang na bumalik ito sa pag-aaral

d)

Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketball

3.

Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?

a)

Palaging nakasasalamuha ang kapuwa

b)

Paggalang sa karapatan ng bawat isa

c)

Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap

d)

May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao

4.

Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?

a)

Natututong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya

b)

Nagiging bukas ang loob na tumatanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba

c)

Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid

d)

Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.

5.

Bakit mahalaga sa katarungan na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?

a)

Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos

b)

Ang moral at legal na batas at parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao

c)

Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas

d)

Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan

6.

" Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas". Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?

a)

Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay

b)

Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito

c)

Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay ung susuwayin niya ang mga itinakdang batas

d)

Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay

7.

Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay katarungang panlipunan?

a)

Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan

b)

Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa

c)

Igalang ang karapatan ng kapuwa

d)

Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan

8.

Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?

a)

Binubuo ng tao ang lipunan

b)

Magkasama na umiiral sa lipunan ang mga tao

c)

Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan

d)

May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay

9.

Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa

a)

Pag-unawa sa kamag-aral na palagiang natutulog sa klase

b)

Paggabay ng magulang sa anak habangito ay lumalaki

c)

Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi

d)

Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw

10.

Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba't ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita ng kagalingan ng tao sa paggawa?

a)

Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan

b)

Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay

c)

Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan

d)

Nagkakaroon ng kadahilanan ang mga tao upang mabuhay

11.

Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong "Ang latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo" upang makaipon ng maraming lata na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan, Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang ayon sa sitwasyon?

a)

Gumawa ng produktong kikita ang tao

b)

Gumawa ng produktong makatutulong sa tao

c)

Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao

d)

Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng tao

12.

Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan sa paggawa?

a)

Ginagawa niya ng may kahusayan ang kaniyang tungkulin

b)

May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang trabaho

c)

Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap

d)

Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa

13.

Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 Taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene

a)

Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang pinaglingkuran.

b)

Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang maggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi nang kaniyang karapatan bilang isang manggagawa.

c)

HIndi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya

d)

Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.

14.

Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?

a)

Masipag, madiskarte, at matalino

b)

May pananampalatay, malikhain, may disiplina sa sarili

c)

Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa

d)

May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili

15.

Malapit na ang Pasko para sa mga Kristyano, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa ng mga ito?

a)

materyal na bagay at pagkilala ng lipunan

b)

personal na kaligayahan na makukuha mula rito

c)

pag-unlad ng sarili, kapuwa, at bansa

d)

kaloob at kagustuhan ng Diyos

16.

Pinalitan ni Leslie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa sumusunod ang dapat niyang linanging upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kaniya?

a)

Mapagpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro

b)

Gamitin ang ganda, angking karisma, talino, at kasipagan

c)

Maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho

d)

Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito

17.

Bata pa lang si Juan Daniel, pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kaniya na upang maabot ang pangarap at sa huli'y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?

a)

Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili

b)

Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos

c)

Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipagusap

d)

Magkaroon ng kakahayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon

18.

HIndi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andoks. Sa kabila ng mga pagsubok, napagtagumapayan niya parin ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay? *

a)

Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan

b)

Pinag-aralan ang sitwasyon at pinagisipan ang gagawing hakbang

c)

Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya

d)

Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok

19.

Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama?

a)

Laging nakikinig sa iba't ibang instrumentong pangmusika si Robert Del Rosario, imbentor ng karaoke

b)

Gumugugol ng maraming oras si Leonardo Da VInci upang pagmasdan ang ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon

c)

Pinauunlad ng magsasakang hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem

d)

Inoobserbahan ng mga Scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo ng konklusyon tungkol dito.

20.

Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:

a)

Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad

b)

Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.

c)

Nakakatulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapuwa, at lipunan.

d)

Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sasarili, mahabang pasensiya, katapatan, at disiplina.

21.

Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?

a)

Hindi umiiwas sa anumang gawain.

b)

Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.

c)

Hindi nagrereklamo sa ginagawa

d)

Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.

22.

Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?

a)

Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa nang mayroong pagkukusa.

b)

Masipag mag-aral si Hans; sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito nang buong husay.

c)

Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.

d)

Sa tuwing gumagawa ng proyeto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksiyon dito.

23.

Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.

a)

Kasipagan

b)

Katatagan

c)

Pagsisikap

d)

Pagpupunyagi

24.

Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.

a)

Pag-iimpok

b)

Pagtitipid

c)

Pagtulong

d)

Pagkakawanggawa

25.

Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay, Francisco Colayco maliban sa:

a)

para sa pagreretiro

b)

para sa hangarin sa buhay

c)

para maging inspirasyon sa buhay

d)

para sa proteksiyon sa buhay

26.

Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:

a)

ito ng pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho

b)

ito ay pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay

c)

ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan

d)

Ito ay magdadala ng panganib sa buhay

27.

Ang oras ay kaloob na ipagkakatiwala ng Diyos sa tao." Ano ang kahulugan nito?

a)

Masuwerte ang tao dahil binibigyan siya ng oras.

b)

Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.

c)

Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkatiwala ito sa kaniya.

d)

Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kaniyang kapuwa at ng bansa.

28.

Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa anumang aspekto?

a)

Pamamahala ng oras

b)

Nagagawa ang lahat na gawaing bahay.

c)

Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan.

d)

Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura.

29.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?

a)

Mapabilis ang paggawa

b)

Magkakaroon ng sense of achievement

c)

Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa

d)

Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura

30.

Si Allen ay nagsisikap na gawing "On time" ang "Filipino time." Alin sa mga sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?

a)

Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.

b)

Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siyang gawin ito.

c)

Hindi siya laging nahuhuli sa "Flag Ceremony" kahit malayo ang kanilang bahay.

d)

Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtataya.

31.

Si Mau ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangan isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa pagkakataong ito?

a)

Magtakda ng tungguhin

b)

Gumagawa ng prayoritisasyon

c)

Bumuo ng iskedyul

d)

Pamahalaan ang pagpabukas-bukas

32.

Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaularan ng bansa." Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?

a)

Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa.

b)

Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.

c)

Gamitin ang oras upang tuklasin ang kayang gawin sa pagpaunlad sa bansa.

d)

Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para sa bansa.

33.

Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?

a)

Pagsisikap sa mahirap na gawain

b)

Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn

c)

Paggawa ng maayos at pagtatapos ng gawaing bago ang takdang oras.

d)

Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayos ang kalalabasan ng ginagawa

34.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pag-iiskedyul ng mga gawain?

a)

May tungguhin, prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pangkawanggawa

b)

May tungguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa

c)

May tungguhin, prayoridad, espasyo para sa interapsiyon, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa

d)

May tungguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa, master iskedyul

35.

Ano ang kahalagahan ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa sa iyo at sa bansa pagkatapos ng iyong paggawa?

a)

Magagamit ang mga ito ayon sa gusto mong gawin para sa sarili at sa bansa

b)

Magsisilbi ang mga ito na regalo mo sa iyong sarili nang dahil sa iyong tagumpay sa paggawa.

c)

Mapatutunayan ng mga ito ang iyong pagiging katiwala sa oras

d)

Mababalanse ng mga ito ang iyong buhay at mapagpapanibago ang iyong lakas at sigla sa paggawa

36.

Anong pagpapahalaga ang ipinamamalas ng isang taong sinisiguradong may magandang kalidad ang kanyang ginagawa?

a)

Tiyaga

b)

Disiplina sa Sarili

c)

Kasipagan

d)

Malikhain

37.

Anong positibong kakayahan ang naipamamalas sa pagpaplano ng gawain?

a)

Pagkatuto bago ang paggawa

b)

Pagiging malikhain

c)

Pagkatuto pagkatapos ang paggawa

d)

Disiplina sa Sarili

38.

Alin sa mga sumusunod ang isang katangiang dapat taglayin upang makamit ang kagalingan sa paggawa?

a)

Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga

b)

Pagiging epektibo sa paggamit ng oras at pagtitipid

c)

Pagkatuto bago gumawa at habang gumagawa

d)

Pagmamahal sa bayan

39.

Alin ang nagpapahayag na napamahalaan ang pagpapabukas?

a)

Tutok sa prayoridad

b)

May nabuo na tunguhin ng gawain

c)

Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagustuhan

d)

Nagkakaroon ng oras sa pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa

40.

Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?

a)

Malalaman kung bakit kaugnay ng mga ito ang katarungang panlipunan

b)

Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili

c)

Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng paigigng makatarungan sa kapwa

41.

Anong dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang tao?

a)

Katamaran

b)

Kahirapan

c)

Korapsyon

d)

Krimen

42.

Anong pagpapahalaga ang ipinamamalas ng isang taong orihinal at bago ang ideya ng ginagawa kaya't hindi ginagawa nang may pagmamadali?

a)

Disiplina sa sarili at malikhain

b)

Matiyaga at masigasig

c)

Malikhain at masipag

d)

Lahat ng nabanggit

43.

Anong karagdagang kakayahan ang taglay ng isang taong gumagawa sa kabila ng kakulangan sa kanyang pangangatawan?

a)

Pagiging bukas na matuto sa pagkakamali (Dimostrazione)

b)

Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama (Sansazione)

c)

Pagiging bukas sa pagdududa (Sfumato)

d)

Pagpapanatili ng Kalusugan (Corporalita)

44.

Anong katangian ng layunin ang naipamamals kung ito ay makatotohanan at may takdang panahon sa pagkammit

a)

Specific at measurable

b)

Attainable at Time bounded

c)

Realistic at Specific

d)

Attainable at Measurable

45.

Alin sa mga sumusunod ang hindi pangangasiwa o pamamahala ng oras?

a)

Prayoritisasyon

b)

Pagsisimula sa tamang oras

c)

Pamamahala sa Pagpapabukas

d)

Pagiging ningas-cogon